Ang pagkakaisa ay siyang ipinag-uutos ni Allah sa mga Muslim at ito ay isang obligasyon para sa ating lahat. Dito sa mga katagang binigkas ni Bediuzzaman Said Nursi ay makikita kung gaano napakahalaga ng pagkakaisa, “Ang Pagkakaisa sa Islam ay ang pinakatampok na obligasyon sa panahong ito.” Ang estado ng mundo ng Islamiko sa ngayon, ang mga insidenteng nangyayari sa Afghanistan, Iraq, Palestina, Silangang Turkestan at iba pang mga bansa ay napapakita sa atin ng masasamang resulta na dala ng pagkakawatak-watak. Sa harap ng lahat ng ito, upang ang mga kalupitang ito ay mawakasan na at para sa kapakanan at seguridad hindi lamang ng mga Muslim kundi ng buong sangkatauhan, maliwanag ang pangangailangan para sa pagkakaisa ng lahat ng mga Muslim. Gayundin naman, obligasyon para sa bawa’t Muslim ang magsumikap para sa pagkakabuklod ng mundo ng Islamiko.
Subali’t habang ito ay pinagsisikhayan, gaya ng sa bawa’t pagkakataon sa ating mga buhay, ang landas na marapat nating tahakin para sa unyon ng Islam ay yaong landas na ipinakita ni Allah at ng Kanyang Sugo, ang ating Propeta (saas). Yaong namang mga tumatahak sa landas liban sa ipinakita ni Allah at yaong mga pumiling tahakin ang ibang daan base na rin sa kanilang sariling pangangatwiran, interpretasyon at – ayon sa sarili nilang pag-iisip – base sa ating mga nasasaksihan ng nangyayari sa panahong ito ay dapat magising sa katotohanang hindi magtatagumpay ang landas na kanilang pinipili. Ang tulong ni Allah ay makakamit ng taong sumusunod sa Kanyang landas na siyang landasing tinahak ng ating Propeta(saas).
Sa buong kasaysayan ng mundo, nilikha ni Allah ang bawa’t tribo ng may sadyang isang lider, isang pangunahing tao upang mamuno dito. Ito ay nasasaad na pangangailangan sa batas ni Allah. Sa mga lumipas na mga panahon nina Propeta Nuh (as), Propeta Abraham (as), Propeta Moises (as), Propeta Yusuf (as), Propeta Hesus (as) at ng ating Propeta (saas), ang mga banal na sugo o mensahero ni Allah ang siyang mga gumabay sa mga komunidad Islamikong ito bilang mga pinuno ng mga mananampalataya. Maging sa panahon man nina Saul at Dhu’l-Qarnayn, ang mga Muslim ay laging may pinakalider. Mula naman sa panahon pagkatapos ng ating Propeta (saas) hanggang sa malalapit na kasaysayan, ang mga Muslim ay hindi nagtatagal na walang tinatawag na pinakalider. Ang kawalan ng isang ispirituwal na lider para sa mga Muslim sa ating kapanahunan ay isang senyales lamang para sa nakaambang pagdating ng Hazrat Mahdi (as) na siyang naitalaga (predestined) na ni Allah bago pa man. At sa loob ng destinasyong ito, ibibigay ni Allah ang isang katangi-tanging kagandahan para sa buong komunidad Islamiko, matapos ang panahon ng kawalan ng isang ispirituwal na lider, ibinibigay Niya ang mabuting balita ukol sa isang nilalang na may buong pagmamamalasakit at pag-ibig, na may perpektong moralidad, na lubhang mangangalinga sa ating mga Muslim at may ubod lakas na proteksyon ng Islam. Ang nilalang na ito ay ang Hazrat Mahdi (as). Gaya ng nasasaad na preordinasyon ni Allah, ang mundo ng Islamiko ay nanatili na walang isang lider sa loob ng isa’t kalahating siglo, subali’t sa siglong ito masasaksihan ang pagbuo sa atin sa ilalim ng liderato ng Hazrat Mahdi (as).
Gayunpaman, bilang utos na rin ni Allah, yaong mga naghahangad ng Pagkakaisa ng Islam ay marapat na malaman na ito ay maitatatag lamang sa ilalim ng Hazrat Mahdi (as). Ang mundo ng Islamiko ay magkakaisa ng may kapanatagan, ligaya at sigla sa ilalim ng pinakaapo na ng ating Propeta (saas), ang kanyang banal na anak. At dahil sa ito na mismo ang matuwid na daan na ipinaalam ng ating Propeta (saas) sa ating mga Muslim sa pamamagitan ng mga rebelasyon ni Allah.
Ang pamamaraang ipinamamalas ng mga nagsasabi ng “Ang mundo ng Islamiko ay dapat magkaisa” subali’t hindi man lang naaalala o nababanggit ang pangalan ng Hazrat Mahdi (as), o ang subukin man lang na pag-usapan ang sistema ng Mahdi ay masasabi nating walang tunay na sinseridad. Higit pa riyan, ang pamamaraang ito ay labag sa Banal na Qur’an, sa mga Sunnah, sa karunungan at sa katuwiran. Batay sa ganitong pag-uugali, walang linaw sa kung papaanong kaanyuan at kung kaninong liderato dapat magkaisa ang mga Muslim sa kawalan ng isang pinuno. Ang mga sukatan o pamantayan kung papaano ang unyon ay maitatatag ay hindi napapabatid, kung ang mga taong ito ay muling titingin sa Banal na Qur’an at sa mga Sunnah bilang pamantayan, maliwanag na ang mundo ng Islamiko ay nangangailangan ng isang lider. Subali’t kung ang mga taong ito ay nagsasabi na ang mundo ng Islamiko ay dapat na magsama-sama sa kabila ng kawalan ng isang lider, maliwanag na makikita ang tunay na hangarin sa likod ng mga pahayag ng mga taong ito, hindi sila tunay na pabor sa pagkakaroon ng Pagkakaisa sa Islam. Ayon sa mga taong ito, normal para sa kahit na maliliit na grupo ng mga tao ang magkabuklod-buklod at magkaroon ng isang lider. Habang sa paningin nila ay normal para sa mga Katoliko ang magkaroon ng Papa, Patriyarko para sa mga Kristiyanong Orthodox, isang pinuno para sa mga Hudyo at maging sa mga mason na magkaroon ng isang Master, hindi naman normal sa kanila na ang mga Muslim na may 1.5 bilyong populasyon ay magkaroon ng isang lider na tinatawag. Sa ganitong klase ng pangangatuwiran ay mapagtatanto-tanto natin ang tunay na pagnanasa sa kanilang kalooban, kabaligtaran ng sinasabi nila at ito ay ang manatiling nasa pagkakawatak-watak ang mundo ng Islamiko. Maaring binabanggit nila ang mga katagang “ Napakaganda sana kung ang mga Muslim ay magkakaisa na” habang ang sistema naman na kanilang isinusulong na mamayani o maipairal ay nang-eengganyo naman ng hindi pagkakaisa at ng para sa pagkakawatak-watak sa mundo ng Islamiko.
Subali’t sa kaso ng pagkakaroon ng Pagkakaisa sa Islam, dito lubos ang pangangailangan sa pagkakaroon ng Hazrat Mahdi (as). Kung ang Hazrat Mahdi (as) ay magpapakilala na, ang mundo ng Islamiko ay buong katiyakang magkakaisa na. Ito, gaya ng nabanggit sa una, ay isang kondisyon sa batas ni Allah. Sa pamamagitan ng ating Propeta (saas), ipinahayag ni Allah sa ating mga Muslim na sa Panahon ng Pagwawakas ang ating magiging pinuno ay ang Hazrat Mahdi (as). Ang Hazrat Mahdi (as) ay hindi isang tao na magiging pinuno sa pamamagitan ng eleksyon o botohan, bagkus siya ay isang nilalang, na naaayon sa kondisyon ng kanyang destinasyong na naitalaga na ni Allah, ay magiging kasangkapan para sa pagliligtas at pagkakaisa ng mundo ng Islamiko. Sinabi ng Propeta Hesus (as), “Sa Katapusan ng Panahon, ang isang nilalang mula sa aking lahi ay darating, magtatanggal ng kalupitan at kawalan ng hustisya sa mundong ibabaw, ang siyang makapagkakaisa sa mga Muslim at magliligtas mula sa kanilang pagkakalugmok.” Ito ang rebelasyon ni Allah sa Kanyang Sugo at siyang Solusyong ipapakita Niya sa mga Muslim na namumuhay sa Panahon ng Pagwawakas. Kung ang mga Muslim ay hindi tatalima sa daang ito na ipinahahayag ni Allah, at ang balewalain ang Hazrat Mahdi (as), na ang pagdating ay si Allah mismo ang naghayag, at bagkus ay mga kumikilos pa ng hango sa mga makasariling pangangatwiran, ang naghihintay na kabayaran sa ganitong estado nila sa Paningin ni Allah ay lalong malubha at malaking pagsisisi para sa kanila.
Sa isang kalagayang may buong lugod na pag-aalay at pagtalima sa landas patungo kay Allah, ang mga tunay na mananampalataya ay makadarama ng mga ibayong pagpapala, kagandahan at ligaya sa pamumuhay sa Panahon ng Pagwawakas, at sadyang mangangarap sila na makita na sa madaling panahon ang Hazrat Mahdi (as) at ang maghangad sa pagkakaisa ng lahat ng mga Muslim sa ilalim ng kanyang pamumuno. Dapat pa rin nating mabatid na kahit na hindi gustuhin ng ilang tao o maging ang magsikilos upang labanan ito, Insha'Allah, ang pangako ni Allah ay buong katiyakang magaganap at ang Pagkakaisa sa Islam ay maitatatag sa pamunuan ng Hazrat Mahdi (as). Sa siglong ito, masasaksihan ang panahon na ang Hazrat Mahdi (as) ay magiging instrumento sa paglaganap nag moralidad batay sa Islam, ang pamamayagpag at pamamayani nito sa buong mundo, at ang pagsilay sa ilaw ni Allah na siyang magbibigay kaliwanagan sa buong sangkatauhan.