Kung ang isang tao ay susulyap at magmamasid sa kanyang paligid matutunghayan niya ang hindi mabilang na pagpapatunay sa walang depekto o walang pagkakamaling kasiningan sa paglikha ni Allah at pati na ng Kanyang kapangyarihan sa paglikha. Halimbawa, sa tuwing ang isang tao ay titingin sa salamin, ang karaniwang makikita niya ay ang isang proporsyonado at may magandang hitsurang nilalang, nguni’t kaalinsabay nito mapupuna rin niya ang kanyang mga kahinaan at kakulangan.
Ang mga tao ay patuloy sa pagsisikap na maialis ang mga depekto at kahinaan sa kanyang pangangatawan at ang makamit ang isang mas malinis at mas malusog na kaanyuan. Sa katunayan, maraming mga pabrika ay naglalaan nga ng panahon para sa mahahabang proseso ng pananaliksik at produksyon upang makapagbigay ng mga produkto na magiging kasangkapan upang matugunan ang iba't ibang pangangailangan ng tao.
Isang mahalagang punto ang nararapat na mabanggit dito; alam nating si Allah ay ang Tagapaglikha at Naghahawak ng lahat ng mga bagay-bagay. Batid ng mga mananampalataya na tanging si Allah lamang ang lumilikha ng mga produktong ito at kasama pati na ang bawa’t bahagi ng kanilang produksyon.
Bilang bagay na kailangan sa Kanyang pagsusubok, sinadyang likhain ni Allah ang tao na may maraming mga kahinaan. Siya rin naman ang nagpapakita sa tao kung papaano ang mga kahinaang ito ay maaaring maiwaksi, sa anong kaparaanan, at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang kagustuhan, kayang-kaya Niyang likhain ang anumang bagay ng walang bahid ng kamalian.
Ang isang mananampalataya na nag-iisip patungkol sa mga detalye, parehong sa pisikal na anyo at nilalaman na kemikal sa mga produktong ito, ay mas mahusay na mapag-aalaman ang kasiningan sa Paglikha ni Allah. Ang isang taong namang hindi marunong tumingin gamit ang mga mata ng pananampalataya ay hindi kailanman mapagtatanto ang mga detalyeng ito. Gayunman, sa pagkakaroon ng kamulatan na ang bawa't bagay ay naaayon sa Paningin ni Allah bilang mga “pagkakataon” ( moment ) at na ang bawa't bagay ay tanging si Allah lamang ang lumilikha, buo sa isipan at pagtitiwala ng isang mananampalataya na ang isang produkto sa katunayan ay nilikha bago pa man siya ay ipinanganak. Batid niya na ito ay may sinadya na ( preordained ) na merkado at pati na kung sa aling mga eskaparate ang mga produkto ito ay malalagay upang iaalok na maibenta. Sa pagiging mulat sa kung paano ang Allah ay nagmamalasakit sa mga tao, ang isang tunay na mananampalataya ay walang-patid na nagbibigay-pasasalamat kay Allah