“…Walang anumang bagay na gumagapang sa ibabaw ng kalupaan kundi bukod-tangi na Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I), at ito ay nasa ilalim ng Kanyang Kapangyarihan at Pangangasiwa. Katiyakan, ang aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay Siyang nasa Matuwid na Landas...” (Surat Hud, 56)
Pinaghahandaan ng mga hayop ang mga dumarating na pagbabago sa panahon; ito ay nagaganap ng independiyente mula sa mga di-inaasahang pagbabago sa panahon gaya ng niyeba sa buwan ng Nobyembre at ng biglang pagsikat ng araw o tag-init sa buwan ng Marso. Papaano na ang mga may-buhay na nilalang na ito na walang kamulatan (conciousnessness) ay nakagagawa ng ganitong perpektong kaayusan?
Ang mekanismong ito ay sadyang napakaselan kung kaya kahit na may mga kaso ng pabigla-biglang pagbabago sa panahon, hindi ito dapat makapagbigay ng ibang reaksyon bukod sa itinakdang inaasahan. Bukod dito, ang mekanismo na ito ay sinadya upang paganahin ang katawan ng mga hayop ng akma sa mga pagbabago sa kapaligirang gagalawan at gayundin naman para maihanda sila sa mga pagbabago sa loob at labas ng kanilang mga katawan (biological),hindi ito simpleng kaso ng adaptasyon (o pag-ayon ng sistema ng katawan) lamang sa oras na isilang na sila sa mundo. Halimbawa, bago dumating ang taglamig sila may kakanyahang makagawa ng makapal na balat o balahibo na babalot kani-kanilang mga katawan bilang paghahanda sa parating na taglamig o niyebe.
Ang tanging elemento na palaging nananatiling tiyak na dumarating sa oras sa loob ng bawa’t isang buong taon sa buhay ng mga nilalang ay ang liwanag o pagsikat ng araw (daylight). Gamit ng mga hayop ang haba ng araw at gabi upang maunawaan kung anong panahon ng taon na sila naroroon. Isang panloob na orasan ang nagkakarkula ng oras ng liwanag at dilim. Ito ay isang perpektong orasan na bumibilang sa mga minuto at maging sa mga segundo, panloob na orasang mahalaga para sa pagyabong at kaligtasan ng buhay ng mga hayop. Tunay na imposible para sa mga buhay na nilalang na ito na makagawa sa sarili lamang nilang kaparaanan sa ganitong kritikal na kaayusan sa kanilang katawan. Tanging si Allah lamang ang kayang mamigay ng lahat ng mga natatanging bagay na ito sa kanila.
Ang susi na nagsisiguro sa tamang timpla o tono ng pagbabago sa panahon ayon sa pag-ikot ng liwanag at ng dilim ay ang hormone secretion. Ang natatanging chemical signal na nagtatransmit ng mga pag-uugali batay sa nakatakdang panahon (seasonal behaviours) at pagbabago sa utak (physiological change) ayang thyroid stimulating hormone (TSH).
Ang mekanismo, na nag-uugnay sa pang-araw-araw na 'circadian clock' sa taunang orasan ng panahon (seasonal clock), ay ang siyang nagtatakda sa produksyon ng TSH - mataas na antas sa panahon ng tagsibol at pagbaba nito sa panahon naman ng tag-lagas. Gayundin ang melatonin, isa pang hormone, ay bumubuo ng isang sistema na sumusukat sa haba ng gabi. Ang mahabang duration signal melatonin ay nagdadala ng isang pisyolohiyang pang-taglamig habang ang maikling duration signal melatonin naman ay dala ang isang pisyolohiyang pang-tag-init. Ang mga epekto ng photoperiod / melatonin sa magkakaibang aspeto ng panahunang pisyolohiya (seasonal physiology) ay pinaniniwalaang bunsod ng mga melatonin receptor na nagpaparating naman sa hanay ng iba't ibang neural, pituary at maaring maging sa mga peripheral target cells. Ang pana-panahong pagbabago batay sa haba ng pagsikat ng araw ay ginagamit ng mga hayop upang i-akma ang mga pangunahing kaganapan sa buong kasaysayan ng buhay nila kabilang na ang paglilipat (migration), luno (molting), at pagpapalahi (reproduction).
Tunay na ang lahat ng mga istruktura at mga takdang gamit ng lahat ng bagay ay sanhi at likha ng walang iba kundi ng ating Panginoong si Allah sa mundong ito. Patuloy si Allah sa paglikha ng mga puro at walang bahid na kamaliang mga bagay at kaganapan at kaluwalhatian, kaalinsabay ito sa mga pagsubok sa mundong ito. Walang alinlangan na ang Allah ay maaaring lumikha rin kahit na walang kadahilanan. Ang bawa't bahagi kabilang ang mga sanhi nito ay isang pagpapahayag ng kaluwalhatian ng paglikha ng Allah. Ito ay ang mga walang kamalian at mga natatanging-likha ng Allah.
Narito ang nahahayag sa Banal na Qur’an:
“Hindi ba nakita ng mga tao kung paano Namin nilikha sa pamamagitan ng Aming mga Kamay para sa kanila ang mga hayop upang maging madali ang pakinabang nila rito, at ito ay kanilang nakukuntrol?”(Surat al-Yasin 71)
“At katiyakan, para sa inyo, O kayong mga tao, ang aral na napakikinabangan ninyo mula sa paglikha ng kamelyo, baka at kambing…”(Surat Al-Muminun 21)
“At Siya ang Lumikha ng lahat ng bagay, at Kanyang ginawang angkop ang pagkalikha ayon sa magiging bunga ng Kanyang karunungan na walang kakulangan at walang kalabisan…”(Surat Al-Furqan 2)