Ang pagpigil ng armada ng Israel, paggamit ng sobrang puwersa at karahasan, sa mga barkong lulan ang tulong (humanitarian aid) para sa Palestina ay kinokondena ng lahat ng taong may mabubuting konsensiya at nasa sa tamang pag-iisip (common sense). Kami ay marubdob na nananalangin sa Mahabaging Allah para sa mga kapatid nating nagbawian ng buhay at umaasa sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan at nasaktan.
Iniuutos ni Allah na ang lahat ng Muslim ay magkaisa. Hangga’t ang mundo ng Muslim ay bigo sa pagtupad sa siyang iniuutos ni Allah na nasusulat sa Banal na Qur’an, hangga’t bigo tayo na mabuo ang Unyong Turko-Islam, maliwanag na ang mga ito at iba pang paghihirap ay magpapatuloy. Ang mga pagdurusa, mga masaker, mga kaguluhan at pagpapahirap ay hindi na bago. Ang mga Muslim ay walang habas na sinisikil ang mga karapatan sa loob ng kalahating siglo na. Sa laki ng populasyon natin na 1.5 bilyong katao, ang mundo ng Islam ay sadyang magiging ganap na maimpluwnesiyang puwersa sa pagkakaroon ng kapayapaan, pagmamahalan at kapanatagan. Ang kuropsiyon at pagdanak ng dugo ay matatapos lamang sa pagtatatag ng Unyong Turko-Islam. Ang Unyong Turko-Islam ay maliwanag at may kasiguruhang solusyon para mai-salba ang Palestina, Iraq, Afghanistan, Silangang Turkestan, Crimea, Kirkuk at Moro. Ang Unyong Turko-Islam ay garantiya para sa lahat, mga Hudyo man , mga Kristiyano man, mga tagsunod ng Budismo man at ibang tao ng paniniwala’t opinyon, at hindi lamang para sa mga Muslim. Kapag naitatag na ang Unyong Turko-Islam, ang mga Hudyo, mga Kristiyano, mga Muslim at buong sangkatauhan ay makakapamuhay na ng may kapanatagan.
Ang buong mundo ng Islam ay nararapat na sumunod agad sa ipinag-uutos ng ating Panginoon, “At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay…” at ang magka-isa, buuin ang isang Unyong Turko-Islam na siyang partikular na magtatapos sa lahat ng paghihirap ng mga Muslim, at ang mapalaganap na ang kapayapaan at kanapatagan na siyang inaasam ng mundo.