Lingid sa kaalaman ng mundo, patuloy at laganap ang paniniil at karahasang pinagdaraanan ng mga Muslim sa Pattani, isang nagsasariling rehiyon (autonomous region) kadugsong sa bansang Thailand. Ang nakakakilabot na katotohanan, na sa gitna ng mayabong at mayaman na lupaing ito sa Timog Silangang Asya, may 200 daang taon nang nagaganap ang masidhing kalupitang ito.
Ang panggigipit sa mga Muslim sa Pattani ay nagsimula pa sa panahon ng Rama dynasty ng mapasailalim sa mga ito ang pamamahala ng buong Pattani noong 1872. Ang Bangkok ang ginawang sentro ng dinastiyang nabanggit, at siyang nagtatag ng isang sentralisadong administrasyon. Dito na nagsimula ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim ng Pattani at mga lokal na mga mamamayang tinatawag na mga Siamese. Maraming mga bayan sa Pattani ang sinunog at gumuho sa gitna ng mga kaguluhang ito, maraming posisyong pandepensiba ang militar na nasira at may 4,000 Muslim mula sa Pattani ang kinuhang bihag ng mga taga-Siam.
Ang patuloy na pagpigil sa pagbubuo ng isang unyong Islamiko habang ang mga mosque sa Pattani ay nire-raid ng mga tropang Thai at ang mga Muslim ay minamartir sa gitna ng kanilang pananalangin, habang ang mga Muslim ay walang habas na minamartir, na walang tinitingnan mapa-lalaki man, mapa-babae, mapa-bata o mapa-matatanda pa, habang ang mga Muslim ay binabaril sa ulo habang sila ay nagdarasal, at ang kumilos pa na animo ay hindi ito nangyayari, napakalaking sagutin o responsiblidad ang kanilang sasagutin sa Harapan ni Allah. |
Ang mga Siamese ay nagbigay ng matitinding pagpaparusa sa mga Muslim na ginawa nilang mga bihag. Ang kanilang mga tainga ay itinahi sa kanilang mga hita gamit ang isang klase ng matibay na tali, yari sa isang uri ng hemp. Ang mga Muslim na napasailalim sa ganitong karumal-dumal na torture ay dinala sa Bangkok at doon sila ay ginawang mga alipin na tagahukay ng mga kanal na tanging sariling mga kamay lang ang pinagamit bilang kasangkapan sa paghuhukay. Maging ang sultan ng Pattani ay pinatay ring parang hayop ng mga Siamese sa dulo ng kaguluhan. At matapos ang digmaan, ang Pattani ay hinati ng Thailand sa pitong rehiyon, at puwersahang pinagbayad ng buwis, at napailalim na nga sila sa pamamalakad ng mga Siamese sa sumunod na mga 70 taon.
Noong 1909, ang mga Siamese ay nagpatupad ng isang “nominal independence,” isang kalayaan maituturing na sa pangalan lamang, dahilan sa ang panggigipit ng administrasyong Thai ay nagpatuloy lang at walang nabago sa pamamalakad nila. Muli at muli, ang mga Muslim ng Pattani ay nagsisipag-aklas upang makamit ang ganap na kalayaan, subali’t sa tuwina sila ay napigilan sa pamamagitan ng marahas at makahayop na pamamaraan. Kaya ng panahong iyon, nagkaroon na mataas na bilang ng mga migrante patungong Malaysia.
Ang patakaraang ipinatupad ng administrasyong Thai ay mapanggipit at ang pagtanggap sa mga taga-Pattani ay sa layuning sirain o burahin ang kanilang pagkakakilanlang Islamiko. Sa katunayan, ang unang utos na pinatupad noong 1932 ay ang tuluyan nang ipagbawal ang anumang aktibidades ng mga institusyong pang-edukasyon ng mga Muslim. Noong 1944, isang malawakang kampanya ang inilunsad, na kung saan ang mga matataas na lider Muslim sa Pattani, kabilang na ang kanilang mga pamilya ay walang-awang pinagpapatay ng mga Buddhists. Mahigpit na ipinagbawal ang pagsunod sa anumang batas ng Islam o maging ang pagsamba sa paraang Islam, habang ang paniniwalang Budismo ay sapilitang ipinatatanggap sa mga tao. Ang Budismo ay puwersahang itinuro sa mga eskuwelahan, at ang mga mag-aaral na Muslim ay puwersahang din na pinasunod sa mga turo ng naturang relihiyon.
Pinaghuhuhuli ng mga tropang Thai ang mga bata at may-edad na kalalakihang Muslim, hinuhubaran, pinahihiga sa mga lansangan, habang nakaposas ang mga kamay sa kanilang likuran. Ang mga mamamayan ng Pattani na Muslim na noong pang ika-15 siglo ay nahaharap sa panggigipit at karahasan sa araw-araw. |
Sa iba’t ibang kapanahunan, ang administrasyon ng Thailand ay nakagawa na ng mga kakila-kilabot na maramihang pagpatay (mass killings) ng mga Muslim. Noong 1944, 125 pamilyang Muslim ay sinunog ng buhay sa rehiyon ng Belukar Samak pa lang. Ang patakaran ng integrasyon ( assimilation ) ng administrasyong Thai ay mahigpit na ipinadama sa lahat ng aspeto o bahagi ng kanilang mga buhay. Maraming mga mosque rin sa Pattani ay siyang pinaggigiba.
Sa kabilang dako naman, ang mga Buddhists ay inengganyong magsilipat sa rehiyon ng Pattani, kasama pa rin ito ng patakaran nila ng integrasyon, at gaya ng inaasahan ang pagkakabalanse sa etnikong populasyon ay nasira. Ang pinakamalaking estatuwa ni Buddha ay itinayo sa Pattani. Ang populasyon Muslim sa lugar ay sapilitang pinasamba sa mga estatuwa ni Buddha. Ang ilan sa mga tumanggi ay namartir at itinapon sa Ilog Kota. Libo-libong mga taga-Pattani ay napasailalim sa maraming hindi makataong pagtrato at parusa. Ang mga kilalang iskolar na Muslim ay minartir, at naging kahina-hinala ang kadahilanan ng kanilang pagkamatay sa mga institusyong pangkalusugang mismong rehimeng Thai ang nagtatag, at ang mga hindi nalutas na pagpatay at bigla na lang pagkawala ng marami sa kanila ay naging bahagi na lang ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan ng Pattani.
Sa ngayon, ang mga Muslim ng Pattani ay walang anumang karapatang pampulitika o maging pangkultura, na kung titingnan natin ay may malaking populasyon na aabot sa halos 5 milyon. Ang populasyong ito ay nahaharap sa pag-atake ng mga tropang Thai sa halos araw-araw. Batay sa mga impormasyong nagmula sa mga kilalang Muslim ng Pattani, may average na 7 o 8 na taga-Pattani ang namamartir ng mga tropang Thai sa bawa’t araw. Doon sa mga hindi namartir, kundi sila dinala sa mga concentration camps ay mga nawala na lang sila at wala nang nadinig pa sa mga ito. Marami ang sapilitang pinaalis sa kanilang mga tahanan at ang sinumang tumutol sa puwersahang pagpapalipat sa kanila ay minamartir. Sa bilang, mayroon ng mga 30,000 ang nabiyuda at may 40,000 na bata ang naulila sa magulang sa Pattani, at dito din ay may malaking mayorya ng kababaihan ang biktima ng rape, dito na ang mga mosque ay pinagigiba at ang mga Muslim ay ginugulo at tinatakot sa pamamagitan ng pagpapakawala ng mga baboy sa loob ng kanilang mga tahanan at taniman. Mahigit sa 400 na katao na ang nawala sa loob ng 3 taon sa ilalim ng batas militar (martial law), may 2,300 na katao naman ang namartir na at may 4,000 pa ang nakadetine sa mga paraang di tama o ilegal. Sa kasalukuyan ay mayroong 30,000 katao ang patuloy na nakakulong sa mga concentration camps. Ang kalalagayan sa mga kampong ito ay nalarawan ng ganito sa press:
Karamihan sa mga bilanggo ay nakakulong na walang saplot sa katawan at makikitaan ng mga tama sa kanilang katawan, ang mga bilanggong ito mula sa Pattani ay halatang mga pagod, nanghihina at nakakaranas ng matinding kalungkutan. Dagdag pa rito, ang mga sundalo ay nagsusulat pa ng numero ng mga bilanggo sa mga katawan mismo ng mga ito. At kung gusto ng mga tropang Thai na tawagin ang mga bilanggong taga-Pattani, numero ang tawag sa kanila imbes na sa sariling mga pangalan pa nila. Ang mga bilanggong kababaihan na taga-Pattani ay kalimitang nasa concentration camp malapit sa Galuvo Village kadugsong ng Narativa. Ayon sa mga taga-Pattani na rin, ang mga kababaihan sa kampo, na kung saan ay may 100 babaeng nakapiit, ay nagdaranas ng sistematikong panghahalay mula sa mga sundalo.
Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga Muslim ang paggamit ng pangalang Islamiko, at ang ilan pa nga ay sapilitang pinagagamit ng mga pangalang may katumbas na kahulugang pagano. Ang paghihigpit at pagbabawal sa komunikasyon ang siyang malaking balakid para sa ating mga kapatid na Muslim na maihayag sa mundo ang kalupitang kanilang pinagdaraanan. Ang foreign press ay bawal na pumasok sa rehiyon at bawal din maging ang pagkuha ng anumang larawan, habang ang paggamit naman sa publiko sa internet ay limitado at matinding binabantayan.
|
|
Anong Uri ng Pakikipaglaban ang Marapat na Tahakin ng ating mga Kapatid sa Pattani?
Marahil ay napakarami sa atin sa mundo ng Islam ang hindi batid ang mga kaganapan sa Pattani. Ang mapait na katotohanan ay ang mga kapatid natin sa Pattani ay nagpupumilit na makapamuhay pa rin sa ilalim ng matinding pang-aapi.
Subali’t dapat na bigyang-pansin na ang reaksiyong ipinamamalas ng ating mga kapatid sa Pattani kahit na nasa gitna pa sila ng ganitong panggigipit ay naaayon pa rin sa mga moral na katuruan sa Banal na Qur’an at Sunnah ng ating Propeta (nama’y pagpalain siya ni Allah at mapasakanya ang kapayapaan). Ang isang reaksiyong base sa karahasan dahilan sa impluwensiya at pagkokondisyon sa isipang gawa ng mga Darwinista, ng mga maka-materialismo at ng mga maka-komunistang ideyolohiya ay hindi naaayon sa Banal na Qur’an, at hindi gagawaran ni Allah ng tagumpay ang ganitong mga uri ng pagkikipaglaban. Ang karahasan ay nagiging daan lang sa pagsilang ng mas higit pang karahasan, at ang pakikipaglaban na base sa karahasan ay maglalagay lamang sa ating mga kapatid sa Pattani sa mas maraming pang karahasan para sa kanilang mga sarili. Ang lehitimong pakikipaglaban ng ating mga kapatid sa Pattani ay magtatagumpay lamang kung ang armadong pakikipaglaban ay mapapalitan na ng isang intelektuwal na pakikidigma at suportado mismo ng isang makapangyarihang programang pang-edukasyon. Kung kaya, ang mga mamamayan ng Pattani ay may madaliang pangangailangan para sa isang grupong dalubhasa sa edukasyon, kultura, batas, diplomasya at mga international policies, at yaong makakakilos ng naaayon sa moral na katuruan ng Banal na Qur’an.
Siyempre marami sa loob mismo ng populasyon ng Pattani ang may mataas na antas ng kultura at may bukas na mga kaisipan. Ang mahalaga para sa mga intelektuwal na ito ay ang mabigyan sila ng tamang kamulatan at nang magabayan ng maayos, at nang may nag-iisang layuning maiparating ang kalagayan at kadahilanang ipinaglalaban ng mga taga-Pattani (Pattani cause) sa mata mismo ng pandaigdigang publiko. Ang mga aktibidades na ito ay magkakaroon ng napakalaking papel na gagampanan sa pagbibigay ng bagong sigla at kamulatan sa mga mamamayan ng Pattani at maging sa mga katuruang moral ng Islam sa kanila, ang maitaas pa ng higit ang antas ng kanilang kultura at edukasyon, at ang maiparating sa mundo ang lehitimong pakikipaglaban ng mga taga-Pattani sa mas maayos at epektibong pamamaraan. Kaya nga, napakamahalaga na kaalinsabay nito ay maiangat ng ating mga kapatid sa Pattani ang sariling kultura, at ang may kahandaang maisabak ang kanilang sarili sa pagkilos laban sa mga elementong maka-Darwinismo, maka-materyalismo at maka-komunista.
Bawa’t Muslim ay may Responsibilidad sa Pagkakamit ng Ganap na Kalayaan para sa ating mga Kapatid sa Pattani
Ang buong mundo ng Islam ay may responsibilidad na dapat gampanan para sa mga kaawa-awang mga kababaihan, kabataan at mga matatanda na literal na masasabing nakukulong sa Pattani, higit lalo na doon sa mga nagdusa sa mga torture at iba pang pagpapahirap, doon sa mga Muslim na kung saan ang lugar ng kanilang sambahan ay pinagsusunog at sinira, at doon sa maraming inosente na walang awang inilagak sa puwersahang pagtatrabaho (forced labor) sa mga concentration camps. Ipinahahayag ni Allah kung papaano dapat tumalima ang mga Muslim para sa kapakanan ng mga naaapi sa Ayat 75 ng Surah an-Nisa’:
Ano ba ang pumipigil sa inyo, O kayong mga naniwala, sa pakikipaglaban sa mga kuma-kalaban sa ‘Deen’ ng Allâh (I) at nang-aapi sa mga mananam-palataya bilang ‘Jihâd’ upang itaguyod ang ‘Deen’ ng Allâh (I); at pagtulong sa mga alipin ng Allâh (I) na mahihina, mga pinagma-malupitan, mga hinahamak mula sa mga kalalakihan at mga kababaihan at mga murang edad, na sila ay walang kakayahan at anumang kaparaanan kundi ang paghingi ng saklolo sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha na sila ay nananalangin at kanilang sinasabi: “O aming ‘Rabb,’iligtas Mo kami mula sa bayang ito – Makkah[1][31]– na ang mga tao rito ay sinira nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagtanggi ng katotohanan at mapanghamak sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pang-aapi. At pagkalooban Mo kami mula sa Iyo ng taong mamumuno,at mangangalaga sa amin,at magtataguyod,at ipagtatanggol kami laban sa mga mang-aapi?”
Ang pinakamahalaga at tamang bagay na gawin ng mga Muslim para sa pagkakamit ng tunay na kalayaan para sa mga mamamayan ng Pattani, at siya na ring, sa awa ni Allah, magiging pinaka-epektibo, ay ang pagkakaisa ng mundo ng Islam. Kung ang mundo ng mga Muslim na may bilang na 1.5 bilyong katao ay magkakaisa, kung ito ay kikilos bilang isang matibay na grupo, kung magkakagayon, walang ni isang hibla ng buhok sa ulo ng isang Muslim sa Pattani, Burma, Palestina, Iraq o kahit saan pa mang dako ang mapapayagang magalaw. Subali’t kung patuloy na hiwalay at watak-watak ang mundong ito ng Islam gaya ng sa ngayon, wala tayong makikitang wakas sa sakit at paghihirap o pagdurusa. Sa ganitong kadahilanan, hindi dapat na hayaan ng mga Muslim ang mga paghihiwa-hiwalay na ito na bunsod ng pagkakaiba sa sekta at komunidad, lahi, lengwahe o wika at anumang grupo pang pang-etniko, hindi dapat na tingnan ang mga nabanggit bilang elemento para magwatak-watak. Lahat ng mga Muslim, ng mga Shiite, nga mga Sunni, ng mga Jaferi, ng mga Alawite o ng mga Wahabbist ay marapat na kumilos bilang mga magkakapatid. (http://www.turkishislamicunion.com/)
Inihayag ng ating Propeta (nama’y pagpalain siya ni Allah at mapasakanya ang kapayapaan) na hindi katanggap-tanggap para sa isang Muslim na iwanan ang isang kapatid sa gitna ng paghihirap. Hindi akma sa pagiging Muslim ang magsipag-aksaya ng panahon dahil lamang sa mga anupamang pagkakaiba habang ang mga kawawa nating mga kapatid na Muslim sa Pattani ay nagdurusa sa mga pag-torture at ni walang kakanyahang maiparating sa mundo ang kanilang tinig, habang patuloy ang pag-agos ng dugo na animo’y ilog sa Afghanistan, Iraq, Silangang Turkestan and Palestina at daan-daang libo pang mga Muslim na nagmamakaawang tumatawag sa ating lahat upang maligtas. Ito na ang panahon kung saan marapat na lahat tayong mga Muslim ay magkasama-sama na parang mga matitibay at dugsong-dugsong na mga gusali na hininang sa isa’t-isa. Ito ay isang obligasyong panrelihiyon na hinihingi sa atin ni Allah. At ang lahat ng mga Muslim ay marapat na daglian sa pagtalima dito.
Ang mga larawan sa artikulong ito ay naghahayag na walang araw pa na dapat aksayahin ang mga Muslim sa mabilisang pagtatag ng Turkish-Islamic Union. Sa awa at kagustuhan ni Allah, kapag ang Turkish-Islamic Union ay nabuo na, magkakaroon ng pagbubunyi sa Pattani, na isang dating bahagi ng probinsiya ng mga Ottoman gaya ng iba pang bahagi ng mundo. Ang mga mamamayan ng Pattani, na nananabik sa kalagayan tinamasa nila noon sa panahon ng Ottoman, ay muling makakaranas ng kapayapaan, seguridad, kaginhawahan, kalayaan at kaluwagan na matagal na nilang minimithi.