(Hango sa isang live interview kay G. Adnan Oktar noong ika-16 ng Marso, 2010)
ADNAN OKTAR: "Siya ang Lumikha sa akin sa pinakamagandang anyo,kaya Siya rin ang naggagabay sa akin tungo sa anumang aking ikabubuti rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay,at Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." (Surah Ash-Shuara, 78-79) Sa maikling salita, ag sinabi niya ay “Hindi ako makakakain at makakainom sa kung sa sariling pamamaraan ko lamang.” Ayon na rin sa kanya, Si Allah ang Siyang nagsasakatuparan upang ako ay makakain at makainom. Halimbawa, kukuha siya ng kutsara at magsisimulang kumain. Ang Allah ang Siyang nagpapatupad ng kilos at pagkakaroon ng imahe ng pagkain, kumpleto lahat, upang maganap. Masasabi natin na ang isang tao ay hindi makapagsasabi ng “Ako ay nakakain na.” Si Allah ang nagpaganap na makakain siya, "Siya ang nagbibigay sa akin ng inumin." (Surah Ash-Shuara, 78-79) Sinabi ko lang noong isang araw: na ako ay umiinom ng linden tea. Si Allah ang Siyang nagtataas ng kopa pataas, ilalapit ito sa akin at hahayaan ako na makainom. Ginagamit Niya ang aking kamay bilang Kanyang instrumento. Ipinapakita ni Allah na animo’y naririyan ang aking kamay. Na ang katotohanan ay Si Allah ang Siyang maylikha ng kamay sa aking isipan. Ang aking kamay ay nakikita sa pisikal na anyo, subali’t ito ay transparent o lagpasan dahil sa istrukturang atomiko nito. Naipaliwanag ko na ito dati. Subali’t wala lang akong direktahang karanasan sa transparent na kamay na iyon. Ang aking naranasan ay iyong imahe lamang sa aking utak. Si Allah ang maygawa ng akto ng pag-inom sa loob ng aking utak. Kung kaya, masdan kapag ito’y aking itinaas, Si Allah ang Siyang nagdadala nito mula doon patungo dito at hahayaan maisalin sa aking bibig ang laman nito. Si Allah ang Siyang nagsasagawa ng akto ng pagsasalin. At ang Pinakamakapangyarihang Allah ang magbabalik din nito sa dating lugar. Kita ninyo? Ginagamit Niya ang aking kamay bilang Kanyang instrumento at ako ang pumapalit lamang dito. Subali’t hindi na ito mauunawaan pa ni Pelin. Ako ay inyong pinanonood na dito. Subali’t ako’y isang imahe lamang sa inyong mga utak. Hindi ba tama ito?
PRESENTER: Totoo yan.
ADNAN OKTAR: Tumpak. Kahit ang aking boses ay nasa iyong isipan lamang nabubuo. Nadidinig mo ba ang aking boses sa iyong utak?
PRESENTER: Oo.
ADNAN OKTAR: Tumpak muli.
PRESENTER: Ako ay nakakadinig sa pamamagitan ng aking utak.
ADNAN OKTAR: Ang mga sound waves na galing sa aking boses ay tumutungo papunta sa iyo. Aabot ang mga ito sa iyong tainga. Subali’t hindi ang tainga ang siyang nakakadinig dito. Ang tainga ang siya lamang taga-transmit ng mga ito sa utak, kaya ikaw ay nakakadinig sa loob lamang ng iyong utak. Madidinig mo ang electric current na umaabot sa utak, sa loob ng iyong utak. Halimbawa, ang kopa ba na siyang iniinuman mo ng tsaa ay nasa iyong utak lamang o nasa pisikal na anyo.
PRESENTER: Muli sa iyong utak?
ADNAN OKTAR: Muli ito ay nabubuo sa iyong utak, siyempre. Wala kang direktahang karanasan bilang kopa sa pisikal na anyo. Ito ay nakikita nga sa labas o pisikal na anyo, subali’t ito ay transparent.
PRESENTER: Subali’t nariyan ang kopa.
ADNAN OKTAR: Ang kopa ay nasa labas nga o pisikal na anyo. Subali’t ang kopa na siyang mayroong kang direktahang karanasan ay iyong nasa sa iyong utak lamang, hindi ba?
PRESENTER: Sila ang magkaparehong kopa.
ADNAN OKTAR: Subali’t ang kopa na mayroon kang direktahang karanasan, na iyong nararanasan at pinatutungkulang kopa, ay iyong nasa sa iyong utak. Wala kang direktahang karanasan doon sa isa na nasa sa labas. Iyon ay iba. Iyon ay hiwalay pang bagay. Ang mundo na iyong pinamumuhayan at nararanasan ay ang siyang importante. Ang tinatawag mong kopa ay ang imahe sa iyong isipan. Ang lasa na nagmumula sa kopa ay nabubuo rin sa iyong utak. Ang sense of touch ay nabubuo rin sa utak. Kaya, dahil Si Allah ay ang Siyang maylikha ng lahat ng ito, Si Allah rin ang Siyang gumagawa upang ikaw ay makainom mula sa kopa at pati na ang makakain. Si Allah ang maylikha ng lahat ng ito. Sinabi ni Allah,"Aking nilikha" ang mga panlabas na bagay. Subali’t muli ang mga iyon ay kawangis na anino lamang. Sa maikling salita, ang atomo ay walang istruktura na ating ipinalalagay. Ang atomo ay siyang nabuong lagay ng enerhiya, ito ay nabuong enerhiya. Kung kaya, tayo ay nakakakita sa atomo sa pamamagitan ng objective eye, na ang katotohanan wala tayong nakikita kundi madilim lamang. Kahit na tanggalin pa natin ang dilim na ito, makikita pa rin nating ang mga bagay ay transparent. Dahil sa ang mga bumubuo sa atomo, ang mga neutrons, mga protons at mga electrons, ay mga magkakahiwalay sa isa’t isa. Kung kaya sila ay may ganitong baku-bako na istruktura at makikita silang transparent dahil nga sa mga distansiyang ito. Gayundin, walang ni isang kulay sa labas at tanging ang utak lamang ang siyang nakakakilala ng mga kulay. Ito ay ang interpretasyon ng utak. Walang anumang pula o luntian sa labas. Walang anumang kulay o liwanag sa labas. Mayroong waves, tanging mga waves lamang. Subali’t ang utak ang nagsasabi na ang mga waves na ito ay siyang liwanag. Halimbawa, kapag ating titingnan ang Araw, ang Araw sa totoo lang ay sobra napakadilim, pagkadilim-dilim. Ang Araw ay naglalabas ng mga photons, light rays. Subali’t dumarating sa atin ang mga light rays sa pamamagitan ng mga waves, ang utak ang nagsasabing liwanag ang mga waves na iyon. At ito ay hindi sa dahilang ganito nga sila sa labas o pisikal na anyo. Nalalaman mo ba ito?
PRESENTER: Hindi, sa inyo ko lamang napag-alaman ito.
ADNAN OKTAR: Ito ay isang katotohanang pinatutunayan ng modernong agham. Lahat ng mga siyentipiko ay nagkakasundo sa paksa na ito. Sa kung papaano natin ito inilarawan. Halimbawa, ako ay nangungusap sa iyong harapan ngayon. Ako ay nagsasalita sa loob ng iyong utak. Tama di ba?
PRESENTER: Oo, ganito nga, kung pagbabatayan ko ang inyong sinasabi.
ADNAN OKTAR: Siyempre.At habang nagsasalita ako sa iyo, ako ay nagsasalita rin sa loob ng iyong utak. Kapag sinabi ko [ang iyong pangalan] 'Pelin' halimbawa, isang maayos na imahe ang nabubuo sa aking utak. At ako ay may direktahang karanasan nito. Ang aking kamay at iyong kamay ay nasa parehong lugar. Ang aking mukha at ang iyo ay nasa parehong lugar, mismo sa loob ng aking utak.
PRESENTER: Interesante.
ADNAN OKTAR: Siyang tunay. Ito ay isang siyentipikong katotohanan, Ako ay nagsasalita na animo’y ako ay nasa iyong harapan, mga isang metro ang layo. Subali’t hindi ito ang katotohanan. Ako ay nabubuo sa loob mo mismo. Tayo ay nag-uusap na ang isa ay nasa sa loob ng isa. Ang iyong boses at ang sa akin ay nabuo sa iisang lugar. Ito ay isang siyentipikong katotohanan na hindi mapapasinungalingan ninuman. Ito ay isang katotohanang na kahit mananampalataya o hindi man ay hindi kakayaning pasinungalingan.
ALTUG BERKER: Parang sa isang panaginip.
ADNAN OKTAR: Oo, gaya ng sa panaginip. Hindi ba ganito tayo mag-usap, sa isa’t-isa, sa ating mga panaginip?
PRESENTER: Oo nga.
ADNAN OKTAR: Subali’t tayo ay nasa parehong lugar, hindi ba? Subali’t kung wawariin ay parang magkalayo tayo sa isa’t isa, hindi nga ba? Ang mundo na ito ay halintulad sa isang panaginip. Ang isang nilalang ay nagpapalipat-lipat mula sa isang panaginip patungo sa isa pang panaginip, pero ito ay sa isang mas klaro na panaginip. Patutungo pa tayo sa mas maliwanag na panaginip sa pagsapit ng ating kamatayan. Subali’t muli, ito ay kahalintulad pa rin ng sa panaginip. Ito ang sistema na nilikha ni Allah. Ito ay inihayag ng Pinakamakapangyarihang Allah ng sinabi Niya ang "Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." "At kapag may dumapo sa aking sakit ay Siya rin ang nagpapagaling sa akin mula sa sakit na ito." (Surah Ash-Shuara, 80) Halimbawa, siya ay pumunta sa isang doktor, at ang doktor ay nabubuo sa loob ng kanyang utak. Dadampot siya ng ilang mga gamot, maliliit na gaya nito. Siya ay pakikitaan ng isang maliit na puting bagay, na ang tawag ay pildoras, sa loob ng kanyang utak. Ating tandaan na ito ay isang imahe pa lang sa ating utak. Siya ay pinapakitaan na nilulunok niya ito at mag-i-imagine na siya ay pinagagaling nito. Subali’t hindi and gamot ang siyang nakapagpapagaling sa kanya. Ginagawa lamang ni Allah na instrumento ang gamot, ang katotohanan ay Si Allah ang Siyang direktahang gumagawa ng paggaling, ng mabuting kalusugan. Subali’t ang sadyang alam ng lahat ng publiko ay gumaling sila dahil sa pag-inom ng Aspirin o Gripin. Bagay na imposible.
PRESENTER: Kung ang isang tao ay gagaling din naman pala, kung sa nabanggit ninyong pangyayari. Kakailanganin pa rin ba na uminom pa ng kung anong gamot?
ADNAN OKTAR: Mali, kailangan pa rin nating tanggapin ang mga bagay-bagay nang naaayon sa natural na kadahilanan o kaparaanan. Ang mga ito ay nilalang. Halimbawa, kinakailangang magkaroon ako ng intensyon na abutin ang kopa ng tsaang linden. At ako nga ay nabibigyan ng pakiramdam na umaabot ang aking kamay. Ang kopa ay napapunta patungo sa akin. Ako ay may intensyon na gawin ito. Pero ang sistema sa Paraiso ay hindi katulad nito. Kapag ako ay may pakiramdam sa kopa, sa pag-inom, ang kopa ay dinadala patungo sa akin. Hindi na kakailanganing umabot pa ang kamay. Ito ay direktang tutungo malapit sa akin, sa kanyang sarili na lang.
PRESENTER:Kagaya ito ng paggamit ng isipan.
ADNAN OKTAR: Oo. Ito ay lalapit na lang na akala mo inabot lang ito ng aking kamay. Ngayon ang aking kamay ay naririto lang at nakababa, at ito ay isang bagay na gawa sa laman at dugo, hindi ba? Pero kung wawariin hindi normal na isipan ang laman at dugo ay may kakanyahang makinig. Halimbawa, kapag sinabi natin sa isang piraso ng karne na kinuha natin sa isang butcher, “Karne dumito ka ngayon na,” hindi ito makagagalaw o makagagawa ng kahit na ano. Mayroong kaluluwa na siyang mag-uutos sa laman ng kanyang gagawin. Ito ang Espiritu ni Allah. Ito ang kaluluwa na inihinga sa atin ni Allah. Sasabihan natin ang ating laman ng “Itaas mo ang kamay,” at itataas nga ng laman ang kamay sa hangin. Sasabihan nating damputin niya ang kopa, at ito ay tatalima. Subali’t lahat ng ito ay ipinakikita sa atin sa ganoong paraan, sa loob ng ating mga utak.
PRESENTER: Subali’t Si Allah ang Tanging gumagamot at nakapagpapagaling sa maysakit. Ang isang tao ay maaring gagaling o hindi, kahit pa inumin niya ang gamot o hindi.
ADNAN OKTAR: Mali, hindi ito tama.
PRESENTER: Subali’t kung siya ay hindi gagaling kahit na pa inumin niya ang gamot, walang magagawa ang kahit anong dami pa nito ang inumin niya. Kaya, kung siya ay sadyang gagaling, kailangan pa ba na inumin pa niya ang gamot? Ito ang tanong na nabuo sa akin.
ADNAN OKTAR: Ang natural o likas na kaparaanan ay napakahalaga. Ang lahat ay nararapat na sumunod sa mga likas na kadahilanan. Halimbawa, ang pagkakasakit sa gitna ng matinding lamig. Kinakailangang niya magsuot ng tamang damit na panlamig. Ang isang tao ay sadyang magkakasakit o maging mamatay kung hindi siya talaga kakain. Kakailanganin niyang tiyak ang pagkain. Hinihingi ni Allah na tayo ay sumunod sa kalikasan ng mga bagay-bagay. Nilikha ni Allah ang isang perpektong pagkakaayon ng lahat sa kalikasan. Nilikha Niya ang magkakadugtong na mga kalikasan at lahat ng mga ito ay sadyang kakailanganin ng tao. Ang buhok mo ay magmimistulang madumi kung hindi mo ito susuklayin. Halimbawa, nilikha ni Allah ang lahat ng uri ng pananamit. Sinabi ni Allah, "At gumawa rin Siya para sa inyo ng mgakasuotan mula sa mga bulak at lana…"(Surah An-Nahl, 81). Tama ito, hindi nga ba? Sinabi ni Allah na "….Siya rin ang nagbibigay sa akin ng biyaya na pagkain at inumin." Nilikha ni Allah ang lahat ng uri ng pananamit. Sinabi Niya, "….gumawa rin Siya para sa inyo ng mgakasuotan...." Sa ayat na ito inihahayag ni Allah na Tanging Siya Lamang, ang Siyang dahilan kung papaano tayo nakakapanamit. Hahayaan ni Allah ang impresyon sa atin na ang mga damit ay ay gawa mula sa mga tahian ng readymade garment. Subali’t ang mga damit ay nabubuo sa loob ng ating mga utak. Lahat ng tao ay nakasuot ng damit sa kanyang utak. Hindi niya kayang suotin ang damit sa labas. Hindi niya kayang magmaneho ng kotse sa labas, Halimbawa, kapag pumasok ka sa kotse, ibibigay sa iyo ni Allah ang imahe na ikaw ay magmamaneho nga. Ang isip mo ay nakamaneho ka na nga. Ito ang perception na ibinibigay ng utak sa iyo. Halimbawa, kung inyong bibigyang atensyon, makikita ninyo na may oval screen sa ating harapan. Mayroong kotse nga sa labas, subali’t hindi tayo hinahayaan ni Allah na magkaroon ng direktang karanasan dito. Lagi lang nating naiisip ito at nakakaniig lang ang imahe nito. Walang sinuman ang magkakaroon ng direktahang karanasan sa bagay sa labas, Ito ay imposible. Ito ay para lang tayong patuloy na nanonood sa monitor o television screen sa ating utak. At alam mo ba na ang sukat ng television screen na iyan? Ito ay sinlaki lamang [gaya ng dulo ng isang ballpen].
PRESENTER: Ito ba ‘yung blind spot?
ADNAN OKTAR: Hindi, ang sentro ng conscious perceptionay nasa utak. Ganito lang kalaki, isang maliit na piraso ng laman. Isang maliit na piraso ng laman na dinadaluyan ng dugo. Ang buong sansinukob, ang buong daigdig ang ang buhay mismo ay nabubuo doon. Halimbawa, ang taong nakatingin sa Araw o sa Buwan ay magsasabing “Napakaperpektong tingnan ng Buwan, ito ay masisilayan na naka-full moon.” Nakatingin siya sa Buwan subali’t nakikita ba talaga niya ang Buwan sa kanyang utak o ang Buwan sa panlabas?
PRESENTER:Nakikita niya ang Buwan sa utak lang niya.
ADNAN OKTAR: Tumpak, iyong nasa kanyang utak lamang. Sa maikling salita, wala talagang nakakakita ng Buwan sa panlabas. Hindi nakikita ninuman ang Buwan sa panlabas. Hindi maaaring makita ang tunay na Buwan. May tunay na Buwan, subali’t ito ay hindi natin nakikita.
PRESENTER: Ito ba ay transparent?
ADNAN OKTAR: Siempre, lahat ng mga bagay sa labas ay transparent. Ito ay kailangan magkaganoon dahil na rin sa istruktura nito. It ay magmula sa mga neutrons, protons at electrons na sadyang hiwa-hiwalay sa isa’t-isa. At walang liwanag sa panlabas. Ang liwanag ay nabubuo lamang direkta sa ating mga utak. Ang sa panlabas ay madilim na madilim, buong kadiliman. Wala ni pinakamahinang tunog sa panlabas. Ang tunog ay interpretasyon din ng utak. Dapat mong malaman na ang utak nagko-convert sa sound waves na maging electrical impulses. At tinatanggap ng utak ang mga electric current bilang tunog. Iyan ang paraan ng pagkilala ng utak sa elektrisidad. Ang mga imahe ay pumapasok din sa utak bilang electrical impulses. Kinikilala ng utak ang mga electrical impulses bilang mga imahe. Lahat ng tainga ay bingi. Ang tainga ng tao ay sadyang hindi nakakadinig. Ang tainga sa ating utak ang siyang nakakadinig. Ito ang tainga ng ating kaluluwa. At walang matang nakakakita talaga. Lahat ng mata ay bulag, lahat. Ang magkaparehong mata ng tao ay bulag. Ang mata sa utak ang siyang nakakakita, at ito ang mata ng kaluluwa. Ang mata ng tao ay hindi nakakakita. At papaano naman ito makakakita? Ang dalawang mata ay parang kamera, kamera lamang na binubuo ng laman. Ang mga kamerang ito ang nagko-convert sa imahe na maging electric energy; iyon lang. Wala silang iba pang specialty maliban sa pag-transmit ng mga ito sa utak. At sa wakas ay mararating nila ang sentro ng conscious perception at lahat ay kanyang makikita sa center of consciousness.
PRESENTER: Kaya maari ba nating maging konklusyon batay sa iyong mga nailahad ukol sa sentro ngconsciousness, na itong maliit na piraso ng laman na ito na tinawag ninyong center of consciousness ay lugar kung saan ang katawan at kaluluwa ay nagko-communicate? Na ito ang punto na kung saan mahahawakan nila ang isa’t-isa? Maari ba natin itong masabi?
ADNAN OKTAR: Nilikha ni Allah na ang consciousness ay maging likas na kadahilanan. Isipin mo, ang mga kadahilanan ay lubhang mahalaga. Si Allah ay may causal artistry. Kapag sinabi mo na kung saan sila ay nagtatagpo, ang address ay duon sa consciousness mismo. At nangyari lamang na ito ay iyong maliit na piraso ng laman. Sinabi ni Allah na sila ay nagtatagpo duon, at ipinapakita Niya sa atin ang lugar na iyon. Naglilikha Siya ng likas na kadahilanan, ito’y sa maikling pananalita.
PRESENTER: At iyan ay likas na kadahilanan din.
ADNAN OKTAR: Likas na kadahilanan lamang. Una sa lahat, ang Allah ay lumikha ng napakagagandang likas na kadahilanan na magkakadugtong. Halimbawa, iniabot ko sa iyo ang Banal na Qur’an. Sa totoo lang, Si Allah ang nag-aabot nito sa iyo. Pero sa tingin ay ako ang gumagawa nito. O dili kaya’y buksan ko sa isang pahina ang Banal na Qur’an at ihayag sa iyo ang sinasabi ng pahina. Sa totoo, Si Allah ang nagbukas sa pahinang iyon. Nagsimula akong magbasa at magsalita, subali’t Si Allah ang Siyang tunay na nangungusap. Si Allah ang gumawa sa aking boses. Tayo ay mga kaluluwa na sumusunod kay Allah sa loob ng ating mga utak. Kung hindi, wala tayong anumang masasabing katangian. Ang ating mga katawan ay tunay na makikita sa panlabas bilang mga bagay, subali’t ito ay nasa sa lubhang kadiliman. Walang sinumang siyentipiko sa mundo ang tumutuligsa laban dito. Lahat sila ay nagsisipagsang-ayon dito maging sila man ay hindi mananampalataya o mananampalataya. Ito ay isang hayag na katotohanan.
PRESENTER: Nauunawaan ko.
ADNAN OKTAR: Pero tanging isa lang sa bawa’t milyon sa ating lipunan ang nakakaalam sa katotohanang ito. Kokonting tao lamang ang nakakabatid nito. Halimbawa, napaaway ang isang tao. Subali’t siya ay may away sa taong iyon sa loob lamang ng kanyang utak. Hindi niya magagawang makipag-away sa taong iyon sa panlabas. Si Allah ang maylikha ng away na iyon. Halimbawa siya ay sisigaw at lalakas pa ang sigaw at lalo pa ito magiging galit, anas ang “Lahat ng aking pera ay nawala” o kaya’y “Ang aking bahay ay nasunog.” Subali’t ang pera lamang sa kanyang utak ang nawala, o ang bahay lamang sa kanyang utak ang nasunog. Ang isang nagbibilang ng kanyang dolyares ay nagbibilang lamang nito sa kanyang utak. Hindi siya magkakaroon ng direktahang karanasan sa mga dolyares sa panlabas. Ang mga electric impulses na tinanggap ng kanyang mga mata ang nag-transmit ng imahe ng dolyares sa kanyang utak. Ang mga electric impulses na ito ang siyang nagiging dolyares sa kanyang utak. Ito ay nagiging perceivable image at ang kaluluwa ang nakakakita dito. At ang tao ay nakakaranas ng ilusyon ng dolyares lamang sa kanyang utak. Wala siyang kakanyahang makaranas doon sa tunay.
PRESENTER:Kaya kapag ang lalaki na iyon ay nag-uumiyak sa pagkasunog ng kanyang bahay, siya ay umiiyak para sa bahay sa kanyang utak lamang. Subali’t ang bahay sa panlabas ay nasusunog din ka kasabay nito. Hindi ba?
ADNAN OKTAR: Siyempre mayroong bahay sa panlabas. Ito ay makikita sa labas subali’t….
PRESENTER: Ito [ang bahay sa panlabas] ay nasusunog din.
ADNAN OKTAR: [Pero] hindi sa paraang kanyang iniisip. Kung nakita niyang ang pagkasunog sa panlabas, halimbawa kapag ang isang bagay ay nasusunog ito ay nagbibigay ng malakas na liwanag, pero ang pagkasunog sa panlabas ay hindi nagaganap sa ganoong paraan.
PRESENTER: Papaano nangyayari iyon? Alam ba natin kung paano?
ADNAN OKTAR: Sa labas ay sobrang kadiliman. Kaya sa ensensiya ang pagkasunog ay hindi nagbibigay ng liwanag. Ang matter ay transparent, dahil sa ang istruktura nito ay transparent. Halimbawa, walang mga tunog sirena sa panlabas. Ang tunog ng sirena ay nabubuo sa utak. Kapag dumating ang mga sasakyang pamatay sunog, kaalinsabay nito ang pagsindi ng mga pulang ilaw. Subali’t walang pulang kulay sa panlabas. Ang utak lang ang kumikilala dito bilang pula. Ito ay kamanghaan ng mga nilikha ni Allah. Sa maikling salita, ito ay hindi matter na ayon sa pamilyar na pagkakaalam natin. Ito ay nilikha rin na parang wangis na anino ng nasa sa panlabas. Si Allah ang Pinakamataas sa lahat at ang mga nakikita natin ay hindi mga bagay-bagay sa paraang ating nalalaman, sila ay binuo bilang mga wangis anino. Si Allah lamang ang Pinakamataas sa lahat. Si Allah ay hindi nasasakop ng oras at ng espasyo, sa ibang salita, Siya ay lagpas pa sa oras at espasyo. Subali’t tayo ang siyang nasasakupan ng oras at espasyo.
PRESENTER: Kaya hindi natin ito nalalaman.
ADNAN OKTAR: Tama. Ang mga tao ay hindi nakakabatid sa katotohanang ito. Halimbawa, ako’y magsasalita ukol sa Darwinismo, subali’t kung alam na ng tao ang paksa na ito, magiging imposible na sa kanila ang maging maka-Darwinismo, dahil sa ito ay isang bagay na hindi pa tapos at higit na mataas pa sa Darwinismo. Ang Darwinismo ay matutunaw dito, at maglalaho na lang. Walang sinuman ang maeengganyo pa sa Darwinismo dahil sa ang realidad na ito mismo ang siyang makakagawa na ang Darwinismo at ang iba pang mga pilosopiyang heretiko ay matunaw patungo sa kawalan.
ALTUG BERKER: Kung kaya’t ang Kabilang Buhay ay lubos na mauunawaan na.
ADNAN OKTAR: At doon lamang mauunawaan ang Kabilang Buhay, ang kamatayan, ang lahat-lahat ng mga bagay. Mauunawaan ng lubos ng tao ang Kapangyarihan ni Allah, ang Paraiso at Impiyerno ang lahat ng iba pa. Subali’t ang mga ito ay lubos na kinatatakutan ng tao, kaya sila ay atubili na pag-isipan ang mga ito. Hindi ito naaayon sa gusto ng ilang tao, habang ang iba naman ay takot na magmuni-muni ukol dito. At may iba pang sadyang hindi makakaunawa.
PRESENTER:Maari nga. Ang kakanyahan ng tao para makaunawa ay magkakaiba, kaya maaring hindi nila maunawaan nga.
ADNAN OKTAR: Subali’t ang tao na may kaluluwa ay makakaunawa dito, sa maikling salita kailangan dito ang pagkakaroon ng kaluluwa. Imposible sa isa na magkaroon ng kaluluwa at hindi makaunawa sa katotohanang ito. Kung siya ay espesyal na nilikha, ang ibig kong sabihin ay kung Si Allah ay hindi na naghinga ng espiritu sa kanya, hindi nga niya ito mauunawaan. Hindi mauunawaan ito ng isang patay na. Gaya ng alam natin, hindi lahat ng tao ay buhay. Maraming tao ang patay na, sila ay naglipana sa labas. Ito ay inihayag ng Allah sa Banal na Qur’an….
PRESENTER: Hindi ko alam iyan.
ADNAN OKTAR: Oo nga. Sinabi ni Allah ang ganitoc"(Lahat ng mga ito ay mga bagay na) walang buhay, at hindi nakakaramdam" (Surah An-Nahl, 21), at sinasabi na hindi nila alam.
ALTUG BERKER: Mayroon silang “mga mata subali’t hindi nila ginagamit sa pagmamasid." (Surah Al-Araf, 179)
ADNAN OKTAR: Mayroon silang mga mata subali’t hindi nila ginagamit sa pagmamasid, sinabi Niya ito. At ang kanilang mga mata ay hindi nakakakita. Mayroon silang mga tainga subali’t hindi nila ginagamit ang mga ito sa pakikinig, sinabi rin Nıya ito. (Surah Al-Araf, 195)
PRESENTER: Kung kaya ang mga taong katulad nito ang hindi mga makakaunawa.
ADNAN OKTAR:Tama, hindi nila mauunawaan. Kapag sinabi ko na hindi nila mauunawan, ito ay hindi sa kakulangan ng pag-unawa, subali’t ito’y sa dahilang sila ay mistulang mga robot na. Ang mga taong ito ay nabubuo ng laman at buto, hanggang doon na lang. Sila ay nagsasalita at kumikilos sa dikta ng pangatlong katauhan sa loob ng utak nila. Kaya aakalain mo na sila ay may malay. Minsan ang mga tao ay nagigising at nakapagsasalita sa kanilang panaginip, nakakita ka na ba ng ganito? Sila ay nagsasalita at nakapagbibigay pa ng normal, rasyonal na mga tugon. Halimbawa, kung magtatanong ka ng “Kumusta ka?’ ang taong nananaginip ay magsasabi ng “mabuti naman, salamat.” Subali’t siya ay nananaginip lamang at walang ideya sa kung ano ang nasabi niya. Ang isang tao ay natutulog sa ilalim ng hipnotismo, sa katunayan, literal na masasabing namamatay ang taong nasa ilalim ng hipnotismo, dahilan sa ang kanyang kaluluwa ay wala dito. Ang isang taong napailalim sa hipnotismo ay patay. Subali’t kaya niyang tumayo, ang mga mata niya ay nakadilat. “Nakikita mo ba ako?,” itanong mo ito. “Kitang-kita,” kanyang isasagot. “Sino ako?,” itanong mo naman. “Ikaw ay isang kaibigan,” kanyang sagot. Pagkatapos sasabihin naman ng tao kanyang harap, “Ako ay isang tigre.” Makikita talaga niya ang tao na ito bilang isang tigre nga, hindi ba? “Nakikita mo na ako ngayon ay isang tigre, oo ako ay isang nagsasalitang tigre,” sasabihin nito. At siya ay tutugon ng, “Oo.” Sa totoo, maliwanag na makikita niya ang tao iyon bilang isang nagsasalitang tigre nga. Siya ay nakasigurado kahit na walang ganoon doon. Sa pagkakataong iyon, siya ay isang patay na bagay na lamang. Si Allah ang nagpapakita sa kanya, sa ganoong kaanyuan. Pero sa kanyang paggising, siya ay papasok sa ganap na kakaibang mundo. Alam ito lahat ng mga hipnotiko. Ito ay laganap at maraming nakakabatid. Napag-isipan mo na ba ito dati, Pelin? Itong aspeto na ito ng matter?
PRESENTER: Hindi.
ADNAN OKTAR: Hindi ninyo pa nagagawa, tama ba?
PRESENTER: Hindi pa.
ADNAN OKTAR: Halimbawa, kung gugustuhin ng tao kaya niyang makapasok sa kanyang utak, sa maikling salita kaya ng tao na makapasok sa consciousness o kamulatan. Kapag napasok na niya ang kamulatang ito, ang mga laman at buto ay mapupunta sa ibang kalalagayan. Ang taong ito ay maaaring maging ganap na iba.
PRESENTER: Papaano?
ADNAN OKTAR: Sa literal na pag-unawa, mararamdaman niyang siya ay isang kaluluwa. Mararamdaman niyang siya ay isa ngang kaluluwa. Dama niya kaluluwa siyang nabubuo ng imahe, ito’y sa dahilang siya ay mayroong direktahang karanasan na pakikiniig sa imahe sa utak niya. Walang sinuman ang nagkaroon ng pakikiniig sa mga bagay sa panlabas, wala ninuman mula noong pang panahon ni Propeta Adan (pbuh). Ito ay imposible. Si Allah lamang ang tunay na nakakaalam ng orihinal na bagay-bagay sa panlabas. Hindi ito kayang maarok ng mga tao. Subali’t ang realidad na ito ay maliwanag na ipinaliliwanag sa mga tao, ito ay sa aking pananaw, at ito ay magiging higit pang maliwanag sa mga darating na mga taon, mas higt na maraming tao pa ang makakakuha nito at marami pa ang makakaunawa sa nasabing realidad.