Sang-ayon na rin sa mga nailahad sa mga hadith, ang muling pagbabalik ng Propeta Hesus (as), ang pagpapakita ng Hazrat Mahdi (as) at ang pagdating ng dajjal ay pawang magaganap sa iisang panahon.
Ang mga taong Hijri 1400s ay panahon ng Hazrat Mahdi (as). Sinabi ng ating Propeta (saas) na ang Hazrat Mahdi (as) ay magsisimula ng kanyang gawain sa taong Hijri 1400. At ang dajjal, na siyang negatibong kapangyarihan na lalaban sa sistema ng Mahdi ay magsisimula rin ng kanyang kampanya sa parehong taon ng Hijri 1400:
Mga natatanging pangyayari ang sadyang nagaganap sa simula ng bawa’t siglo mula pa nang nalikha ang daigdig. SA PASIMULA NG ISANG SIGLO [Hijri 1400] ANG DAJJAL AY SUSULPOT AT si Hesus (as), anak ni Maryam ay babalik sa mundo upang sugpuin ito. (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman, p. 90) |
Ang sistema ng dajjal at ng Mahdi ay naririto na sa kasalukuyang panahon, ang isa ay aktibo bilang isang negatibong puwersa habang ang isa ay bilang positibong puwersa naman. Dahil dito, napakahalaga na ang kapwa nagaganap na mga sistema ng dajjal at Mahdi ay ilagay sa ating mga agenda. Ang mga kaguluhan, paglalabanan, anarkiya at mga pananakot saanmang panig ng mundo ay patunay na ang sistema ng dajjal ay ang siyang namamayani na. Ang mga aktibidades at gawa ng sistema ng dajjal ay nalalarawan araw-araw sa mga pahayagan at sa telebisyon. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang mga malulupit na gawain sa ilalim ng sistemang dajjal na sadyang nagdadala ng pasakit sa araw-araw at kasama na ang pagpapahirap na likha nito. Lubhang napakahalaga na habang ang propaganda para sa aktibidades ng negatibong puwersang ito ay nagagawa sa bawa’t araw, ang mga aktibidades naman ng positibong puwersa, ang sistema ng Mahdi, ay mailarawan din kaalinsabay nito. Hindi katanggap-tanggap na hindi banggitin o pag-usapan ang sistema ng Mahdi habang ang sistema ng dajjal ay aktibo at nagaganap sa araw-araw. Hindi katanggap-tanggap na sabihin ang “Ayokong madinig ang sistema ng Mahdi, walang dapat pag-usapan ukol diyan.” Ito ay katumbas sa pagsasabing “Hayaan na nating ang kalupitan at pagmamalabis sa sistema ng dajjal ay magpatuloy, wala tayong pakialaman dito.” Ito’y katumbas din sa pagsasabing, “Hayaang dumanak ang dugong Muslim, hayaan na ang pananakot ay lalong mamayani, hayaan na ang ating mga kasundaluhan at kapulisan ay magkamatayan, hayaan na ang mga kaguluhan ay maganap, wala tayong pakialam sa mga ito.” Habang tumitindi ang sistema ng dajjal, marapat na lalo pang palakasin din ang sistema ng Mahdi sa ating mga agenda. Ang sistema ng dajjal ay lumalakas na, sa ganitong pangyayari, dapat na masabayan ito ng mas malakas na sistema ng Mahdi.
Walang Ibang Hinihikayat ang Dajjal Kundi Anarkiya at Takot
Ang pagtaas ng mga insidente ng karahasan sa mundo, mga torture, anarkiya, digmaan, kaguluhan, pagpatay, mapang-aping sistema, mga organisadong pananakot maging yaong galing sa sariling mga gobyerno – lahat ng ito ay nagpapakita lamang na ang dajjal ay naririto na, nagtatrabaho at nagdidikta sa mga korupsyong ito. Ang dajjal ay hayagan ng nagpapamalas ng kayang lakas at kapangyarihan, at tuloy-tuloy lang sa kanyang gawain, sa araw man o gabi. Hindi katanggap-tanggap na hindi pag-ukulang pansin ang puwersang siyang lalaban naman sa dajjal, ang sistema ng Mahdi, na siya mismong may kapangyarihang magbigay-wakas dito, ito ay habang ang sistema ng dajjal ay aktibo, nag-eenganyo ng pagdanak ng dugo sa lahat ng panig ng mundo, at naglalagay ng ambang pananakot sa Turkey. Sa ating agenda, marapat na panatilihin ang sistema ng Mahdi na siyang tatapat sa sistemang dajjal.
Nahahayag sa mga hadith ang paglaganap ng patayan at kaguluhan, kung papaanong yayanigin nito ang mundo, habang ang sistema ng dajjal ay nagtatrabaho’t lumalaganap:
(Sa panahong ito) Lalaganap ang matinding KORUPSYON, KAGULUHAN AT REBELYON, ang mga tao ay MAGPAPATAYAN. Marami ang kikitil sa sarili nilang mga buhay at ang mundo ay mapupuno ng pighati. Ang isinumpang dajjal ay magpapakita sa panahong ito ng kaguluhan… (Ash-Sharani, Mukhtasar Tazkirah al-Qurtubi, p. 482) |
Ang sistema ng dajjal ang siyang kadahilanan ng:
Pagsasalin sa ibang wika ng mga clippings:
- Mga balita ukol sa gawain ng mga terorista na nagmumula sa iba’t ibang panig ng bansa araw-araw,
- Mga pag-atake sa mga istasyon ng pulis,
- Pagsabog sa mga minahan,
- Pag-atake sa mga behikulo ng military at pulis,
- Kaguluhan sa pagitan ng magkakaibang mga grupo,
• Isa na namang istayon ng pulis ang tinarget
• Lahat tayo ay Mehmet
• Tensyon dahil sa tatlong namartir sa hatay
• Isang mapanganib na paglaganap
• Isa na naman bumagsak na biktima sa minahan sa dağlıca...
• Patuloy ang paglaganap ng sunog
- Ang krisis sa ekonomiya,
- Ang hindi pagsama sa Turkey ng EU,
- Mga pag-aaklas,
- Mga balita ukol sa mga patayan, na mababasa sa mga pahayagan,
- Mga pamilyang nagto-torture sa sariling mga anak,
- Mga taong pumapatay sa sariling mga magulang,
- Pagtaas ng insidente ng suicide,
- Pagtaas sa insidente ng nakawan, pang-iisnatch at pananambang,
• Isang 11-taong-gulang na estudyante inatake sa eskuwelahan gamit ang baril
• Ang krisis ay magdadala ng malaking salanta sa daigdig
• Hinugot niya ang mga kuko sa isang 4-na-taong gulang na bata
• Ang pandaigdigang krisis sa pananalapi ay isang babala mula sa langit
• Dumarami na ang mga grupo ng kawatan sa maraming lugar
• Ang mundo ay nababalot ng takot
• Pinatay niya ang sariling anak upang matakasan ang pagbabayad ng suporta dito
- Ang pananakop sa mga bansang Muslim,
- Ang pag-torture sa mga Muslim,
- Ang pagpatay sa mga inosenteng sibilyan at pambobomba sa mga eskuwelahan, mga klinikang paanakan at mga ospital,
- Ang laganap na pagdanak ng dugo ng mga Muslim sa Iraq, Afghanistan, Palestina, East Turkestan, Chechnya, Burma at Pattani,
• Ang mapanikil na gawain ng mga tropang Bulgaria sa mamamayan ng Afghanistan
• Ang malawakang pagpatay sa Palestina
• Ang pagmasaker ng gobyernong Tsino sa 5,000 katao sa East Turkestan
• Ang pagpatay sa 87 libong Chechen
• Ang pagtangis ng Iraq
• Nahaharap ang mga Iraqis sa kahirapan at gutom
• Una, pag-torture, ngayon, pagpatay na –Iraq: Panibagong salita sa kahayupan
• Nagliliyab ang Baghdad
- Ang panggigipit sa mga debotong Kristiyano at Hudyo,
- Ang paggawa ng gulo sa pagitan ng mananampalataya sa iisang Diyos na si Allah
- At
- Ang mga pagpaparusa na nagdulot ng pasakit at paghihirap.
• Ang pagtaas ng pagtuligsa sa mga Muslim
• Ang panggigipit ng Myanmar sa mga Kristiyano
Basahin natin ang ilan sa mga hadith na naghahayag sa mangyayaring paghahasik ng lagim ng dajjal, sa pagdanak ng dugo na sanhi niya, at sa iba pa niyang pagpapahirap na gagawin:
Sa panahon na kung saan ang daigdig ay nakakaranas ng masidhing kalituhan at kaguluhan, kung saan ang patayan at kahirapan ay lumalaganap…kung kailan ang mga daan ay isa-isang napuputol, at kung saan walang habas ang pag-atake ng tao sa kanyang kapwa… (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman, p. 454) |
Sinabi niya: “Ang Araw ng Paghuhukom ay nalalapit, kapag ang mga mabuting gawa ay tila mahirap nang makita, kapag ang tao ay umabot na sa sukdulan ng kadamutan at kagahaman, at doon darating ang malaking at kahindik-hindik na kaguluhan.” At ang mga kasama ay nagtanong, “Ano ang magiging kaguluhang yaon?” “Ang pagpapatayan, ang pagpapatayan!” siyang anas ng Propeta (saas). (Bukhari, Vol. 13, p. 6023) |
Sa banal na Qur’an, inihayag ng Allah ang pagkakaroon ng mga taong sadyang maghahasik ng kalituhan at manggugulo sa katiwasayan, na siyang magbabalak ng kasamaan at patuloy na manunudyo upang magkaroon ng mga digmaan. Sa isang ayat, narito ang nasusulat:
...at sa tuwing sila ay magpapakana laban sa mga Muslim sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ‘Fitnah’ (paninira) at pagsisiklab ng apoy ng paglalaban-laban ay ibinabalik ito sa kanila ng Allâh (I), at pinagwawatak-watak sila; at magpapatuloy ang mga Hudyo sa paggawa ng mga paglabag sa Allâh (I) na magdudulot ng mga katiwalian at pagkasira sa ibabaw ng kalupaan. At ang Allâh (I), hindi Niya naiibigan ang mga gumagawa ng kasamaan. (Surat Al-Ma’ida, 64) |
Ang dajjal ang magiging pangunahing tagasulong ng ganitong imoralidad. Gagamit siya ng dahas, paninindak at anarkiya bilang kasangkapan sa panggigipit upang sa gayon ay makamit niya ang higit na layuning makapagpadanak ng dugo. Sa iba pang hadith, nasusulat na ang patayan ay lalaganap sa Katapusan ng Panahon, ang mga digmaang gawa ng dajjal ay siyang magwawasak sa lahat ng lugar sa mundo:
Walang anumang lugar na hindi ipasusuyod ng dajjal sa kanyang mga kampon.... (Muslim, Vol. 8, p. 500) |
Ang mga taktika ng dajjal sa pagpapalaganap ng anarkiya at pananakot….
Sa kanyang mga sulat, ipinaliwanag ni Bediuzzaman Said Nursi kung papaano ang mga gagawing taktika ng dajjal sa pagpapalaganap ng anarkiya at pananakot. Narito ang kanyang sinabi patungkol dito:
Ang dajjal ay siyang maghahanda ng daan para sa ANARKIYA at maging yaong para sa Gog at Magog sa pamamagitan ng pagsira sa lahat ng elemento ng pagkakaugnayan na siyang bumubuo sa panlipunang aspeto ng buhay ng mga Kristiyano, ito ay sa paraan ng indoktrinasyon ni satanas at pagtatatuwa sa mga mabubuting aral ng Kristiyanismo…Sa pagsusulong na rin na maipawalang-saysay ang mga busilak na bahagi ng mga batas ni Muhammad (mga batayang moral sa Banal na Qur’an na siyang ibinahagi ng Propeta Muhammad (saas)) gamit ang mga makamundong pagnanasa at mapang-alipin na panlilinlang, siya ay magsusulong na burahin ang anumang maniningning na tanikala na siyang nagbubuo sa atin gaya ng respeto at pagmamalasakit sa isa’t-isa, at ilalagak ang tao sa awa na lang ng isang walang saysay at lango sa lahat ng mga makamundong ligaya na lamang; MAKAPAGDUDULOT SIYA NG MATINDING ANARKIYA SA PAMAMAGITAN NG PAGBUO NG ISANG PUWERSAHAN AT MAPANIIL NA PANANAW NA MAGTATAGO SA WANGIS NG “KALAYAAN” na siyang magbibigay laya sa tao upang atakihin ang isa’t-isa sa layuning maabot ang kani-kanilang makasariling hangaring makalupa, AT SA PANAHONG ITO ANG TAO AY HINDI MAPIPIGILAN KUNDI SA PAMAMAGITAN LAMANG NG MAS MASIDHING PANG PANGGIGIPIT. (Rays of Light, p. 592) |
Isinalarawan din ni Bediuzzaman kung papaano makakamit ng dajjal ang kanyang layunin:
1. Sa pamamagitan ng panunudyo sa taong upang kumilos patungo sa pagkakamit ng kanyang makamundong pagnanasa o kaligayahan,
….Sa pagsusulong na rin na maipawalang-saysay ang mga busilak na bahagi ng mga batas ni Muhammad (mga batayang moral sa Banal na Qur’an na siyang ibinahagi ng Propeta Muhammad (saas)) gamit ang mga makamundong pagnanasa at mapang-alipin na panlilinlang.…
Gaya ng ipinararating sa atin ni Allah, ang dajjal ay magdudulot sa tao upang lumayo at lumabag sa batayang pangrelihiyon at moralidad. Ituturo niya sa tao na higit na wasto ang pagsunod sa makalupang hangarin labag sa dikta ng kanilang mabuting konsensiya.
2. Sa pamamagitan ng pagbabalewala sa pagrerespeto at pagmamasalasakit ng tao sa kanyang kapwa,
...Sa pamamagitan ng pagwasak sa pisikal at ispirituwal na mga elementong nagbubuklod sa buhay ng tao at pilit na pagwawaksi sa mga maniningning na tanikalang nagbubuo sa sangkatauhan gaya ng pagrerespeto at pagmamalasakit sa kanyang kapwa, maiiwan na lamang ang tao sa awa ng isang walang kabuluhan at lasing na sistemang makalupa.
Ang debosyon, at kahandaan na tumulong kaninuman, ang pagkalinga, ang pagmamalasakit, ang pagmamahal at ang kababang-loob, mga basehan ng moralidad na siyang hinihingi sa atin ni Allah, ang siyang mga elemento na makapagbibigay-lakas sa tao sa kanyang katawan at kaluluwa, pagbubuklod sa sangkatauhan, at paglalagay ng katahimikan at pagkakasundo sa lipunan. Ang dajjal ay nahahandang wasakin ang katahimikang ito sa pamamagitan ng indoktrinasyong magpapahina sa mga elementong nasabi. Lahat ito ay tinukoy ni Allah.
3. Sa pamamagitan na paglalagay sa tao sa laging gipit na kalagayan,
...Siya ay magdudulot ng matinding anarkiya na siyang magbubunsod sa puwersahan at mapaniil na pananaw na magwawangis animo’y “kalayaan” na magbibigay-permiso sa tao upang labagin ang isa’t-sa sa pagsusulong ng kanilang makasarili at makamundong mga hangarin, at sa panahong ito walang makapipigil pa sa tao kundi ang isang mas masidhi pang sistema ng paniniil…
Sa maikling salita, ipinahiwatig sa atin ni Allah na sa panahong ito na ang mamayani ay lahat ng makamundong hangarin na dala ng dajjal, iisipin ng mga tao na sila ay tunay na malaya nga, subali’t ang katotohanan, ang tao ay mapapailalim lamang ng higit sa kuko ng dajjal. Sa sistemang ito na likha ng dajjal, magiging bulag ang tao, akala nila ay nakapamumuhay sila sa ilalim ng isang modernong sistema at nakasusunod sa malayang pamumuhay bagkus ay pamumuhay ito na ayon sa pagkakamit lamang makasariling hangarin ng mababang sarili ng tao. Ang kanilang panlasa, kalibangan, pananalita at usapan, maging ang kanilang pananamit ay pamamaraan ng pamumuhay o lifestyle na idinidikta lamang sa kanila. Ang layunin ng dajjal ay ang gawing patuloy na ignorante ang lipunan at ang mawalan ito ng kakanyahang makapag-isip, makapili at magdesisyon. Dahill nga napakadaling linlangin at mapasunod ng isang ignoranteng lipunan. Bukod pa dito, sa isang sistema na base sa makamundong paghahangad, ang tao ay napapasunod hindi naaayon sa takbo ng kanilang pag-iisip o konsensiya man, bagkus sila ay napapasunod na lamang base sa kanilang makasariling pagnanasa at mababang kaligayahan, na lalo lamang nagreresulta sa mas matinding kalituhan at kaguluhan.