ADNAN OKTAR: At ganyan nga ang natatanging kaalaman ukol sa hindi pa nakikita ng mga mata. Ang tao ay napakadalas magsalita ng sa wari mo’y alam na nila ang lahat. Hayaan mo akong muling magsalita patungkol dito, para hindi na ito paulit-ulitin pa, Insha’Allah. Ako ay humihingi ng proteksyon sa ilalim ni Allah laban kay satanas. Sa Ayat 65 ng Surah An-Naml: Sabihin mo sa kanila, O Muhammad (r) “Walang sinuman ang nakaaalam ng anumang nasa kalangitan gayundin sa kalupaan sa anumang sinarili ng Allâh (I) na kaalaman sa mga ‘Ghayb,’ at hindi nila batid kung kailan sila bubuhayin na mag-uli mula sa kanilang mga libingan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” Walang sinuman maliban kay Allah ang nakababatid ukol sa mga hindi pa nakikita ng mga mata. May ilang nagsasabi ng ganito, “Tingnan mo, sinasabi dito ni Allah na walang nakakaalam ukol hindi pa nakikita ng mga mata, kaya papaano ka makapagbibigay ng mga hadith o insidente patungkol sa hindi pa nakikita ng mga mata? Isa itong pagkakamali.” Halimbawa, kapag pinag-uusapan na ang mga pangyayari na maaaring maganap sa Katapusan ng Mundo, o ukol sa iba pang bagay, at sasagot tayo na ang Propeta Muhammad (saas) ang siyang nagpahayag ng ganito, agad nilang anas ay, “Hindi iyan katanggap-tanggap, iyan ay labag sa Banal na Qur’an.” “Dahil,” sasabihin nila, “Walang sinuman ang nakaaalam (ng anumang nasa kalangitan gayundin sa kalupaan) sa anumang sinarili ng Allâh (I) na kaalaman sa mga Ghayb” gaya ng sa Ayat 65 ng Surah An-Naml; “At nasa Allâh (I) na Kataas-taasan ang mga susi ng lahat ng lihim, at walang sinuman ang Nakaaalam nito bukod sa Kanya” sa Ayat 59 ng Surah Al-An’am. Subali’t ang ganitong ugali ay hindi matapat, ang kukuhanin ang ilang bahagi ng Banal na Qur’an at iiwanan naman ang iba pang bahagi nito. Si Allah ay nagpatungkol sa mga gaya nila, “At sila ang mga yaong pinagbaha-bahagi nila ang Qur’ân” (Surah Al-Hijr, 91). Ito ay malaking pagkakamali dahil sa ang Banal na Qur’an ay nararapat tanggapin sa kabuuan nito.
Tingnan kung ano ang sinasabi ng ating Pinakamakapangyarihang Allah; “Siya lamang ang Nakakaalam ng Hindi Nakikita ng mga Mata.” Si Allah ang tanging nakababatid sa lihim na kaalaman. “At hindi pa Niya ipinababatid ang patungkol sa mga hindi nakikita ng mga mata kaninuman.” Sa maikling salita, Siya ay walang pa sinumang napagsabihan. Ito’y bukod na lang sa: “Maliban sa sinumang pinili ng Allâh (I) para sa Kanyang mensahe na siya ay naging katanggap-tanggap sa Kanya.” (Surah Al-Jinn 26-27). Dito sinasabi ni Allah na ipinababatid Niya ito sa kanila. Kaya ang mga kasagutang ito ay nararapat na maglagay ng tuldok ukol sa paksa, hindi nga ba? Ang kahulugan lamang nito ay, ang kaalaman ukol sa mga hindi pa nakikita ng mga mata ay inihayag lamang ni Allah sa Kanyang mga piling Sugo, at ang sugong ito ay siya namang naatasang magbahagi sa atin ukol sa lihim na kaalaman. Iyan ang nais iparating sa atin ni Allah nang sinabi Niyang ang patungkol sa hindi pa nakikita ng mga mata ay walang nakakaalam. Sinasabi Niya, “Alam ko ang lahat, at kung ihahayag ko ang mga ito sa iyo, malalaman mo.” Ang mga ito ay walang silbi naman kung hindi nila bibigyan ng tunay na pagpapaliwanag.
“Kung kaya, hindi bahagi ng karunungan ng Allâh (I) na ipakita sa inyo – O kayong mga mananampalataya – ang mga lihim na Kanyang nalalaman hinggil sa Kanyang mga alipin.…” (Surah Al 'Imran, 179). Sa ibang salita, hindi Niya agarang sasabihin ang ukol sa mga lihim na bagay. “Subali’t,” may mga namumukod. “Subali’t pumipili si Allah sa Kanyang mga Sugo kung gugustuhin Niya.” Kung kaya ibinabahagi Niya sa mga ito ang lihim na hindi pa nakikita ng mga mata. “Samakatuwid, maniwala kayo sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo, at kung kayo ay tunay na naniniwala at natatakot sa Allâh (I) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya, ang para sa inyo ay dakilang gantimpala mula sa Kanya (I).” (Surah Al 'Imran, 179) Tingnan kung papaano inihayag ni Allah ang pagsasakatuparan ng biyayang ito, naririto sa sumusunod na ayat kung papaano Siya nagpatungkol ang mga natatagong bagay. Sa Ayat 44 ng Surah Al 'Imran: “Ang mga ikinukuwento Naming ito sa iyo, O Muhammad (r) ay mula sa mga nakatagong kuwento na ipinahayag ng Allâh (I) sa iyo…” na sa ibang salita, mga bagay na sadyang hindi batid ng tao, subali’t si Allah lamang ang nakakaalam. “Na Aming binubuksan ang kaalaman sa iyo…”’ kaya dito makikita ang pagbabahagi ni Allah sa mga natatagong kaalaman na walang sinuman ang nakakabatid pa, at ang lihim na hindi pa nakikita ng mga mata ay ipinamalas Niya sa Kanyang Mensahero na walang sinuman sa mundo ang nakabatid na. Sinabi ni Allah, “Inihayag Namin,” kaya’t maliwanag na ang mga hindi pa nakikita ng mga mata ay maaaring malaman sa pamamagitan ng rebelasyon, tama ‘di ba?
Tignan, muli sa Surah Hud, Ayat 49:“…Na kabilang sa mga kuwento ng Ghayb…” Ipinahahayag dito ni Allah sa Propeta ang kaalaman ukol sa hindi pa nakikita ng mga mata. “…Kabilang sa kuwento ng mga nakaraan na hindi mo nasaksihan, na Aming ipinahayag sa iyo, na wala kang kaalaman, ikaw at ang iyong sambayanan, bago naganap ang pagkakapahayag na ito.” Wala siyang sadyang kaalaman, dahil sa ito nga’y kaalamang natatago, Insha’Allah. Ito ay pinapagtibay ni Allah.
Halimbawa na lang, sa Ayat 102 ng Surah Yusuf: “…Kabilang sa mga ‘Al-Ghayb’ na kuwento na Aming isinasalaysay sa iyo, O Muhammad (r), bilang Rebelasyon; at wala ka roon, noong ginawa ng mga kapatid ni Yûsuf ang kanilang pakana na siya ay itatapon nila sa balon, na sila ay nagpakana sa kanya at sa kanyang ama…” Samakatuwid, walang kaibahan sa pagitan ng nakaraan o ng hinaharap man. Pakasuriin mo, ang kaparehong biyaya ay nakakasakop sa mga bagay na hindi natin nalalaman maging nakaraan man o sa hinaharap pa. Sinasabi nilang ang hinaharap ay mahirap malaman; subali’t ang nakaraan ay hindi rin natin alam. Walang nakababatid nito, dahilan sa ito’y limot na. Walang nakakaalam; ang mga taong yaon ay nangamatay na at wala na. Ano ang naiiwan? Tanging ang kaalaman ukol sa mga hindi pa nakikita ng mga mata na si Allah lamang ang may batid. Hindi lingid kay Allah ang nakaraan at hinaharap. Ang dalawang ito ay matatawag na hindi pa nakikita ng mga mata, at ang batas ay sumasakop sa pareho. Walang kaibahan ang nakaraan at hinaharap. Dahil sa isang iglap, kung ano ang tinatawag nating nakaraan ay siya na ring magiging hinaharap. At ang kinabukasan ay naganap na at kasalukuyang nakalipas na. Mauunawaan natin ito kung titingnan natin ito bilang isang pangyayari lang. Halimbawa, ang Propeta Hesus (pbuh) ay matagal nang dumating at matagal nang nalibing katabi ng ating Propeta Muhammad (saas). Ano ito? Ang nakaraan. Subali’t ito rin ang hinaharap. Ang Hazrat Mahdi (as) ay matagal nang dumating. Matagal na niyang nasimulan ang kanyang tungkulin. Matagal na siyang yumao at napunta sa Kabilang Buhay. Ano ito? Ito ang nakaraan at natapos na. Subali’t ito rin ang kinabukasan.
Isa pang halimbawa, noong sinabi ni `Îsã na anak ni Maryam (u) (sa kanyang sambayanan): “…at nagbibigay ng magandang balita at tumitestigo sa Sugo na darating pagkatapos ko na ang kanyang pangalan ay Ahmad....” (Surat As Saff, 6). Pakinggan, inihahayag niya ang natatagong kaalaman sa pagdating ng isang taong ang ngalan ay Ahmad. Sinasabi na niya ang hinaharap. Hindi ba? Kanya nang inihahayag ang isang kaalaman maraming daan taon bago pa ito maganap. Ito ay ang balita ng kaalaman ukol sa hindi pa nakikita ng mga mata.
Pakinggan ang sinabi ni Propeta Hesus (pbuh): “At sasabihin ko sa inyo kung ano ang inyong kakanin at kung ano ang inyong itatabing pagkain sa inyong mga tahanan.” (Surah Al 'Imran, 49). Ito ay balita ng kaalaman ukol sa hindi pa nakikita ng mga mata. Inihayag niya ito sa pamamagitan ng rebelasyon. Maraming kahalintulad ang ganitong ayat sa Banal na Qur’an. Ito ay mga balita ng kaalaman ukol sa hindi pa nakikita ng mga mata. Ito ay sadyang mahabang talakayin, sa palagay ko ay sapat na ito sa ngayon. Insha’Allah.