Maaalala ng mga mambabasa na noong Hulyo, 2009, ang paniniil, panggigipit at pagkitil sa buhay na isinagawa laban sa mga mamamayan ng Silangang Turkestan ay sa pamamaraang sinadya at pinagplanuhan. At sa kasagsagan ng kaguluhang bunga ng maraming maling pangangatuwiran, libo-libong mga mamamayang Uighur ang naging biktima ng masaker na hayagang nasaksihan sa mga lansangan. Ang ilang natatanging mga larawan kuha sa insidenteng iyon ay nalathala sa ating web site.
Ang bansang Tsina ay gumagamit na ngayon na panibagong paraan, at ito maaari ay kilos-paghahanda sa panibagong bugso ng mga pagpatay, na magtatago muli sa mga masamang pangangatuwiran. At tulad nga ng aming nailarawan na, ang Kashgar, ang makalumang kapital ng Silangang Turkestan na siyang naging tahanan sa maraming Turkong Uighur ay nasa ilalim ng panunukol ng mga tropang Tsino. Ang siyudad ay binubuldoser at ang mga naninirahan sa Silangang Turkestan ay sapilitang itinataboy palabas dito. Ang pamahalang Tsino ay nagpahayag ng isang hindi kapani-paniwalang kadahilanan upang bigyan-katuwiran ang isinasagawang demolisyon, na ang siyudad daw ng Kashgar ay nasa panganib sa pagguho sakaling magkaroon ng lindol. Ang katotohanan, ang siyudad na may 2,500 taon na, ay isang ancient na lugar nang maituturing at puno ng mga makasaysayan at mahahalagang artifacts na mahigit sa isang libong taon na ang mga edad. Ang mga makasaysayang artifacts na ito ay matagal ng panahong nakaranas ng mga lindol at iba pang likas na kalamidad sa mga nagdaang siglo at walang anumang panganib o salanta ang naganap dito. Kagya’t ang sabihing lindol ang dahilan sa pagde-demolish sa mga makasaysayang likhang ito ay wala sa wastong pag-iisip at pagdadahilan.
Bukod pa dito, kung pag-iingat nga ang pinaghahandaan laban sa lindol, ang dapat na gawin sana ay ang patibayin at bigyang-reinforcement ang mga nakatayong mga gusali at istraktura. Ang tahasang paggiba sa mga makasaysayang artifacts sa dahilang may panganib daw ng lindol ay isang gawaing hindi pa nagawa kailanman at sadyang napahirap maunawaan at tanggapin. Kung kaya, walang tunay na dahilan upang ang mga Turkong Uighur ay puwersahang itaboy mula sa lupa pa ng kanilang mga ninuno.
Sa dulo, nais lang talaga ng pamahalang Tsino na gawin itong excuse o palusot. Ang totoo nito ay layon lang ng pamahalang Tsino na gawin ang gusto nito na magwangis siyudad-Tsino ang Kashgar at ang tuluyang burahin na ang mga Turkong Uighur doon kasama na ang kulturang Turko-Islamiko. Kung nais ng mga mamamayang Tsino na makapanirahan sa Kashgar kung sa kanilang sariling pagnanais na rin, ang mga Turkong Uighur ay walang reklamo laban dito. Ang mga Turkong Uighur ay mga mahinahon, mababait, mapagkalinga, mabababang-loob at kaiga-igayang mga tao, bilang pagsunod na rin sa itinuturo ng Banal na Qur’an, at sila ay walang galit na anuman sa mga Tsino. Hindi sila malungkot o tumatanggi sa ideyang makapamuhay kasama ang mga Tsino bagkus, masaya pa nila itong tatanggapin bilang mga bagong kapitbahay at makapagbuo ng magandang relasyon sa mga ito. Subali’t ang nagaganap dito ay ang paggiba sa mga tahanan ng mga Turkong Uighur at ang sapilitang pagtataboy palayo sa kanila sa sarili nilang mga lupa, sa dikta ng administrasyong Tsino, at kaalinsabay nito, ang sapilitan namang paglalagay ng mga Tsino mula sa ibang mga rehiyon ng Tsina upang manirahan doon kapalit sa mga Turkong Uighur. Isa itong patakarang labag sa batas, sa demokrasya at sa mga pangunahing karapatang pantao. Ito ay malinaw na isang patakaran ng “enforced displacement and exile.” Doon sa mga hindi sang-ayon sa paglisan sa kanilang mga tahanan ay nahaharap naman sa matinding kalupitan at panggigipit. Dapat na ang lahat ng mga estado mula sa Europa at Amerika ay kumilos agad at sabihing ito ay bagay na nangangailangan ng agarang pagkilos at pagtuligsa, at hindi ang magmasid na lang habang ang isang patakarang walang hustisya at makahayop ay ipinatutupad sa Tsina. Isang malawakang pagkilos mula sa publiko ang magdadala ng mensahe sa bansang Tsina na walang karapatan ang sinuman o anumang bansa upang kumilos basta gusto lang niya at walang pagsasaalang-alang sa mga batas, sa ganito ang nasabing mapaniil at malupit na batas ay mapipigilan na at mabigyang-wakas. Ang United Nations, European Union at iba pang mga pandaigdigang samahan, mga grupong pang-charity at mga mabubuting indibiduwal ay hinihintay na kumilos na upang labanan ang malaking isyung ito.