Ayon na rin sa Banal na Qur’an, obligasyong panrelihiyon ng bawa’t Muslim ang magkaisa. Ang pinakapundasyon ng Unyong Turko-Islamiko ay ang siyang magbibigay kalakasan at kapangyarihan sa mga Muslim, at maging ng kaayusan para sa mga Kristiyano, Hudyo, Armeno, Ruso, Amerikano, sa maikling salita, para sa lahat ng mga komunidad sa buong mundo. Subali’t dapat na liwanagin na ang unyong ito ay hindi dapat nakabase sa anumang kahigitan ng iisang lahi laban o kumpara sa ibang lahi. Ang pag-akyat ng bansang Turkey sa liderato ng unyon ay hindi ayon sa anumang superyoridad nito sa lahi o maging sa henetika man, bagkus ito ay ayon sa antas ng kanyang pagpapahalaga sa moralidad – ang pagnanasa na makapagsilbi, kahit na dumaan pa sa mga pagsubok o paghihirap, mapatupad lamang ang tamang konsepto ng hustisya sa mundo. Marapat lamang na malaman natin na ang nasyong Turko sa ilalim ng mga Ottoman sa loob ng daan-daang taon ay nakapagpalaganap at nagampanan ang kanyang malaking tungkulin sa bahaging iyon ng kasaysayan, at sa pinakamahusay na kaparaanan. Ang kasaysayan kalinsabay ang kasalukuyang estado ng bansang Turkey ang tunay na nagbubunsod upang pamunuan nito ang Unyong Turko-Islamiko. At mas higit pa dito sa mga nasasaad sa kasaysayan, ang ating Propeta (saas) ay naghayag mismo na ang nasyong Turko ay may napakalaking papel na gagampanan sa Katapusan ng Panahon.
Ang Panayam ni Timothy Furnish kay G. Adnan Oktar, ika-14 ng Disyembre, 2008
ADNAN OKTAR: Sa unyong ito, ang aking mga pangungusap ay malawig na patungkol sa pagmamahalan, kapayapaan, kapatiran, rasyonal na pag-iisip at ang pagkakabit ng kahalagahan sa sining at kagandahan. Ang pagbibigay kahalagahan sa tamang kaayusan, kapayapaan, kalayaang pantao at demokrasya ay nararapat na mamayani. Ang may lalim na pagmamahal at respeto para sa mga Kristiyano at Hudyo kaakibat ang diyalogo sa kanila ay marapat na mamayani. Sa aking pananaw, ang mga Armeno ay kaparte rin sa Unyong Turko-Islamiko. Kaya, walang anumang pagpapalagay na may mas nakakahigit na lahi, o dugong pinagmulan, o ng maging superyoridad sa larangan ng henetika. Bagkus, pag-ibig at pagiging malapit sa isa’t isa ang dapat isulong. Sa ganito, walang maaapi, walang kaguluhan sa kalooban ng tao o kalungkutan man. Ito ay magiging isang sistema na naglalayong makamit ang kaligayahan at tuwa ng bawa’t isa sa atin.
Ang panayam kay G. Adnan Oktar sa Tempo TV, ika-24 ng Septyembre, 2008
ADNAN OKTAR: ...Ang pinakamahalaga ay nabigyang-buhay muli ang “Caucasian Alliance project.” Sa katotohanan hindi dito nagtatapos, may mga lihim at hayag na mga aktibidades na malawakang nagaganap upang pagkaisahin ang Turkmenistan, Kazakhstan at ang mga estadong Turko. Subali’t ang dapat na bigyang-pansin dito sa Unyong Turko-Islamiko ay ang hindi nito layunin na maapi ang mga Kristiyano. Bagkus ito ay para sa mga Kristiyano rin, upang sila ay maging higit na panatag rin, maprotektahan laban sa mga naghahasik ng pananakot, at makapamuhay ng sapat at sagana. Ito rin ay para sa mga Hudyo upang sila rin ay makapamuhay ng mapayapa at ng may kasaganaan. Dahil wala ngang anumang pagpapalagay dito ng kahigitan sa lahi, maging ang lahi ng Turko ay hindi pinapalagay na mas nakakahigit kaysa sa ibang lahi sa buong mundo. Ang sinasabi namin dito ay may takot kay Allah ang mga Turko. Sila ay maaayos at matatapat na mga tao na may takot kay Allah. Sila ay may pagpapahalaga sa moralidad, matutulungin at hindi mga makasarili. Halikayo at gawin ang nasyong ito na maging pinuno, hayaan natin silang makapamuno.
Ating itatag ang Unyong Turko-Islamiko. Magiging maayos ang lahat mawala man ang mga bansang Ruso, Tsina at Amerika. Atin na ring isama ang Israel at Armenya sa unyong ito. Tayo’y mamuhay sa gitna ng kapayapaan bilang mga magkakapatid. Ito ang tunay na isyu. At hindi ito naglalayon na itaboy sila. Isang magiging patakaran ay palakasin pa nga sila at mas higit na mapahusay. Ito ay kinakailangang bigyang-diin. Hindi gaya ng ginawang pagsasalarawan dati, inakala tuloy ng mga tao na ang Unyong Turko-Islamiko ay magiging isang diktaturya na base sa nakakaangat na lahi gaya ng ginawa nina Hitler at Mussolini, huwag nawang itulot ni Allah.
REPORTER: Totoo, mayroon ngang ganyang impresyon.
ADNAN OKTAR: Si Allah na mismo ang susupil sa ganitong pagtatangka, bagay na ginawa na Niya dati at siya Niyang mga dinurog ng isa-sa. Si Allah ang nagtapos kina Hitler, Mussolini, Franco at sa lahat ng mga kagaya nila. Hindi kailanman hahayaan ni Allah na mamayani ang isang sistema na walang sadyang kinabukasan. Ang pang-aapi ay hindi maaaring maging permanenteng bagay. Tanging ang mga totoo, tapat at sinserong mga ideya ang mga namamayani. Ang kabuuan ng isyu ay ang ihayag ng buong katapatan sa mga tao na ang Unyong Turko-Islamiko ay nag-uumapaw sa sinseridad at katapatan ng paniniwala base sa pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, sa isang sistema na magsasama at naglalayong mapangalagaan ang mga Tao ng Banal na mga Aklat. Kung ito ay maisasakatuparan, magiging ganap na ang lahat. Insha’Allah.
Ang panayam kay G. Adnan Oktar sa Manset Haber, ika-5 ng Marso, 2009
ADNAN OKTAR: Ngayon, tayo ay pumupunta sa isang dalubhasa kung tayo ay may karamdaman, hindi ba? Sa isang eksperto sa kanyang larangan. Ang mundo ng mga Turko ay dalubhasa sa larangan ng pagpuksa sa kuropsiyon at kaguluhan. Ibig kong sabihin ay eksperto ang mga Turko sa larangang ito. Nangangahulugan ito na ang mga taong may-kalidad, may-tapang at determinasyon upang iligtas ang mundo sa mga nabanggit na kasamaan ay nabibilang sa mga Turko. Kaya maging ang Propeta (saas) ay nagbigay-pugay sa kanila sa ilang mga hadith. Subali’t muli, hindi ito pagpapalagay na kahigitan sa pagkalahi o sa henetika man. Ito ay batay sa kahigitang moral. Ipinakita ito ni Allah sa panahon ng mga Ottoman, na namuno sa loob ng humigit-kumulang pitong daang taon. Kung babalikan natin ang taong 1400 ng mga Hegira, na siya mismong panahong ng pagbabalik ng Hazrat Mahdi (pbuh), tayo ay matutuon sa panahon ng pagtatatag ng Empirong Ottoman. At kapag tayo ay tumungo naman pabalik sa panahon, matutunton natin ang isa pang kapanahunan matapos ang taong 1400 ng mga Hegira.
TAGAPANAYAM: Kaya masasabi ba natin na nararapat ang isang pamumuno sa ilalim ng nasyong Turko para sa Unyong Muslim?
ADNAN OKTAR: Oo, siyang tunay.
MR. ADNAN OKTAR'S INTERVIEW ON MPL TV, November 21st, 2008
ADNAN OKTAR: Dati nang naimungkahi ang pagkakaroon ng isang Unyong Turko. Subali’t ito ay sa isang sistemang maka-komunista, Marxista, Leninista, Darwinista, pawang mga sistemang walang patumangga o paggalang sa kalagayang pang-moralidad, na siyang naglalarawan ng kulturang “shaman” na nakabase sa pansariling pamamaraan kasama na ang kawalan ng relihiyon, na siya namang patungo sa isang maka-ateistang pamamalakad na walang layon kundi ang ipakalat ang imoralidad sa mga estadong Turko. Isa sa kanilang mga layunin ay ang ipamulat sa buong mundo na ang lahi ng mga Turko ang siyang nakaaangat o superyor na lahi, sa dugong pinagmulan, maging sa larangan ng henetika at dahil dito lahat ng ibang lahi ay mabababa, kagya’t walang karaparatang pang mabuhay. Sila ay sadyang may mga baluktod na paniniwala sa pagnanasa na ang mga lahing Turko lamang ang may karapatang manatiling buhay sa mundo. Subali’t ang mga nagsulong nito ay kinamuhian sa lahat ng mga estado ng Turko, itaboy sila at pinuksa. Na sa malas ay kanilang pinagdusahan ng mabigat. Subali’t ito napawi ng lahat. Ang ideya ng bago at tunay na Unyong Turko-Islamiko ay yumayakap na sa mga bansang ito. Walang anumang konsepto ng superyoridad o kaangatan ng sinumang lahi o maging sa henetika man. Ang isang kahigitan lamang na kinakailangan ay ang iyong sa kalagayang moralidad. Masasabi namin na ang bansang Turkey, ang nasyong Turko, ay siyang bansa na higit na nakasusunod sa pamumuhay na batay sa Islam. At ito ay isang bansa na may pinakamagandang kalidad ng pamumuno. Ito ay bansang may angking tapang at pagpapahalaga sa moralidad. Dahilan kung kaya nasabi namin na dapat siyang mamuno. At bagay na wala naman kaming nakitang tumatanggi dito. Masasabi naming na kapag nabuo na ang mga estadong Turko at ang mga Turko, ito ay unyong base sa moralidad. Hindi ito unyong na nakabase sa dugo lamang. At kami ay hahakbang pasulong ng may intensyong makapagsilbi sa mundo ng Islam at maging sa kabuuan ng daigdig. Maliwanag na sinasabi naming na walang anumang magiging paniniil laban sa ibang relihiyon o laban sa ibang lahi, bagkus hangad pa ang makatulong sa ibang relihiyon at lahi. Ang ibig kong sabihin ay ang matulungan din ang ibang lahi na yumabong ang kabuhayan patungo sa kapayapaan, kasaganahan, kaginhawahan at kalayaan. Base sa ganitong ideya, masasabi naming, “Maisasama rin natin ang Armenya sa Unyong Turko-Islamiko.” Insha’Allah. Isasama na rin natin ang Israel sa Unyong Turko-Islamiko. At ang mga estadong ito ay hahayaang mapanatili ang kanilang sariling pambansang pagkakakilanlan. Ang layunin ay ang lahat ng mga estadong ito ay magkasama-sama sa iisang bubong at maitatag ang tunay na seguridad. Layon din nitong makapagbigay-suportang pang-ekonomiya, mapayabong ang kanilang kabuhayan sa pagdadala ng mga produktong petrolyo at mga mineral, upang makamit nila ang tunay na kalayaan at maiwaksi ng tuluyan ang sugat na naihasik ng mga pananakot, pagbagsak ng ekonomiya o maging ang pighati ng pagkakasukol o ang halos mapawalay na sa mundo. Gaya ng nangyayari sa Armenya sa ngayon. Sukol na sukol, sakop ang napakaliit na lupain at wala ni anumang koneksyon o ugnayan sa labas ng kanilang teritoryo. Sila ay namumuhay sa ilalim ng bagsak na ekonomiya. Malungkot ang kalagayan ng mga mamamayan ng Armenya, may bigat na dala ang kanilang mga puso, makikita ito sa kanilang mga mukha, may pighati sa kanilang mga mata. Tingnan ang Israel, mas grabe pa nga ito. Sadyang pinalibutan nila ang kanilang mga sarili ng matataas na mga pader. Animo’y sila na mismo ang naggawa ng kulungan para sa kanilang mga sarili. Masasabing nagtayo sila ng sarili nilang preso. Ang ibig kong sabihin ay, naging inbisibol na sila, sinarado na nila ang lahat ng tanawin, maging ang ganda ng kanilang lugar. Maging sila ay hindi na nila makita ang kanilang sariling kapaligiran. Kahit saan ka man tumingin, puro pader ng siyudad na lamang ang makikita mo. Gigibain natin lahat ng mga pader na ito, muli nating bubuksan at sasabihin sa mga tao, “Ikaw ay malaya ng muli. Malaya kang makagalaw at pumunta saan mo man gustuhin at makapagsimula ng ikabubuhay. Ito ang iyong lupang tinubuan. Manahan ka dito, walang sinuman ang makapananakit sa iyo. At gayun din wala kang sasaktan sinuman. Tayo’y mamuhay ng Masaya bilang magkakapatid. Ibahagi sa mundo ang magagandang detalye ng iyong kultura, kaalaman at teknolohiya. Magbukas ng mga pabrika sa maraming lugar. Hasain kung ano ang mayroon ka – ang iyong mga kakanyahan at kasangkapan. Subali’t dapat nang itigil ang kaguluhan. Pagtulungan nating maganap ang rekonsilyasyon sa pagitan ng mga Hudyo at Palestino. Hayaan ang mga Palestino na makapagtatatag ng kanilang sariling estado at ideklara ang Herusalem bilang kanilang kapitolyo. Hayaan ang mga Palestino at mga Hudyo na makapamuhay kung nasaan man sila, kung saan sila inilagay ng kanilang mga ninuno. Dahil dito wala ng katanungan pa ukol sa pagpapatalsik ng sinuman palabas ng Herusalem. Tayo’y mabuhay ng sama-sama, maligaya bilang magkakapatid. Hayaan ang ang sinuman na nagmula sa iba-iba relihiyon ang makapasok doon at makapanalangin. Hayaan ang mga turista na makapasok, mag-ikot at tumingin-tingin. Wakasan na natin ang mga pagkalito at kaguluhan. Ito ang layunin. Walang anumang bansa ang hindi magnanais nito. Hindi ito ikalulungkot ng Tsina o ng Amerika o ng Rusya. Subali’t kailangang patunayan at ipakita natin na ito ay buong katapatan nating isasakatuparan. Gaya ng atin na ngang sinisimulan. At kapag ang paniniwala nating ito ay maayos na mapalaganap at maipatupad, ang ating layunin ay naabot na ang katuparan. Hindi naman ito napakakomplikadong bagay. Sa madaling salita, ang pagtatanggal ng pasaporte at visa ay madaling magagawa sa mga pulong ng Gabinete. At ano ang kahulugan nito? Walang iba kundi ang Unyong Turko-Islamiko. Ang ibig sabihin lang nito ay sa oras na ihayag ng gobyerno na tatanggalin na ang pangangailangan ng pasaporte at visa para sa mga estadong Islamiko at Turko, ganap na ang ating hinahangad. Maitatatag na ang Unyong Turko-Islamiko. Kailangan nilang gawin ang kaparehong desisyon at lahat ay aayon na sa layunin ng unyon. Sa kabuuan ito ay magiging isang unyong ng mga puso. Ito ay isang unyong na hindi nangangailangan ng formal o opisyal na paghihigpit o pagpaparusa upang maipatupad lamang, Ang pag-ibig ay hindi kailaman maaaring mag-ugat sa mga opisyal na pagpapatupad or paghihigpit. Kinakailangan itong yumabong labas sa opisyal na kaparaanan lamang. Hinihingi na magkaroon ng tunay paglalapit ng puso dito. Magmaneho ka mula dito patungong Syria, Wala itong “frontier crossing” (teritoryong hangganan). Ito ay bukas at malawak. Maluwag mong madadala ang iyong mga produkto mula dito patungo sa Damascus at ang maibenta ang mga ito doon. Ang salapi ay aagos sa ganitong sistema. Magkakaroon ng malaking pagkilos-pinansyal. Ang mga produkto ay tuloy-tuloy na darating, ang produksyon ay magtutuloy-tuloy, at ito’y produksyong malawakan. Ang ibig kong sabihin ay ang mga produkto at kasaganahan na magmumula dito, ay higit pa sa maaaring panaginipan ng tao at ito ay tiyak na magiging napakabilis.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar sa ABN Radio, ika-15 ng Nobyembre, 2009
ABN RADIO: Ang sinasabi ninyo ba ay naririto na ang Mahdi (pbuh)? Kung gayon, nasaan na siya sa palagay ninyo ngayon, at bakit hindi ninyo na lang tawagin na Unyong Islamiko imbes na Unyong Turko-Islamiko? Dahil kung tatawagin ninyong Unyong Turko-Islamiko, nagsasaad ito ng pagiging dominante ng iisang bansa lamang kumpara sa iba. Bakit hindi na lang tawagin itong Unyon ng mga Muslim? At kung ang Mahdi (pbuh) ay naririto na, nasaan na siya ngayon sa inyong palagay?
ADNAN OKTAR: Kung ating pagbabatayan ang mga pangungusap ni Said Nursi at ang ilang mga hadith, ang Hazrat Mahdi (pbuh) ay nasa sa Istanbul. May walong (8) hadith ukol dito, kung tama ang aking pagkakaalala. At maliwanag na rin sa mag pangungusap ni Said Nursi na ganito nakatakda ang mga pangyayari. Tunay na maliwanag na ang mga Muslim ay magkakapatid. Ang ating Propeta (saas) ay nagsabi na: “Walang kahigitan ang isang banyaga laban sa isang Arabo, gayundin ang Arabo laban sa isang banyaga. Ang kahigitan o superyoridad ay batay sa takwah [takot kay Allah] lamang.” Ang tinutukoy dito ay ang katapangan, ang pagiging matibay ng kalooban, kagandahan ng moralidad, pagiging masidhi, pagiging tunay na tao, ang pagiging bukas-palad, ang hindi pagiging makasarili at ang kabayanihan ng nasyong Turko. Iyan ang sa panahon ng mga Ottoman, isinakatuparan nila ang napakalaking tungkulin para sa buong mundo bilang Unyong Turko-Islamiko. Sinasabi naming ito dahil sa ang bansang Turkey ay sadyang likas na pinuno sa mundo ng Islam, at may kakanyahan ito upang tawagin muli ang mga estadong Turko at gagawin niya ito sa nalalapit na hinaharap. Subali’t hindi ito ukol sa pagpapalagay ng pagtatangi sa kahigitan ng isang lahi o dugong pinagmulan o maging ng henetika. At may matibay na patunay dito, at ito ay ang ating Propeta (saas) na nagsabi na ang Hazrat Mahdi (pbuh) sampu ng kanyang armada at kasundaluhan ay magmumula sa mga Turko. Ito ay buong hayag na nasasaad sa hadith. At ito ang siyang magaganap sa ngayon. Dahil na rin ang Hazrat Mahdi (pbuh) ay nagtataglay ng mga sagrado relikya. At ang mga sagrado relikyang ito ay nasa pangangalaga ng Palasyo ng Topkapi na nasa Istanbul. Ang mga ito ay nasa museo. Makikita natin sa mga hadith na ang nasyong Turko ay may nakaatang na malaking tungkulin sa maraming kaparaanan, insha’Allah.
Panayam kay G. Adnan Oktar ng Afghanistan Ayna, ika-12 ng Disyembre, 2008
ADNAN OKTAR: Ang katangian ng nasyong Turko ay ito: Ang nasyong Turko ay biniyayaan ng magandang antas ng moralidad at ng pagiging magalang. Isang karapatan ngayon para sa isang ganitong bansa na gumanap sa posisyon ng pamumuno. Magagampanan nila ang kanilang mga tungkulin ng higit na maayos, sila’y tunay na magiging mabuting mga lider. Iyan ang tanging kahulugan; walang sinasabi ukol sa superyoridad ng lahi, o dugong pinagmulan, o ng pileges sa leeg o ng kung anumang hugis ng bungo. Iyan ay pananaw na ng mga pasista, isa iyang kalokohan at nakahihiyang bagay, taliwas sa paglalayon ng mayos na pamumuhay at magandang kabuhayan. Si Allah na mismo ang magpaparusa sa mga ganito ang paniniwala. Tanging kaguluan lamang ang dulot nito. Kaya’t hindi maaaring hayaang mamamayani sila. Ang hangad natin ay isang Unyong Turko-Islamiko sa pangunguna ng bansang Turkey, na may basbas ng mga estadong Turko. Lahat tayo ay alipin ni Allah. Walang pagpapalagay ng kahigitan sa pagkalahi. Sadya lamang na ang bansang Turkey ay natatama na pamunuan ang magaganap na unyon. Ginawa ng Allah na maayos ang bansang ito. Ang ibig kong sabihin ay, siyang bansang sinilang upang mamuno. Isang bansa bukas-loob upang dumaan sa mga pahirap, handa sa mga pagsubok na haharapin, handang magdusa, handang magsakripisyo, siya ay matapang, may matatag na paniniwala, may magandang moral, matibay at matapat. Ito ang magagandang katangian ng nasyong Turko. Aming tahasang masasabi na ang nasyong ito ay tunay na pinuno. Sino pa ang makagagawa nito, wala ng iba pang kaya na makaganap sa papel na ito. Makikitang sadyang ang nasyong Turko lamang ang may kakanyahan gumanap nito. Dala namin ang karanasan mula pa sa mga Ottoman. Sa maikling pananalita, iginawad sa amin ni Allah ang karanasang minana namin sa aming mga ninuno, Insha'Allah. Kung lakas naman ang pag-uusapan, mayron itong matatag na karanasan upang malugod na makaganap sa tungkulin. Angkin ng mga Trurko ang lakas at kakanyahang upang magampanan ng maayos ang pagiging pinuno. Ang sinasabi namin ay may taglay na likas na lakas at kakanyahan ang mga Turko base na rin sa kanilang potensyal. Ito ay natatakda, Insha'Allah. Ito ang siyang magaganap. Basahin natin sa ilang mga hadith, at doon makikita natin na nasusulat ang mahalagang papel na nakaatang sa nasyong Turko. Ito ay maliwanag na nasusulat. Sa ganito kadahilanan, naaayon ang takbo ng kasaysayan. Kahit anupaman ang sabihin ng iba, ito ang nakatakdang maganap, Insha'Allah.
Ang Panayam ng Akhaberler kay G. Adnan Oktar, ika-2 ng Nobyembre, 2008
ADNAN OKTAR: Ang pinag-uusapang nating Unyong Turko-Islamiko ay batay sa pagmamahalan at napakalayo sa pag-aaglahi (racism) o pagpapalagay sa pagiging superyor ng lahi. Tanging si Allah lamang ang Pinakamataas at Nakahihigit sa lahat. Tayong lahat ay mga alipin lamang. Itong ideya ng unyon ay para sa pagmamahalan ng lahat ng bansa, na siyang titingin at mangangalaga sa kanila, na yayakap sa mga Kristiyano at Hudyo, at bukas ang isipan upang isama sila sa loob ng Unyong Turko-Islamiko. Bagay na hindi posible dati. At ito ay ideyang isusulong ng nasyong Turko. Ang dating hangad na unyon ay may bahid ng pagiging pasista sa pagbuo nito. Sinasabi nilang silang ang pinakamagaling, pinakamalakas na lahi sa mundo na hindi malayo sa pagsasabi na ang ibang lahi ay mabababa kung nagkagayon nga. Subali’t walang ganyan sa katotohanan. Nilikha ni Allah ang lahat ng lahi. Lahat ng lahi ay magkakapatid. Ang Rusya ay uunlad sa loob ng Unyong Turko-Islamiko. Nais namin na ang Armenya ay lumahok na rin sa Unyong Turko-Islamiko. Nais naming lumahok din ang bansang Georgia. Kahit na ang bansang Israel ay aming hihimuking sumali sa Unyong Turko-Islamiko. Marami tayong mga kapatid na Turko mula sa mga Hudyo ng Crimea. At kahit na hindi sila mga Turko, sila pa rin ay mga anak ni Propeta Moises (pbuh) at Propeta Abraham (pbuh), sila ay mga nagmula sa lahi ng mga propeta. Amin silang gagawaran ng halik sa kanilang mga noo, insha'Allah, hangga’t taglay nila ang masidhing pag-ibig kay Allah, mga maingat sa usaping halal at haram, at hangga’t patuloy sila sa pagmamahal at paggalang sa mga propeta at mga angeles, patuloy na magiging ganito ang pagtingin namin. At kapag ganito na nga ang sitwasyon, hindi na tayo mabubuwag pa, insha’Allah.
ANG PANAYAM KAY G. ADNAN OKTAR NG PAHAYAGANG AZERBAIJAN–AZADLIQ, ika-14 ng Septyembre, 2008
ADNAN OKTAR: Ito ang sasabihin ko sa inyo, kung silang lahat ay magsasama-sama laban sa mga Arabo, si Allah mismo ang dudurog sa kanila. Si Allah ang mismong dudurog sa sinumang magsasama-sama ng batay sa lahi o dugo, o anumang pagbabase sa pagkalahi. Ang ganito pagsasama ay nakatakdang gumuho sa simula pa lamang. Hindi na ito dapat pagtakhan pa. Tanging ang Unyong Turko-Islamiko ang pinaka-perpekto at posibleng sistema. Isang unyong Islam na pamumunuan ng mga Turko. Ito na iyon. Ang solusyon ay napakaliwanag. Ito ay naaayon sa Banal na Qur’an, mga Sunnah, sa pang-unawa or rason, sa malinis na konsensiya at sa mga sari-sarili nating interest pambansa. Ito ay akma sa lahat ng bagay, akma sa lahat ng interes sa mundo. Ito ay isang sistema na lahat ng bansa sa mundo ay hindi mag-aatubling lumagda. Ito ay nakabatay sa pag-ibig at pagiging malapit sa isa’t-isa. Ito ay isang puwersa ng paglilingkod ng may paggalang sa lahat ng pananampalataya at lahi. Tayo ay hahakbang pasulong upang makapagsilbi sa buong mundo. Ang sinasabi namin dito ay hayaan ninyo kaming makapaglingkod sa inyo. Ating minahin ang mga mineral at ibenta rin sa inyo upang kayo rin ang makinabang. Magpadala tayo ng mga manggagawa, magpadala kayo ng mga manggagawa. Mahalin natin ang isa’t-isa at maging magkakaibigan. Ito ang aming hangarin.
Panayam kay G. Adnan ng Azerbaijan Apa, ika-16 ng Agosto, 2008
Reporter: Sa Azerbaijan at Kazakhstan. Ano ang nakikita ninyo sa ganitong mekanismo? Ano ang maaari ninyong i-rekomenda?
Adnan Oktar: Una sa lahat, hayaan ninyong sabihin ko ang rason para sa lahat ng ito. Ang nasyong Turko ang tunay na representante (standard bearer) ng Islam. Sa loob ng isang libong taon ay naipakita niya ang katangiang ito. At ito ay ipinagkalooob ni Allah sa nasyong Turko. Makikita na ito sa mga nasulat sa ilang mga hadith. Sa hadith, nasususlat din na ang Mahdi ay magpapakita sa bansang Turkey sa Katapusan ng Panahon. Siya mismo ay maglilingkod sa Istanbul. At nakikita naming na ang nasyong Turko ay may magandang sinimulan na mula sa kasaysayan, sa kanyang mga pamamaraan at sa kanyang mataas na pagpapahalaga ng moralidad. Ito ay totoo para sa Kazakhstan at Silangang Turkestan. Siya ay sadyang natatangi at mahusay na nasyon. Kung ating tatanungin ang kung sino ang marapat na mamuno sa nasasakupan ng Islam, ang lahat ay nagsabi at magsasabi na ito ay ang Turkey. Hindi ito batay sa kahigitan sa lahi, bagkus base ito sa natatanging kakanyahan, natatanging talento. Sa ganitong kadahilanan, kami ay nasa posisyon upang gawing ganap ang biyayang ito sa lalong madaling panahon. Una, kailangan ang agarang pagtatatag ng unyong Turko, walang namang kinakailangan ilagay sa listahan ng prayoridad. Halimbawa, ang Syria at Azerbaijan ay malayang idugsong ang kanilang mga bansa sa Turkey ng magkasabay. At walang kailangang waiting list. Ang unyong ito ay kinakailangan maitatag na sa ilalim ng pamumuno ng mga Turko. At kung maitatatag na ito, wala ng dahilan pa upang magkaroon ng mga suliranin. Halimbawa, bakit kailangang magkagulo pa sa Georgia? Bakit kailangang pang pumasok sa sigalot ang Rusya? Masdan ang mga paghihirap sa mga nakalipas na mga araw. Makikita ang pagtaghoy ng mga kababaihan sa telebisyon. Ang unyon natin ang ganap na lohika. May European Union, may Mediterranean Union, ang mga bansang masidhing magkakasalungat ay nakukuhang magsama-sama, kaya bakit hindi ang mga taong mula sa isang lipi, iisang relihiyon, iisang tradisyon, iisang pamamaraan ng pamumuhay at maraming iba pang pinagkapareho’t pinagsasaluhan ang hindi makakayang magkasama-sama? Tayo ay mga magkakapatid sa pananampalataya at pinagmulan. Walang dapat na hintayin pa, ngayon na ang panahon ng pagsasama. Ito ay magdudulot ng malaking yaman, kasaganaan, kapayapaan at kalidad sa rehiyon. Ang ibig kong sabihin ay, isang sibilisasyong hindi pa nakikita ang maitatag, isang sibilisasyong hindi pa nakikita sa kasaysayan. Sa maikling pananalita, isang sibilisaysong hindi pa nakikita sa kasaysayang ng mga Turko ang isisilang, insha’Allah. Ito ay mangangahulugan din ng pag-angat sa ekonomiya ng Amerika, Rusya at Tsina. Halimbawa, ang Amerika ay nasa malaking suliraning pangkabuhayan sa ngayon. Ang Tsina ay nasa dulo naman ng matalas na patalim; kung mawala sa Tsina ang mga merkadong Amerikano, Turko at maging ang pandaigdigang merkado, ito ay bubulusok sa pababa. Gayon din ang maaaring mangyari sa Amerika, na sa kasalukuyan ay hirap na panatilihin ang kanyang balanse. Ang Rusya na isang mahirap na bansa sa ngayon, subali’t kapag ang Unyong Turko-Islamiko ay maitatag, ang daloy ng matinding kaginhawahan at kasaganahan ay aabot sa kanila, makakamit pa nila ang kapayapaan. Subali’t kailangang itong masuportahan mula likuran. Ang tinutukoy ko ay ang mga kapatid nating Azeri ay kailangang kumilos rin ng tuloy-tuloy upang makamit ang ganito hangarin, at kami ay gaganap din sa aming bahagi; ating pag-iisahin ang ating dalawang napakagandang mga bansa, maging isang nasyon. Halimbawa, sumakay tayo sa ating mga kotse, magmaneho ng buong laya patungo sa Azerbaijan, ang magkaroon ng isang salu-salo sa isang restawran doon.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar sa Çay TV, ika-23 ng Hulyo, 2008
ADNAN OKTAR: Ito ay siyang likas. Ang ating relihiyon ay iisa, ang ating lengwahe ay iisa, lahat ng mayroon tayo ay iisa, nagmula tayong lahat sa iisang lipi, tayo ay magkakakapatid subali’t mga nagkahiwalay. Sa ngayon, kung ating sasabihan ang Azerbaijan, “Magkaisa na tayo;” hindi na sila mag-aatubili, agad nila itong tatanggapin. Sa maikling salita, ang kailangan na lang dito ay ang pagkakaroon ng opisyal na paghingi nito. Makakaya nating mabuo na kahit na dalawang estado subali’t bilang isang bansa. Wala itong anumang balakid pa. Ito ay totoo rin para sa Kazakhistan, para sa Kirghizstan, para sa Turkmenistan at maging para sa Silangang Turkestan. At bilang resulta ng ganitong pagsasanib, ang mundo ng Islam ay magagalak. Ang Iraq at Syria ay parehong handang makipagsanib sa Turkey. Ang tanong na lang ay kailan ito hayagang ipamamalas ng Turkey; sa maikling salita, ito’y kailangang ipahayag na. Ang paghingi nito ay sapat na.
Çay TV: Masasabi ninyo ba na ang mga Arabo ay pabor sa ganitong unyon, kagaya ng mga Turko?
ADNAN OKTAR: Gusto rin nila ito, pabor sila dito. Itinuturing nila nga itong tanging paraan para sa kaligtasan. Nangangahulugan din ito ng kaligtasan para sa Amerika, at para sa Rusya at Tsina. Sila ay magkakaroon pa nga ng masaganang eknomiya at ang pananakot (terror) ay mawawakasan na. Partikular na ang Israel na magiginhawahan dahil ang pinakaproblema nga nila mismo ang mawawala. Gayundin ang pagginhawa ng kalagayan ng Armenya, at ang isang mahusay na sibilisasyon ay isisilang. Wala ng balakid pa. Dahil sa ito ay unyon o pagsasama-sama base sa kapayapaan, sa kapatiran at pagmamahalan. Hindi ito kosepto nakabatay sa kahigitan ng lahi o superyoridad nito o maging ng panunupil sa kapwa. Na ang tanging hangad ay maglingkod, ang maglayong magligtas ng kapwa at magsilbi sa buong sangkatauhan.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar ng Iran IRIB, ika-30 ng Setyembre, 2008
REPORTER: Inihayag ninyo ang thesis para sa Unyong Turko-Islamiko. Ano ba ang pinag-ugatan nito?
ADNAN OKTAR: Nakikita ko na ang nasyong Turko ay may makasaysayang misyon at siyang naging representante (standard bearer) ng mundo ng Islam. Ito ang nasyon na may busilak na takwa (takot kay Allah), maingat na sumusunod sa Islam at Banal na Qu’ran. Likas na katangian ng nasyong tio ang maging pinuno. Maliwanag sa mga kasulatan na ang nasyong Turko ay mamumuno sa atin, na ang nasyong Turko ay siyang mangunguna upang pamunuan tayo sa panahon ng pagdating ng Hazrat Mahdi (pbuh). May mga kasulatan din mula sa mga Sunni na nagpapahiwatig na ang Hazrat Mahdi (pbuh) ay magpapakita o magmumula sa mga Turko. Ayon sa nasusulat, siya ay magsisimula ng kanyang gawain sa gitna ng mga Turko, ang tinutukoy na lugar pa nga ang Horasan. Ang Horasan ay ang lupang tinubuan ng mga Turko. Ito ang dahilan kung kaya ako ay naniniwala na ang mga Turko ay gaganap ng pangunahing papel sa banal na gawain, sa napakahalagang gawaing ito. Ang aking pag-unawa mula sa mga nasusulat ay iyong maging pinuno nga. Subali’t hindi to patungkol sa kahigitan sa lahi. Ang ibig sabihin ko ay, hindi ito batay sa anumang kahigitan sa pisikal, o superyoridad ng dugo. Ang paniniwala ko ay kaya nilang gampanan ng lubos ang kanilang tungkulin dahil sa kanilang takwa at dahil sila ay mga tao na alam ang kahulugan ng pagdurusa. Naniniwala ako na ang kanilang katangian bilang lider ay napakahusay. At nakita ko rin na ito ang nasaad sa hadith, kaya sa kadahilanang ito buong tiwala ako sa pagsilang ng isang malaking pagsasama sa ilalim ng Unyong Turko-Islamiko sa pamumuno ng nasyong Turko.
Sa kagustuhan na rin ni Allah, ang Turkey ang bansang nakatakda upang magsilbi bilang lider ng mundo ng Turko-Islamiko, maging ng buong nasasakupang ng Islam. Kaya’t tiyak na magagampanan niya ang kanyang tungkulin, ang ibig kong sabihin ay, ang kanyang tadhana, insha’Allah. At hindi namin ipinalalagay na ang aming lahi o dugo ay natatangi, na kami ay galing sa mataas na lipi, o mataas na pinagmulan, na ang ibang bansa ay pangkaraniwan lamang at walang anumang espesyal sa kanila at na kami lang ang mataas ang narating na lahi. Hindi ito ang aming pagpapalagay. Hindi ko kailanman sasabihin ang mga ito. Ang nasyong Turko ay isang disenteng nasyon, madaling makibagay at sanay sa hirap. Walang anuman ang kayang makahadlang sa kanyang daan patungo kay Allah. Siya ay patuloy na magsusumikap at haharapin ang anumang pagsubok at paghihirap. Maituturing ko na ideyal siya, natatangi at mahusay kung ang takwa ang magiging batayan. Ito lamang ay sapat na.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar sa Kaçkar TV, ika-15 ng Disyembre, 2008
ADNAN OKTAR: Kung ang mga mamamayan sa isang bansang ay masidhi ang pagnanais sa pagkakakamit ng isang bagay, ang totoo ay nakamit na nila ito. Ang kailangan na lang gawin ay ang tingnan ang bawa’t detalye nito. Kami ay nagsagawa ng polls sa halos lahat ng estadong Turko, kahat sila ay nagnanais na maging kasanib ng Turkey, ito ay bagay na napakaliwanag. Nakipag-usap din kami sa mga bansang Islam, at ito rin ang kanilang gustong mangyari. Subali’t mayroon silang pangamba; dahil sa ang naunang konsepto ng unyong Turko ay base sa pagtatangi ng lahi para sa unyon. Siyempre, ito ay napakamapanganib. Ito ay maka-pasista. Hindi natin pinag-uusapan ngayon ang unyong batay sa superyoridad sa lahi. Ito ay unyong batay sa antas ng moralidad, pagsasama batay sa pag-ibig, pagsasama batay sa pagiging malapit sa isa’t isa, pagmamalasakit sa kapwa, pagkakaibigan, kapatiran at pagtutulungan ng isa’t-sa. Ang buong mundo ay nais din ito, at ngayon ay wala ng balakid pa. May mga seryosong pagkilos na nagaganap sa pamahalaan, at ang mga hangganan (frontiers) ay mga binubuksan na. Lalo’t higit matapos ang krisis na ito sa ekonomiya, wala ng iba pang paraan pa. Ang mga hangganan ay kinakailangan ng buksan. Ang lahat ng mga hangganan sa mga estadong Turko at sa mga bansang Islam ay kinakailangan ng mga magbukas na. Ang mga ugnayang pang-komersyo at pang-kultura ay kailangang maging malaya. Mangangahulugan ito ng kaganapan o perpeksyon sa buong rehiyon. Mangangahulugan ito ng “golden age” sa punto ng sibilisasyon, kultura at siyensiya. Tayo ay papasok sa isang ekstraordinaryong panahon, insha’Allah. Ang lungkot at pait sa mga mukha ng mga tao, ang anumang kawalan ng ligaya, ay maglalaho na. Magkakaroon ng pagdiriwang sa bawa’t nilalang. Tayo ay papatungo sa ganitong direksyon, insha’Allah.
REPORTER: Ano ang kailangang gawin upang ito ay maganap?
ADNAN OKTAR: Ang buong press, mga magasin, ang telebisyon ay dapat na malinaw na magpahayag ng masidhing pagnanasa para sa unyong Turkong ito, para sa Unyong Turko-Islamiko. Ang ating nasyon ay ninanais ito ng buong puso’t kaluluwa. Subali’t kailangang may magsabi na “Halika na’t simulan na natin.” At para dito, kailangang maabot ng bawa’t isa ang isang antas ng kaalaman. Ang internet ay maaaring gamitin o maging sa mga pribadong pag-uusap, o sa telebisyon, at iba pang paraan. Ito ay maaring maiparating sa maliliit na kaparaanan. Maging ang pamahalaan ay pabor na dito. Ang mga partidong pulitikal natin ay pabor na rin. Ito ay isang bagay na datihan ng gusto ng MHP [Nationalist Movement Party], at siyang layon na rin ng BBP [Great Turkey Party] at ng AKP [Justice and Development Party] Walang ni isang partido sa bansang Turkey na hindi sumasang-ayon dito. Subali’t ito ay katanungan para sa masidhing paghahangad (passion), at para sa pag-ibig. Ito ay isang bagay na darating bunsod ng masidhing paghahangad at pag-ibig. Ito ay hindi isang bagay na mabubuo lamang ng mga opisyal na patakaran at mga pormal na usapan.
Walang pagtatangi sa anumang lahi o maging kalamangan sa henetika. Bilang isang bansa, ang nasyong Turko ay nakakahigit lamang sa antas ng pagpapahalaga sa moralidad, at dahil dito siya ay pinuno na maigagalang at igagalang ng lahat.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar sa Kıbrıs Postasi, ika-23 ng Setyembre, 2009
REPORTER: Kung gayon, ito ay isang pagsasama na purong panrelihiyon lamang, isang Islamikong unyon? O magiging unyong pang-ekonomiya? Ano sa inyong pananaw? Ano ang pakahulugan ninyo sa unyon?
ADNAN OKTAR: Ito ay magiging pagsasama-samang ispirituwal na bunsod ng pagmamahalan, isang unyong pang-ispirituwal. Kung hindi, ang bansang Turkey ay mananatili na lang sekular sa loob ng kanyang mga hangganan. Mananatili ang sariling istruktura ng Azerbaijan. Ang kanyang mga hangganan lang ang bubuksan na. Hindi na kakailanganin pa ang mga pasaporte o visa pa. Dadagsa ang mga trak pan-deliber, papasok at palabas. Malaya kang makakapunta saan mo man naisin. Maari ka nang maglatag ng iyong hapag-kainan sa dalampasigan ng Dagat Caspian at doo’y kumain ng iyong gabihan. Ito ang klase ng sistema na aking tinutukoy.
REPORTER: Ang pinag-uusapan ba natin ay sistema kahalintulad ng sa European Union.
ADNAN OKTAR: Higit pa diyan. Dahil puno ito ng pag-iibigan, binuo dahil sa pagmamahalan. Walang pag-iibigan sa European Union, subali’t sa aming unyon ay sagana ito. May pag-ibig, pag-ibig kay Allah, pag-ibig sa bayan, at pag-ibig sa kapwa-tao. Ang EU, alam mo, ay mas nakatuon sa aspetong teknikal. Masasabi nating materyalistiko. Ang sa amin ay may masidhing pagnanais. May paghahangad para makapagbigay ng serbisyong publiko. May paghahangad para makapagbigay proteksyon, paghahangad para sa hustisya. Ang hustisya ng mga Ottoman ay bantog. At lahat sa mundo ay may tiwala sa Hukbong-Sandatahan ng Turko. Ang Hukbong-Sandatahan ng Turko ay malapit sa kahit kaninuman sa mundo. Halimbawa, ang Hukbong-Sandatahan ng Turko ay pumasok sa Bosnia, ang mga tropang Turko ay sinalubong ng bukas-palad. Gayundin sa iba pang mga bansa. Ating isipin na ito’y papasok sa Afghanistan. Sila rin ay buong-pusong tatanggapin din dito. Mayroon lubhang malaking pagmamahal sa Hukbong-Sandatahang Turko kahit saan man. At ito ay nag-uugat sa pagmamahal sa mga Turko. Dahil sa marami sa mga Turko ang may tunay na pagpapapahalaga sa pagmamalasakit sa kapwa, hustisya at mainit na pagtanggap kaninuman. Subali’t walang anumang pagpapalagay ng pagkahigit sa lahi. Ito ay sa pagkahigit lamang sa antas ng pagpapahalaga sa moralidad at kagandahan ng pag-ibig.
Ang Panayam kay G. Adnan Oktar sa Kral Karadeniz, ika 2 ng Enero, 2009
ADNAN OKTAR: Isang natatanging bagay sa unyong ito ay mayroon itong pag-ibig… Mayroon itong maliwanag na pagtangi sa masidhing pagmamahal, sa pagiging malapit sa isa’t-isa, sa pag-ibig kay Allah, at sa busilak na konsepto ng pagtulong sa mga alipin ni Allah , sa ganitong lohika, sa mga bagay na aking pinatutungkulan. Dito sa sistemang ito napapaloob din ang pag-aruga sa mga Kristiyano at Hudyo. Mayroong sistema rin na yayakap sa buong mundo ng mga Arabo, sa mundong sakop ng Islam at maging sa kanilang mga kapaligiran, at ito ay puno ng pagmamahal sa kaparanaang Islam… Ito ay ang Unyong Turko-Islamiko. Ito ay ispirituwal na nagmula pa sa mga Ottoman, ang aming mga ninuno. Ang pinagpala, at banal na unyong ito ay siguradong darating na. Ito ang ating tadhana, at ito ay mabubuo dahil sa pag-ibig at pagnanasa natin. Kapag nubenta porsiyento (90%) ng mga Turko ay sasang-ayunan na ito, hudyat na ito ng katuparan, ito ay magaganap na. Kapag ito ay nagsimula nang mag-ugat sa ating mga puso, ang pagbubukas ng lahat ng hangganan ay hindi lalagpas sa sampung minuto. Sa maikling pananalita, ang pagbubukas ng mga hangganan (borders) ay hindi problema. Ang hinihingi ay ang maging katanggap-tanggap ito at magsimulang maging realidad sa puso ng bawa’t isa sa atin. Ang pagbubukas ng mga hangganan ay aabot lang ng sampu hanggang labinlimang minuto, maniwala ka sa akin. Kailangan lang na panatilihin nating bukas na bukas ang mga hangganang ito, bukas na tatanggap sa lahat. Walang mahirap sa bagay na ito.