Wala tayong anumang nadidinig sa matagal ng panahon mula sa mga Darwinista o maging sa mga mamamahayag na maka-Darwinismo, ang mga ito na sa loob ng ilang dekada ay walang humpay sa paglalabas ng mga mali at kathang-isip na bagay patungkol sa ebolusyon, ng mga walang katapusang gawa-gawa lamang na fossils at pati na ang pagbabandera na ang “missing link” daw ay natagpuan na at ilan pang mga hindi na mabilang na teorya pa na ang isinusulong naman ay ang selula (cell) daw ay umusbong na lang bigla o sa sarili nitong paraan, at alam naman nating lahat kung gaano ang galing nila sa pagkukuwento na animo’y totoo ngang naganap ang mga ipinahahayag nila. Ang mga balita ukol sa “missing link” ay natigil na rin, ang mga pagkahahabang pahayag ukol sa ebolusyon na kanilang ipinamamahagi sa mga pahayagan ay nahinto na rin at ang mga Darwinista na dati’y madalas makita linggo-linggo sa iba’t ibang programa sa telebisyon ay mga nagkawala na. Ano kaya ang dahilan sa likod ng malaking pagbabagong ito?
Simple lang ang dahilan – ANG MALAKING PAGKATALO NA NAIPATAW NATIN SA MGA DARWINISTA.
Sa loob ng nakalipas na 150 taon, ang mga Darwinista ay matagal nang gumagamit ng sistematikong hipnotismo sa pangmalawakang kaparaanan (“mass hypnosis”), ito ay isinakatuparan magmula pa sa panahon ng pagsibol ni Darwin. Nagawa nilang mapatahimik ang sinumang kumilos taliwas sa kanilang mga kagustuhan. Nagawa rin nilang mapasok o impluwensiyahan ang mga eskuwelahan at mga unibersidad. Ang malaking bahagi ng mga mamamahayag ay nasa ilalim ng kanilang pangongontrol. Ang mga mamamahayag na ito ay laging nahanda sa tuwing kinakailangan ang propagandang maka-Darwinismo, at dito isinilang na nga ang kathang-isip nilang “missing link” (nawawalang ugnay sa ebolusyon). Ang sistemang kanilang pinalaganap ay tunay na naging buo at matagumpay. At ang panghihipnotismo sa mga masa ay nagpatuloy ng ayon sa kanilang mga plano. Ang ante-Kristo (antichrist) ay matagal nang nagtatrabaho sa loob ng 150 taon na. Ang ante-Kristo ay nagtuloy-tuloy lang sa kanyang malalim na panghihipnotismo hanggang sa maraming mga tao nga ay nagawa niyang maging mga maka-Darwinismo, materyalisto at maging magtakwil sa relihiyon. Naipataw niyang tunay ang isang malawakang mahika sa mga tao sa pagsasabing sa kanila na “Kayo ay pawang mga Darwinista, at kayo ay mga isinilang sa mundo dahilan sa tsansa o pagkakataon lamang.” At sa ilalim ng mahika na ito ng ante-Kristo, ang mga tao ay napapaniwala nila sa loob ng napakaraming taon na ang tao nga ay naririto dahilan sa tsansa o pagkakataon lamang, at sila na nga’y mga naging bulag na tagasunod sa pag-aakalang ang Darwinismo ay totoo.
Subali’t ang pagkakabunyag ng “mass hypnosis” ay isang bagay na hindi inaasahan o napaghandaan man lang ng mga Darwinista.
|
AngAtlas of Creation (Atlas ng Paglikha) ay isang malaking dagok sa mga Darwinista. Dahilan sa hindi nila inaasahan ang maharap sa napakalaking dagok na ito sa kanila, ang mga Darwinista ay naging lito sa kung ano ang kanilang gagawin matapos na mailabas ang Atlas of Creation. Kitang-kita nila na ang mahika na humawak sa kaisipan ng mga tao sa loob ng maraming taon ay napipinto na ang katapusan. Sila’y mga nagulumihanan ng matindi sa pagkakaroon at pagkakalabas ng mga fossils na mahigit pa sa 300 milyong taon. Ang mga katibayang ito ng Paglikha ay maingat nilang ipinakatago-tago sa matagal na panahon na siyang maliwanag at hayagang nakita na nga ng buong mundo. Ang mga tao ay namangha ng malamang ni isang transitional fossil (nag-uunay sa ebolusyon) ay wala. At higit pa rito, ang rebelasyon na ang buhay ay hindi maaaring maganap sa pamamagitan ng tsansa o pagkakataon lamang, gaya ng ipinalalagay ng mga Darwinista, na ni isang protina ay hindi kayang mabuo sa kanyang sarili lamang na kaparaanan, at ito na nga ang nagbukas ng daan sa pinakamalaking pagbagsak para sa mga Darwinista.
Ang mga Darwinista, na kilala sa kakanyahan nilang makagawa ng determinado at walang kahihiyang panloloko sa loob ng mga nakalipas na maraming taon, ng mga walang pakialaman at walang habas na paglalabas ng mga palsong pahayag at ng mga ulat na puno ng kasinungalingan, ang mga ito’y ginawa nila kahit saanman sila naroroon, kahit kailanman nila gustuhin, at ang mga ito ay sapilitang pang ipinataw sa buong madla, ay nahaharap ngayon sa malaking pagdurusa sa kahihiyan at pagbabatikos dahilan sa pagkakabulgar sa kanila bilang mga sinungaling o mga manlilinlang. Dati-rati sila ay lubos layang nakakagalaw sa pag-aakala na ang kanilang palsong emperyo ay hindi kailanman mabubulgar, subali’t sila ngayon ay mga nahihintakutan dahil sa alam na ng tao sa kanilang pagiging mga manlilinlang kahit saanman sila mapadako ngayon. Batid na nila na ang anumang mga malisyosong pahayag na punong-puno ng mga kasinungalingan na nalahatla sa mga pahayagan at magasin ay mahaharap sa maraming tanong at pagbatikos, kagaya ng sa mapanlinlang na ulat nina Ida at Ardi, mapipilitan silang bawiin ang lahat ng kanilang mga naunang ipinahayag at ang maglabas pa ng isang sulat paghingi ng dispensa dahil sa kanilang mga kamalian at kasinungalingan. Batid rin nila na anumang ulat pa patungkol sa ebolusyon na dating mabiling-mabili sa pagpapalaganap nila ng mahika ukol sa ebolusyon, ay magdadala na lang ng matindi at panibagong kahihiyan sa kanila, at para maging tampulan pa sila ng katatawanan.
Ito ang dahilan kung kaya ang mga Darwinista ay bigla na lang mga natahimik. Hindi na nila kakayanin pang magsinungaling. Ang mga paraang gamit nila para sa propaganda ng Darwinismo ay wala ng silbi pa. Ang ante-Kristo na nagpalaganap ng Darwinismo sa madla ay nakatanggap na ng pinakamalakas at pinakamatinding dagok sa lahat. Ang mga Darwinista ay bigo na ngayon upang magamit pa ang ilang mga mamamahayag, wala na ang mga dati-rati nilang makapangyarihang sandata sa pagpapalaganap ng mga ulat ng kasinungalingan. Maliwanag na ang pagpipilit pa nila sa kasinungalingan ay wala ng paroroonan pa.
Sadyang hindi inakala ng mga Darwinista na darating ang araw na ito ng kanilang pagkabigo. Subali’t sa mga Muslim ito ay batid na nila, na ang mga ito ay resulta lang ng kanilang mga aksyon at matagal na nilang pinakahihintay na maganap sa mga Darwinista. At dahil ito ay isang dakilang pangako ng ating Panginoon na nasulat sa Banal na Qur’an. Gaya ng inihayag ni Allah sa ayat na ito, “Hindi paglilibang ang Aming nais, kundi bagkus, ipinadala Namin ang katotohanan at ipinaliwanag Namin ito nang ganap upang mangibabaw sa kamalian, at ang kamalian ay katiyakang maglalaho,” (Surat al-Anbiya’, 18), Kanyang ipapataw ang pinakamabigat na pagkabigo sa lahat ng may baluktot na pananaw at sa mga relihiyong itinatag upang kumalaban sa tunay na pananampalataya, at ng magkagayon, lahat ng maling nakaugaliang paniniwala (superstitions) ay maglaho na ng lubusan. Makikita ng mga Darwinista na ang tagumpay at kalakasan ay pagmamay-ari lamang ni Allah at ng lahat ng sumasampalataya sa Kanya. Si Allah, ang Panginoon ng buong mundo, ay Tunay na Walang Katapusan at Hindi Nagbabago, ang Pinakakadakilang Kagandahan, ang Walang Hangganan.
Narito ang sinabi ng ating Panginoon sa isang ayat:
Sabihin mo, O Muhammad (r), sa pagharap mo sa iyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha upang manalangin: “O Allâh (I) na nagtataglay ng lahat ng Kaharian, Ikaw ang tanging nagkakaloob ng kaharian, yaman at pamamahala sa ibabaw ng kalupaan sa sinuman na Iyong nais mula sa Iyong nilikha; at kinukuha Mo ang kaharian sa sinuman na Iyong nais, at pinagkakalooban Mo ng kapangyarihan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay ang sinuman na Iyong nais, at hinahamak Mo ang sinuman na Iyong nais. Nasa Iyong Kamay ang kabutihan. Katiyakan, Ikaw ay ‘Qadeer’ – Walang-Hanggan at Ganap na Makapangyarihan na may kakayahang gawin ang lahat ng bagay at walang sinuman ang makapipigil sa Iyo.” Ang talatang ito ay patunay na ang Allâh (I) ay mayroong Kamay na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan.(Surat al-Imr’an, 26)