ANG PAGBIBIBIGAY PERMISO NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN NA MAKASAMBA SA MASJID-I NABAWI
“Isang delegasyon ng mga Kristiyano ng Najran ang dumating sa Medina habang kasalukuyang ginaganap ang panghapong salat, dire-diretso sila sa pagpasok sa Masjid-i Nabawi. Dumating sila habang ang ating Propeta (saas) at kanyang mga kasama ay nasa kalagitnaan ng pagdarasal ng panghapong salat, at ang mga Kristiyano ay kagya’t na nagsiharap naman pa-Silangan at naghandang sumamba. ANG ILANG MGA KASAMA AY KUMILOS PARA MAPIGILAN SILA SUBALI’T IPINAG-UTOS NG PROPETA (SAAS) NA HAYAAN ANG MGA ITO NA MAKAPANALANGIN AYON SA KANILANG NAKASANAYAN.” (Tabarî, Ibn Kathir, Razî, Qurtubî; Surah Al‘Imran, 3/1-61; Ilang bahagi ng komentaryong ito ay hango sa pasimula ng Surah, ang ilang bahagi naman ay kuha sa ayat 61, kilala bilang ayat mubahala).(Hamidullah, The Prophet of Islâm, trans.: Salih Tug, Ankara 2003, I, 920; Saricam, The Prophet Muhammad and His Universal Message, 278.)
ANG PAGLALATAG NG ATING PROPETA (SAAS) NG KANYANG SARILING KAPA UPANG MAUPUAN NG MGA BUMIBISITANG KRISTIYANONG NAJRAN
Isa pagdaragdag, batay na rin sa ilang pagsasaksi, ang Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan) ay dumalo sa kanilang mga pagdiriwang ng kasalan, bumisita sa mga maysakit sa kanila, at naging maluwag sa pagtulong sa mga ito. ANG PROPETA MUHAMMAD (SAAS) AY NAGLATAG MAGING NG SARILING KAPA PARA MAUPUAN NG MGA BUMIBISITANG KRISTIYANONG NAJRAN.
ANG PAGPAPAHAYAG NG ATING PROPETA NA ANG MGA AHLUL KITAB AY INIHABILIN SA ATING MGA MUSLIM
Sa isang kasunduan na kung saan ang ating Mahal na Propeta (saas) ay nagpatibay ng ilang artikulo kay Ibn Harris ibn Ka’b, na isang Kristiyano, at kasama na ang iba pang mga Kristiyano: “ANG RELIHIYON, MGA SIMBAHAN, BUHAY, KALINISAN AT MGA PAGMAMAY-ARI NG KABUUANG KRISTIYANONG NAMUMUHAY SA SILANGAN AT KANLURAN AY NASA PROTEKSIYON NI ALLAH, NG KANYANG PROPETA (SAAS) AT NG LAHAT NG MANANAMPALATAYA.” Walang sinuman na tagasunod sa paniniwalang Kristiyano ang sapilitang patatanggapin ng pananampalatayang Islam. “Kapag ang isang Kristiyano ay naging biktima ng pagpatay o kawalan ng hustisya, ang mga Muslim ay obligadong tumulong sa kanya,” gaya ng nasasaad sa isang ayat: “At huwag kayong makipagtalo, O kayong mga naniwala, sa mga Hudyo at mga Kristiyano maliban na lamang sa pinakamagandang kaparaanan at mabuting pananalita…” (Surat al-Anqabut, 29/46). (Ibn Hisham, Abu Muhammad Abdu’l-Malik, (v.218/834), as-Seerat an-Nabaweeyat, Daru't-Turasi'l-Arabiyye, Beirut, 1396/1971, IV/241-242; Hamidullah, Al-Wasaiq, s.154-155, No.96-97; Doğu Batı kaynaklarında birlikte yaşama, “Living together in Eastern and Western sources, p. 95)
ANG PAG-AALAY NG ATING PROPETA SA MGA TAHANAN NG MGA KASAMA UPANG MATIGILAN NG MGA BUMIBISITANG MGA AHLUL KITAB
Sa panahon ng ating Propeta dagsa ang mga grupo ng mga taong kinatawan at delegasyong bumibisita sa Madinah. May mga pagkakataon na ang mga grupong ito – kabilang na ang mga Ahlul Kitab – ay nagtatagal ng mahigit pa sa sampung araw, kung kaya ang mga tahanan ng ilang kasama gaya ng kina Abdurrahman bin Awf, Mugire binSube, Abû Ayyub al-Ansarî at Ansar ay laging nahahanda upang tumanggap at magpatuloy sa kanila. Dagdag pa rito, may mga tolda na itinatayo pa na malapit sa Masjid, kung saan ang mga Mamamayan ng Suffa (ang mga ito ay nag-aaral sa palagid ng Masjid al-Nabawi) ay maaring makatuloy pansamantala. Ang ating Propeta (saas) ay nag-aakda ng mga kasulatan ng pribilehiyo (mga nasusulat na mga kautusan at gabay sa pagbibigay ng karapatan at pribilehiyo para sa ilang mga grupo at indibiduwal bilang pakikipagkasundo sa pagitan ng mga dayuhan) at ng ilan pang opisyal na sulat na nagtatakda ng ilang lupain na inilalaan para sa mga ito. Siya rin ay naghirang ng mga gobernador mula sa hanay ng mga ito upang pamunuan ang ilang rehiyon. May ilan din naman itinalagang mga opisyal ang ating Mahal na Mensahero na hindi mga Muslim, sila ay mga Kristiyanong gumanap bilang opisyales sa pangongolekta ng indibiduwal na buwis (capitation tax). Ang mga opisyal na delegasyong ito na nagsidating ay patunay lamang na ang kabuuan ng peninsulang Arabo ay ganap na tumanggap sa pagiging Propeta ng Propeta Muhammad (saas) at maging sa malawak na kapangyarihang nakaatang sa kanya. (Saricam, The Prophet Muhammad and His Universal Message, 356.)
SA MGA BAGAY NA HINDI NAHAYAG, ANG ATING PROPETA (SAAS) AY UMAAYON SA PAG-UUGALI NG MGA AHLUL KITAB, HINDI NG SA MGA PAGANO NG MAKKAH
Sa Makkah, ang Rasulullah (saas) ay hindi sumang-ayon doon sa mga paksa na walang naging rebelasyon, DITO SIYA AY KUMILOS NG BATAY SA PAG-UUGALI NG MGA AHLUL KITAB. (Bukhârî, al-Libâs 70; Muslim, al-Fadâ’il 90)
ANG PAGPAPADALA NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KASAMANG MUSLIM PATUNGO SA KRISTIYANO NG NAJASHI SA PARA SA HEJIRA
Ang unang Kristiyanong bansa na nakakuha ng atensiyon at interes ng ating Propeta (saas) para sa Hejira ay ang Abyssinia, ninais niyang pansamantalang lumikas ang mga Muslim dito. Sa gitna ng walang awang pagpapahirap at panggigipit ng mga pagano ng Makkah, ang ating Rasulullah (saas) ay naghangad na ang mga Muslim ng Makkah ay makalikas patungong Abyssinia at ang pagnanasang ito ay kanyang inilarawan sa mga katagang sumusunod: “Kung nanaisin ninyo, kung mayroon kayong sapat na kakanyahan, magsilikas muna kayo pansamantala doon sa Abyssinia. SA DAHILANG WALANG SINUMAN ANG NAAAPI SA ILALIM NG PAMUMUNO NG HARI SA LUPAING IYON. ANG LUGAR NA IYON AY TUNAY AT LIGTAS. MANAHAN MUNA KAYO DOON HANGGANG PAGAANIN NA NI ALLAH ANG ATING KALALAGAYAN…." (Muhammad Hamîdullah, al-Wasaik al-Siyasiyya, (trans.Vecdi Akyuz), Kitabevi, Istanbul 1997,p.115; Hamîdullah, The Prophet of Islam, I,297.)
ANG PAGBANGON NG ATING PROPETA (SAAS) SA PAGDAAN NG PRUSISYONG LIBING PARA SA ISANG HUDYO
Batay sa paglalahad ni Jabir bin 'Abdullah: Isang prusisyong libing ang dumaan sa aming harapan at ang Propeta ay tumayo at kami ay sumunod rin sa pagtayo. Aming winika, “O Apostolo ni Allah! Iyan ay prusisyong libing para sa isang Hudyo.” Kanyang sinambit, “Tuwing makakakita kayo ng prusisiyong libing, kayo ay tumayo bilang pakikiramay.” (Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23, Number 398)
Batay sa paglalahad ni 'Abdur Rahman bin Abi Laila: Sina Sahl bin Hunaif at Qais bin Sad ay nakaupo doon sa siyudad ng Al-Qadisiya. Isang prusisyong libing ang dumaan sa kanilang harapan at sila ay dagling tumayo. Napag-alaman nila na ang prusisyong libing ay para sa isa sa mga mamamayan ng nabanggit na lugar, nangangahulugan na hindi nabibilang sa mga mananampalataya na nasa ilalim ng proteksiyon ng mga Muslim. Ang kanilang isinagot ay, “Isang prusisyong libing ang dumaan sa harapan ng Propeta at siya ay tumayo. Nang sabihin sa kanya na ang ataul ay sa isang Hudyo, ang kanyang anas ay, “Hindi ba ito ay sa isang nabubuhay (isang kaluluwa)?”(Sahih Bukhari, Volume 2, Book 23, Number 399)
ANG PAG-UUTOS NG ATING PROPETA (SAAS) NA HUWAG PAGMALUPITAN ANG MGA DHIMMIS [ O NON-MUSLIMS]
Sinabi ng ating Propeta (saas): “Sinuman ang mang-api sa isang dhimmi o magdagdag ng pasang-hirap sa kanya na higit sa kaya nito, ay ituturing niyang kaaway.”
ANG ATING PROPETA (SAAS) AY UNANG NAKIPAG-UGNAYAN SA MGA KRISTIYANO NANG NAHAYAG NA SA KANYA ANG PAGIGING PROPETA
... ang Propeta ni Allah ay nagbalik na puno ng Inspirasyon at pusong pumipintig, nag-uumapaw sa kaligayahan. Kagya’t siyang nagtungo kay Khadija bint Khuwailid ... at siya ay sinamahan naman ni Khadija sa kanyang pinsang si Waraqa bin Naufal bin Asad bin 'Abdul 'Uzza, na naging Kristiyano sa panahong bago pa isinilang ang Islam, at natuto ring sumulat sa Ebreo. Siya ay nagsulat ng Ebanghelyo sa wikang Ebreo sa patuloy na kapahintulutan ni Allah…. (Sahih Bukhari, Volume 1, Book 1, Number 3)
ANG HINDI PAGPAPAHINTULOT NG ATING PROPETA (SAAS) SA PAKIKIALAM SA RELIHIYON NG IBA
Ipinatupad ng ating Propeta (saas) ang ayat na nagsasabi ng La ikraha fee alddeeni…."Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin.”(Surat al-Baqara, 256) na patungkol sa kalayaang pumili ng sariling pananampalataya, at sa taong 630 kanyang pinalabas ang kautusan sa mga kinatawan ng pinuno ng Himyar upang ipaalam sa mga ito na sila ay pawang mga Muslim:
"Ang isang Hudyo o isang Kristiyano ay legal na magkapantay ang katayuan kung sila ay kapwa mga Muslim. SINUMAN ANG MAGNAIS NA MANATILING ISANG HUDYO O ISANG KRISTIYANO, WALANG MANGHIHIMASOK SA KANILANG GAGAWING PAGPILI. "(Ibn Hishâm, as-Sîra, II, 586)
ANG ATING PROPETA (SAAS) AY PERSONAL NA NAKIPAG-UGNAYAN SA MGA HUDYO SA LARANGAN NG KABUHAYAN
Isa sa mga kagandahang asal na kung saan naging batayan sa pakikipagrelasyon ng ating Rasulullah (saas) ay ang katapatan. Kung nakikita niya na ang kagandahang asal na ito ay nasa sa isang tao, hindi hadlang ang kaibahan ng kanyang pananampalataya sa kanyang pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa mga ito. Siya pa nga ay personal na namili ng mga pagkain mula sa mga ito at tumanggap ng pautang mula sa isang Hudyo sa Medina.
Nang yumao ang ating Rasulullah (saas), ang pambayad sa pautang na tinanggap niya mula Hudyong ito ay nakalagakpa sa isang selyadong lalagyan.
ANG PAGKALINGA NA IPINAKITA NG ATING PROPETA SA MGA HUDYO SA PANAHONG NAKUBKOB ANG HAYBAR
Kabilang mula sa mga yamang nasamsam sa pagkakasakop sa Haybar ay ilang kopya ng Torah sa mga papel na nakabilot (scrolls).Iniutos ng ating Propeta (saas) na tanggalin ang mga kasulatang ito mula sa mga nasamsam, at ipinag-utos niyang ibalik ang mga ito sa mga Hudyo.
Gayundin sa pagbagsak ng Haybar, ang mga tropang Muslim ay nagsimulang mamitas at kumain sa mga taniman ng trigo at mga hardin ng date na pag-aari ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo ay dumulog sa ating Propeta (saas). Kaya’t ipinag-utos ng ating Propeta (saas) na walang sinumang dapat makialam sa mga pagmamay-ari, taniman ng trigo o anumang hardin na pag-aari ng mga tao sa rehiyon.
SA KONSTITUSYON NG MADINAH, ANG ATING PROPETA (SAAS) AY NAGHAYAG NA WALANG DAPAT MANGHIMASOK SA RELIHIYON NG MGA HUDYO
Pinaghintulutan ng Propeta Muhammad (saas) ang mga Hudyo na makasali sa pagbabalangkas ng Konstitusyon ng Madinah na pinirmahan kasama ang parehong lipi ng Aws at Khazraj, dito sila ay hinayaan na magpatuloy mamuhay na hiwalay at may sariling komunidad na pangrelihiyon. Ang naging panuntunan ng pagmamalasakit ng mga Muslim at pag-unawa nila sa pananampalataya at tradisyon ng mga Hudyo ay ang artikulong ito: “ANG MGA HUDYO NG BANU AWF [MGA MINORIDAD NA HINDI MUSLIM] AY ISANG KOMUNIDAD NA KAHANAY DIN NG MGA MANANAMPALATAYA. SA MGA HUDYO ANG KANILANG RELIHIYON, AT SA MGA MUSLIM NAMAN ANG KANILANG RELIHIYON.”
Ang Kasunduan ng Madinah, na nilagdaan sa pagitan ng mga migranteng Muslim sa Makkah, ng mga katutubong Muslim ng Madinah at ng mga Hudyo sa Madinah ay isa na namang mahalagang halimbawa ng hustisya. Narito ang napapaloob sa isang artikulo ng konstitusyong ito:
"Ang mga Hudyo ng Banu 'Awf ay isang nasyon sa piling ng mga Muslim; ANG MGA HUDYO AY MAY SARILING RELIHIYON AT GAYUNDIN NAMANG MAY SARILI ANG MGA MUSLIM…”
Narito ang sinasabi sa Artikulo 16 ng nasabing tratado: “Ang mga Hudyo na sumusunod at nakikiisa sa atin ay tunay na tatanggap sa ating pagsuporta at magkakaroon ng kapantay na karapatan gaya ng sa lahat. Siya ay hindi maapi at ang kanyang kaaway ay hindi makakatanggap ng anumang tulong mula sa atin.
Ang mga kasama ng ating Propeta (saas) ay naging tapat sa artikulong ito na napaloob sa tratado, maging noong yumao na siya, ito ay patuloy na panuntunang sinunod sa pakikipag-ugnayan sa mga Berber, Budista, Brahman at iba pang tao nagmula sa ibang paniniwala.
ANG MGA PAKIKIPAGKASUNDO NG ATING PROPETA (SAAS) SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN NA NAGSASAAD NG PROTEKSYON NILA SA ILALIM NG MGA MUSLIM
Ang mga pribilehiyo na iginawad ng Propeta (saas) sa mga Ahlul Kitab sa mga settlement ng Adruh, Maqna, Khaybar, Najran, at Aqaba ay patunay lang na ang mga Muslim ay naggarantiya ng respeto at pangangalaga sa pamumuhay ng mga hindi Muslim at sa kanilang mga pagmamay-ari, ito rin ay pagkilala sa kalayaan nila sa paniniwala at pagsamba. Marapat lamang na ating mabanggit ang mga sumusunod na artikulo sa kasunduang naganap sa pagitan ng ating Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan) at ng mga Kristiyano ng Najran:
SA MGA KRISTIYANO NG NAJRAN AT SA MGA NASASAKUPANG TERITORYO, SUMASAINYO ANG PANGANGALAGA NI ALLAH, AT PANGAKO NG PROTEKSIYON NG KANYANG PROPETA, PARA SA INYONG MGA BUHAY, RELIHIYON AT PAGMAMAY-ARI – SA LAHAT NG MGA NARIRITO SA NGAYON KASAMA NA LAHAT NG LIBAN AT NASASAKUPAN NITO;
Walang obispo ang tatanggalin sa kanyang lugar na pinaglilingkuran, maging ang sinumang monghe sa kanyang monasteryo, o maging ng sinumang pari mula sa kanyang pagkapari, sila ay patuloy na mananamasa ng lahat, malaki man ito o maliit…. Sila ay hindi dapat mang-api o apihin man. Kung sinuman ang humingi ng kanyang karapatan mula sa kanila, ang hustisya ang mananaig. Hindi ka maaapi o hahayaang mang-api ng iba.
ANG ATING PROPETA (SAAS) AY MARAMING PAKIKIPAGKASUNDONG IGINAWAD SA MGA AHLUL KITAB
Ang maraming kasunduang nagawa sa panahong ng ating Propeta (nawa’y pagpalain siya ni Allah at igawad sa kanya ang kapayapaan) ay nagbigay sa mga mga komunidad na Hudyo at Kristiyano ng malawak na mga pribilehiyo upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at pamumuhay. Ang mga pribilehiyong ipinagkaloob sa mga monghe ng Monasteryong Sta. Katarina at Bundok Sinai ay mga halimbawa nito. Ang mga dokumentong ito ay naggarantiya sa mga karapatang legal, panrelihiyon at panlipunan ng mga Hudyo at Kristiyano na napasailalim sa pamamahala ng mga Muslim o yaong mga sumunod sa pamumuno ng Islam. Ang mga suliranin ay madaling nalutas dahilan sa pagbabatay na ginawa sa mga nasabing dokumento ito. Halimbawa na dito ang nasulat sa mga librong pangkasaysayan na nagbabanggit sa pagpapakita ng mga Kristiyano sa mga dokumentong naglalahad ng kanilang mga pribilehiyo kay Kalifa Umar nang sila ay naharap sa isang suliranin na siya nilang inihingi ng kalutasan sa kaniya.