Ipinangako ng Allâh (I) na magtatagumpay ang mga yaong naniwala mula sa inyo at gumawa ng mga mabubuting gawa, na kung saan, ipapamana sa kanila ang kalupaan ng mga walang pananampalataya, at gagawin silang mga kahalili, na katulad ng nangyari sa mga nauna sa kanila na mga mananampalataya na naniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang mga Sugo, at ipagkakaloob sa kanila ang kapangyarihan na pangingibabawin ang ‘Deen’ (Relihiyon) na pinili ng Allâh (I) para sa kanila na ito ay Islâm, at katiyakan na papalitan Namin ang kanilang pangamba ng kapanatagan, na sasambahin nila ang Allâh (I) nang bukod-tangi, at magpanatili sila sa pagsunod sa Kanya, na hindi na sila sasamba ng anuman bukod sa Kanya, at sinuman hindi maniniwala pagkatapos ipagkaloob sa kanila ang paghahalili, kapanatagan, katatagan at pangingibabaw, at tanggihan ang mga Biyaya ng Allâh (I), sila ay ituturing na lumabag sa kagustuhan ng Allâh (I). (Surat an-Nur, 55)
Itinala ng Allâh (I) sa ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh’ at pinagpasiyahan Niya na; “Ang pangingibabaw ay para sa Kanya, sa Kanyang Aklat, sa Kanyang mga Sugo at sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya.” Katiyakan, ang Allâh (I) ay ‘Qawee’ Ganap na Malakas na hindi nagagapi, na ‘`Azeez’ – Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na walang sinuman ang makadaraig sa Kanya. (Surat al-Mujadala, 21)
Ninanais nila na mga masasama na sirain ang katotohanan na dala-dala ni Muhammad, na ito ay ang Qur’ân, sa pamamagitan ng kanilang mga sinasabing mga kasinungalingan. Subali’t ito ay hindi nila kailanman maisasakatuparan bagkus ay pangingibabawin Niya ang Katotohanan – ang Liwanag ng Islâm – sa pamamagitan ng pagbubuo ng Kanyang ‘Deen’ (o Relihiyon) kahit ito ay kamuhian pa ng mga walang pananampalataya. Ang Allâh (I) ay Siyang nagpadala sa Kanyang Sugo na si Muhammad na dala-dala niya ang Patnubay na ito ay ang Qur’ân at ang ‘Deen’ (o Relihiyon) ng Katotohanan na ito ay ‘Deen Al-Islâm;’ upang ito ay pangingibabawin Niya laban sa lahat ng relihiyon na labag at salungat dito kahit na ito ay kamuhian pa ng mga ‘Mushrikûn’ – sumasamba ng iba bukod sa Allâh (I). (Surat as-Saff, 8-9)
Hinahangad ng mga walang pananampalataya sa kanilang pagtanggi upang patayin ang Liwanag ng Allâh (I) na ‘Deen Al-Islâm’ at pawalan ng saysay ang Kanyang mga katibayan at mga palatandaan sa Kanyang Kaisahan na dala-dala ni Muhammad (r), subali’t hindi ito pahihintulutan ng Allâh (I) hanggang sa mabuo ang Kanyang ‘Deen,’ – na ang ibig sabihin ay hanggang sa hindi pa naipahayag ang buong Rebelasyon ng Banal na Qur’ân – at lilitaw at mangingibabaw ang Kanyang Salita kahit ito ay kamuhian ng mga walang pananampalataya. Siya ang nagpadala ng Kanyang Sugo na si Muhammad (r) na dala-dala ang Banal na Qur’ân at ‘Deen’ ng Islâm na Relihiyon ng Katotohanan, upang pangingibabawin Niya ito at mas magiging higit sa kataasan kaysa sa lahat ng mga relihiyon na gawa ng tao, kahit na ito ay kamuhian ng mga ‘Mushrikin’ – nagtambal o sumamba ng iba bukod sa Allâh (I). (Surat a-Tawba, 32-33)
“At ang patatatagin ng Allâh (I) ay ang katotohanan na dala-dala ko sa inyo na mula sa Kanya at ito ay pahihintulutan Niya na mangibabaw laban sa inyong mga kamalian sa pamamagitan ng Kanyang mga Salita at Utos, kahit ito ay kamuhian ng mga makasalanan na mula sa pamilya ni Fir`âwn.” (Surah Yunus, 82)
Katiyakan, nagpakana ang mga nauna sa inyo laban sa kanilang mga Sugo, na katulad ng ginawa nila sa iyo, O Muhammad (r), subali’t Pagmamay-ari ng Allâh (I) ang lahat ng panukala, at ginawa Niyang walang kabuluhan ang kanilang mga pakana at wala silang matatamo kundi kabiguan at pagsisisi. Batid ng Allâh (I) ang anumang napapala ng bawa’t tao, mabuti man ito o masama, at ayon dito sila ay gagantihan. At walang pag-aalinlangan, mababatid ng mga walang pananampalataya kapag sila ay humarap na sa Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha kung sino ang magiging kaaya-aya ang kanyang patutunguhan pagkatapos ng buhay dito sa daigdig, na ito ay para sa mga tagasunod ng mga Sugo. At ito ay matinding paghahamon at babala sa mga walang pananampalataya. (Surat ar-Ra‘d, 42)
At katiyakan, pinuksa Namin ang mga sambayanan na tinanggihan ang mga Sugo ng Allâh (I) na nauna sa inyo, O kayo na mga ‘Mushrikûn,’ noong sila ay sumamba ng iba, at dumating sa kanila ang mga Sugo na mula sa Allâh (I) na dala-dala nila ang mga malilinaw na himala at mga katibayan, na nagpapatunay sa kanilang mga dalang mensahe, at kailanman ay hindi naniwala ang mga sambayanang yaon sa mga Sugo at hindi nila sila pinaniwalaan, na kung kaya, sila ay karapat-dapat sa kapahamakan, samakatuwid, ganoon Namin pinuksa ang mga lumabag sa hangganang itinakda ng Allâh (I). Pagkatapos, ginawa Namin kayo, O kayong mga tao, na kahalili rito sa kalupaan pagkalipas ng maraming henerasyon; upang mapatunayan kung ano ang inyong gagawin: mabuti ba o masama, at doon Namin kayo gagantimpalaan ayon sa inyong nagawa. (Surah Yunus, 13-14)
Katiyakan, itinala Namin sa mga Aklat na ipinahayag pagkatapos ng Aming pagkakatala sa ‘Al-Lawh Al-Mahfoudh;’ na katiyakan, ang kalupaan ay mamanahin ng Aming mga alipin na mabubuti na tinupad nila ang Aming mga ipinag-uutos at iniwasan ang Aming mga ipinagbabawal na sila ay ang ‘Ummah’ ni Muhammad (r). (Surat al-Anbiya, 105)
“At walang pag-aalinlangan, gagawin Namin na mabuti ang hantungan ng mga Sugo at ng kanilang mga tagasunod, na sila ang hahalili na maninirahan sa lugar ng mga walang pananampalataya pagkatapos ng mga itong mapuksa, ang pagpuksang ito sa mga walang pananampalataya at paghalili sa paninirahan ng mga mananampalataya sa kanilang mga lugar ay isang katiyakan para sa sinuman na natatakot sa kanyang pakikipagharap sa Akin sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at natatakot sa Aking babala at kaparusahan.” At itinuon ng mga Sugo ang kanilang mga sarili sa kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha at hiningi nila ang pagkapanalo at tagumpay laban sa kanilang mga kaaway at ito ay dininig sa kanila; at napahamak ang lahat ng mga nagmataas na hindi tumanggap ng katotohanan at hindi nagpapasailalim (sa katotohanang) ito, at hindi naniwala sa Kaisahan ng Allâh (I) at sa bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya. (Surah Ibrahim, 14-15)
Sinabi ni Mousâ sa kanyang mga tagasunod mula sa angkan ni Isrâ`îl: “Humingi kayo ng tulong sa Allâh (I) laban kay Fir`âwn at sa kanyang mga tagasunod, at tiisin ninyo ang parusa na ginagawa ni Fir`âwn sa inyo at sa inyong mga anak. Dahil katiyakan, ang buong kalupaan ay Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I) na Kanyang ipinagkakatiwala sa sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga alipin. Subali’t ang pinakamagandang huling hantungan ay para lamang sa sinumang natatakot sa Allâh (I) sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-utos at pag-iwas sa mga ipinagbawal.”129. Sinabi ng mga tagasunod ni Mousa (u) na mga angkan ni Isrâ`îl sa kanilang Propeta na si Mousa: “Sinubok na kami at pinarusahan sa pamamagitan ng pagpatay sa aming mga anak na kalalakihan at pagpapanatili sa aming mga kababaihan sa pamamagitan ni Fir`âwn at ng kanyang mga tagasunod noong bago ka pa dumating sa amin at ngayon pagdating mo sa amin.” Sinabi ni Mousâ sa kanila: “Maaari na ang inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay pupuksain Niya ang inyong kalaban na si Fir`âwn at ang kanyang mga tagasunod, at kayo ang hahalili sa kanila na mangangasiwa sa kalupaan pagkawasak nila, upang sa pamamagitan nito ay palitawin ng Allâh (I) kung ano ang inyong gagawin at kung kayo ba ay tatanaw ng utang na loob sa Kanya o lalabag?” (Surat al-A‘raf, 128-129)
At katiyakan, pinuksa Namin ang mga sambayanan na tinanggihan ang mga Sugo ng Allâh (I) na nauna sa inyo, O kayo na mga ‘Mushrikûn,’ noong sila ay sumamba ng iba, at dumating sa kanila ang mga Sugo na mula sa Allâh (I) na dala-dala nila ang mga malilinaw na himala at mga katibayan, na nagpapatunay sa kanilang mga dalang mensahe, at kailanman ay hindi naniwala ang mga sambayanang yaon sa mga Sugo at hindi nila sila pinaniwalaan, na kung kaya, sila ay karapat-dapat sa kapahamakan, samakatuwid, ganoon Namin pinuksa ang mga lumabag sa hangganang itinakda ng Allâh (I).14. Pagkatapos, ginawa Namin kayo, O kayong mga tao, na kahalili rito sa kalupaan pagkalipas ng maraming henerasyon; upang mapatunayan kung ano ang inyong gagawin: mabuti ba o masama, at doon Namin kayo gagantimpalaan ayon sa inyong nagawa. (Surah Yunus, 13-14)
Hindi paglilibang ang Aming nais, kundi bagkus, ipinadala Namin ang katotohanan at ipinaliwanag Namin ito nang ganap upang mangibabaw sa kamalian, at ang kamalian ay katiyakang maglalaho. (Surat al-Anbiya, 18)