Ang Kristiyanismo na isinilang sa gitna ng mga Hudyo na nananahan sa Banal na Lupain (Holy Land) ay nabuo bilang mga debotong Hudyo na namuhay ng naaayon sa batas ng Propeta Moises (sas), at sila rin ang mga naging tagasunod ni Propeta Hesus (sas). Isa sa mga pangunahing katangian ng mga Hudyong ito na tagasunod ng Propeta Hesus (sas) ay ang paniniwala nila na si Allah ay iisa lamang at walang ng iba pa.
Subali’t ang paniniwala sa nag-iisang Diyos (monotheism) ay nagbago kasunod ng pag-akyat sa langit ni Propeta Hesus (sas), at sa paglaganap ng Kristiyanismo sa mundo ng mga pagano, ang paniniwalang sa nag-iisang Diyos na siyang naging basehan ng batas ni Propeta Moises (sas) ay dumaan sa isang malaking alterasyon. Dahilan sa ang paniniwala sa Trinidad o Tatlong Persona (trinity) na kalaunan ay naging bahagi ng Kristiyanismo, ang Propeta Hesus (sas) ay nagsimula ng ituring bilang Diyos (Si Allah ay higit pa riyan ng buong katiyakan). Ang mga Kristiyano na tuon ng pagtatanong ay nagsimulang magpahayag na ang Pinakamakapangyarihang si Allah ay nagpakita sa tao sa pamamagitan ni Propeta Hesus (sas) ng nagkatawang-tao, at ang paniniwalang ito na nga ay mabilis na kumalat.
Ang paniniwala sa Trinidad (trinity) ay ginamit sa kaisipang “isang pinagtatlo na Diyos” (tripartite Allah) na kanilang sinasabing binubuo ng “Ama, Anak at Espiritu Santo” (Si Allah ay higit pa riyan ng buong katiyakan). (Makikita ang higit pang mga detalye ukol sa paksang ito sa pag-click dito.) Pinangunahan at suportado ni Constantino, ang Romanong emperador ng panahon iyon, ang maraming tao na naghangad na baguhin ang paniniwalang Kristiyano ay kumuha ng ilang pangungusap o kataga mula sa Torah at mga Ebanghelyo na nagbabanggit ng “anak ng Diyos” at nagsimulang gamitin ang mga ito bilang ebidensiya na raw. Kung pakakaisiping mabuti, ang katagang “anak ng Diyos” sa Torah at mga Ebanghelyo ay bagkus, napakagagandang ekspresyon ng katotohanan na lahat ng mananampalataya ay mga minamahal na alipin ni Allah. Ang katotohanang ito ay maliwanag na nahahayag sa Ebanghelyo, at kay Mateo sa mga salitang, “Mapapalad ang mga mapagpayapa: sapagka't sila'y tatawaging mga anak ng Diyos.”(Mateo, 5:9). Ang patungkol na ito sa Propeta Hesus (sas) ay mayroong ding kaparehong kahulugan. Ang salitang “anak” sa mga Ebanghelyo ay nangangahulugan ng minamahal na alipin ni Allah, at hindi nangangahulugan na ang isang tao ay bilang anak ni Allah (Siya ay higit pa riyan ng buong katiyakan). Ang mali at lubhang peligrosong paniniwalang ito na ginawang bahagi na ng Kristiyanismo, sa kalaunan, ay naglalayong sirain ang paniniwala sa nag-iisang Diyos (monotheism), hanggang sa ito na nga ay naging pinakamahalagang artikulo sa pananampalataya at mahalagang pre-kondisyon sa Kristiyanismo, at ang sinumang tumanggi dito ay itinuturing na mga taong nag-abandona sa kanilang pananampalataya. Sa ilalim ng liderato ng ilang kaparian na nagsulong sa Trinidad, maigting nilang ipinapatupad ang baluktot na paniniwalang ito sa lipunan sa pamamagitan ng dahas at panggigipit, at hanggang sa ito na nga ay nagawang maging bahagi ng Kristiyanismo dahilan sa pamumuwersa. Ang sinumang kumalaban sa paniniwala sa Trinidad ay naharap sa matitinding panggigipit o pagpaparusa, iyong sila’y mapatapon (exile) o ang ipapatay. (Maaari ninyong basahin ang mga detalye nito sa kasaysayan ng kung papaano ang paniniwalang ito sa Trinidad ay ipinilit sa Kristiyanismo sa pag-click dito.)
Ang paniniwala sa Trinidad na sa kalaunan ay idinagdag sa Kristiyanismo, o sa paniniwala sa Tatlong Persona gaya ng kung paano ito pinatutungkulan ng mga Kristiyano, ay hindi makikita saan man sa Torah o mga Ebanghelyo. Walang anumang nagsasabi ng Trinidad sa mga Ebanghelyo. Ang paniniwala sa Trinidad, na lumago na bilang isang pamahiin (superstition) sa gitna ng klima ng pamimilit at pang-aapi, at ang resultang paglalarawan ng Propeta Hesus (sas) bilang anak ng Diyos, ay isang lubhang mapanganib at seryosong kamalian, bagay na kung saan ang malaking bilang mga mga Kristiyano ay patuloy na nabubuhay sa paniniwalang ito magpasahanggang sa ngayon. Sa Banal na Qur’an, ang pahayag na ito ay inilarawan ng Pinakamakapangyarihang Allah na isang karimarimarim na bagay at nagbubunsod lamang ng malalaking panganib, tulad ng nasasaad:
At sinabi nila na mga walang pananampalataya: “Ang Allâh (I) na Pinakamahabagin ay nagkaroon ng anak na lalaki!”
Katiyakan, nakagawa kayo, O kayo na mga nagsasabi nito, ng napakalaking kalapastanganan.
Na halos mawarak ang mga kalangitan dahil sa napakasidhing kalapastanganang ito, at ang kalupaan ay magkabiyak-biyak, at gumuho nang lubusan ang mga kabundukan dahil sa galit ng mga ito nang alang-alang sa Allâh (I), dahil sa pagtatangi nila ng anak para sa Allâh (I). Luwalhati sa Allâh (I) na Siya ay ganap na ligtas sa mga ganitong paratang.
At hindi angkop sa kaganapan ng Allâh (I) na Pinakamahagin at hindi karapat-dapat sa Kanyang Kamaharlikaan ang pagkakaroon ng anak, dahil ang pagkakaroon ng anak ay nangangahulugan ng kakulangan at pangangailangan, at ang Allâh (I) ay hindi nangangailangan ng sinuman, Siya ay kapuri-puri na malayung-malayo sa anumang kakulangan.
Walang sinuman mula sa mga kalangitan na mga anghel at sa kalupaan na mga tao at mga ‘Jinn’ kundi sila ay haharap sa kanilang ‘Rabb’ sa Araw ng Muling Pagkabuhay bilang alipin, nagpapakumbaba na pinatutunayan ang pagiging alipin niya sa Allâh (I) na Pinakamahabagin.
(Surah Maryam 88-93)
Ang mga Kristiyanong tunay ay dapat makakita sa kakila-kilabot na panganib na ito. Dapat nilang malaman na ang paniniwala sa Trinidad ay nadagdag na lamang isang daan taon matapos masulat ang huli sa mga Ebanghelyo, at ito ay isang bagay na ipinataw lamang sa kabila ng maraming ng pagtutol ng mga taong napipit sa sa gitna ng isang teribleng klima ng katiwalian, ito sa katunayan ay hindi naaayon sa kabuuan ng mga Ebanghelyo. Maaari ninyong mahanap ang iba pang pahayag ukol sa paksang ito sa mga kasunod na mga artikulo dito.