Ang salitang “anak” sa Kristiyanismo ay ginagamit na may pakahulugan ng pagiging alipin ng Diyos (Allah), gaya ng sa Torah at Banal na Qur’an. Tunay na ang Propeta Hesus (sas) ay mahal na alipin ni Allah, subali’t siya pa rin ay tao lamang, na kumain nang nakaramdam ng gutom, uminom ng tubig nang nauhaw, nagpahinga nang mapagod, na natulog rin at may mga pangangailangan, gaya rin ng lahat na mga nilikha. Ito ay isang katotohanang na ipinahayag sa maraming pahina sa Ebanghelyo. (Mababasa ang tungkol sa mga katangian sa pagkatao ng ating Propeta Hesus (sas) sa Ebanghelyo at kung papaano siya bilang Mensahero ng nagdala ng rebelasyon ni Allah, i-click lang dito). At gayundin naman, inihayag rin ni Allah sa Banal na Qur’an na si Propeta Hesus (sas) ay isang nilalang na tao lamang, na dumaan din sa pagsubok at mayroong ding mga pangangailangan na kagaya ng lahat sa atin:
“Si ‘Al-Masih’ (ang Messiah – Kristo Hesus) na anak ni Maryam (Maria) ay hindi hihigit sa pagiging Sugo, at maraming mga Sugo ang nauna kaysa sa kanya. At ang kanyang ina ay naniwala nang may ganap na pagtitiwala, at silang dalawa ay katulad ng sinumang tao na nangangailangan ng pagkain, at hindi kailanman maaaring maging ‘ilâh’ (diyos na sinasamba) ang sinumang nangangailangan ng pagkain para mabuhay. Na kung gayon, pagmasdan mo, O Muhammad (saas), ang katayuan nila na mga walang pananampalataya.” (Surat al-Ma’ida, 75)
Ang mga debotong Kristiyano ay nararapat na kumilos ng buong katapatan ukol sa paksang ito, at mapagtanto na ang paglalagay ng wangis ng kabanalan ng Diyos sa isang tao ay siyang paglabag sa batas mismo ni Allah, sa Kristiyanismong dinala mismo ng Propeta Hesus (sas) at sa mga kapahayagan sa mga Ebanghelyo at sa Torah, kasama na dito ang sa matuwid na rason at lohika. Dapat nilang matanggap ang posibilidad na ang ganitong paniniwala, na idinagdag na lang ilang daan taon matapos ang tunay at puro na mga Ebanghelyo, ay makapagbibigay ng seryosong panganib at nararapat ng pag-isipan muli ito ng malalim. Ano ang mga posibleng kahulugan o gamit sa paglalagay ng mga katangian ng nag-iisang Diyos sa isang tao lamang at ang ituring pa ito bilang Diyos? Walang pangangailangang ganito si Allah (Si Allah na Pinakamakapangyarihan sa lahat ay higit pa riyan ng buong katiyakan). Ang ganitong ideya ay: NAGPAPAKITA LAMANG NG KABIGUANG IPAGSAALANG-ALANG ANG TUNAY NA LAKAS AT KADAKILAAN NI ALLAH.
At higit pa sa dito, ang mga Kristiyano ay dapat na hindi tanggapin ang ideya na ang Makapangyarihang Diyos (Allah) ay nagpakita sa mundo sa anyo ng isang tao. Ito ay kawalan ng paggalang sa kaluwalhatian ng Pınakamakapangyarihang Diyos (Allah). Ang kapangyarihan, kadakilaan, kaluwalhatian, kalakasan at walang hangganang kakayahan na nagmumula kay Allah ay biyaya sa mga Kristiyano. Ano ngayon ang mas mabuti, ang maniwala sa isang Pinakamakapangyarihang Diyos (Allah) o ang magturing na Diyos sa isang tao na gaya natin ay natutulog, kumakain at mayroon ding mga pangangailangan? Siempre, ang lahat ng Kristiyano ay agad na nakakakita ng kasagutan para dito. Hindi na kailangan pa ni Allah na magpakita sa Mundo bilang isang mortal para lamang na maihayag ang kanyang Banal na Presensiya sa mga tao. (Si Allah ay higit pa riyan ng buong katiyakan.) Ang mga kapatid nating mga Kristiyano ay nararapat na tingnan ang mga Ebanghelyo ng may makatuwirang pag-iisip at ang suriin ang lahat ng mga bagay na ito sa isang kaparaang naaayon sa kaluwalhatian ng Diyos (Allah).
Ang katotohanang ang Propeta Hesus (sas) ay may mga katangian ng tao, ay hindi nangangahulugan dahilan na upang mabawasan ang kanyang kahalagahan bilang isang propeta. Si Jesus (sas) ay bagkus binibigyan ng malaking pagpapahalaga at isang napakabanal na Propeta ni Allah. Gaya ng iba pang mga propeta, taglay niya ang pinakamahalaga at pinakabanal na lugar sa Paningin ng Allah. Siya ay kaibigan ng Diyos (Allah), isang dakilang propeta.
Ang mahalaga ay ang maniwala kay Allah – ang ating Nag-iisa at Tanging Lumikha. Ang nais ng Allah ay ang manalig tayo sa Kanya at ang magsilbi sa Kanya, ng hindi sumasamba sa ibang diyos-diyosan (idolatry). Walang pangangailangan na gawin ni Allah ang pagpapakita sa Mundo sa anyo ng isang tao para lamang ang mga tao ay sumunod sa Kanya. Kung ang ating mga kapatid na Kristiyano ay magnanais na harapin ang paksa na ito ng may busilak, matapat na perspektibo, marapat na itanong nila ito sa kanilang mga sarili: Ano ang mawawala kay Allah, mula sa Kanyang mga katangian, kung hindi Niya ipapakita o ipararamdam ang Kanyang Presensiya sa kaanyuan ng Propeta Hesus (sas)? (Si Allah ay higit pa riyan ng buong katiyakan) Ang hindi pagpapakita o pagpaparamdam ng Kanyang Presensiya sa isang tao ay hindi makakabawas ng anupaman sa Kanyang mga katangian, kadakilaan at kagandahan. Bagkus, ito pa nga ay higit pang magpapatingkad sa Kanyang kagandahan at higit pang magpapakita ng Kanyang kadakilaan at nang mabigyan ng tamang pagkilala. Papaano ko matatanggap o mararamdaman ang mga dakilang katangian ni Allah kung ang Kanyang Banal na Presensiya ay malalagay lamang sa isang mortal, mahina at may pangangailangan, natutulog, kumakain? Siempre, hindi.
Ang sagot ng ilang Kristiyano patungkol dito ay ang ipinakita Ni Allah ang Kanyang Sarili bilang Diyos sa anyong tao (nawa’y huwag itong itulot ni Allah) bilang paraan daw para sa mga tao na maabot Siya, ang mas malapit sa Kanya, at ang makapanalangin sa Kanya. Subali’t ang mga ito nga ay bunsod ng kabiguan para tumpak nating mabigyang pagpapahalaga ang kadakilaan at kalakasan ni Allah. Hindi na kailangan pa ng Makapangyarihang Allah ng mga instrumento para lang Siya ay maabot ng tao. “....at Kami ay mas malapit sa kanya (sa pamamagitan ng ganap na kaalaman) kaysa sa kanyang ugat sa leeg (na itong ugat na ito sa leeg ay karugtong ng puso).“ (Surah Qaf, 16). Ito rin ay binigyan kaliwanagan ni Allah sa Ebanghelyo:
Huwag nga kayong magsigaya sa kanila: sapagka't talastas ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan, bago ninyo hingin sa kaniya. (Mateo 6:8)
At walang anumang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. (Ebreo 4:13)
Sapagka't walang bagay na natatago, na di mahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag. (Lukas 8:17)
Alam ng Makapangyarihang Allah ang lahat-lahat ng nasa sa loob natin, lahat ng natatago sa kaloob-looban natin. Si Allah ay ang tunay na nakababatid ng mga bagay-bagay na ipinakalilihim natin. Nakikita Niya at nadirinig Niya ang lahat ng laman ng ating isipan, mga intensiyon at mga hinahangad sa bawa’t isa sa mga pagkakataong yaon. Walang nalilihim Kay Allah. Ito ay ipinahayag ni Allah sa Banal na Qur’an, "... at batid Ko rin ang lahat ng inyong mga inihahayag at inililihim.” (Surat al-Baqara, 33) Ang katotohanang ito ay malinaw na inihayag rin ni Allah sa Ebanghelyo:
… Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. (Mga Taga-Colosas 1:16-17)
Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka. (Mateo 6:6)
… Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios. Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya. (Lukas 12:6-7)
Kung kaya, sapat na ang ikaw ay manalangin ng may buong sinseridad upang makausap mo ang Diyos (Allah). Kahit saan ka man naroroon, madirinig ka ni Allah, makikita ka Niya at sasagutin ang iyong dasal sa paraang batid Niyang makabubuti sa iyo. Nasasakupan ni Allah ang lahat ng mga bagay at lugar. Siya ay kasa-kasama natin sa lahat ng pagkakataon. Kagya’t ang kinikuwestiyon nating pagpapahayag ng mga Kristiyano na – ang Diyos (Allah) ay nasa langit, nawa’y huwag Niya itong itulot, at ang Si Allah ay nagpakita ng Kanyang Sarili sa kaanyuan ng Propeta Hesus (sas) upang malapit lamang sa mga tao – ay isang malubhang kamalian nag-uugat sa kabiguan nating bigyang tunay na pagpapahalaga ang Kanyang Kapangyarihan.
Mayroon tayong Panginoon na lumikha ng lahat ng bagay at may hawak ng kapangyarihan sa lahat ng bagay at lugar. At sa kagustuhan ni Allah, ang pagbabalik sa Mundo ng Propeta Hesus (sas) ay nalalapit na. Ang Propeta Hesus (sas) ay babalik sa mundo at lahat ng Kristiyano ay magmamahal sa kanya at yayakap sa kanya. Kaya ano pa ang pangangailangan para sa mga kaduda-dudang pagpapahayag na ito kung nasa mga Kristiyano na ang lahat ng pabor? Ano ba ang maidudulot pa sa Kristiyanismo ng paglalarawan sa Diyos (Allah) na nilalang sa isang tao? Sa katotohanan, naririto ang pahayag ni Allah ayon sa Banal na Qur’an ukol sa paglalarawang ito sa Kanya, “Na halos mawarak ang mga kalangitan dahil sa napakasidhing kalapastanganang ito, at ang kalupaan ay magkabiyak-biyak, at gumuho nang lubusan ang mga kabundukan dahil sa galit ng mga ito...” (Surah Maryam, 90)
Marapat lamang na tingnan ng mga Kristiyano ang bagay na ito sa matuwid na pag-iisip at ang nang sila ay magsimula ng konsepto ng relihiyon na siyang nababagay sa walang hanggang kapangyarihan ni Allah. Marapat na makita nila na inbalido o walang silbi ang mga ideya na labas ng purong Ebanghelyo, na ang totoo ay ipinatupad lamang sa mga lipunan ng may pamimilit at panggigipit at hindi naaayon sa kaluwalhatian ni Allah. Hindi kailangan ni Allah ng isang anak o ang gumawa pa ng isang instrumento upang makausap Siya ng mga tao. (Si Allah ay higit pa riyan ng buong katiyakan). Si Allah ay nakatayo sa pagitan lamang ng tao at ng kanyang puso, at Siya ay mas malapit pa sa ugat sa kanyang leeg (jugular vein). Ang Diyos (Si Allah) ay nasa langit, nasa mundo, kung saanman ang buhay ng tao ay naroroon. Ang mga tunay na sinserong Kristiyano ay marapat na magbigay ng tumpak na pagpapahalaga sa kaluwalhatian ni Allah at ang mabatid na walang kapahintulutan ni Allah ang mga konseptong labas sa lohika at hindi na kinakailangan pa.