NAPAKALAKING KAMALIAN NA IHALINTULAD NG ATING MGA KAPATID NA KRISTIYANO ANG PAGKAPANATIKO ( O SARADONG PAG-IISIP) SA TUNAY NA ISLAM
ucgen

NAPAKALAKING KAMALIAN NA IHALINTULAD NG ATING MGA KAPATID NA KRISTIYANO ANG PAGKAPANATIKO ( O SARADONG PAG-IISIP) SA TUNAY NA ISLAM

1950

Ang pagkakalarawan sa mga Muslim bilang tagapasimuno ng pakikidigma sa ngalan ng Islam at nagtataguyod pa sa pagpatay at sa pagdanak ng dugo ay nagbunga lamang ng isang napakalubhang pagkakamali ng opinyon ukol sa Islam. Sa saradong panananaw ng mga PANATIKO ay ito na nga ang tunay na Islam. Ang hindi nila nababatid ay ang takaw sa dugo na sistemang namamayani sa mundo ay walang anumang kinalaman sa tunay na Islam, bagkus ito ay paraan ng pamumuhay na labag at lihis sa itinuturo sa relihiyong Islam.

Maraming tao ang nag-aakala na sa mga napagkita na nila na iba’t ibang tipo ng mga animo’y mga Muslim subali’t nagsasakatuparan naman ng mga aksyong walang lugar sa Islam at mga patuloy pang namumuhay sa paraang lumalabag sa espiritu ng Banal na Qur’an, ay siyang mga tunay na representante ng Islam. Kaya ito ay nagresulta lamang sa maling opinyon, ilan nga sa ating mga kapatid partikular na ang mga Kristiyano ay may galit sa mga Muslim at sa relihiyong Islam, nagtuturing dito na mga malalaking panganib at sila ay mga laging nahahanda upang magtugis sa mga ito.  Ang pagiging takaw sa dugo, ang matinding galit, ang kalupitan, ang kawalan ng pag-ibig, ang kawalan ng awa, ang kawalan ng konsensiya at ang kawalan ng pagmamalasakit na nakita nila sa mga taong yaon ay kanilang pilit na inihahalintulad sa Banal na Qur’an. Subali’t ang totoo, yaong mga nagpapalaganap ng sistemang takaw sa pagdanak ng dugo ay walang kaugnayan na anupaman sa Islam. Gawain lamang ito ng mga tao nabanggit bunsod ng maling pananaw sa pananampalataya at mga haka-hakang dulot ng pagiging ignorante. Maliwanag na walang ganitong makikita sa Banal na Qur’an. Narito ang paglalarawan ng ating Panginoon sa mga panatikong ito, na walang hangad kundi ang paghaluin ang katuruan ng relihiyon at mga bagay na gawa-gawa o imbento lamang, ang pagmukhain ang mga ito na totoo at katanggap-tanggap sa pamumuhay, at ang makapanlinlang gamit ang ngalan ni Allah, sabi sa Banal na Qur’an:

At katiyakan, mayroon sa mga Hudyo ang grupo na binabago nila ang salita sa pamamagitan ng paglalayo nito sa tamang kahulugan, at pinapalitan nila ang salita ng Allâh (I) upang malinlang nila ang iba, na (sinasabi nilang) ito ay salita na ipinahayag bilang ‘Tawrah’ gayong hindi naman ito talaga nagmula sa ‘Tawrah;’ at sinasabi nila na ito ay nagmula sa Allâh (I) na ipinahayag Niya sa Kanyang Propeta na si Mousã (u), subali’t sa katotohanan, ito ay hindi talagang nagmula sa Allâh (I). Ang dahilan ay ang paghahangad nila ng makamundong bagay; na kung kaya, sila ay nagsasalita ng mga kasinungalingan laban sa Allâh (I), gayong alam nila na sila ay nagsisinungaling.(Surah Al ‘Imran, 78)

Ang tunay na Islam ay ang ipinahayag mismo ni Allah sa ating Propeta na si Muhammad (saas). Sa madaling salita, ang mga Muslim ay may katungkulan o responsibilidad na mamuhay ng naaayon sa Banal na Qur’an, sa mga Sunnah ng ating Propeta (saas), at hindi ng naaayon sa mga walang saysay at mapag-imbentong interpretasyon mula sa mga panatiko. Ang batayan ay ang Banal na Qur’an, hindi ang mga bagay na walang silbi. Ang tunay na Islam ay ang Islam sa Panahon ng Felicidad, na kung saan ang mga tao ay tunay na nagsisunod sa Banal na Qur’an at tumulad sa buhay ng ating Propeta (saas). Ang buhay ng ating Propeta (saas) na puno ng pagmamalasakit at pagmamahal, mapangalinga at kahusayan, na naglagay ng mataas na pagpapahalaga sa sining, kagandahan o kaayusan, kalinisan at kabaitan ay siyang pinakaperpektong modelo na dapat tularan ng mga Muslim. Sa ganitong paglalahad, maliwanag na hindi katanggap-tanggap sa mga tunay na Muslim ang mga ehemplo na hindi hango sa buhay ng ating Propeta (saas), kung kaya ang mga hindi Muslim ay hindi marapat na tumanaw sa Islam base lamang sa madilim na klase ng pamumuhay na mayroon ang mga panatiko ito.

Sa paksang ito, ang mga kapatid nating Kristiyano ay marapat na isaisip ang mga sumusunod na pananalita:

Ang mga panatiko ay hindi lamang sa mga Muslim may galit kundi maging sa mga Kristiyano at Hudyo.

Ang mga taong ipinipilit ang taglay nilang mapanira at baluktot na pag-iisip napapaloob daw sa Islam ay mga totoong PANATIKO, at hindi ang tunay na Islam. Ang kanilang panabi ay sa ngalan daw ni Allah ang ginagawa nilang pagkilos. Subali’t sila ay walang pagmamahal sa kanilang mga puso, may maiitim na kaluluwa, mga panatikong sadyang sarado na ang pag-iisip, at walang matuwid na pang-unawa. Sila ay mga kaaway ng kagandahan o kaayusan, ng sining at siyensiya. Maging sa buhay ay may matinding galit sila; maging sa saya at ligaya.

Sa mga panatiko, anumang kagandahan ay balewala, namumuhi sila dito. Sila ay lalo ng muhing-muhi maging sa mga bulaklak, sa mga bata, mga pusa, mga aso at mga kuneho. Ang kanyang espiritu at kaluluwa ay walang laman. Gaya ng nahayag sa isang ayat ng Banal na Qur’an, “ang katulad nila ay parang mga kahoy na nakasandal sa pader na walang halaga” (Surat al-Munafiqun, ayat 4). Wala kang makikitang anumang wangis ng pag-ibig sa kanyang kaluluwa. Wala silang pagpapahalaga sa buhay ng tao o ni walang halaga sa kanila ang anumang bagay na may buhay sa mundo. Walang lugar ang konsiderasyon, ni pagmamahal o ang pakikiramay at pagmamalasakit sa kanilang mga puso.

Kaya dulot din nito, ang mga panatiko ay may poot sa mga kababaihan. Isa sa mga pangunahing pagkakakilanlan sa mga panatiko ay ang malalim na galit nila sa mga kababaihan. Tampok na katangian ng mga panatiko ay ang pagtingin nila sa mga kababaihan bilang mga mabababang uri o third-class citizen.  Magpasahanggang ngayon, ang mga Komunista, mga Darwinista at yaong masama ang pagtingin sa Islam ay patuloy naman sa mga mapanira nilang birada laban sa Islam, kaya nilang baligtarin na ang Islam pa nga raw ang siyang may galit sa mga kababaihan. Ang matinding galit na ito laban sa mga kababaihan na kunwa ay kanilang itinatanggi, ay katangian ng mga panatiko at yaong mga paurong ang pananaw sa buhay, hindi ito ang tunay na Islam dahil ang tunay na Islam ay naglalagay sa mga kababaihan sa pinakamataas na pagpapahalaga, pumupuri at siyang nangangalaga sa mga ito. (Makikita ang iba pang impormasyon patungkol sa mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa Banal na Qur’an, mag-click dito.)

Gayang hindi pagmamahal ng mga panatiko sa kaninuman, wala ring nagmamahal sa kanila. Lahat ay walang pagkagusto sa kanilang presensiya, lohika, paraan ng pamumuhay at pananaw. Kahit nga sila ay galit sa kapwa nila panatiko. Ito ang dahilan kung bakit madalas ang dibisyon at awayan sa pagitan nila. Kahit na kailanman ay hindi nila makakayang makapamuhay ng payapa at maligaya ng sama-sama. Kagaya ng kanilang mga kaluluwa, ang kanilang mga buhay ay napapaloob sa matinding kadiliman.

Ang mga panatiko ay matatagpuan sa lahat ng relihiyon at sektor ng lipunan. May mga panatiko maging sa loob ng mga komunidad na Kristiyano at Hudyo, hindi lamang sa mga Muslim, sila ang mga taong naglalayong ilihis ang relihiyon palayo sa tunay esensiya nito, at layunin ang mag-iwan ng madilim na estado ng pag-iisip na hangad ang makapagpadanak ng dugo, imbes na ligaya at pag-ibig na dala ng paniniwala kay Allah. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang mga taong naglalayong mapasok at maibilang ang kanilang mga sarili sa hanay ng mga tunay na Muslim. Subali’t ang katotohanan ay maliwanag, saan man siya nabibilang na pananampalataya o sektor ng lipunan, ang mga panatiko ay kumakatawan lamang sa isang bulok at palsong ideya.

Kaya resulta ng nakapanghihilakbot na kaisipan, ang mga panatiko ay naghahangad ng pagdanak na dugo. Nais nila ay ang pag-agos ng dugo sa lahat ng lupalop ng daigdig. Ang kapanatagan niya ay nakukuha nila kung dumadanak na ang dugo at nakikitang lubos na naghihirap o nagigipit ang tao. Namumutawi sa kanilang bibig ay matinding galit at kanilang isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkitil sa maraming buhay. Ang mga taong ito na nagpapalaganap ng mga pagpatay sa ngalan ng Islam, at ng galit sa mundo, ng galit partikular na sa mga Kristiyano, sa mga Hudyo at maging sa mga Muslim, na mga nagtatampisaw sa matinding poot na nag-uumapaw sa kanilang mga dibdib, ay maliwanag na masasabi nating HINDI MGA MUSLIM, bagkus, ang mga ito ay panatiko sa ilalim ng impluwensiya ng antichrist (dajjal).

Sa mga ganitong kadahilanan, ang mga kapatid nating mga Kristiyano ay marapat na alamin kung ano ang pagkakaiba ng mga Muslim at mga panatiko, ng kaibhan sa pagitan ng tunay na Islam at ng panatisismo. Dito nila malalaman na ang paraan ng pamumuhay na kanilang hindi kinalulugdan ay yaong sa mga panatiko, hindi ang sa Islam.


Ang mga panatiko ay kabilang sa armada ng mga antichrist (dajjal); hindi nila kailan man susundin ang Banal na Qur’an, o maging hayaan ang sinuman na sundin ito.

Ang pagiging huli sa panahon, ang panatisismo at ang pagkakaroon ng baluktot at saradong kaisipan ay ANG PINAKAMALAKING ARMADA NG TINAGURIANG ANTICHRIST NA KUMAKALABAN SA ISLAM. Ang ating Propeta Muhammad (saas) ay naghayag nito sa isang hadith:

”Pitumpung libong iskolar mula sa aking komunidad, lahat ay nakasuot ng turban, ay magiging sunud-sunuran sa dajjal [antichrist].” (Imam Ahmad Ibn Hanbal, Musnad, p. 796)

Sa pagtukoy sa mga taong magiging tagasunod ng dajjal ayon sa hadith, ang ating Propeta (saas) ay nagwika ng partikular na ANG MGA ITO AY MAGMUMULA SA LOOB NG UMMAH (KOMUNIDAD) NG ISLAM AT SILA YAONG NAGTUTURING SA MGA SARILI BILANG MGA ISKOLAR. Sa pamamagitan ng hadith na ito, ang ating Propeta (saas) ay tumutukoy sa mga panatikong ito bilang siyang pangunahing grupo, mga magiging alipin ng dajjal, na kikilos laban sa mga kaibigan ng Allah at sila’y makagagawa ng pinakamalaking kasiraan sa relihiyon.

Sa isa pang hadith narito ang winika ng ating Propeta (saas):

“Marami pang mga tao ang sisibul sa Pagtatapos ng Panahon: subali’t ang kanilang mga utak ay hindi na gumagana pa. Maaaring mamutawi sa kanilang mga bibig ang lahat ng magagandang pananalita. Maaaring sila ay makababasa ng Banal na Qur’an, subali’t ang kanilang pananampalataya ay hindi na lalayo pa sa lalamunan nila…” (Bukhari, 3611, 5057, 6930, Muslim, 1066, Abu Dawud  4767, Ahmed ibn Hanbal, Musnad 1, 81, 113, 131, 289; Al-Tayalisi, al-Musnad, no. 1984.)

Gayanga ng nalalahad sa hadith na ito, ang mga taong ito ay tunay na magiging mahusay sa kanilang pananalita at makababasa ng Banal na Qur’an; “subali’t ang kanilang pananampalataya ay hindi na lalayo pa sa lalamunan nila…"  Sa maikling salita, hindi nila tunay na iaayon ang kanilang mga sarili sa Banal na Qur’an. Sila nga’y magbabanggit ng mga ayat mula sa Banal na Qur’an subali’t hindi naman sila magiging tapat dito, bagkus tatapatan at hahaluan pa nila ang mga ito ng mga walang saysay na pagtuturo. Ituturing pa nga nila na ang mga probisyon sa Banal na Qur’an ay may kakulangan kaya sila ay magpapasimuno ng ibang paniniwala na batay sa mga sariling pag-iimbento at palalabasing sa ngalan ng Islam. Dito, ang isang malaking bahagi ng armada ng dajjal ang isisilang, magmumula sa bawa’t relihiyon, at  sila ang bubuo ng grupo ng mga panatiko na sisira sa kani-kanilang pananampalataya at maging sa mundo.  

Ang layunin ng mga panatiko ay ang mapigilan ang mga tao na maisabuhay ang Banal na Qur’an. Dito  sa Banal na Qur’an, sila ay maghahalo at magdaragdag ng kung anu-anong imbentong bagay, kasama na ang tahasang hindi pagtanggap at pag-aalis sa ilang mga bahagi nito na sadyang hindi naaayon sa kanilang mga sariling bugtot na pananaw. Para sa kanila, ang mga katuruan sa Banal na Qur’an patungkol sa pag-ibig, kapayapaan, pagmamalasakit, kapatiran at pagkakaisa, at maging ang paghihikayat nito sa kagandaha’t kaayusan, sining at siyensiya ay mga bagay na hindi katanggap-tanggap at dahilan para sa malaking pagkapoot. Ang kalidad at lalim ng kaluluwa na nagreresulta sa pamumuhay ng naaayon sa batayang moral ng Banal na Qur’an, ang ehemplo ng Muslim na matuwid, maayos, makabago at puno ng pagmamahalan, ay sadyang taliwas sa kanilang walang saysay na mga relihiyon. Kung kaya ang dajjal ay gumagamit ng saradong kaisipan at panatisismo upang sirain ang Islam at ng tuluyan na itong mawala.

Ang puntong ito ay dapat na linawing maigi; maaaring may mga tapat na tao na tunay na nagmamahal sa Allah subali’t mayroon silang mga nakagawian at mga ilang ideyang walang lugar sa Islam, maaaring dulot ito ng kakulangan ng kaalaman o nagmula sa maling edukasyon. Kailangan nating malaman ang kaibhan ng mga taong ito doon sa mga panatiko na tahasang naglalagay ng kanilang mga imbentong pag-iisip sa relihiyon. Ang nauna ay mga taong makatatanggap sa katotohanan matapos na sila ay masinagan ng ningning ng liwanag mula sa Banal na Qur’an. Ang ating Pinakamakapangyarihang si Allah ay laging magtuturo ng tamang daan doon sa mga tunay niyang mga alipin.
 

Ang Banal na Qur’an ay nagdeklara ng digmaan laban sa mga panatiko.

ANG BANAL NA QUR’AN AY NAGDEKLARA NG PAKIKIDIGMA SA LAHAT NG KAPAITANG RESULTA NG BUGTOT AT SARADONG KAISIPAN, NG KALUNGKUTAN, NG MGA PANGGIGIPIT, NG KAWALAN NG PAGMAMAHALAN, NG PANATISISMO, NG PAGKAMUHI AT NG PAGPAPADANAK NG DUGO SA MUNDO. Ang Islam na hango sa Banal na Qur’an ay ANG EKSAKTONG KABALIGTARAN NG PANATISISMO.  Ang Islam ay nagtuturo ng kapayapaan, pagmamahalan at pagkakaibigan. Ito ay naghihikayat sa pagkakaisa, sa pagsamba ng sabay-sabay sa ngalan ni Allah, sa kapatiran at sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Ang mga taong hindi tumatalima sa napapaloob sa mga ayat ng Banal na Qur’an at maging iyong iba na pilit na sumisira sa mga ayat na ito dahilan lamang sa kanilang mga mapanlinlang na kaisipan na nagdidikta ng paggamit sa mga ayat bilang ebidensiya upang maipahayag na ang Islam sa katunayan ay nagtuturo ng pakikidigma, sila ay nakagagawa ng isang napakaseryosong pagkakamali. Gaya ng inihayag ng ating Panginoon sa ayat 25 ng Surat Yunus, "At ang Allâh (I) ay hinihikayat kayo tungo sa Kanyang mga Hardin (‘Al-Jannât’) na Kanyang inihanda sa Kanyang ‘awliyâ`’ – taong malalapit sa Kanya, at ginabayan Niya ang sinuman na Kanyang nais mula sa Kanyang mga nilikha tungo sa Matuwid na Daan na ito ay ang Islâm.”Batay sa Banal na Qur’an, ang aktibong pakikidigma ay pinahihintulutan lamang para sa mga kadahilanang pang-depensa.  Ang kondisyon ay malinaw na nasasabi, ang isang Muslim ay maaari lamang na magdeklara ng pakikidigma kung may nagpasimulan na nito, at ang upang maipagtanggol ang sariling buhay.  Ang ating Propeta (saas) ay nanguna sa pagpapatupad nito sa pinakamalinaw na kaparaanan.  Lahat sa tatlong pakikidigma sa panahon ng ating Propeta (saas) ay itinaguyod bilang depensiba lamang, at ang pagpapatawad ay laging ipinayo niya. Halimbawa naman, sa panahon ng Digmaan ng Trench, ang ating Propeta ay nagpatayo pa nga ng mataas na pader upang maprotektahan ang mga Muslim mula sa pag-aatake ng kabilang panig.

Sa Banal na Qur’an, ang Pinakamakapangyarihang Allah ay nagsabi ng tumpak ang pakikidigma para sa mga Muslim sa mga partikular na sitwasyong ito lamang:

At makipaglaban kayo, O kayong mga naniniwala sa Allâh (I), upang maitaguyod ang ‘Deen’ ng Allâh (I), sa mga taong nakikipaglaban sa inyo at huwag kayo ang magpapasimuno ng gulo. Katiyakan, hindi naiibigan ng Allâh (I) ang mga lumalabag sa Kanyang itinakdang hangganan at nagpapasimuno ng gulo, at pinahihintulutan nila ang ipinagbabawal ng Allâh (I) at ng Kanyang Sugo.(Surat al-Baqara, 190)

Kapag itinigil nila ang paglabag at pakikipaglaban sa ‘Masjid Al-Harâm’ at pumasok sila sa Islâm, ang Allâh (I) ay ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad sa Kanyang mga alipin, na ‘Raheem’ – Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.(Surat al-Baqara, 192)

Upang ang mga Muslim ay mapalaot ng isang pakikidigma, ito ay dapat na magmula sa opensiba ng kabilang partido. Hindi marapat na gamitin ang pakikidigma para lamang protektahan ang isang mapaniil na lipunan, na sadyang agresibo o mapangahas at hindi na nakikinig pa sa rason. Kaya sa ganitong mga pagkakataon, ang mga Muslim ay may katungkulan na gawin ang dapat gawin, maging ang pinakasukdulang bagay; subal’it bilang depensiba lamang. Higit pa rito, batay na rin sa Islam, walang anumang panganib o masamang bagay ang dapat maranasan ng mga kababaihan, ng mga bata at ng mga matatanda. Tulad ng nasusulat sa ayat 192 ng Surat al-Baqara, ang mga Muslim ay pinapayuhan na huminto na sa pakikipaglaban kapag ang kabila ay huminto na.

Muli, ang Banal na Qur’an ay nagpapahayag na ang pagpatay ay isang kasalanan:

”…na ang sinumang makapatay ng tao nang walang sapat na kadahilanan na katulad ng ‘Qisas’ o hindi kaya’y magkakalat ng kasamaan sa kalupaan sa pamamagitan ng paghihimagsik laban sa batas ng Allâh (I); ang katumbas nito ay para siyang pumatay ng lahat ng sangkatauhan dahil sa idudulot nitong malaki at masidhing kaparusahan mula sa Allâh (I). At katiyakan ang sinumang nagligtas ng isang buhay ay para siyang nagligtas ng buong sangkatauhan, dahil ang pangangalaga sa karapatan at sa karangalan ng isang tao ay katumbas ng pangangalaga sa mga karapatan at karangalan ng lahat ng sangkatauhan.” (Surat al-Ma’ida, 32)

At yaong bukod-tangi lamang ang Allâh (I) ang kanilang sinasamba, at hindi sila nananalangin at sumasamba ng sinumang ‘ilâh’ bukod sa Kanya, at hindi sila pumapatay ng sinumang may buhay (tao) na ipinagbabawal ng Allâh (I) maliban sa sinumang karapat-dapat o makatarungang gawaran ng kaparusahan na kamatayan…(Surat al-Furqan, 68)

Maliwanag sa mga ayat na ito, ang pagpatay ay isang malaking kasalanan para sa isang Muslim. Sa Surat al-Ma’ida inihayag ng Allah na kahit na maraming sugo na ang Kanyang ipinadala na nagbigay babala sa mga tao, marami pa rin sa kanila ang sumuway at pilit na lumagpas sa kanilang hangganan. Sa madaling salita, kahit na ito ay nasusulat na sa Banal na Qur’an, marami pa ring mga tao ang nagpapalagay na ang Banal na Qur’an ay kulang pa rin kung kaya sila ay may layang lumagpas sa tamang limitasyon at patuloy na isinasama ang mga sarili sa panggigipit at pagpapadanak ng dugo. Ang mga taong ito ay mga panatiko na at may saradong pag-iisip na, mga nagpapahayag pa nga na ang kanilang mga gawain ay sa ngalan daw ni Allah, subali’t ang katotohanan silang lahat ay nasa sa ilalim ng impluensiya ng dajjal.


Ang pagdedeklara ng pakikidigman laban sa Islam ay hindi paraan ng pagsugpo sa panatisismo.

Ang mga taong nag-uugnay ng pagkapanatiko sa Islam sa paraang may kakulangan sa impormasyon at naglalayong puksain ang sistemang panatiko, kadalasan ay nahuhulog sa pagkakamali na magkaroon ng isang masamang saloobin o poot laban sa Islam.Sinadya ang mga pagsisikap na ito upang maikalat ang maling perspektibo patungkol sa klase ng Islam na ito, lalo na ng mga ateista at mga maka-Darwinistang mamamahayag, mga intelektuwal na organisasyon at maiimpluwensiyang sirkulo o grupo. Ang mga grupong ito ay sadyang layuning sirain ang pangalan ng Islam, at gamit ang mga taktikang pangongondisyon sa utak ng mga nakikinig, paggamit ng mga pangungusap gaya ng "Ganyan talaga ang mga Muslim, hindi ka nila hahayaang mabuhay, kaya mas mabuting ikaw ay mauna ng lumipol sa mga ito bago sila lumipol sa inyo." Sila ay mga naatasan sa paggawa ng mga bagay na ito ng iba't ibang masasamang puwersa. Sa ilalim ng impluwensiya ng pangongondisyong ito, ang ilang mga Kristiyano ay mga nakapagwiwika na ang Banal na Qur'an at Islam ay dapat na mawala na ng lubusan kung nais na mawala na ang mapang-api at hindi makatarungang sistema na nilikha ng panatisismo(Tunay na Islam at ang Qur'an ay higit pa riyan). Subali’t sa patakarang ito, paglabag sa tamang rason at mabuting konsensiya, ay lalo lamang nagpapalakas sa panatisismo at paurong na pananaw, hindi ang sa inaasahan. Ang mga ginagawang pag-atake sa Banal na Qur'an at tunay na relihiyong Islam ay lalo lamang nagdaragdag sa lakas sa sistemang panatiko na nagpapalaganap sa pagpapadanak ng dugo at karahasan at paghahangad na mawala ang pagmamahalan sa mundo. Ito ay nangangahulugan ng poot sa mga panatiko subali’t kasabay ang magpahayag pakikidigma sa Allah (Tunay na ang Allah ay higit pa riyan) at ito ay isang tunay malaking kahangalan. Bagkus, ang tamang paraan upang mawala na ang mga panatiko at ang mabura ang isinusulong nilang sistema na uhaw sa dugo, ay ang higit na pagbibigay-diin sa Banal na Qur'an at sa  tunay na relihiyong Islam, at ang muling magdala sa atin sa kagayang Panahon ng Felicidad. Ang mga Muslim ay namumuhay na puno ng saya, hindi mga makasariling pamumuhay,  na base sa pagmamahalan, pagmamalasakit sa isa’t-isa, pagkakaibigan at kapatiran at pagbabahagi ng isang pananaw na nagtataguyod sa demokrasya at kalayaan, makabago at progresibo,na siyang susunog sa mga panatiko hanggang sila ay maging abo. Samakatuwid, ang ating mga kapatid na Kristiyano ay marapat na sumuporta sa tunay na mga Muslim,  labanan ang mga panatikong pananaw na siyang salungat sa mga Muslim at sa mga kapwa Kristiyano at Judio; dapat ay hikayatin pa nila ang mga tao na mamuhay hango sa mga tunay na batayang-moral ng Islam.  

Paglaban at pagsugpo sa panatisismo ay isang itinuturing na katungkulang pangrelihiyon para sa mga Muslim. Sa dahilang ang pagtutol sa pagpapaimbabaw ay isa sa mga utos ng Banal na Qur'an. 'Panatiko' ay isa pang paraan ng paglalarawan sa mga ‘ipokrito’ sa Banal na Qur'an. Ang Allah na Pinakamakapangyarihan sa lahat ay tumukoy sa mga ipokrito, at mga hindi nananampalataya at doon sa mga may ‘sakit’ sa kanilang mga puso, at silang lahat ay nagturing ng ibang bagay na katumbas sa Kanya. Sila ay mga kaaway ng Panahon ng Felicidad, SILA AY MGA NAGPAHAYAG NG PAKIKIDIGMA SA QUR’AN SA NGALAN NG QUR’AN. Ang likong paraan ng pag-iisip na walang pag-ibig, walang-wala ng pakikiramay, kawalang ng kultura at pinag-aralan, na galit sa sining at agham, na hindi nagdidili-dilihin at naglalayong gawing bagay na komplikado ang relihiyon, na isang gawa ito para makapagpakitang-tao, at na naggagawa-gawaan ng isang relihiyong patuloy na nagtutulak sa mga ipinagbabawal at imbensyon ay 'paurong na pananaw,' sa ibang salita “polytheism” o pagsamba sa maraming diyos-diyusan.ANG PANATIKONG SISTEMA NA BINUO NG MAY BUONG OPOSISYON O PAGKONTRA SA BANAL NA QUR’AN, NA NAGTUTURING SA BANAL NA QUR’AN BILANG KULANG AT BUONG KABALIGTARAN NG MGA INIUUTOS SA BANAL NA QUR’AN AY ISANG SISTEMANG BUGTOT NA KAILANGANG DURUGIN NG MGA MUSLIM. Sa ganitong kadahilanan, ang pinaka-epektibong intelektuwal na kampanya laban sa mga ito ay magmumula sa mga Muslim ng Banal na Qur'an, sa maikling sabi, mula sa atin.

Ang solusyon sa panatisismo ay magmumula sa pagpapalaganap sa Islam gaya ng sa Panahon ng Felicidad at kaakibat ang pagsunod sa tunay na batayang moral ​​ng Banal na Qur'an.Isakatutuparan ito ng Hazrat Mahdi (as) sa ating panahon.Dahilan dito, napakahalaga na ang daan ng Mahdi ay masuportahan.Ang daan ng Mahdi (as)ay naglalaman pag-ibig, kapanatagan, kapatiran, seguridad, kapayapaan at pagkakaibiganan. Ito ay naglalaman ng labis na kagalakan, kaligayahan, sining at kagandaha’t kaayusan. Ito ay nangangahulugan ng kaluwagan, kalayaan at demokrasya. Ito ay makabago at progresibo.Lubhang mapanganib na suportahan ang isang panatikong sistema na kumakatawan lamang sa matinding pagpaparusa sa buong mundo sa pamamagitan ng pag-atake sa tunay na Islam. Ang mga panatikong sistema na bumubuo ng isang banta laban sa tatlong dakilang pananampalataya ay aabot lamang sa katapusan nito kapag ang Banal na Qur'an ay ganap nang naisakatuparan at ang daan ng Mahdi (as) ay napagtibay at suportado ng lubusan. Ang Islam ng Banal na Qur'an ay walang iiwan ni isang shamanista, ateista o walang dinidiyos, satanista, o maging yaong mga maka-Darwinismo. Ito ang nag-iisa at namumukod-tanging depinitibong solusyon.


Ang mga Kristiyano at mga Hudyo ay makapamumuhay rin sa gitna ng kapayapaan sa pagtalima sa tunay na moralidad batay sa Islam.

Mahalaga na ang mga kapatid nating Kristiyano at Hudyo ay mas malalim na maunawaan ang ating mga inilalarawang konsepto ukol sa pagmamahalan, kapayapaan, demokrasya, kalayaan, kaligayahan at pagsusulong sa kaunlaran ng “may dalang pagsusuri na batay sa magandang intensyon.” Dahil sa ang mga ito ay hindi natin mga personal na opinyon. ANG LAHAT NG MGA ITO AY MATATAGPUAN SA BANAL NA QUR’AN. Lahat ay kaisa sa espiritu ng Banal na Qur’an, ito rin ay mga halimbawang ipinamalas ng ating Propeta Muhammad (saas) at may pagsang-ayon ng Allah, Al-Rahman (Pinakamapagpala) at Al-Rahim (Pinakamaawain). Ganito isinakatuparan ang mga nakasaad sa Banal na Qur’an sa panahon ng ating Propeta (saas). Kaya nga ang pagpapadanak ng dugo ay gawa-gawa lamang ng walang saysay na pag-iisip ng mga panatiko. Ang mga panatikong ito na nasa ilalim ng pangongontrol ng dajjal ay ang pilit na naglalarawan sa Islam bilang relihiyong mapangahas, nanlilinlang sila sa maraming mga tao, at hangad na ipakalat pa sa mundo ang kanilang mga kasinugalingan.

Kaya napakahalaga na makita ng ating mga kapatid na Kristiyano ang tunay na Banal na Qur'an at ang dakilang mensahe nito.Ang Banal na Qur'an ay isang sinag ng liwanag para sa sinumang sumisilay dito na may mabuting budhi.Lahat ng bagay na makapagpapasaya sa mga tao at magbibigay-liwanag sa mundo ay sa Banal na Qur'an matatagpuan. Ang pamumuhay ng naaayon sa Banal na Qur’an kagaya ng ginawa ng mga taong nabuhay sa Panahon ng Felicidad ay ang magdadala ng ganap na kagalingang at kagandahan sa ating mundo. Para sa mga Muslim ang ganitong kaparaanan ng paggamit sa Banal na Qur'an ay siyang magiging mapagkukunan ng kapayapaan, kaligayahan at pagkakasama-sama pati na rin sa mga Kristiyano at Hudyo. Ang mga kabataang sisibol resulta ng mga ito ay makapamumuhay na puspos ng kaligayahan. Ang kagalakan na bahagi ng kalikasan ng tao nguni’t nawala sa ilalim ng impluwensiya ng sistema ng dajjal ay makababalik sa lipunan. Ang sining ay uunlad, at ang mga tunay na mga alagad ng sining ay muling lilitaw. Ang arkitektura na nawala sa ilalim ng impluwensiya ng mga sistema ng dajjal ay muling mabubuhay.Dahil sa seguridad, kapayapaan, kaligayahan, pagkakaibigan, pagkakapatiran at, ang pinakamahalaga sa lahat, ang pagmamahal ng Allah ay lubos lalaganap. At kapag pag-ibig na ang dumating, ang sining ay darating din sa lahat ng bagay, kaalinsabay pa nito ang kagandahan, kagalakan, kaligayahan at paglago ng agham.Ang pananaw ng Islam sa Banal na Qur'an ay hango sa pag-ibigl, pagmamalasakit, pagmamahalan, rason, parehas o pagkakapantay-pantay, pagkilos ayon sa isang balanseng paraan, lohikal na pag-iisip, ang pagtingin sa mga pangyayari sa isang positibong paraan, ang paggawa ng mga sakripisyo at ang kitain ng mga pinakamahusay sa lahat ng bagay. Ang isang mundo kung saan ang ganitong mga kaparaanan ng Islam ay maisasabuhay ay maging isa ng pambihirang kagandahan para sa mga kapwa Kristiyano at Muslim.

Ang dapat na tuligsain at pasimunuan ng mga Kristiyano para isang intelektuwal na kampanya ng paglaban ay ang panatisismo, ang Darwinismo at ang materyalismo, pawang mga kaaway ng lahat ng tatlong pananampalataya. Ang dapat nilang bibigyang suporta at tulungan ay mga taong namumuhay ng naaayon sa Islam gaya ng nasasaad sa Banal na Qur'an at sa daan ng Mahdi (as) na nalalapit na ang pagdating.Kapag ang Islam ang kanilang sinuportahan, ang pamamayani ng saradong pag-iisip, ang panatisismo, ang paurong na pananaw, ang Darwinismo at ang materyalismo ay mawawala na ng tuluyan, isang maliwalas na hanging puno ng ligaya’t kagalakan ay yayakap sa buong mundo, at lahat ng mga bagay at lahat ng mga dako ay magliliwanag.

Kapag ang Islam ang kanilang bibigyang suporta, ang katiwalian ng pagkapanatiko ay walang kahit anupamang tagumpay na matitikman.Ang mga simbahan at mga sinagoga ay mapapasailalim sa proteksyon ng Allah, ang Pinakamakapangyarihan sa lahat, gaya ng nasiwalat sa mga talata ng Banal na Qur'an.Ang ating mga kapatid na Kristiyano at Hudyo ay malayang  makasasamba ng ayon sa kanilang mga kagustuhan at makararanas ng ginhawa at kaayusang nanaisin nila. Ang Muslim ay makapamumuhay sa isang kalagayang puno ng pagmamahalan at may pagkakapatiran sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim, wala na ang mga digmaan at ang ating daigdig ay magiging isang lugar ng puspos sa kagalingan, kapayapaan at seguridad.


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo