Nilikha ni Allah ang katawan ng tao nang halos higit pa sa pinakadakilang sining. Lahat ng kagila-gilalas na katangiang pisikal, gaya ng "skeleton system" (pagkakabuo ng buto) na nagbibigay-daan upang ang tao ay makakilos ng maayos, ang "circular system" (pagdaloy ng dugo sa buong katawan) na siyang nagpapanatili ng buhay sa bawa't isa sa 100 milyong selula, ang dugo na siyang nagdadala ng oxygen, ang puso na siyang nagpapadaloy ng dugo sa mga ugat at ito'y upang marating ang bawa't isa sa mga selula, ang atay na siyang gumagawa ng 500 magkakakaibang "chemical activities" sa loob ng bawa't selula kasama ang daan-daan iba pang gawain sa loob ng sistema ng katawan, hanggang sa kaliit-liitang mga detalye ng mga ito, lahat ito ay ibinigay ni Allah sa tao upang siya ay makapamuhay ng komportable. Ang mga selula, na siyang bumubuo sa ating pangangatawan, sadyang napakaliliit upang makita ng mata lamang, ang mga hormones at enzymes na kanilang ginagawa, at iba pang daan libong detalye na lahat ay nasa pagkakaayon sa isa't isa, na ang bawa't isa dito ay may mga milagrong katangian na dahilan upang ang buhay ng tao ay maging tunay na posible. Bawa't isa sa mga perpektong sistemang ito ay kumikilos sa likod ng isang Makapangyarihang Karunungan. At ang Pinakamataas na Karunungang ito ay ang siyang Lumikha ng Sanlibutan, ang Pinakamakapangyarihan, at Pinakalubos ang Kaalaman, Si Allah.
Subali't si Allah na lumikha ng lahat ng ating nakikita at hindi man nakikita ng ating mga mata lamang, yaong mga katangi-tangi at maituturing na mga obra maestro ng paglikha, ay nagtalaga rin ng mga kahinaan para sa katawan ng tao. Lahat ng kahinaang ito ay nilikha ni Allah ng may espesyal na Karunungan, at kaya rin niyang likhain ng wala nito. Gayunpaman, maraming kadahilanan kung bakit nalikha ang katawan ng tao ng may taglay na kahinaan at kawalan o kakulangan ng kakanyahan sa ilang mga bagay.
Ang pagiging mortal ay isa sa maituturing na malaking kahinaan ng tao. Ang makaramdam sa pagkagutom, sa sakit, sa pagkaantok o pagtulog, ang pangangailangang magpahinga, ang pagiging isang nilalang na naaapektuhan ng init at lamig, ang makaranas na makagat ng pinakamaliit man na mikrobiyo, at ang magkaroon ng sakit tulad ng simpleng sipon, lahat ito ay nagpapakita ng kahinaan ng isang tao. Kalimitan, ang tao ay nangangailangang uminom ng gamot upang malunasan ang sakit na nararanasan, ito'y karaniwan na mula pa sa pagkabata. At sa ating pagtanda, lalong nagiging higit ang ating pangangailangan sa gamot. Ang lahat o bawa't sulok ng mundo ay puno ng mga parmasyotika, ospital at ibang pang institusyong pangkalusugan. Patunay lamang ang katotohanang ito sa kahinaang taglay sa pagiging isang tao.
Walang duda na ang kamatayan, gaya ng sakit, ay sadyang ginawa upang ipamalas kung gaano kaikli at panandalian ang buhay sa mundong ito. Ang mga tao ay nilalang sa mundong ito upang dumaan sa pagsubok at sa mga kahinaang ito tayo sadyang nasusubok. Lahat ng ito ay kaparaanan upang imulat tayo sa kakulangan sa mundo at tumanaw sa Kabilang Buhay bilang tunay nating tahanan.
Gayunpaman, maraming tao ang patuloy na nagiging arogante o mapagmataas at mayabang na wari mo ay hindi nagtataglay ng kaparehong mga kahinaan. Kahit na ang tao ay tunay na mahina at madaling bumagsak at maaaring permanenteng igupo o makakuha ng malubhang sakit dahil sa paghina ng isang selula lamang, sila ay kumikilos na puno ng kahambugan upang ipakita lamang na sila ay malalakas at nakahihigit sa iba. Subali't ang katotohanan, sila ay mahina rin kagaya ng sinuman sa atin. Sila ay nagmumukhang katawa-tawa lamang sa pag-arte o pagkukunwari upang itago ang kanilang kahinaan. Dahil ang katotohanan, lahat tayo ay nakakabatid na sadyang mahina tayo talaga bilang mga tao.
Ang paksa na pinakaiiwasan talakayin ng mga taong naturan ay ang ukol sa kamatayan. Ayaw na ayaw nilang sila ay mapaalalahanan patungkol sa pagkamatay ng tao. Mabilis sila sa pag-akusa na ang mga taong madalas magbanggit ng kamatayan ay mahilig lamang mag-isip ng masamang kinabukasan, at agaran nila itong patatahimikin. Dahil na rin sa ang paksa ng kamatayan ay sadyang nagpapaalala lamang ng kanilang sariling kahinaan. Subali't ang kamatayan ay hindi mapipigilan sa kanyang pagdating, at darating ito sa oras na hindi inaasahan. Sa Banal na Qur'an, ibinulgar ni Allah kung paanong ang mga taong nabanggit ay pilit na magtatago ng kanilang panghihinayang pagdating ng Araw ng Paghuhukom:
At kahit pagmamay-ari pa ng bawa’t tao na sumamba ng iba at lumabag sa Allâh (I), ang lahat ng nasa kalupaan, at hahangarin niya itong ipantubos para sa kanya mismong sarili mula sa kaparusahan ng Allâh (I) (subali’t ito ay hindi tatanggapin sa kanya), at ililihim ng mga masasama ang kanilang pagsisisi sa kanilang mga kalooban kapag nakita na nila ang lahat ng kaparusahan ng Allâh (I) na dumating sa kanila, at magpapasiya ang Allâh (I) sa kanila nang makatarungan, at sila ay hindi dadayain dahil ang Allâh (I) ay hindi Niya parurusahan ang sinuman kundi ayon din lamang sa kasalanan na kanyang nagawa. (Surah Yunus, 54)
Sa kaparehong kadahilanan, ang paksa ng pagkakasakit ay hindi rin nais pag-usapan ng ganitong mga tao. Nakakaramdam sila ng pagiging maliit at nag-iisip na dahil dito bababa ang tingin sa kanila ng ibang tao. Subali't hindi pa rin nila itatakwil ang pride at sariling ego, at patuloy sila sa kanilang pagmamataas at sa mga insensitibong ugaling nakagawian kahit na sila ay nakaratay na at nasa bingit pa ng kamatayan. Hindi nila kailanman matatanggap ang kanilang kahinaan bilang alipin ni Allah at magpapatuloy silang arogante hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay. Inihayag ni Allah ang ganitong mga situwasyon sa mga sumusunod na taludtod:
Sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay maging kagimbal-gimbal ang pangyayari, at darating ang Allâh (I) upang pagpasiyahan ang Kanyang itinakda sa pagitan ng Kanyang mga nilikha, at palilitawin Niya ang Kanyang kagalang-galang na ‘Sâq.’ [61] Sinabi ng Propeta: “Ipakikita ng Allâh (I) na ating ‘Rabb’ na Tagapaglikha ang Kanyang ‘Sâq,’ at doon magsu-‘Sujûd’ (o magpapatirapa) sa Kanya ang lahat ng mga mananampalataya lalaki man o babae, at mananatiling nakatayo ang sinumang nag-‘Sujûd’ (o nagpatirapa) sa daigdig bilang pakitang-tao lamang na sila ay tutungo upang magpatirapa subali’t titigas ang kanilang mga likuran na hindi nila maibabaluktot ang kanilang mga buto sa gulugod (o ‘vertebral column’ sa wikang Ingles).” Nakatungo ang kanilang mga paningin na hindi nila maiaangat, na sila ay pinagtakluban ng kaabahan at kapahamakan dahil sa tindi ng parusa ng Allâh (I); katiyakang sila noon ay hinihikayat tungo sa pagsasagawa ng ‘Salâh’ para sa Allâh (I) at pagsamba sa Kanya, at sila noon ay kayang-kaya nilang gawin ito subali’t sila ay hindi nagpatirapa; dahil sa kanilang pagmamataas. Na kung kaya, hayaan mo, O Muhammad, Ako at siya na tinanggihan ang Banal na Qur’ân na ito, dahil katiyakang nasa Akin ang pagbabayad at pagpaparusa sa kanila, na pagkakalooban Namin sila ng mga kayamanan, mga anak at mga biyaya bilang pagpapaluluwag sa kanila na hindi nila namamalayan na ito ang dahan-dahan na pagpapahamak sa kanila, at bibigyan Namin sila ng sandaling ginhawa at pahahabain Namin ang kanilang buhay upang mas lalong maragdagan ang kanilang mga kasalanan. Katiyakan, ang Aking Panukala na pagpaparusa sa mga walang pananampalataya ay matatag (o matibay).(Surat Al-Qalam, 42-45)
“Na kung kaya, magsipasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno, na hindi na kayo makalalabas pa rito magpakailanman, at ito ay napakasama na magiging tirahan ng mga yaong nagmataas at tumanggi sa paniniwala sa Allâh (I) at sa bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya at pagsunod sa Kanyang kagustuhan.” Surat An-Nahl, 29)
Ang mga tunay na Muslim ay nakakabatid sa kanilang mga taglay na kahinaan kaya't nararapat lamang na walang silang ugali ng pagmamataas at pagkakaroon ng pride. Alam nila na lahat ay nilikha ni Allah ng may Karunungan, mabilis silang lalapit kay Allah at mananalangin para sa Kanyang tulong. Ang ganitong pag-uugali ng isang Muslim ay makikita sa Banal na Qur'an sa sumusunod na taludtod:
Yaong mga palaging inaalaala [27] ang Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon habang sila ay nakatayo, nakaupo, nakahiga at iniisip nila nang lubusan ang hinggil sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, na sinasabi nila: “O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Luwalhati sa Iyo, hindi Mo ito nilikha nang walang anumang kadahilanan, dahil ligtas Ka sa mga ganoong bagay. Ilayo Mo kami sa kaparusahan ng Impiyernong-Apoy.” “O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Iligtas Mo kami sa Impiyerno sapagka’t ang sinuman na ipasok Mo sa Impiyerno dahil sa kanyang pagkakasala ay katiyakan na ipinahiya at ipinahamak Mo, at walang sinuman ang makapagliligtas sa mga makasalanan at masasama mula sa kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay bukod sa Iyo.” “O Allâh na aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha! Katiyakan, narinig namin ang nanawagan, na siya ay Iyong Propeta na si Propeta Muhammad (r), nanawagan siya sa mga tao para maniwala sa Iyo at tumestigo hinggil sa Kaisahan Mo at isagawa ang Iyong batas; na kung kaya, tinanggap namin ang kanyang panawagan at naniwala kami sa kanyang mensahe, kung gayon patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan at ilihim mo ang aming mga kapintasan, at ibilang Mo kami sa mga mabubuti.” (Surah Al ‘Imran, 191-193)