Ang aming website ay madalas na nagdadala ng mga pahayag o pangungusap patungkol sa maraming paniniwala at kaugalian ng mga Kristiyano, at amin itong hangad na ipagpapatuloy. Ang mga artikulong ito ay nagtatalakay ng mga maling paniniwala sa loob ng Kristiyanismo at iba pang pagdaragdag sa pananampalataya sa paglipas ng mga panahon, bagay na hindi tumutugma sa Banal na Qur’an at masasabing nagsipag-ugat sa maling interpretasyon ng Ebanghelyo. Ang mga artikulong ito ay naglalayon na ilagay sa tama ang maraming aspeto nito. Kagya’t napakahalaga na unawain ng ating mga kapatid na Kristiyano ang tunay na adhikain at karunungan sa likod ng mga ito.
Ang layuning sa likod ng mga artikulong ito ay hindi upang tuligsain ang mga Kristiyano, o ang pawalang bisa ang buong Ebanghelyo o maging ang balewalain na ang Kristiyanismo sa kabuuan nito. Ang tunay na Ebanghelyo ay itinataas pa nga sa Banal na Qur’an at kinukumpirmang isang banal na aklat na ibinigay sa Propeta Hesus (sas). Kagaya ng nahahayag sa ayat 136 ng Surah al-Baqara, “O kayong mga mananam-palataya! Sabihin ninyo sa mga Hudyo at mga Kristiyano: “Naniwala kami sa Allâh (I) na Nag-iisa at Bukod-Tangi, at sa anumang ipinahayag sa amin na Banal na Qur’ân, na ito ay ipinahayag ng Allâh (I) kay Muhammad (r) na Kanyang Propeta at Sugo, at sa anumang ipinahayag kay Ibrâhim (u) na ‘Suhûf,’ at sa kanyang dalawang anak na sina Ismâ`il (u) at Ishâq (u), at gayundin kay Ya`qûb (u) at sa mga anak ni Ya`qûb na tinatawag na ‘Al-Asbât’ – na sila ang mga Propeta na galing sa lahi ni Ya`qûb na nagmula sa labingdalawang angkan ni Isrâ`il. At naniwala rin kami sa anumang ipinagkaloob kay Mousã (u) na ‘Tawrah’ at sa ipinagkaloob kay `Îsã (Hesus u) na ‘Injeel’ at sa lahat ng ipinagkaloob sa mga Propeta bilang Rebelasyon mula sa Allâh (I) na kanilang ‘Rabb’ na Tagapaglikha. Wala kaming ginawang pagtatangi hinggil sa paniniwala sa sinuman sa kanila at kami ay mga Muslim --- taimtim at ganap na sumusuko sa Allâh (I) bilang pagsunod at pagsamba."
Sa kadahilanang ito, gaya ng mga Kristiyano, ang mga Muslim ay may responsibilidad na sumunod sa mga tunay na isinasaad sa Ebanghelyo at ang bigyang pagpapahalaga ang mga karunungang napapaloob dito. Sa ganito kaisipan, ang mga artikulong ito na patungkol sa mga Kristiyano ay isang pagtawag sa pagiging tapat, sa katotohanan, sa tunay na Ebanghelyo. ITO AY UPANG MATULUNGAN ANG MGA KRISTIYANO na makakawala sa mga maling nakaugalian at mga pamahiin na siyang karagdagang napalagay at hindi matatagpuan sa tunay na Ebanghelyo na siyang ipinahayag sa Propeta Hesus (sas), AT ANG UPANG MATULUNGAN SILANG MAGING TUNAY NA MGA KRISTIYANO NAMUMUHAY NG NAAAYON SA MGA TUNAY NA PROBISYON NG SIYANG TUNAY NA EBANGHELYO.
KAMING MGA MUSLIM AY NAGHAHANGAD RIN NA MAKITANG TUNAY NA BUSILAK SA PANANAMPALATAYA ANG MGA KRISTIYANO. Subali’t, gaya na nga ng kautusan ni Allah sa Banal na Qur’an, "…na nag-aakay tungo sa kabutihan at nag-uutos sa paggawa ng mabuti – at ito ay ang pag-aakay tungo sa Islâm at sa Kanyang batas, at pagbabawal sa paggawa ng masama..."(Surah Al ’Imran, 104), tayo ay may responsibilidad na itama ang mga Kristiyano, ang ilayo sila sa mga pagkakamaling hindi nila sinasadyang napapuntahan at hindi sa sariling kagustuhan lamang, at ang maipakita sa kanila ang katotohanan. Sa ganitong kadahilanan, gaya ng iba pang mananampalataya, sadyang napakaimportante na mabigyang babala ang mga Kristiyano laban sa mga panganib na ito at ang maituon sila sa tunay na paghuhusga na naaayon kay Allah, at ayon na rin sa tamang rason at lohika.
Ang Pinakamakapangyarihang Allah ay nagbanggit sa Banal na Qur’an sa pagkakaroon ng mga Tagasunod sa mga Banal na Aklat (People of the Book) – ang mga Kristiyano at Hudyo. Ayon na rin sa Banal na Qur’an, ang mga Tagasunod na ito ay mga tunay na mananampalataya na inilalagay sa ilalim ng pangangalaga ng mga Muslim. Kaya’t ang mga Muslim ay may katungkulan na siguraduhing ang mga Tagasunod na ito ay tumatalima sa mga probisyon ng Torah at ng Ebanghelyo, at ang makatulong sa kanila upang higit pang maging tapat at malakas sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng katotohanan. Ito mismo ang aming gawain dito.
Ang mga artikulo na inyong mga mababasa ay nagtatalakay ng mga paniniwala na nakapasok at naidagdag na lamang sa tunay na pananampalatayang Kristiyano sa paglipas ng mga taon, na siya namang ipinagbigay babala sa atin mismo ng Banal na Qur’an. Sa paglalahad ng mga ayat mula sa Banala n Qur’an na patungkol sa mga pagkakamaling ito, ang mga ebidensya ay isisiwalat na siyang magpapalaya sa Ebanghelyo, ang Banal na Bibliya sa mga Kristiyano, mula sa maraming mga pagkakamali. Kagaya ng sa ibang paniniwala, maaaring mayroong mga Kristiyano na radikal ang kaparaan ukol sa mga bagay na ito, na sarado na kung ano ang pagkakapaniwala nila patungkol sa aming mga tinatalakay, at maaaring may nauna na at masamang isipin (prejudice) naman sa Banal na Qur’an. Ang aming lamang payo sa mga Kristiyanong ito ay ang basahing maingat ang mga artikulo ng may bukas na pag-iisip at ang suriin ang mga natatalakay sa paraang bago at sa makatuwirang perspektibo. Ito ay magiging isang magaling na kasangkapan, hindi upang lumayo sa mga probisyon ng Ebanghelyo, bagkus, SA PAGSUSURI NILA SA EBANGHELYO SA PAMAMAGITAN NG ISANG MAS HIGIT NA MATAPAT NA PARAAN AY ANG MAKAPAMUHAY PA SILA NG MAS MAY HIGIT PANG KAAYUSAN. AYON SA EBANGHELYO.