At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay. At alalahanin ninyo ang mga dakilang biyaya ng Allâh (I) na ipinagkaloob sa inyo: noong kayo ay bago pa sa Islâm ay nagkakalaban-laban kayo at pagkatapos ay pinag-isa ng Allâh (I) ang inyong mga puso, sa pagmamahal sa Kanya at pagmamahal sa Kanyang Sugo. At itinanim Niya sa inyong mga puso ang pagmamahal sa isa’t-isa. (Surah Al ‘Imran, 103)
Katiyakan, ang mga manamampalataya ang tunay na magkakapatid sa ‘Deen,’ na kung kaya, ayusin ninyo ang pagitan ng inyong dalawang grupo kapag sila ay nag-away o nagpatayan, at katakutan ninyo ang Allâh (I) sa lahat ng pagkakataon, bilang paghahangad na kaawaan kayo. (Surat al-Hujurat, 10)
At ipagpatuloy ninyo ang pagsunod sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo sa lahat ng pagkakataon, at huwag kayong magkasalungatan upang hindi kayo magkahiwa-hiwalay at magkaiba-iba ang inyong mga kalooban, dahil hihina kayo at mawawalan kayo ng lakas at tulong, at magtiis kayo sa inyong pagpapakatatag sa inyong pakikipagharap sa inyong mga kalaban, dahil walang pag-aalinlangan na ang Allâh (I) ay kasama ng mga matiisin sa pamamagitan ng Kanyang tulong at pagtataguyod, at hindi Niya sila bibiguin. (Surat al-Anfal, 46)
Ang mga yaong walang pananampalataya ay nagtutulungan sila sa isa’t isa, at kung hindi kayo magtutulungan sa isa’t isa, O kayong mga mananampalataya ay mangyayari ang malaking ‘Fitnah’ (kasiraan) sa mga mananampalataya para layuan ang ‘Deen’ ng Allâh (I) at malaking kapinsalaan dahil sa pagpigil sa Daan ng Allâh (I) at pagpapakatatag ng pundasyon ng walang pananampalataya. (Surat al-Anfal, 73)
At ang mga yaong kapag sila ay inapi at nananalo sila laban sa mga nang-api sa kanila ay hindi sila lumalampas sa kanilang karapatan, at kapag sila ay nagtiis, ang kapalit ng kanilang pagtitiiis ay higit na mabuti at masaganang gantimpala. (Surat ash-Shura, 39)
Katiyakan, ang Allâh (I) ay minamahal Niya ang mga nakikipaglaban sa Kanyang daan na mga nakahelera na para silang matitibay na mga estraktura (haligi o gusali) na hindi nalulusutan ng kalaban. Nasa talatang ito ang katangian ng ‘Jihâd’ – nagpunyagi sa Daan ng Allâh (I) at ng mga nakipaglaban; dahil sa pagmamahal ng Allâh (I) sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya kapag sila ay nakahelera na humaharap sa mga kumalaban sa Kanya (Allâh I), na sila ay nakipaglaban sa Kanyang Daan. (Surat as-Saff, 4)