MGA PAGPAPAHAYAG MULA SA PROPETA MOISES (SAWS) AT HAZRAT KHIDR (SAWS) NA GINAWA SA UNANG PAGKAKATAON
ucgen

MGA PAGPAPAHAYAG MULA SA PROPETA MOISES (SAWS) AT HAZRAT KHIDR (SAWS) NA GINAWA SA UNANG PAGKAKATAON

1621

ADNAN OKTAR:  Ito ang taludtod na naglalarawan ng pandaigdigang paglaganap ng Islam. Ito ay pumasok sa aking isipan nang narinig ko ang patungkol sa dominasyon ng Islam sa buong mundo. Habang nakikipagtalakayan ukol sa nalilihim na kaalaman (ilm al-ladun), si Propeta Moises (saws) mismo ang nakaranas ng mga bagay na kanyang hindi nagustuhan sa gitna ng pakikipag-usap kay Hazrat Khidr (saws). Makikitang may tatlong magkakaibang bagay dito, at mga pawang naranasan niya. Ang mga ito ay nalalahad sa Banal na Qur’an.

Halimbawa, huwag nawang itulot ni Allah, si Propeta Moises (saws) ay aksidenteng nakapatay ng isang tao. Ang ibig kong sabihin ay, habang ipinagtatanggol niya ang sarili, nasuntok niya ang taong ito. Ang Propeta Moises (saws) ay lubhang malakas at maganda ang pangangatawan, hindi niya naisip kung ano ang maaaring naging epekto ng kanyang taglay na lakas. Pagkatamang-pagkatama niya sa lalaki, ito ay agad na namatay. Ang lalaki’y nalugmok at dagliang pinawian ng buhay. Ito ay isang kahindik-hindik na kaganapan, lubhang nakalulungkot lalo na para sa isang Muslim. Sinabi sa Banal na Qur’an na iniligtas ka na Niya sa malaking pighati. At siya niya itong lalong ikinalungkot. Ang Muslim ay hindi nararapat na nagdadalamhati, subali’t itong kakaibang kalungkutan ay kanyang lubos na naramdaman. Sapagka’t ito ay kasama sa kanyang destinasyon. Pinili ni Allah na mamatay ang lalaking iyon, at si Azrael (ang Anghel ng Kamatayan) ay ang nagsakatuparan nito. Subali’t hindi talaga si Azrael (ang Anghel ng Kamatayan) ang kumuha sa kaluluwa ng lalaki, kundi si Allah mismo. At ginusto lamang ni Allah na isipin ni Propeta Moises (saws) na siya nga ang kumitil sa buhay ng lalaki. Ang katotohan, si Allah ang siyang gumawa nito. Ginawa ni Allah ito dahil sa Kanyang Dakilang Kaalaman.

Si Hazrat Khidr (saws) ay pumatay naman ng isang kabataan, isang batang lalaki. Tinanong ni Propeta Moises (saws) kung bakit niya ito pinatay ng wala naman ito ginagawang masama. Maaaring ang isagot ni Hazrat Khidr (saws) ay ang nakapatay ka rin, hindi ba? Maaring itanong din niya kung bakit nagawa niyang pumatay. Ano ang dahilan at nakapatay siya? Ito ay dahil utos ni Allah kung kaya pinatay niya ito. Bakit  pumatay si Hazrat Khidr (saws)? Dahil ito ang utos ni Allah kaya pinatay  niya ito. Nagawa ni Hazrat Khidr (pbuh) ang bagay na ito hindi ayon sa sariling kagustuhan. Sinabi niyang ang kabataang nabanggit ay magiging isang malupit na tao sa hinaharap, manlalaban sa sariling mga magulang, tutuligsa sa pananampalataya at relihiyon, na magiging isang masamang tao lamang. At upang mapigilan pang maging higit siyang mapasama, kailangang niyang putulin na ito hanggang maaga pa, ang totoo ay upang mapigilan pang mapunta sa impiyerno ang kaluluwa nito. Subali’t ang kaalamang ito ay hindi niya sinabi sa simula. Sa katapusan na lamang niya ito ipinaalam. Kagya’t hindi mapagtagni ni Propeta Moises ang mga pangyayari, na sadyang batid na ni Hazrat Khidr (saws).

Narito ang isa pang pangyayari, tinanong ni Propeta Moises (saws) kung bakit kinailangang butasin pa niya ang barko. Ang sagot ni Hazrat Khidr (saws) ay ang upang mapasayad ito. At kinalaunan ay ipinaliwanag ni Hazrat Khidr (saws) na ang barko ay pag-aari ng ilang mahihirap na tao at may isang malupit na hari na nag-uutos na kumpiskahin ang lahat ng mga ari-arian. Kaya upang mapigilan ang barko na mapunta sa kabilang pampang at hindi ito mapapunta sa nabanggit na hari, dahil na rin kinukuha nito ang lahat ng maaayos na barko, sinadya niya itong sirain, upang hindi mapasapoder ng naturang hari at ang pag-aari ng mga mahihirap na taong iyon ay manatili sa kanilang mga kamay, makumpini ito at magamit pa nilang muli. Subali’t sa simula, ang alam ng Propeta Moises (saws) ay ginawa niya ito ng walang anumang kadahilanan. Sinabi niyang nakagawa ng isang nakagigimbal na bagay si Hazrat Khidr (saws) sa mga taong walang kamuwang-muwang. Bagay na siya mismo ay nakaranas rin. Siya ay inilagay ng sarili niyang ina sa isang maliit na balsa at hinayaang anurin ng tubig papalayo. Ito ay maaaring ikamatay ng isang sanggol. Kapag inilagay mo ang isang bagong-silang na bata sa isang maliit na balsa at hayaang anurin ng tubig sa ilog, 99 na porsiyento ng probabilidad na maaaring ikamatay niya ito, tanging 1 porsiyento lang ang natitirang probabilidad na maaari itong makaligtas. Sinadya ba ito ng kanyang ina upang siya ay mamatay? Hindi. Sa kahit anumang paraan ay ginawa ng ina upang maligtas siya. Buo ang pag-asa niyang ililigtas ni Allah ang anak. Sa kaibuturan ng puso niya alam niyang ililigtas ito ni Allah, dahil na rin si Allah mismo ang naghayag na maliligtas ang bata. At dahil sa kanyang puso’y buhay ang pangako ni Allah, ginawa niya ang nararapat. At ang sanggol nga ay naligtas. Sa ganoong sitwasyon, ang layunin ay magligtas, maliwanag na ang intensyon ay ang magligtas. Hindi nga ba? Ang dalawang nabanggit na sitwasyon ay pareho lamang, iyon lamang ang isang bangka ay malaki at ang isa naman ay maliit. Subali’t ang intensyon ng dalawa ay ang makapagligtas. Iyan ang mensahe na ipinararating ni Hazrat Khidr (saws) subali’t bigo si Propeta Moises (saws) na maunawaan agad ito.

At hanggang inabot nila ang isang bayan. Napuna nilang ang pader ng isang bahay ay malapit nang bumagsak. Ito ay patungkol sa Masjid ni Propeta Solomon (saws), na ang mga pader ay gumuho nga. Ito ay muling itatayo sa panahon ni Hazrat Mahdi (saws). Ito ay maaaring patungkol din sa Hagia Sophia [sa Istanbul], insha'Allah. Ang karunungang napapailalim dito ay magkahalintulad din, dahil ang Propeta Moises (saws) ay nagtanong ng ganito, “bakit hindi ka sumingil ng kabayaran sa pagkumpuni mo ng pader na iyon?”  Si Hazrat Khidr (saws) ay isang mahusay na mason. Bakit hindi siya humingi ng kabayaran, dahil ginawa niya ito sa pagsunod sa kagustuhan ni Allah. May natatagong kayamanan sa likod ng pader na pagmamay-ari ng dalawang batang ulila at ang nasa isip niya ay ang kanilang kinabukasan. Sinabi niya ang pagnanais na patibayin ang pader upang makuha ng mga ulila ang kanilang kayamanan sa takdang panahon. Sinabi niyang matatagpuan rin nila ang kanilang kayamanan, ng dalawang ulila. Ang pangungusap na ito ay patungkol sa Propeta Hesus (saws) at sa Hazrat Mahdi (saws). Ito ay signos na matatagpuan din ang mga natatagong yaman, ang mga banal na relikya. Maraming natatagong aspeto ang Banal na Qur’an, kung mag-iisip lamang tayo nang may kalaliman.

Ngayon, kung tatanungin ang Propeta Moises (saws); tumungo siya sa isang lugar at doo’y natagpuan ang dalawang kababaihan. Nakita niya ang mga ito. At may mga kalalakihang pastol na naroroon din, kaya’t umiiwas ang mga babae sa nabanggit na mga pastol. Nais sana nilang dalhin ang mga alagang hayop upang painumin, hindi nila magawa dahil nga naroroon ang mga pastol. Kinuha niya ang hayop, at ang mga babae ay nagtiwala sa nakitang karakter niya. Nangangahulugan lamang na ang mga tao ay magbibigay-tiwala sa malinis, mabuti, mataas na kalidad na Muslim, at hindi iiwas dito. Ang isang babaeng Muslim ay makalalapit sa isang Muslim na may takot kay Allah. Subali’t ang isang babaeng Muslim ay magpapanatili ng distansiya doon sa tingin niya’y walang takot kay Allah. Kinuha niya ang mga hayop at pinainom sila, at hindi humingi ng anumang kapalit. Pinainom niya ng tubig ang mga hayop, at kahit na nailagay pa niya ang sarili sa muntik na kapahamakan, at ibinalik ang mga iyon. Ginawa niya ito ng walang kabayaran, dahil ito ang kagustuhan ni Allah. Tinanong ba siya ni Hazrat Khidr (saws) kung bakit niya ginawa iyon ng walang kabayaran? Hindi siya nagtanong ng anuman kung bakit hindi siya humingi ng kapalit. Subali’t si Propeta Moises (saws) ay nagtanong kay Hazrat Khidr (saws) kung bakit niya isinaayos ang pader ng libre. Ang dahilan kung bakit niya inayos ang pader ng walang kabayaran ay kapareho rin ng dahilan kung bakit niya pinainom ng tubig ang mga hayop ng walang kabayaran. Ang katotohanan, ito ang ipinahihiwatig ni Hazrat Khidr (saws) dito. Subali’t si Propeta Moises (saws) ay muling hindi nakaunawa nito. Ito ay dahil siya ay maesto lamang ng nakikitang karunungan, samantalang si Hazrat Khidr (saws) ay maestro ng natatagong karunungan. Datapuwa’t siya ay nabahaginan din ng kaunting impormasyon sa lalim ng natatagong kaalaman, ang ilm al-ladun. Subali’t kung nagpatuloy lang siya naipamalas pa rin sana sa kanya ang higit na pang lalim ng lihim na karunungan, ang  ibayong ilm al-ladun.

Sa katotohan ang Panginoon at tanging pinagmumulan ng lihim na karunungan ay si Allah. Ginagamit ni Allah ang karunungang ito sa isang malawak na kaparaanan sa buong daigdig, lingid man ito sa kaalaman ng tao. Sa mga paksa gaya ng Paraiso at Impiyerno, at kung bakit ang mga tao ay napupunta sa Impiyerno, at sa mga bagay ukol sa destinasyon, dito higit na malawak ang paggamit ni Allah sa karunungang ito. Ito ang ilm al-ladun subali’t hindi ito nauunawaan ng tao. Ang kabiguang makita ito ay hindi kalakihang suliranin, subali’t ang kabiguang magkaroon ng pananampalataya ay isang kakila-kilabot na suliranin. Kung malalaman lamang nila ang lihim na karunungan, agad sana nilang makikita ang katotohanan.

Mamamalas natin ang kalaliman ng natatagong karunungan sa istoryang ito, sa pagtatagpo ng landas nina Propeta Moises (saws) at Hazrat Khidr (saws). Gaya ng nalalaman natin, ang kanilang isda " at tumalon patungo sa karagatan, at ang nilalanguyan nito ay nagkakaroon ng daan na parang tunnel o parang naghuhugis butas o lagusan."(Surah Al-Kahf, 61) Ang isda ay tumungo sa kanyang landasin.  Sa maikling salita, ang panahon ng isda [Pisces] ay dumating na sa kanyang katapusan. At ang panahon ng sisidlan [Aquarius] ay nagsimula na. Sinabi niya, "Anong napakagandang balita! Narito ang isang batang lalaki na mamahalin" at "at noong ibinaba niya ang kanyang pang-igib sa balon." (Surah Yusuf, 19) Maaring hindi na ibinigay pa ni Allah ang kabuuang detalye; sa ibang salita, sasabihin na lamang Niya na kinuha nila ang bata palabas ng balon. Bagkus ang sinabi Niya ay "ibinaba niya ang kanyang pang-igib." Maaaring sabihin na lamang ni Allah na inilapag nila ang isang bagay, subali’t ang binanggit niya ay isang pang-igib o sisidlan ng tubig. Ang salitang pang-igib o sisidlan ng tubig ay sadya Niyang pinili. Pagkatapos ay inihayag Niya ang masayang balita ng pagdating ng isang sanggol. Na ang sanggol na ito na isinilang sa panahon ng Aquarius [na ang simbolo ay ang pang-igib o sisidlan ng tubig] ay siyang magpapalaganap ng Islam sa buong mundo.  Saan natin ito natagpuan? Maging sa Ebanghelyo ito ay makikita. May dalawa ditong pagpapahayag, ang detalyadong pagsasalaysay nito sa Ebanghelyo na akin nang naipaliwanag. Sa Ebanghelyo, may panawagan na sundan ang taong ito at sundin siya. Mayroong ngang panawagan na sundan ang taong ito na nagmula sa panahon ng Aquarius.

TAGAPAGTANGHAL: Sundan siya sa kanyang tahanan, ito ang nasasabi.

ADNAN OKTAR: Oo, tumpak, sundan siya hanggang sa kanyang tahanan.

 


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo