Ang liwanag ay gumaganap ng isang malaking papel sa buong buhay ng mga nilalang na may kakanyahang huminga. Sa umaga’t hapon, ang araw (o sikat nito) ay ang pinakamahalagang pinagkukunan ng ilaw o liwanag para sa lahat ng mga nilalang. At sa gabi naman, mga lampara o ilawan ang gamit ng tao upang makakuha ng liwanag. Subali’t may ilang mga kahanga-hangang nilalang sa ating kalikasan na kayang gumawa ng kanilang sariling mga ilaw sa loob mismo ng kanilang mga katawan, ito ay mga pagpapala sa kanila na ipinagkaloob ni Allah, ang Pinakamakapangyarihan sa lahat. May mga panahon na matindi ang lakas ng liwanag na ito na nagmumula sa mga hayop, kung kaya madali itong mapapansin sa mga larawang kuha sa satellite.
Subali’t papaano na ang liwanag na ito ay nabubuo sa kanilang mga katawan? Likas sa ilang mga hayop na makabuo ng liwanag bilang resulta ng isang kemikal na reaksyon sa kanilang mga katawan. Ang mga nilalang na ito ay palatandaan lamang ng isang perpektong Paglikha ng ating Panginoon, kung kaya sila ay pinakanabibigyang-pansin sa mundo ng siyensiya. Ngunit, papaano talaga gumagana ang ang prosesong ito na tingurian ng mga siyentipiko na bioluminescence?
Paano nabuo ang Bioluminescence?
Ang liwanag ay gawa sa parehong mga pangunahing prinsipyo kahit saan man sa sansinukob. Ang mga electron ay may pangunahing bahagi sa pagbubuo ng liwanag. Kapag ang isang electron ay tumanggap ng enerhiya, gumagalaw ito pataas o nadaragdagan ng isang antas ang kanyang atomic orbit. At sa pagbalik nito sa dating antas, nag-iiwan ito ng energy package na tinatawag na photon. Ang mga electron ay apektado ng Araw o ng white-hot bulbwire (bombilya). Bilang resulta, ang liwanag ay naglalabas din ng init. At dahil sa ang bioluminescence na kilala bilang "cold light" (malamig na liwanag), ang electron ay magsagawa ng isang reaksiyong kemikal na walang init na inilalabas. At dahil dito, salungat sa isang bombilya na nagpapalit o gumagawa ng 3% ng enerhiya na maging liwanag at 97% ng mga ito na maging init, ang enerhiya na nagagawa sa pamamagitan ng bioluminescence ay halos ganap nagagawang liwanag.
Ang bioluminescence ay isang reaksyong kemikal na nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanib ng isang molecule na nakalilikha ng liwanag na tinaguriang luciferin at ng catalyser enzyme luciferase enzyme at pati na ang pagsanib ng molecule ng oxygen sa ugnayang ito.
Kaya, ang kumikinang na mga hayop na ito ay nagkagagawang makabuo ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng mga kemikal sa kanilang katawan o magtatag ng isang partikular na ugnayan sa mga bacteria na may kakanyahang makagawa rin ng liwanag. Ang mga bacteria na ito ay nakatira sa maninipis na parte (light organs) ng katawan ng mga kumikinang na mga hayop at sila ay patuloy na magliliwanag. Kapag ang mga hayop ay nagnanais na isara o ikubli ang liwanag, ipapasok lang nila ang naturang organ; ang ilan naman ay may animo mga tulad sa takipmatang bahagi ng balat sa buo nilang katawan.
Ang ilan ay gumagamit ng fluorescent na kaparaanan upang makabuo ng liwanag. Subali’t ito ay hindi gumagana ng sa kagaya ng bioluminescence.
Sa bioluminescence, dalawa o higit pang mga sangkap ay nagtatagpo upang makabuo ng liwanag; samantalang sa fluorescence, ang isang bagay ay sumasalo o sumisipsip ng liwanag na may iisang kulay lamang at ilalabas (reflect) naman niya mula dito ang iba't ibang mga kulay.
Ang mga kumikinang na nilalang ay kayang makagawa ng iba’t-ibang kulay.
Kapag ang luciferin molecule at ang luciferas enzyme ay nagtagpo sa panahon ng pagpoproseso ng bioluminescence, sila ay naglalabas ng iba-ibang kulay tulad ng pula, orange, dilaw, berde, asul at lila sa pamamagitan ng pagdaan sa iba't ibang reaksyong kemikal. Sa puntong ito, makikita natin ang isa pang patunay ng kahanga-hangang Paglikha ng Ating Pinakamakapangyarihang Allah. Ang mga kulay na ito ay nilikha upang umakma sa kapaligiran ng buhay na mga nilalang.
Ang pinakakaraniwang kulay ng liwanag sa mga nilalang ng karagatan ay ang asul. Ang dahilan kung bakit asul ang kulay na may pinakatampok na pagpapalaganap sa karagatan ay sa mayroong itong short wave. Gayunpaman, may isang isda na namumuhay sa pinakailalim ng karagatan na kumikinang na pula, ito ang tinatawag na “Jawel Fish.” Ito ay sanhi ng katotohanang ang isda na ito ay nakatira sa mga lugar ng karagatan kung saan walang liwanag o hirap na maabot liwanag. Imposible na makita ang asul na kulay sa pinakamalalalim at pinakamadidilim na bahagi ng karagatan. Kaya sadyang nilikha ng ating Panginoon ang kumikinang na katangian ng isda sa pinakanaaangkopna paraan sa kanyang kapaligiran.
Ang pinakamataas at pinakadakilang kaalaman ni Allah ukol sa pagkakalikha ng lahat ng bagay ay ipinahahayag sa sumusunod na ayat sa Banal na Qur’an:
Ang Allâh (I) ay Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, na walang pinagkunan ng anumang katulad. At kapag Siya ay nagtakda o nagpasiya ng isang bagay, sinasabi Niya lamang dito, ‘kun’ (maging gayon o maganap) ‘fa yakun’ (at ito ay kaagad na magaganap).(Surat Al-Baqara, 117)
Ang Bioluminescence ay nagbibigay inspirasyon sa Teknolohiya.
Ang ilang nilalang ay may angking kakanyahang makagawa ng ilaw sa iba't ibang paraan. At sa kapahintulutan ni Allah, ang mga siyentipiko ay nagsusumikap na magamit ang tampok na katangiang ito sa teknolohiya, sila ay naglaan na ng mahabang panahon sa pananaliksik sa mga buhay na nilalang na ito. Ang ilan sa mga lugar na pananaliksik na kung saan ang bioluminescence ay itinatampok ay sa mga sumusunod:
Sa pagtatanim ng mga puno na kumikinang o nagliliwanag sa gabi sa mga tabing daan, ito ay upang makatipid sa bayarin sa elektrisidad.
Sa mga pananim at iba pang halamang-bahay na kumikinang o nagliliwanag kapag kailangan na silang madiligan o matubigan.
Sa mga pamamaraan para malaman kung may bakterya sa pagkain.
Nagkaroon na ng mga pag-aaral ukol sa kanser at sakit na Alzheimer gamit ang mga tampok na katangian ng bioluminescence doon sa mga nilalang na walang kahalintulad na ganitong kakanyahan. Depende sa mga magiging resulta sa pananaliksik na ito, ang bioluminescence ay maaaring magamit na rin sa pagtuklas ng medisina.
Sa John Hopkins University, may pananaliksik sa mga bacteria na may kakanyahang sa bioluminescence. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang bumuo ng isang teknolohiya na tutuklas sa lokasyon ng mga minahan. Ang mga bacteria ay gagamitin upang mahanap ang mga minahang naglalabas ng isang kemikal na tinatawag na NO2 gas.
Ang isang bacterium na tinatawag na "Photobacterium Phosphoreum" ay ginagamit upang masukat ang antas ng polusyon sa tubig sa pamamagitan microtox toxicity tests. Sa mga pagtetesting na ito, ang liwanag ng mga organismong ito ay bumababa kapag nalalantad sa lason (toxin).
Gayundin ang bioluminescence ay madalas na ginagamit sa mga burloloy at aksesorya. Ang mga light sticks na ginagamit upang ipakita ang daan ng eroplano sa mga paliparan ay nakakagawa ng liwanag sa katulad na paraan ng bioluminescence.
Ang ating Panginoon ay ang siyang Tagapaglikha ng lahat ng bagay sa Pinakanatatanging Kaparaanan.
Lahat ng mga nilalang na may buhay ay may kahanga-hangang mga detalye sa kanilang pagkakalikha, naiiba sa bawa't isa. Kapag iyong susuriing maigi at ng masinsin ang mga nilalang na ito, makikita mo sa kabuuan ang marami pang mga himala ng Paglikha hanggang sa pinakapino nilang mga detalye. Ang bioluminescence ay isa lamang sa mga libo-libong mga himala ng Paglikha ng ating Panginoon.