“At ang pagtanggi nilang ito sa katotohanan, ay dahil sa maling paniniwala ng ‘Ahlul Kitâb,’ na sila raw ay hindi parurusahan ng Allâh (I) kundi sa mabibilang na mga araw lamang; at ang paniniwala nilang ito ang nagtulak sa kanila sa kanilang pagiging matapang sa paglabag sa Allâh (I) at panlalait sa Kanyang ‘Deen,’ at pananatili nila sa kanilang ‘deen’ o relihiyon na mali, na sa pamamagitan nito ay dinaya nila ang kanilang mga sarili.”(Surat Al-e-Imran, 24)
“Hindi maaaring magkatulad ang sinumang nagtayo ng kanyang tahanan batay sa pagkatakot sa Allâh (I), pagsunod sa Kanya at paghahangad ng Kanyang pagmamahal, sa sinumang nagtayo ng kanyang tahanan sa dulo ng bangin na maaaring bumagsak anumang sandali, kaya itinayo niya ang Masjid ng kapahamakan at paglabag sa Allâh (I) at para sa pagpapahiwa-hiwalay sa mga Muslim, na kung kaya, ito ang nagdala sa kanya sa pagkabulid sa Impiyernong-Apoy. At ang Allâh (I) ay hindi Niya ginabayan ang mga taong masasama na lumalabag sa Kanyang hangganang itinakda.” (Surat at-Tawba, 109)
Sabihin mo, O Muhammad (r), sa kanila na mga tao: “Katiyakan, dumating sa inyo ang Sugo ng Allâh (r) na dala-dala ang Banal na Qur’ân na nagsasaad ng inyong gabay mula sa Allâh (I) na inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha, na kung kaya, sinuman ang susunod sa gabay ng Allâh (I) ay walang pag-aalinlangan na ang bunga nito ay siya (rin) ang makikinabang; at sinuman ang lilihis sa katotohanan at manatili sa pagkaligaw ay walang pag-aalinlangan na ang kanyang pagkaligaw ay sarili lamang niya ang kanyang pinipinsala; at hindi ako ipinadala upang obligahin kayo na maniwala, kundi ako ay Sugo na ipinararating sa inyo ang mensahe na ipinagkatiwala sa akin.” (Surah Yunus, 108)