Ang isang tao na nagnanais na maipakita ang kanyang pinakamatapat na kalooban sa bawa't pangyayari na kanyang kakaharapin at susuungin ay tunay na naghahangad na makamit ang mabuting kasiyahan ni Allah. Ang utos na ito ng Allah ay naipapaalala sa mga tao sa pamamagitan ng ayat na ito,“Kung gayon, mag-unahan kayo sa pagsagawa ng anumang bagay na makabubuti sa inyo dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay, sa pamamagitan ng pagpapatupad sa anumang nasa Banal na Qur’ân. At walang pag-aalinlangan, kayo ay patungo sa Allâh (I)…” (Surat al-Maida, 48).Sa isa pang ayat narito ang pahayag ng ating Panginoon:
Pagkatapos ipinagkaloob Namin bilang pamana ang Banal na Qur’ân pagkatapos mawasak ng mga naunang sambayanan sa sinumang pinili Namin mula sa sambayanan ni Muhammad: mayroon sa kanila ang inapi ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsagawa ng ilang mga kasalanan, at mayroon naman sa kanila ang nasa kalagitnaang kalagayan ng pagsunod na gumagawa ng mga ipinag-uutos at iniiwasan ang mga ipinagbabawal, at mayroon naman sa kanila ang nangunguna sa pagsagawa ng kabutihan sa kapahintulutan ng Allâh (I), na ibig sabihin ay palaging nakikipag-unahan, nagmamadali at nagsusumigasig sa pagsagawa ng mga mabubuting gawa, obligado man o hindi. Na ang ganitong pagkakaloob ng Aklat at pagpili sa sambayanan na ito ay isang dakilang kagandahang-loob.(Surah Fatir, 32)
Gaya na nga ng naipahayag sa ayat na ito, may ilang tao na balintulot o may pagkalito bagaman sila ay may pananampalataya sa Allah pati na rin doon sa mga taong nagpapaligsahan sa paggawa ng mabuti. Ang taong may tapat na pananampalataya ay tunay na makahihigit sa kabutihan. Sa bawa’t sandali ng kanyang buhay siya ay gumagawa ng seryosong pagsusumikap na mailagay ang kanyang sarili sa paraang nakapagdudulot ng mabuting kasiyahan kay Allah. Gagawin niya ang lahat ng bagay para siya ay mapabilang sa mga tapat na lingkod.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga taong balintulot o may pagkalito sa pamumuhay ng naaayon sa moralidad ng relihiyon at ng mga taong nagpapaligsahan sa paggawa ng mabuti ay maaaring mailarawan sa ganito; ang isang tao ay mahaharap sa maraming mga pangyayari sa kabuuan ng kanyang buhay. Siya ay laging mahaharap sa maraming mga pagpipilian tungkol sa kung paano niya bibigyang-direksyon ang kurso ng kanyang buhay o kung ano ang uri ng saloobin at moralidad ang gagamitin sa harap ng mga insidenteng ito. Malalaman na ang pagpiling ito ay laging nakabase sa kanyang konsensiya. At kabilang sa mga maaaring pagpipiliang ito ay mga alternatibo na hindi naaayon sa mabuting kasiyahan ng Allah. Ang pansin ng isang tao na may pananampalataya ay tunay na mulat sa mga opsyon na hindi katugma sa mabuting kasiyahan ni Allah. Kaya't siya walang alinlangang tatanggi sa mga alternatibong ito, at pipili ng isa na kung saan ay magkakatugma sa mabuting kasiyahan ni Allah. Subali’t ang mga pagpipilian ay hindi natatapos sa puntong ito lamang. May iba pa rin lingid sa kanya - na kung saan ay tumutugma rin sa moralidad ng Banal na Qur'an. Subali’t ang sitwasyong gaya nito ay hindi dapat makapanlinlang sa isang tao. Sa puntong ito ang isang tao ay dapat muling gamitin ang kanyang konsensiya at maging maingat na gumawa ng isa pang pagpili na tanging hangad ang mabuting kasiyahan ni Allah. Kung ang isang tao ay may layon na maging kabilang sa mga taong nagpapaligsahan sa isa’t-isa na makagawa ng mabuti, masasabing tunay na batid na niya ang tamang opsyon na pinakamahigit na makapagdudulot ng kasiyahan kay Allah.Kung kaya sa gitna ng lahat ng mga alternatibong nasa sa kanyang harapan, siya ay makapipili rin ng saloobin na sa kanyang pag-asa ay magkakamit ng pagtanggap ni Allah, at ng sa gayon ay makapagdulot sa kanya ng marami’t higit na mga gantimpala, mga gantimpalang kayang punuan ang pinakamahahabang distansya sa pagkakamit niya ng pagiging malapit sa Allah.May isang bagay na katangi-tangi sa opsyon na ito; na ang paghahangad ng mas mababang antas ng katauhan ( lower self ) ay hindi nakagugulo sa opsyong ito, at sadyang inilaan upang kumita lamang magandang kasiyahan ni Allah.Ang metikolosong kilos na ito sa paggamit ng sariling konsensiya sa ginagawang pagpili ay tunay na makapagdadala sa isang tao ng busilak na katapatan. Sa Banal na Qur'an, binanggit ni Allah ang tungkol sa mga tapat na lingkod na nagpapaligsahan sa paggawa ng kabutihan, pakinggan ang sumusunod:
Ang mga ‘Ahlul Kitâb’ ay hindi magkakaparehas, mayroon sa kanila ang grupo na nanatili sa kagustuhan (batas) ng Allâh (I), naniwala sa Kanyang Sugo na si Muhammad (r) at sila ay gumigising sa gabi sa kanilang pagsa-‘Salâh, binibigkas ang mga talata ng Banal na Qur’ân, humaharap at nakikipag-ugnayan sa Allâh (I) sa kanilang pagsa-‘Salâh.’ Naniniwala sila sa Allâh (I) at sa Kabilang-Buhay, nag-uutos sila ng lahat ng kabutihan at nagbabawal sila ng lahat ng kasamaan, at minamadali nila ang pagsasagawa ng mga kabutihan, at sila ay kabilang sa mga mabubuting alipin ng Allâh (I).(Surah Al Imran, 113-114)