Sa mga nagdaang maraming taon, ang mga Darwinista ay nagpatuloy sa pagpapahayag na ang mga unggoy ang siyang pinagmulan ng tao, at ang mga ito ay nahati raw sa maraming kategorya na ayon sa katangian ng kanilang pagbabagong-anyo. Sa pamamagitan ng mga kathang-isip na pagkakasunod-sunod gaya ng Australopithecus, Homo habilis, Homo erectus, Neanderthal at Homo sapiens, sila ay nagtangka na papaniwalain ang marami, na ang tao ay unti-unti sa pagbabago ng itsura’t pangangatawan hanggang natutunan na niyang makalakad ng tuwid, at ang kanyang utak at mga kakanyahan ay kasamang nabago rin ng dahan-dahan, at siya ay higit na nagkawangis-tao ng lubusan na niyang nabago ang mga katangiang unggoy niya. Sa napakahabang panahon, pinagsumikapan talaga nilang linlanging ang marami sa atin sa pamamagitan ng mga paglalarawan ng mga pagbabago sa pisikal na kaanyuan ng tao, na sa totoo ay pawang mga likhang isipan lamang.
Gaya na nga ng maraming iba pang panlilinlang o kasinungalingan, ito ay dumating sa kanyang wakas. Ang mga kasalukuyang pagpapahayag patungkol sa mga Neaderthals ay naging mahalaga upang muli ay tingnan ang mga susunod na ebidensya na nagtuturo sa lahi ng tao na ito na nabuhay sa loob 200,000 taon sa nakakaraan at bigla na lang nawala 60,000 taon na:
Ang mga Neanderthals ay lahi ng tao, gaya rin ng mga lahi ng tao sa ngayon. Ang ispekulasyon na nagturo na sila ay mga primitibo ay bunsod lamang ng mga kasinungalingan sa kauna-unahang Neadenthal fossil na nadiskubre, at ito’y maraming beses ng pinabulaanan din ng mga mismong talaan ng fossils, subali’t ang mga mala-diktador na Darwinista ay nagpapatuloy pa rin na buhayin ang paniniwalang ito.
Si Marcellin Boule, isang evolutionist paleontologist na nagsuri sa fossil, pinaniniwalang pagmamay-ari ng isang “Neanderthal Man” sa rehiyon ng La Chapelle-aux-Saints sa Pransya, noong 1908, ay nagpahayag na ang mga nabuhay na bagay na ito ay:
• Hindi nakalakad ng tuwid,
• Mayroon silang malaki at nakalawit na noo,
• Hindi nakapagsalita dahil sa istraktura ng kanilang mga utak.
Ang mga Neanderthal ay nabansagang mga “primitibo” dahilan na rin sa ganitong mga pangungusap. Subali’t ang ispekulasyon ukol sa fossil ay nabalot sa isang malaking panloloko. Narito ang mga sumunod na resulta mula sa pagsusuri sa nabanggit na fossil:
• Nadiskubre na ang fossil ng Neanderthal Man ay may isang uri ng joint infection, na kung saan ang tuhod ay nagkaroon ng pagkakabaluktot.
• Ang mas mahalaga, napatunayan na ang unang nag-imbestigang paleontologist na isang Darwinista ay sinadyang ipakita sa madla na ang tuklas ay naglalakad nga na may pagkakayuko. Dahil sa ang kondisyon sa tuhod ay hindi naging hadlang sa Neanderthal Man upang makalakad ng tuwid.
• Karagdagan pa rito, ang mga sumunod na eksaminasyon sa fossil ay nagpabulaan sa ispekulasyon ng mga Darwinista ukol sa kakanyahan o kawalan ng kakanyahan ng Neanderthal
Man na makapagsalita. Ang mga bagong pag-aaral ay nagpakita na ang mga istraktura ng lalamunan at bungo ng Neanderthal Man ay kumpleto at tama upang ito ay makapagsalita.
Kung kaya, ang mga pahayag na ang mga Neanderthals ay primitibo at hindi nakalakad ng tuwid at hindi nakapagsalita ay nag-iwan lamang sa atin ng maling interpretasyon ukol sa kauna-unahang Neanderthal na natagpuan, punong-puno ng kasinungalingan at panloloko. Ang mga sumunod na nadiskubreng Neanderthals ay napatunayang nakalakad ng tuwid at may mga lalamunan vocal passage structure kahalintulad ng sa tao, gaya na rin sa kauna-unahang Neanderthal.
Ang mga katangian ng Neanderthal na nagpasinungaling sa mga pahayag ng Darwinista:
Ang mga Neanderthal ay mayroong malalakas at matatabag na pangangatawan…
• Lahat ng mga Neanderthal fossils na natagpuan ay mayroong malalakas at matitibay na pangangatawan. Nakakapagtaka na ang mga Darwinista ay nagtuturing sa katangiang ito bilang primitibo. Dahil na rin maraming tao ang may matatabag na pangangatawan na nabubuhay sa ngayon. Wala sa lohika na sabihing ang mga huling nabanggit na mga tao ay primitibo gaya ng mga Neanderthal. Halimbawa, hindi natin maaaring sabihin na ang mga matatangkad na Europeo mula sa Hilagang Kanluran Europeans ay magagaspang at higit na primitibo kumpara sa mas maliliit na Tsino o pygmies. Dahil na rin sa ang buto o istraktura ng kalansay ay hindi nakakapagsabi ng kung ano ang ugali o katalinuhan ng isang tao.
Ang mga Neanderthals ay mayroong makikitid na noo…
• Maraming lahi ng tao sa ngayon ay may makikitid na noo rin. Ang katotohanang ito ay nagpapasinungaling din sa pahayag ng mga Darwinista ukol sa pagiging primitibo.
Ang volume o timbang ng kanilang bungo ay 13% na mas mabigat kaysa sa kasalukuyang mga tao...
• Ang sukat ng utak ng isang tao sa ngayon ay 1500 cc, kumpara sa 1700 cc ng isang Neanderthal. Ang sariling pahayag ng mga Darwinista (na habang ang sukat ng utak ay lumalaki, ang talino at kakanyahan ay may progreso rin ayon sa teorya ng ebolusyon), ay sapat na upang pasinungalingan ang kanilang mga pahayag ukol sa mga Neanderthal. Subali’t sa mga pag-aaral, ang talino, abilidad at kakanyahang makapag-isip ay hindi konektado sa sukat ng utak.
Ang mga katangian sa pananalita ng mga Neanderthals:
• Sa pagsusuri sa mga labing fossil napatunayan na ang vocal chords ng Neanderthal ay akma para makagawa ng tunog gaya ng nagagawa ng mga tao sa ngayon.
• Nakumpirma ito sa pagsusuring pang-anatomiya na isinagawa sa fossil ng bungo.
• Ayon sa mga mananaliksik, dahil sa ang iba’t-ibang tunog ay nangangailangan ng iba’t-bang paggalaw din ng dila, ang bungo ng tao ay nangangailangan ng mas malapad na sub-lingual channels upang makaya nito ang mas malalapad na ugat sa dila. Sa pagsusuri, nakita na ang Neanderthal channels ay kapareho ng sa kasalukuyang tao.
• Ang mga mananaliksik na sina Richard Kay, Matt Cartmill at Michelle Balow ay gumawa ng mga yaring plastic na modelo ng sub-lingual channels ng tatlong species ng Australopithecus, dalawang Neanderthal species, at gayun na rin ng sa chimpanzee (maliit na unggoy), sa gorilya at sa tao. (Earlier Human Speech, www.eurekalert.org/releases/DU-HuSp.html)
Nang kanilang eksaminin ang mga modelo, naobserbahan nila na ang channels o daanan ng hangin sa mga tao ay dalawang beses ang lapad sa chimpanzee. Ang channels ng sa Australopithecus, isang species ng unggoy, ay kapareho ng sa malaking unggoy (ape), habang ang sa Neanderthal ay kapareho naman ng dimensyon ng sa tao.
Ang mga huling tuklas ukol sa mga Neanderthal ay lalo pang nagpasinungaling sa pahayag ng mga maka-Ebolusyon:
Ang paraan sa medisina o panggagamot at mga seremonya ng mga Neanderthal:
• Ang mga natuklasan mula sa mga kuweba na kung saan nanirahan ang mga Neanderthal ay nagbigay ng mga mahahalagang ebidensya na hindi sila naiiba sa kasalukuyang mga tao. Alam na natin halimbawa, na ang mga Neanderthal ay nanggamot sa mga maysakit o nasugatan sa kanila, at inilibing rin nila ang kanilang mga namatay at inalayan pa ang mga ito ng bulaklak. Kaya imposible para sa sinasabing mga primitibo na magkaroon ng ganitong klase ng panlipunang pamumuhay.
Karayom at instrumentong flute ng mga Neanderthal:
• Isang karayom at isang flute (pipa) na yari sa buto ng oso na pagmamay-ari ng mga Neanderthal ay nadiskubre rin. Ang mga mahahalagang tuklas na ito ay patunay na ang lahi ng mga taong ito ay nagkaroon ng mataas na pagtangi sa sining at konsepto ng pananamit.
Si Erik Trinkhaus, isang eksperto sa mga Neanderthal, ay nagbigay ng mga pahayag ayon sa paksa:
Isa sa mga interesanteng tuklas ukol sa mga Neanderthal ay ang flute na yari sa buto ng oso. Ang musicologist na si Bob Fink, na nagsuri sa butong natagpuan sa kuweba sa Hilagang bahagi ng Yugoslavia noong 1995, ay nagpahayag na ang nasabing instrumento ay kayang makagawa ng apat na nota at may half at full tones. Ang tuklas na ito ay nagpapakita na ang mga Neanderthal ay gumamit ng seven-note scale na siyang naging basehan ng Kanluraning musika. ("Neandertals Lived Harmoniously," The AAAS Science News Service, April 3, 1997). Sinabi ni Fink na “ang distansiya sa pagitan ng pangalawa at pangatlong butas sa lumang flute ay doble sa pagitan ng pangatlo at pang-apat.” Ang ibig sabihin nito, ang unang distansiya ay nagpapahiwatig sa full note, ang kasunod na distansiya naman ay half note. Sinabi rin ni Fink na “Ang tatlong notang…ay sadyang diatonic at tutunog na halos malapit sa pagiging perpekto sa anumang karaniwang diatonic scale, moderno o antigo,” kaya nagpapakita ito na ang mga Neanderthal ay mga taong may tenga at kaalaman para sa musika.[1]
Ang isang may edad na 26,000 taong karayom sa pananahi, ay napatunayang ginamit ng mga Neanderthal, ay natagpuan din sa mga ginawa paghuhukay ng mga fossils. Ang karayom na gawa mula sa buto ay kapuna-punang napakatuwid at may butas para madaanan ng sinulid.[2]
Gamit pangdekorasyon at palamuti ng mga Neanderthal:
1. Si Steven L. Kuhn, isang propesor ng archeology at anthropology mula sa University of New Mexico, at si Mary C. Stiner, ay mga naggugol ng ilang taon upang pag-aralan ang mga kuweba ng Neanderthal sa Timog-Kanlurang bahagi ng Italya, at nagbigay ng konklusyon na ang mga Neanderthal ay gumamit at gumawa ng mga aktibidad na kung saan ang paggamit ng malalim na pag-iisip (“complex thought processes”) ay kinailangan gaya ng mga tao sa ngayon.[3]
2. At ang panghuli, ilang paleontologist na nagmula sa University of Bristol ay nakadiskubre ng mga alahas na ginamit ng mga Neanderthal, sa loob ng 50,000 taon na mga kuweba sa Katimugang Espanya. Ang mga Neanderthal ay gumamit ng mga palamuti at dekorasyon gawa mula sa kabibe (sea shells) at iba’t-ibang pigments para pangkulay.
3. Ilang taon lang ang nakakaraan, ang mga Alemang siyentipiko ay nagpatunay na ang mga Neanderthal ay nakagawa ng sticky pitch mula sa mga resin o dagta ng puno. Ayon na rin sa mga siyentipiko, ang gawaing ito ay lubhang napahirap sa dahilang kinakailangan nito ng pagpapainit na umaabot sa 400 degrees na temperature na isinasagawa sa loob ng mahabang oras.
Narito pa ang isang pahayag ni by Erik Trinkhaus, na naggugol ng ilang taon sa pagsasaliksik ukol sa mga Neanderthal, ayon sa kanya:
Sa detalyadong pagkukumpara ng mga labi ng kalansay ng mga Neanderthal at modernong tao, wala sa anatomiya ng Neanderthal ang konklusibong magkapagsasabi na ang kanilang mga abilidad gaya ng paggalaw (locomotor), pagmanipula (manipulative), talino (intellectual), or pananalita (linguistic) ay mas mababa ang antas kaysa sa modernong tao.”[4]
[1]The AAAS Science News Service, Neandertals Lived Harmoniously, 3 April 1997
[2]D. Johanson, B. Edgar, From Lucy to Language, p. 99, 107
[3]Trinkaus, E. and Shipman, P. The Neandertals, Alfred A. Knopf, New York, 399, 1992
[4]Erik Trinkaus, "Hard Times Among the Neanderthals", Natural History, Vol. 87, December 1978, p. 10; R. L.