Sa ngayon, ang mga mamamayang Uighur na naninirahan sa Silangang Turkestan ay nahaharap sa bagong patakaran ng paniniil mula sa pamahalaang Tsina, na sa kasalukuyang ay kumikilos upang sakupin ang rehiyon ng Kashgar, dating kapitolyo ng Silangang Turkestan, na kung saan ang kasalukuyang sibilisasyong Turko ay isinilang. Ipinag-utos ng pamahalaang Tsina na lahat ng mga makasaysayang edipisyo at cultural artifacts sa siyudad ng Kashgar, (isang pangunahing sentro ng makasaysayang Silk Road), na gibain at wasakin upang mapalitan ng matataas na mga istruktura at hanay ng mga apartmento, at ang mapamuhayan ito ng mga Tsino sa layong masira ang ugnayan ng mga Muslim na Turkong Uighur sa kanilang kasaysayan at kultura. Ang gobyerno ng Tsina ay nagbabala sa mga Turkong Uighur na siyang mga tunay na nagmana ng makasaysayang lugar na ito mula sa kanilang mga ninuno at nakapanirahan dito sa loob ng daang-daang taon na, NA LISANIN ANG REHIYON. Araw-araw, ang mga opisyal na Tsino ay nag-iikot sa mga lansangan ng Kashar, gamit ang mga loudspeakers ay isinisigaw ang babala na “Ang lugar na ito ay pag-aari ng estado. Huwag magtangkang lumaban pa sa batas, lisanin ang inyong mga tahanan.” Sa takot, nagsimula nang lumikas ang mga mamamayang Uighur sa rehiyon, na kanilang tunay na pag-aari at ng kanilang mga ninuno ng ilang daang taon na, patungo sa labas ng siyudad. Ang mga hindi tumalikda at nanatili pa rin sa kanilang lupang sinilangan ay KUNG HINDI PUWERSAHANG PINAPAALIS, AY MGA IKINUKULONG.
Napaulat na ang patakaran ng gobyernong Tsino ay ang gibain ang walumpu’t-limang porsiyente (85%) NG SIYUDAD. Ang patakaraan ito ng Tsina na itaboy (exile) ang mga mamamayang Uighur mula sa rehiyon, ang burahin sa kanilang mga mata ang anumang bakas ng kulturang Islamiko at sibilisasyong nito, at ang magwangis ang Kashgar na isang siyudad na Tsino, ay nagdudulot ng mainit na tensiyon sa lugar. Ang PROBABILIDAD na ang ganitong mapaniil na patakaran at ang lalong pagtaas na rin ng tensiyon NA MAGBUKAS NG DAAN PARA MAGANAP ANG MGA POSIBLENG KARUMAL-DUMAL NA MGA MASAKER, ay siyang nakakahintakot. Ang Tsina ay patuloy sa ganitong makahayop na patakaran laban sa mga Turkong Uighur. Ang mga imahe sa mga video ng UIGHUR TURKS BEING SAVAGELY BEATEN TO DEATH IN THE STREETS BY THE CHINESE (ANG MGA TURKONG UIGHUR AY PINAPATAY NG MGA TSINO SA MGA KALYE NA PARANG MGA HAYOP LAMANG) ay nakalagay na sa ating web site. Ang mga kakila-kilabot na kahayupan ay patuloy pa rin na nagaganap sa ngayon.
ANG EUROPA AT AMERICA AY HINDI MARAPAT NA MANATILING TAGAMASID NA LAMANG SA MGA PATAKARANG ITO SA TURKESTAN. ANG MGA BANSA MULA EUROPA AT AMERICA AY MARAPAT NA MAHIGPIT NA MAGBANTAY O MAG-MONITOR sa patakarang ito ng kalupitan at kahayupan na isinasakatupan ng bansang Tsina. Mahalaga na ang brutalidad na ito ay mawakasan sa pamamagitan ng malawakang opinyon ng publiko. Ang Tsina ay dapat na mapigilan bilang isang bansa na hindi maaring magalaw ninuman (na tila baga touchable), mali na walang aalma laban dito lalo kapag may mga nagaganap ng pang-aapi at ng pamamatay sa mga inosenteng mamamayan at pati na ng puwersahang pagpapapalis sa kanilang mga sariling tahanan. Ang pandaigdigang opinyong pampubliko ay hinihingi ng pagkakataon na suriin ang ganitong pamamalakad ng pang-aapi at ang agenda o sama-samang pagkilos ng pagtuligsa sa bagay na ito ay dapat na agarang masimulan. Dapat maipamalas sa Tsina na hindi makatarungan ang ganitong gawaing mapaniil, at mahayag na sa mundo na ang mga mamamayang Turkong Uighur ay mga walang kalaban-laban sa mga kaganapang ito.