NASUSULAT SA BAGONG TIPAN NG BIBLIYA NA SI PROPETA HESUS (AS) AY MULING BABALIK SA MUNDO SA KASALUKUYANG SIGLO
ucgen

NASUSULAT SA BAGONG TIPAN NG BIBLIYA NA SI PROPETA HESUS (AS) AY MULING BABALIK SA MUNDO SA KASALUKUYANG SIGLO

766
SINABI NI HESUS ANG GANITO: "At tunay na ako ay kasama ninyo lagi, hanggang sa katapusan ng daigdig." (MATEO 28:20)
 
Ang salitang ‘daigdig’ na ginamit sa Bagong Tipan ay hango sa orihinal na salitang "aeon," na nangangahulugang "age" o "panahon." Sa madaling salita, ang tunay na diwa ng taludtod na ito mula sa Bagong Tipan ay, “SINABI NI HESUS: "AT TUNAY NA AKO AY KASAMA NINYO LAGI, HANGGANG SA DULO NG PANAHON." (MATEO 28:20). 
 
Ang mga hadith ng ating Propeta Muhammad (saas) ay nagsasabi na ang pagdating ni Hazrat Mahdi (as) ay magaganap sa panahong 1400 (kalendaryong Hijri). Nangangahulugan ito na ang banal na gawain ni Hazrat Mahdi ay nagsimula na noong pang 1979 AD. Simula ng nasabing taon, si Hazrat Mahdi (as) ay maglulunsad ng isang makapangyarihang pakikidigmang intelektuwal o pangka-isipan laban sa mga walang pananampalataya (Ateismo), laban sa Darwinismo at laban sa materyalismo. Sinabi ni Bediuzzaman Said Nursi na si Propeta Hesus (as) ay babalik sa mundo kasabay ng tiyak na pagtatagumpay ni Hazrat Mahdi (as) sa kanyang digmang pangkaisipan laban sa mga walang relihiyon at ang pagkaisahin ang mga Kristiyano’t Muslim patungo sa tunay relihiyon – ang Islam: 
 
Ayon sa Banal na Qur’an, ang kolektibong personalidad ng mga Kristiyaninismo ay nasa ranggo ng tagasunod, at ang Islam ay ang siya naman sa pamumuno. Ang tunay na relihiyon ay magiging ganap na makapangyarihang puwersa resulta na rin ng pagkakaisang ito. Maaaring may naging kahinaan laban sa Ateismo sa panahong sila ay hiwalay, subali’t ngayon dahil sa pagsasanib ng Kristiyanismo at Islam nagkaroon sila ng ibayong lakas upang magapi at durugin ang mga kalaban ng pananampalataya.MATAPOS NITO SI HESUS (ANG KAPAYAPAAN AY SUMAKANYA), NG BUONG KATAWAN AT KALULUWA MULA SA KALANGITAN, AY MULING BABALIK UPANG PAMUNUAN ANG KASALUKUYANG TUNAY NA RELIHIYON, gaya na rin ng inaasahang pangako mula sa Iisang Makapangyarihan sa Lahat, ang Tagapagdala ng Tunay na Mensahe.  At dahil Siya ang nagwika, ito ay totoo, at dahil na Ang Iisang Makapangyarihan sa Lahat ang nagbigay-pangako, Kanya itong siguradong tutuparin. (Bediuzzaman Said Nursi, Koleksiyo ni Risale-i Nur: Ang Mga Sulat, “Ang Ikalabinlimang Sulat”)
 
Sinabi ni Bediuzzaman na sa panahong kung saan matatamasa ng mga mananampalataya ang tagumpay at pamamahala sa taong 1506 (kalendayong Hijri): 
 
"...Ang naunang pangungusap ay patungkol sa huling kapanuhanan na kung saan ang komunidad ay nagsusumigasig patungo sa daan ni Allah sa Dulo ng Panahon at ito ay sa taong ISANG LIBO LIMANG DAAN - (1500) at ang pangalawang pangungusap ay patungkol sa tagumpay at pakikibaka (na inulunsad para sa daan ng Allah) ay sa  taongISANG LIBO LIMANG DAAN AT ANIM (1506). (...)Nasasaad na ito ay magpapatuloy sa paraang nakikita at nahahayag, at matagumpay, hanggang sa taong ito (1506)." (“The Ratifying Stamp of the Unseen,” [Ang Katibayang Marka ng Hindi Nakikita] p. 46)
 
Kung sinimulan ni Hazrat Mahdi (as) ang pakikidigma noong 1400 (Hijri), at kung ang dominasyon ng moralidad ng Islam ay mamamayani hanggang taong 1506, kung ang Propeta Hesus (as) ay magpapakita sa panahon ng pagtatagumpany ni Hazrat Mahdi (as) sa kanyang digmang intelektuwal, masasabi nating ang Propeta Hesus (as) ay nagsimula na ng kanyang banal na Gawain mula pa noong mga 2000 AD. Sa liwanag ng ganitong kaalaman, ang mga winika ng Propeta Hesus na nasaad sa Bagong Tipan na "AT TUNAY NA KASAMA NINYO AKO LAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG PANAHON." ay naaayon sa mga nasulat sa hadith, sa mga pangungusap ni Bediuzzaman, at patunay sa nasasaad sa Bagong tipan na “ang Propeta Hesus (as) ay muling babalik sa kasalukuyang siglong ito.” 
IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo