Walang hihigit pang matinding kaguluhan sa kaguluhang dala mismo ng antichrist, kung susuriin natin mula sa araw na nilalang si Propeta Adam (as) hanggang sa Huling Oras. (Al-Barzanji, Al-Isha'ah li-ashrat al-sa'ah, 8th. Edition, p. 225)
Ang kaguluhan ay magaganap, at maraming iba pang gaya nito ang masasaksihan, at darating pa. Ang mga ganitong antas ng kaguluhan ay darating at kung saan ang nauna ay magbubunsod sa mga susunod pa patungo sa mas matitinding labanan ng espada, at pagkatapos nito ay magkakaroon ng kaguluhan na ang dating ipagbabawal ay ituturing na naaayon na rin sa batas. Pagkatapos nito, darating ang lider ispirituwal na si Hazrat Mahdi (as), ang pinagpala sa lahat ng nilalang sa daigdig, habang ang tao ay nauupo sa kanyang tahanan. (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman, p. 26)
Ang mga kaguluhan ay sadyang magaganap matapos akong lumisan. Hindi ninyo matatakasan ang mga kaguluhang magaganap. Magkakaroon ng mga digmaan at pagtakas o paglilikas mula sa mga lugar kung saan ang kaguluhan ay nagaganap. At matapos ang mga ito, higit pang mga digmaan ang darating. Kung saan aakalain ng tao na tapos na ang mga ito, muli itong sisiklab higit pa sa mga nauna. Walang Muslim ang hindi daratnan at malalapitan ng korupsyon. Ang lahat ng ito ay magpapatuloy hanggang ang isang nilalang mula sa aking linya [Hazrat Mahdi (as)] ay magpapakita sa inyo…” (Nuaim Ibn Hammad, vr, 75b; Saban Dogen, Mehdi ve Deccal [The Mahdi and the Antichrist], Genclik Publishing, 2nd edition),
May mga araw ng anarkiya at pagkakagulo habang nalalapit na ang Araw ng Paghuhukom. (As-Suyuti, Al Jami As Sagir; Ahmad ibn Hanbal, Musnad)
Darating ang Mahdi (as) kapag ang mga inosenteng tao na ang isa-isang pinapatay na at ang mga nananahan sa daigdig at langit ay hindi makakayanan pang masaksihan ang walang awang pagkitil ng buhay….(Ibn Hajar al-Haythami, Al-Qawl al-Mukhtasar fi `Alamat al-Mahdi al-Muntadhar, p. 37)
Ang pinakamapapait na situwasyon at nakaririmarim na kaganapan ay masasaksihan. Ang kaguluhan ay magaganap na wari’y wala ng katapusan pa. Lahat ay hindi maliligtas, ang mga ina, ang mga ama, ang mga anak na babae, mga kalalakihan, lahat. Kabilang dito ang mga kalituhan, karahasan, pagkawasak, at mga nakawan. Sasabihin ng tao na tapos na rin sa wakas, subali’t ito’y magpapatuloy pang lalo. (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman , p. 36)
Si Abu Hurayra ay nagpahayag ng ganito: "Ang ating Propeta (saas) ay nagwika na: 'Ang mga tao ay makakasaksi sa mga araw na kung saan ang pumapatay ay hindi na alam kung bakit niya ito ginagawa, maging ang mga inosente ay hindi rin batid ang dahilan sa pagpatay sa kanila.' " (Muslim, Kitab al-Fitan: 56, (2908))
Ang Araw ng Paghuhukom ay magaganap lamang kung kaya na ng isang taong patayin sa sariling mga kamay ang kanyang kapatid.(Muhammad ibn ‘Abd al-Rasul Barzanji, Al-Isha‘ah li-ashrat al-sa‘ah, p. 141)
Sa nalalapit na mga araw, may mga taong nakatakdang maghasik ng kaguluhan at kalituhan. (Ash-Sharani, Mukhtasar Tazkirah al-Qurtubi, p. 376, no. 685)
May mga kaguluhang mangyayari, at ang mga kaguluhang ito ay sunud-sunod na magaganap sa mga nalalapit na mga araw. At pagkatapos ay may mga kaguluhan, na susundan pa ng mas marami pang kaguluhan. (Ash-Sharani, Mukhtasar Tazkirah al-Qurtubi, p. 374, no. 684)
... May mga kaguluhan, kalituhan at insureksyon (sa panahong iyon) at ang mga tao ay magpapatayan. Marami ring mga magpapakatiwakal at ang kasamaan ay mamamayani sa mundo. (Ibn al-Athir, al-Nihayah, vol.1, p. 131)
Darating ang araw na ang mga mukha ng tao ay mukha pa rin ng tao subali’t ang kanilang mga puso ay puso na ng mga demonyo. Kaya nilang magtampisaw sa dugo at magkanlong sa masasamang gawa. Kung magiging sunud-sunuran ka sa kanila, oo, kaya kanilang protektahan. Kung pagtitiwalaan mo naman sila, madali sa kanila na ikaw ay traydorin at ipagkanulo. Ang kanilang mga anak ay imoral, ang kanilang mga tinedyer na mga anak ay walang kahihiyan. Ang kanilang mga nakakatanda naman, ay walang pagtuturo sa gawang mabuti o pagpipigil sa masasamang gawa. Isang klase ng korupsyon [fitna] ang siyang lulutang, na kung saan walang sinuman ang makakayang protektahan maging ang kanyang sarili, ito ay mabilis na kakalat sa lahat ng direksyon. Ang ganitong situwasyon ay magpapatuloy hanggang ang isang nilalang ay dumating at magwika ng: "O mga tao, mula sa araw na ito ang inyong pinuno na ay ang Mahdi." (Ibn Hajar al-Haythami, Al-Qawl al-Mukhtasar fi `Alamat al-Mahdi al-Muntadhar, p. 23.)
Bago dumating ang Hazrat Mahdi (as) malawakang patayan ang siyang magaganap at masidhing kaguluhan ang ating masasaksihan. (Ibn Hajar al-Haythami, Al-Qawl al-Mukhtasar fi `Alamat al-Mahdi al-Muntadhar, p. 37)
Ang Hazrat Mahdi (as), isa sa aking mga anak, ay darating, dahil na rin sa biyaya ng Allah, sa panahong papalapit na ang Araw ng Paghuhukom; sa mangyayari dito ang paghina ng puso ng mga mananampalataya dahilan sa kamatayan, gutom, kaguluhan at hindi na pagsunod sa mga Sunnah; ang pagkakaroon at pagtanggap sa mga pagbabago o innovations at kawalan ng kaparaanan upang itaguyod ang tama at iwaksi ang mali. Ang kanyang dalang hustisya at kasaganahan ay ang magpapatibok muli sa puso ng mga mananampalataya, ang pagkakaibigan at pagmamahalan ay mananahan sa pagitan ng mga nasyong Arabo at iba pang mga nasyon. (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman, p. 66)
At sa panahon na kung saan ang mundo ay nasa kaguluhan at kalupitan, ang korupsyon ay magaganap, ang mga tao ay maglalaban-laban, ang mga nakatatanda ay mawawalan ng awa sa mga mas nakababata, at ang mga nakababata naman ay walang pagpapakita ng anumang respeto para sa mga nakatatanda, ito na ang takdang panahon na kung saan ipadadala ni Allah ang isang nilalang [Hazrat Mahdi (as)] upang siyang pupuksa sa galit na namamayani sa tao, igugupo ang lahat ng kastilyo ng mga kasamaang umaabot na sa kasukdulan, itaguyod ng higit pa ang pananampalataya hanggang sa Katapusan ng Panahon gaya ng aking ginawa; siya ang nilalang na pupuno ng hustiya sa mundo na dating napamugaran ng karahasan. (Al-Muttaqi al-Hindi, Al-Burhan fi Alamat al-Mahdi Akhir az-Zaman, p. 12)
Ang Oras [Ang Huling Araw] ay hindi magaganap hangga’t hindi dumarating sa rurok ang bilang ng mga pagpatay. (Ash-Sharani, Mukhtasar Tazkirah al-Qurtubi, p. 468)
Ako ay sumusumpa sa Allah, na siyang naglagay sa akin ng hustisya, na matapos sa akin, na magkakaroon ng panahon ng kakulangan at hidwaan sa mga tao. Sa panahong ito, ang mga tao ay maghahangad ng lahat ng yaman, iwawaksi mandin kung ang mga ito ay halal o pinahihintulutan, ang dugo ay dadanak, at ang mga tula ay itataas at ihahalintulad na sa Banal na Qur’an. (Ad-Daylami)
"… at kung saan ang mga tao ay magtatalo-talo at magkakaroon ng panlipunang paglalaban-laban o pagkakawatak-watak… " (Ahmad Diya ad-Din al-Kamushkhanawi, Ramuz al-Ahadith, 7/7)