ANG MGA ASHAB AL-SUFFA  NA GINUGOL ANG KANILANG YAMAN AT INILAAN ANG MGA SARILI SA PAGSISILBI TANGING PARA KAY ALLAH LAMANG AY TUNAY NA KAHANGA-HANGA’T DAPAT TULARAN NG MGA MUSLIM.
ucgen

ANG MGA ASHAB AL-SUFFA NA GINUGOL ANG KANILANG YAMAN AT INILAAN ANG MGA SARILI SA PAGSISILBI TANGING PARA KAY ALLAH LAMANG AY TUNAY NA KAHANGA-HANGA’T DAPAT TULARAN NG MGA MUSLIM.

1038

Ang mga naging kasa-kasama ng ating Propeta (saas) ay mga kahanga-hangang tao dahilan sa taglay nilang mataas na antas ng moralidad at kakanyahan sa pagsasakripisyo ng mga sarili. Ang mga nabilang sa grupo na ito na tinawag na Ashab al-Suffa ay sadyang nagtakda na ng mga sarili para sa 24 oras na pagsisilbi sa bawa’t araw ng buong buhay nila para kay Allah lamang, hindi na sila nag-asawa pa, hindi na rin naghangad pa na makamit ang ilang bagay gaya ng magkapamilya, ng magkaroon ng mga anak, ng magmay-ari ng maraming materyal na bagay o ng makaabot sa anupamang mataas na posisyon o katungkulan, bagkus sila ay nanatili sa tabi ng ating Propeta (saas), sa lahat ng oras, kung kaya sila ay nabiyayaan na maturuan mismo ng ating Propeta (saas).

 


 

Ang mga kasa-kasama ng ating Propeta (saas) na napatigil sa antechamber na napadugsong kinalaunan sa hilagang bahagi ng Masjid al-Nabawi [ang Mosque ng ating Propeta (saas)] ay mga tinaguring mga Ashad al-Suffa. Sila ay mga bukod tanging pinagpala na hindi na nagsipag-asawa, wala ng mga kaanak o ni kaugnayan sa anumang tribo. Hindi rin nila iniugnay ang mga sarili sa negosyo o pagkita ng salapi, bagkus, ang tanging pinaglaanan ng panahon ay ang kitain ang kaginhawahan at kalinga mula kay Allah at kasama na ang makamit ang karunungan mula sa ating Propeta (saas). Malayo sa kanilang mga pamilya, isinara nila ang mga sarili sa anumang gawaing makamundo at patuloy na pinag-aralan ang Banal na Qur’an at ang nakinig sa mga katuruan ng ating Propeta (saas), at sila rin ang siyang napadala sa mga tribong Muslim upang iparating sa mga ito ang Banal na Qur’an at mga Sunnah. Sila ay nasa 400 hanggang 500 katao, at tinagurian ding mga Kawal ng Karunungan.

Ang ating Propeta (saas) ay masidhi ang hangad na mapalawak ang edukasyon ng mga ito.

At sa kaibuturan naman ng kanilang puso’t kaluluwa, ang mga natatanging nilalang na ito ay naglaan ng kanilang buong buhay tunay na para kaya Allah lamang, sa bawa’t pagtuturo ng ating Propeta (saas), sila ay wala palya o ni kapaguran para mapakinggan ang lahat ng ito. Sila’y laging nakahanda, kinabisa ng tapat at buo ang mga katuruan, na siya naman nilang ibinahagi sa iba pang mga kasa-kasama. Sinasabi na ang susunod na ayat ay patungkol sa mga Ashab al-Suffa (M.Hamdi Yazir, Hak Dini Kur'an Dili, The Language of the Qur’an, the Righteous Religion, 2/940)

“Ipagkaloob ninyo ang inyong mga kawanggawa sa mga mahihirap na mga Muslim na hindi kayang maglakbay para maghanap-buhay dahil sa pagiging abala nila sa ‘Jihâd’ o pagpupunyagi sa Daan ng Allâh (I). Iniisip ng sinumang hindi nakakikilala sa kanila, na sila ay hindi nangangailangan ng ‘Sadaqah’ (kawanggawa) dahil sila ay hindi namamalimos. Subali’t mababakas mo sa kanila ang kahirapan, gayong hindi sila nanghihingi sa mga tao kailanman. At kung sakaling sila ay gipit na gipit na, ay saka pa lamang sila manghihingi at kapag sila ay nanghingi, hindi sila nagpupumilit.At anuman ang inyong ginugol mula sa inyong yaman sa Daan ng Allâh, ay hindi maililihim sa Allâh (I) ang kahit na anuman mula rito. At walang pag-aalinlangan, gagantihan Niya kayo nang ganap na gantimpala at ito ay makakamit ninyo nang buung-buo sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” (Surat al-Baqara, 273)
 


 

Halintulad nito, ang mga tagasunod ng Hazrat Mahdi (as) ay nakahanda ring maglaan ng bawa’t segundo ng kanilang buhay para kay Allah lamang, Insha’Allah, hindi nila kailanman iiwanan ang Hazrat Mahdi (as) at ni hindi matatakot sa anumang banta ng panggigipit o paghihirap man. At siyang tunay, Insha’Allah, ang mga magiging kasa-kasama ng Hazrat Mahdi (as) ay magsisipagsikhay na mabuti upang ang moralidad na napapaloob sa Banal na Qur’an ay ang siyang maka-domina sa ating buong sandaigdigan.


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo