Nilikha ni Allah ang mga tao sa mundo na kung saan ito ay puno ng mga pagsubok. Nilikha niya ang kapaligirang ito na ang mga nasabing pagsubok ay may kanya-kanyang natatanging mga detalye. Ating makikita na si Allah ay patuloy na nagbibigay ng pagpapala sa mga tao mula sa mga pinakamaliliit na detalye sa mundong ito, ang ilan ay maaaring batid na natin at may iba pang natatago sa ating kamalayan. Ang pagsusuri sa mga detalyeng ito ay makatutulong sa pagtuklas at pag-unawa natin sa walang hanggang karunungan ni Allah.
Nilikha ni Allah ang sampu-sampung libong mga lungsod sa ibabaw ng mundong ito at pati na ang milyon-milyong mga kabahayan sa bawa’t mga lungsod o bayang ito. Ang bawa’t bahay, sa kabilang dako, ay may kani-kanilang kaayusang taglay (aesthetical order). Ang pagkakaisa at pagtutugma ng mga kulay sa karpet, ang ayos at disenyo ng mga upuan, ang imahe sa telebisyon, at ang kagandahan ng mga damit sa mga kinalalagyan ng mga ito, lahat ay mga detalyeng ating nasasaksihan. Gayunpaman, ang mga detalye ito na ating nakikita ay hindi limitado hanggang dito lamang. Dapat na malaman na ang bawa’t bahay ay mayroon ding mga tinatawag na microbes at bacteria na hindi sadyang kayang makita ng ating mga mata lamang.
Si Allah ay ang nag-iisa at tanging nakakaalam sa lahat ng mga bagay at siyang nagtatakda at nagbibigay ng kaayusan sa lahat ng mga ito. Ang lahat ng mga pinagdaraanan ng isang tao magmula sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan, ang kanyang mga pakiramdam at damdamin habang nakararanas sa mga pangyayaring ito at ang bawa't pangitain na nakikita niya ay pawang mga nagaganap dahilan sa paglikha ni Allah sa mga ito. Sa ganitong kadahilanang ang isang tao ay hindi dapat mabuhay sa pagwawalang-bahala. Marapat na pag-isipan at pag-aralan niya ang bawa’t detalye na tinataglay at napapaloob sa walang hanggang kaalaman ni Allah. Sa pag-unawa sa mga detalyeng ito niya mapagtatanto ang tunay na kabuluhan ng bawa’t isa dito. Sa taong malalim na ang pagkakaunawa, ang isang damit na lana ay hindi na isang piraso ng tela lamang. Batid niya ang papel ng mga DNA, na bumubuo sa lahat ng mga katangian ng hayop na pinagmulan ng lana, siya ay nagbibigay-pagdakila kay Allah para sa sining ng Kanyang Paglikha na makikita sa bawa’t detalye ng mga bagay-bagay.
Sa Banal na Qur'an, ating matutunghayan ang pagpapamalas ng dakilang kapangyarihan ni Allah, naririto ang mga nasasaad:
Ang anumang nasa mga kalangitan at kalupaan mula sa lahat ng nilikha ng Allâh (I) ay niluluwalhati ang Allâh (I) na Siya ay malayo sa lahat ng di-kaganapan, at Siya ay ‘Al-`Azeez’ – ang Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan sa Kanyang mga nilikha, na ‘Al-Hakeem’ – Ganap na Maalam sa Kanyang Pangangasiwa sa kanila.
Pagmamay-ari Niya ang mga kalangitan at kalupaan at ang anumang mga nakapaloob dito, Siya ay Tagapagmay-ari na Tagapagpasiya sa Kanyang nilikha, Siya ang nagbibigay ng buhay at nagsasanhi ng kamatayan, at Siya ay ‘Qadeer’ – Pinakamakapangyarihan sa lahat ng bagay na kaya Niyang gawin ang anuman na Kanyang nais gawin at kung anuman ang nais Niyang mangyari ay mangyayari at kung anuman ang ayaw Niyang mangyari ay hindi mangyayari.
Siya ay ‘Al-Awwal’ – ang Una na walang anumang nauna kaysa Kanya, at ‘Al-Âkhir’ – ang Huli na walang katapusan, Siya ay ‘Adz-Dzâhir’ – ang Kataas-taasan na wala nang tataas pa kaysa sa Kanya, at Siya ay ‘Al-Bâtin’ – ang Pinakamalapit na wala nang mas malapit pa kaysa sa Kanya (sa pamamagitan ng Kanyang ganap na kaalaman sa lahat ng bagay) at walang anumang bagay ang naililihim sa Kanya sa kalupaan at ganoon din sa mga kalangitan, Siya ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay.
Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang nasa pagitan ng dalawang ito sa loob ng anim na araw, pagkatapos ay pumaroon Siya sa Kanyang ‘Arsh (isinaling Trono) na nasa ibabaw ng lahat ng Kanyang nilikha sa kaparaanan na angkop sa Kanyang Kamaharlikaan, batid Niya kung anuman ang pumapasok sa kalupaan na katulad ng butil, tubig-ulan at iba pa, at ang anumang lumalabas mula rito na katulad ng mga halaman, pananim at mga bunga, at anuman ang bumababa mula sa kalangitan na katulad ng ulan at iba pa; at ang anumang pumapaitaas patungo sa kalangitan na katulad ng mga anghel at ang mga gawain, na Siya ay kasama ninyo kahit saan man kayo naroroon sa pamamagitan ng Kanyang ganap na kaalaman, at ang Allâh (I) ay ‘Baseer’ – Ganap na Tagapagmasid sa inyong mga gawain na inyong ginagawa at ayon dito kayo ay tutumbasan.(Surat al-Hadid, 1-4)