Mayo, 2009, mahigit sa 2.5 milyong Muslim ang nangailangang lisanin ang kani-kanilang mga tahanan dahil sa lumalalang sigalot sa rehiyon ng Swat sa Pakistan. Dito dalawang milyong ang kinailangang magkanlong sa mga refugee camps. Sa pagtatapos ng kaguluhan, ang ilan ay nagsimula nang magsibalik sa kanilang mga tahanan sa mga nakalipas na mga buwan. Subali’t magpahanggang sa ngayon, mahigit pa sa 1.5 milyong Muslim ang nagsisipagtiis upang maka-survive pa rin sa mga refugee camps. Daan-daang libong mga tao ang nakatira pa rin sa mga tent sa gitna ng napakalamig na tag-yelo at nakakapasong init naman ng araw sa tuwing tag-init; bukod pa sa mahirap na pagkuha ng pagkain sa nasabing mga kondisyones; malaki rin ang kakulangan sa tubig-inumin at pangkalinisan dahilan upang ang epidemya ay kumalat at magdulot ng maraming kamatayan. Ang situwasyon ng ating mga kapatid na Muslim sa paglisan nila sa sariling mga tahanan ay lubhang napakahirap kung kaya kaligtasan pa rin nilang itinuturing ang makarating sila sa mga refugee camps. Ito ay sa dahilang marami sa kanilang mga kasama na sapilitang itinaboy paalis sa mga sariling tahanan ang mga nangawala na at ang iba naman ay nagtitiis ngayon sa gitna ng kahirapan sa mga lugar ng mga dalita, kung saan ang tulong ay mahirap makarating.
Ang situwasyon sa Pakistan, ay inilalarawan ng mga opisyal ng UN bilang pinakamalalang krisis para sa mga refugees sa kasalukuyang dekada, at ito ay lingid sa kaalaman ng mga nakakarami sa atin. Ito ay marahil hindi pa nakakaranas ang marami sa atin kung papaano ang mamuhay sa mga tent sa loob ng ilang buwan at walang kasigurahan ang katapusan nito, ng may kakulangan sa tamang pananamit panlaban sa matinding init at lamig, ang hindi mo man malinis ang iyong sarili dahil sa kakulangan o kawalan ng tubig, o ang magkaroon ng sapat na pagkain upang patuloy na mabuhay, ang matingnan ng mga doktor o makainom ng gamot sa kanilang pagkakasakit o dili kaya’y ang maharap sa mga nakaambang panibagong pag-atakeng maaring maganap anumang sandali, hindi pa rin natin sapat na mauunawaan ang tunay na kalalagayan ng 1.5 milyong Muslim na patuloy sa pagdurusa sa ngayon. Doon sa mga nagkikibit-balikat o nagbabalewala sa pag-alam sa tunay na situwasyon ng ating mga kapatid ay marapat nang magising na sa dahilang ang sistema ng antichrist ay aktibong-aktibo sa panahong ating kinabubuhayan, na walang ibang layunin kundi ang padanakin ang dugo ng mga Muslim sa bawa’t araw at ang bulabugin ang kapayapaan at katahimikan sa maraming panig ng mundo. Sa patuloy na hindi pagpansin, pagbubulag-bulagan at pagbibingi-bingihan sa kasalukuyang at tunay na estado, ang sistema ng antichrist ay walang habas sa paniniil nito sa buong daigdigan ng Islam.
Ang sistema ng antichrist ay isang negatibong puwersa sa Katapusang Panahon. At ang positibong puwersa naman na siyang may kakanyahang tumuligsa at gumapi dito at maging kasangkapan sa pagliligtas sa buong mundo ng Islam ay ang Hazrat Mahdi (as), nagsimula na siya ng kanyang misyon noong taon pa ng Hijri 1400, siyang naihayag na ng ating Propeta (saas). Sa panahong ang sistema ng antichrist ay hayag na hayag at aktibo, hindi katanggap-tanggap para sa mga Muslim na hindi rin pag-usapan ang sistema ng Mahdi, na sa kapahintulutan ni Allah, ay ang natatangi at nag-iisang lakas na makapipigil sa sistema ng antichrist, at tuluyang magtataboy palayo dito. Ang mundong Islamiko ay marapat lamang na umasam sa pagsibol ng Hazrat Mahdi (as), ang mga senyales ng kanyang pagdating ay detalyadong nailarawan sa ating ng Propeta (saas), at ang kinakailangan ay ang suportahan natin ang kanyang kampanya o pakikidigmang-intelektuwal at magsikhay tayo na maging isa sa kanyang matibay na mga tagasunod.
Ang bawa’t isa sa mga Muslim na nagmamahal sa Hazrat Mahdi (as), ay sabik na mamasdan ang kanyang banal na mukha, at ang magnais na maging tagasunod niya at maging tagapagtanggol rin, kagya’t ang hinihingi sa atin ay ang pagsusumikap sa pagbibigay-katuparan sa pagkakaisa ng mundong Islamiko, upang malasap ang biyaya ng pagkakabuklod at kapatiran. Dahilan na rin sa kapahintulutan ni Allah, ang pagkakaisa ng mundo ng Islam ang pinakamabilis at pinaka-epektibong pamamaraan sa pagliligtas sa mga inosenteng buhay ng ating mga kapatid na Muslim na patuloy na nagdurusa sa ilalim ng antichrist.
Naipakita na ni Allah sa ating mga mananampalataya ang pinakamabilis at pinakatagumpay na daan: kung ang mga Muslim ay mahaharap sa kawalan ng hustisya at matinding paniniil, kailangan lang na magsama-sama ang mga Muslim at maglunsad ng intelektuwal na pakikidigma laban sa korupsyon, imbes na patuloy sa pagkakahiwa-hiwalay, walang kaalaman o pakialam sa lagay ng kanilang mga kapatid na Muslim. Wala sa tamang pag-iisip na maghanap pa ng ibang daan gayong naipakita na sa atin ni Allah ang tamang daan, naririto na sa ating harapan at tiyak ang pagtatagumpay, insha’Allah. Ang tanging daan para sa mga Muslim ay ang Banal na Qur’an at ang Propeta (saas). Ang daang ito ay binubuo ng pagkakaisa. Kung ang mga Muslim ay magtatayo ng matibay na pader laban sa mga nagtatatuwa, sa pamamagitan ng paggamit ng kultura, kaalaman at mga ideya na “sininsil ng matibay,” sa paraang itinuro ni Allah, makikita natin ang tunay na pagwawakas ng inhustisya sa mundo.
Katiyakan, ang Allâh (I) ay minamahal Niya ang mga nakikipaglaban sa Kanyang daan na mga nakahelera na para silang matitibay na mga estraktura (haligi o gusali) na hindi nalulusutan ng kalaban. (Surat as-Saff, 4)