HINDI MAUUNAWAAN NG MGA MAPAGKUNWARI ( HIPOKRITO ) ANG PAGMAMAHAL NG ATING PROPETA (SAAS) PARA SA MGA KABABAIHAN. HINDI NILA LALONG MAAAROK ANG KANYANG PAGPAPAKASAL KAY HAZRAT ZAINAB (RA)
ucgen

HINDI MAUUNAWAAN NG MGA MAPAGKUNWARI ( HIPOKRITO ) ANG PAGMAMAHAL NG ATING PROPETA (SAAS) PARA SA MGA KABABAIHAN. HINDI NILA LALONG MAAAROK ANG KANYANG PAGPAPAKASAL KAY HAZRAT ZAINAB (RA)

2384

Hango mula sa isang Panayam kay G. Adnan Oktar ng Kocaeli TV (Ika-3 Setyembre, 2010)

OKTAR BABUNA:Kailan lang ay iyong ipinaliwanag na ang mga mapagkunwari o mga hipokrito ay kaanib ni satanas at sila ay mga kaibigan ni satanas. Ako ay nagbabasa ngayon ng isang ayat na nababagay rito; Ako ay nagkukubli sa ilalim ng pangangalaga ni Allah laban kay satanas; “….at grupo na karapat-dapat maligaw mula sa matuwid na landas dahil sa pagturing nila sa mga ‘Shaytân’ bilang ‘awliyâ`’ (tagapagtaguyod) bukod sa Allâh (I), at sila ang sinunod nila bilang kamangmangan at pag-aakalang sila ay sumunod sa daan ng patnubay.” [Al-Qur’an 7:30]

ADNAN OKTAR:Hindi ito gaanong nakakakuha ng atensyon; at ang ilan sa ating mga Muslim ay umiiwas o hindi hinaharap ang mga paninirang ibinabato laban sa ating Propeta (saas). Nananatili lang silang tahimik. Aking gustong bigyang diin ang isyung ito. Bukas, akin itong higit pang malalim na tatalakayin, akin itong  nais pag-usapan sa mga darating pang mga araw. Ang mga taong ito ay laging makatuon lamang ang kanilang mga sarili sa naging pagmamahal ng ating Propeta (saas) para sa ilang kababaihan. Kahit ano pa ngang bisitahin nating Internet site na siyang pag-aari ng mga ateista (mga walang dinidiyos) ay ito ang paksa na tinatalakay. Ang ating inang si Zainab ay nakita ang Propeta (saas), nakita niya ang moralidad nito, ang kanyang taglay na kagandahan. Sa puso niya naroroon na ang pag-ibig para sa dito. Ginusto niya na mapakasal dito. Nagustuhan rin naman siya ng ating Propeta (saas), Nagustuhan niya ang moralidad nito, ang  kanyang personalidad at kagandahan. Ninais din niya na ito ay mapakasalan. Sinabi ni Allah na nasa sa puso na nga niya ito. Subali’t ang ating Propeta (saas) ay kumilos ng may buong pag-iingat upang mapigilan na agad ang anumang masamang maaaring idulot ng mga mapagkunwari’t hipokrito at mga hindi nananalig.  Kaya’t hindi niya isinaliwalat ang tunay niyang opinyon ukol dito. Dito ang sabi ni Allah na siya (Propeta (saas)) ay nagtitimpi lamang, na siya ay nakakaramdam ng pagkahiya. Subali’t ang sabi nga ni Allah, siya ang maghahayag nito sa lahat. Humingi siya (Zainab) ng diborsyo. Ang ating Propeta (saas) naman ay patuloy na nagsabi sa kanila na ituloy pa rin ang kanilang pagiging kasal, at huwag magdiborsyo. Subali’t muli sinabi ni Allah na tunay na nais niya ito sa kanyang puso. Kaya’t kumuha siya (Zainab) ng diborsyo at nagpakasal sa ating Propeta (saas). Siya ay isang tunay na matalinong babae. Ang isang Propeta ay darating minsan lamang, at kung nais ng isang babae na makapiling ito sa buong buhay niya, bakit niya ipagkakait ang karapatang ito sa sarili? Bakit kailangan siya maging obligado [na manatili kasama ang dating asawa]?  At si Allah mismo ang nagtakda sa ating Propeta para sa kanya. Napakaganda nito. Ako ay lubos na nagagalak sa ikinilos ng ating ina. Akin siyang binabati. Nawa’y gawaran ito ni Allah ng Kanyang pagpapala. Subali’t sa ilang mapagkunwaring Muslim, nakikita nila ito bilang hindi maganda sa paningin. Subali’t ako naman ay nagagalak para dito, sa kagandahang ito na ipinamalas ng ating ninunong ama. Ito ay isang napakamagandang kilos. Aking bukas-palad na tinatanggap ang pag-ibig at pagmamalasakit na kanyang ipinadama para sa mga kababaihang ito. Akin itong tinatanggap ng malugod.  


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo
Mga download