KABIGUANG UNAWAIN ANG KAGANAPAN NG DESTINASYON NG TAO AT ANG MAKITANG MAY KABUTIHAN SA LAHAT NG BAGAY
ucgen

KABIGUANG UNAWAIN ANG KAGANAPAN NG DESTINASYON NG TAO AT ANG MAKITANG MAY KABUTIHAN SA LAHAT NG BAGAY

1618

Sa bersikulo ng Qur’an, sinabi ni Allah sa atin, “Ang pakikipaglabang ito ay ayaw na ayaw ninyo – likas na hindi ninyo ito nagugustuhan dahil sa hirap na nararanasan dito at sa dami ng kapinsalaan; magkagayunpaman, maaaring ang bagay na inaayawan ninyo sa katunayan ay makabubuti para sa inyo. At maaari namang ang isang bagay na gusto ninyo, na katulad ng pamamahinga at panandaliang kaligayahan, ay makasasama para sa inyo. Ang Allâh (I), Siya lamang ang Ganap na Nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa inyo subali’t kayo ay hindi ninyo alam.” (Surat Al-Baqara:216). Sa kabuuan ng kanyang buhay, ang tao ay makakaranas ng iba’t-ibang pangyayari – mayroong mga di-inaasahan, mga di-naaayon o taliwas sa kanyang kagustuhan o dili kaya’y mga di-kaaya-aya kaganapan. Lahat ng ito ay mga natatanging sitwasyon o kalagayang ginawa upang subukin ang tao, gaya na sinasabi dito sa bersikulo, “Na Siya ang lumikha ng kamatayan at buhay; upang subukin kayo, O kayong mga tao, kung sino sa inyo ang gagawa ng kabutihan at magiging taos-puso sa kanyang gawain?“ (Surat Al-Mulk:2). Ang nararapat na gawin ng tao, gaano pa man kahirap o kanegatibo ng mga pangyayari, ay ang magtiwala ng buong puso kay Allah at iyong sumampalataya na ang inilaan Niya ay mga pawang may kabutihan sa likod ng bawa’t pangyayari. Ang kapanatagan ng kalooban at malugod na pagtanggap ng isang taong nananalig ang siyang magdikdikta ng kanyang moralidad. Ito ang klase ng pag-uugali na kung saan ang isang tao ay lubos o tunay na nagbibigay tiwala kay Allah.

Ang pagbibigay ng tunay na tiwala kay Allah ay isang biyaya at marubdob na konsolasyon o ligaya sa tao, mga bagay na siyang nagmula rin kay Allah. Sa taong nakakaunawa sa katotohang sinambit ni Allah sa bersikulo, “At ang anumang natamo ninyo na mga sugat o pagkamatay sa labanan sa ‘`Uhud,’ sa Araw ng sagupan sa pagitan ng grupo ng mga mananampalataya at sa grupo ng mga ‘Mushrikin;’ at ang nangyari na pagkapanalo ng mga mananampalataya sa unang pagkakataon, pagkatapos ay nanalo (naman) ang mga ‘Mushrikin’ sa ikalawang pagkakataon, ang lahat ng ito ay pinagpasiyahan at itinakda ng Allâh (I) upang palitawin sa pamamagitan nito kung sino ang tunay na nananampalataya sa Allâh (I).” (Surat Al’Imran:166), ipinagkakatiwala nila ang kanilang mga sarili sa karunungan ni Allah, kung kaya maliwanag na makikita ang kagandahan at biyaya sa bawa’t yugto ng kanilang buhay, at sa kanilang moralidad ay mamamalas ang kaganapan ng kanilang pananampalataya at tiwala kay Allah. Sa ganito, pinadadali ni Allah ang kanilang mga daan, tulad ng sinabi sa bersikulo, “....at sinumang natatakot sa Allâh (I) na ipinatutupad niya ang Kanyang batas ay gagawin ng Allâh (I) na madali para sa kanya ang anumang nais niyang bagay, dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.” (Surat At-Talaq:4). At binanggit ni Allah sa bersikulo, “Walang iba kundi ang Allâh (I) ang nagbaba ng kapanatagan sa mga puso ng mga naniniwala sa Allâh (I) at sa Kanyang Sugo sa araw ng ‘Hudhaybiyyah,’ na kung kaya, naging panatag at naging tiyak sila sa kanilang mga puso; upang maragdagan ang paniniwala nila sa Allâh (I) at pagsunod nila sa Kanyang Sugo ng karagdagang paniniwala at pagsunod. Pagmamay-ari ng Allâh (I) ang mga sundalo sa mga kalangitan at kalupaan na tinutulungan Niya sa pamamagitan nila ang Kanyang mga alipin na mananampalataya.  At ang Allâh (I) ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa ikabubuti ng Kanyang mga nilikha, na ‘Hakeem’ – Ganap na Maalam sa Kanyang pangangasiwa at paglikha.” (Surat Al-Fath:4), at dahil sa pagsunod na ipinamalas nila, kapanatagan ng puso ang siya namang dulot ni Allah, kaalinsabay ng katahimikan at kasiguruhan sa buhay.

Pinatutunayan sa Qur’an kung paanong ang mga mananampalataya ay nagpakita ng pagsunod, dahil batid nilang lahat ng mga bagay sa kasalukuyan, mabuti man o masama, ay kayang baguhin ni Allah para sa ikabubuti ng Kanyang mga tagasunod:

“At paano namin hindi ipauubaya ang aming mga sarili sa Allâh (I), samantalang Siya ang naggabay sa amin tungo sa kaligtasan mula sa Kanyang kaparusahan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng Kanyang ‘Deen?’ At walang pag-aalinlangang titiisin namin ang anumang pang-aapi ninyo sa amin sa pamamagitan ng inyong mga masasamang salita, at sa Allâh (I) na Bukod-Tangi nararapat na ipagkatiwala ng mga mananampalataya ang kanilang mga sarili sa Kanyang tulong sa kanila at pagkapanalo nila laban sa kanilang mga kalaban.” (Surah Ibrahim: 12)

Ang taong nagtitiwala kay Allah at nakasandig lamang sa Kanya ay hindi maghihirap o tatangis. Ito ang pangako ni Allah sa tunay na mananampalataya. Sa Qur’an, ito ang sinasabi:

“Katiyakan, ang mga yaong nagsabi: “Ang aming ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay ang Allâh (I),” pagkatapos ay nagpakatuwid sila sa kanilang paniniwala ay wala silang katatakutan sa anumang kagimbal-gimbal na pangyayari sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at wala silang dapat na ipangamba sa anuman na naiwan nila pagkatapos ng kanilang pagkamatay na makamundong kapakinabangan.” (Surat Al-Ahqaf:13).

Makikita natin, sa kapahintulutan ni Allah, na sa pagsunod sa Kanyang kalooban, lahat ng bagay ay magiging madali. Sa paglabag sa utos ni Allah, bawa’t yugto ng buhay ng isang tao’y nagiging dagdag na kahirapan at paghihinagpis. Bawa’t gawain ay nagiging magulo at walang patutunguhan. Ang mga pinakaordinaryo o simpleng pangyayari ay nagiging masalimuot sa mga mata ng isang taong walang busilak na pananalig kay Allah. Kahit na doon sa mga nagsasabing may pananalig sila kay Allah, subali’t lubos namang nalilimutang ang lahat ng pangyayari ay nakadugtong sa isang napakagarbong destinasyon ng tao, sa isang perfektong destinasyong inilaan ni Allah para sa bawa’t nilalang, patuloy na hindi nila makikita na lahat ng pangyayari ay may relasyon o galing lahat kay Allah. (Higit pa diyan si Allah!) Sa ganitong pesimismong kalagayan, di nila maaarok ang kabutihan sa gitna ng pagsubok. Ang kanilang isipan ay mapupuno ng takot at tensyon o negatibong karamdamang dala ng mga pangyayari, bagay na malayo naman sa maaaring tunay na maging resulta ng mga kaganapan. Sa kanitong kadahilanan din, kabiguan lamang ang makikita ng taong kulang sa tiwala kahit na sa mga sitwasyong tagumpay sana ang siyang dulot.

Isa pang mahalagang punto dito, dahil sa hindi mabatid ng tao na lahat ng kaganapan ay mula kay Allah, siya ay patuloy na tatahak sa landas na magulo at puno ng kasamaan sa paniniwalang lahat ay kaya niyang bigyan kalutasan sa sariling pamamaraan o sariling kakanyahan lamang. Ang katotohanan, kahit anuman ang gawin ng tao, imposible na malunasan niya lahat ng mga suliranin ng hindi sa kagustuhan o kapahintulutan ni Allah. At ito rin ang siyang nagbubungsod sa mga tunay na mananampalataya na kumilos upang maghanap ng solusyon sa mga suliranin. At batid niyang Si Allah lamang ang magdadala ng lunas, kung kaya’t gagampanan niya ang lahat ng gawain ng ang kalooban ay payapa at panatag.

Sa mga taong nagkukulang sa pagsunod kay Allah, ang mga suliraning ay nagiging pang-araw-araw na pakikidigma. Isang halimbawa, madalas kang nakakatagpo ng mga taong puno ng galit at mariringgan mo pa ng masasamang pananalita dahil lamang naiwan siya ng kanyang sasakyang bus. Wala siyang kontrol sa sarili. Kahit na makakita pa siya ng ibang paraan para makarating sa trabaho sa tamang oras, patuloy na sisiksik sa kanyang isipan ang partikular na pangyayaring ito sa kabuuan ng kanyang araw. At dahil sa nasimulan ng masama ang kanyang araw, itatakda niya sa kanyang sarili na sira na ang buo niyang araw. Bagkus, dapat sana’y tingnan na ang ganitong pangyayari ay may posibleng nakalaang mabuting resulta mula kay Allah, at hindi na sana naging magulo ang kanyang isipan at damdamin. Patuloy pa sanang nabuo ang kanyang pag-asa na Si Allah ang mag-aayos sa lahat ng detalye ng kanyang araw at buhay sa gitna man ng kaguluhan.

Kahalintulad ng isang tao nasangkot o nasaktan sa isang aksidente, hindi rin siya magkakaroon ng kanatagan kung kikilos siya ng walang pagtitiwala kay Allah dahil lamang sa isang di-magandang insidente sa kanyang buhay. Sa dahilang malilimutang niyang galing rin ito kay Allah, maghahanap siya ng sisisihin, maaaring sa driver ng sasakyan o maging sa kanyang sarili, na siya niya lubusang ikakagalit. Sa totoo lamang, ang kanyang pangamba ay walang basehan. Sa mga ganitong sitwasyon, ang pag-iisip ng kahit isa lamang positibong aspeto ng pangyayari ay sapat na upang makaiwas ang isang tao sa mga isiping walang idudulot na mabuti sa kanya.

Halimbawa, sabihin nating ang resulta ng aksidente ay hindi lamang nasaktan kundi ngaresulta pa sa kamatayan ng isang tao, ang kamatayan ay dapat nating tanawin bilang isang magandang dahilan upang magpasalamat kay Allah, ito’y bagkus dapat magdulot ng kapayapaan at ibayong sigla. O kaya naman, dapat isipin ng nasaktan na ang aksidenteng ito ay isang magandang kaparaanan upang maranasan niya ang kung papaano ang malapit sa kamatayan at sa Langit, na siyang magdudulot naman ng higit na mapalapit kay Allah na may higit na takot kay Allah. Maaaring dahil dito, siya ay nakakahulagpos sa kanyang pagiging magpagmataas at sa tanikala ng kamunduhan, at ang tanging pagtanggap sa sitwasyon ay ang siyang maglalapit sa kanya kay Allah. Kapalit nito ay ang higit na biyaya at benepisyo para sa Kabilang-Buhay niya. Sa isang tayong tunay ang naniniwala kay Allah at sa Araw ng Paghuhukom, ganap ang pag-unawa niya sa mga natatanging benepisyo at biyaya na inilaan ni Allah para sa bawa’t kalalagayan.

Ang taong mababaw ang pagtitiwala ay patuloy na kikilos ng walang pagsunod o pagtalinga sa utos ni Allah. Dahilan na ang kanilang buhay ay patuloy rin na mapupuno ng suliranin at pighati kumpara sa mga tunay na mananampalataya. Kung ang mga taong gaya nito ay tatalinga gaya ng mga tunay na tagasunod, lahat ng kanilang kahirapan at kalungkutan ay lubos na mapapawi. Ito’y gaya ng sinabi sa bersikulo, “At sila ay yaong sinabihan ng ilan sa mga pagano: “Katiyakan, si Abu Sufyan at ang kanyang mga kasamahan ay nagkaisa na babalikan kayo upang lupigin, na kung kaya ay maging maingat kayo at katakutan ninyo ang pakikipagsagupa sa kanila, dahil wala pa kayong lakas para lumaban sa kanila,” subali’t ang mga ganoong pananakot ay higit pang nagpapanatag at nagpatibay sa kanilang paniniwala sa pangako ng Allâh (I) sa kanila at hindi (man lamang) nagpahina ng kanilang katatagan; kung kaya, nagpatuloy sila sa kung ano ang ipinag-utos ng Allâh (I) at sinabi nila: “Ipinaubaya namin ang aming mga sarili sa Allâh (I) na Siyang ‘Al-Wakeel’ – ang Ganap na Tagapagkupkop, Tagapangalaga, nasa Kanya ang lahat ng Pangangasiwa sa Kanyang mga alipin.” (Surah Al’Imram:173).

IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo
Mga download