“Pabayaan mo, O Muhammad (), ang mga lumabag na walang pananampalataya na kumain at magpakasaya sa kanilang buhay, at hayaan silang maging abala sa maling pag-aakala at malinlang ng kanilang walang kakuntentuhan na pagnanasa, na mapalayo mula sa pagsunod sa Allâh (), dahil walang pag-aalinlangang di-maglalaon ay mababatid nila ang bunga ng kanilang ginawa na pagkatalo rito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay. (Surat al-Hijr: 3)May tiyak na kaparaanan upang ang sangkatauhan ay makaiwas sa mga ganitong sitwasyon: ito ay ang huwag maging makasarili o maging interesado lamang sa pansariling buhay at klase ng pamumuhay na ang tanging layuning ay ang matugunan lang mga pangangailangang personal. Sa ganito, ang mga taong tinuran ay dapat higit pang hikayating maging mga indibidwal na nahahandang tumugon na makapagsilbi sa iba pang mga tao, at ang paghahanap-solusyon sa mga suliranin hindi lamang para sa pansarilimg kapakanan o para sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan, bagkus maging ang para sa kabuuan ng mundo. Ang relihiyong Islam na pinili ni Allah para sa mga tao at inihayag sa Banal na Qur'an ay maliwanag na nagpapakita ng ganap na layunin ng buhay ng tao:
“Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh () sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh () sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh () na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya.” (Surat ar-Rum: 30)
“At hindi ko nilikha ang ‘Jinn’ at ang tao, at sa pagkapadala ng lahat ng mga Sugo kundi sa napakataas na uri ng layunin, na ito ay sambahin lamang Ako nang bukod-tangi at wala nang iba pa."(Surat adh-Dhariyat: 56)