Ang siyang tunay na sanhi ng mga kaguluhang sibil, mga digmaan at ng mga suliranin sa katatagan ng kapayapaan sa ika-20 siglo ay walang iba kundi ang mali o baluktot na katuraang-aral ng Darwinismo. Ideolohiya ito na nagmumungkahi ng kasinungalingang ang buhay ay isang “larangan ng pakikibaka” o “survival of the fittest”, na isang lehitimong bagay ang pagpapahirap o maging paglipol sa mga taong “mahihina,” mga mula sa kahirapan o maging yaong sa paningin niya (C. Darwin) ay nagmula sa “mabababang lahi”, na sa dulo ng pakikibaka na ito ang "fittest" o “pinakamalalakas” lamang ang nararapat magpatuloy na mabuhay habang ang iba ay tuluyang dapat malipol ang buong lahi, at ng dahil sa ganitong kaparaanan lamang maisusulong ang kapakanan ng sangkatauhan.
Nakapagdulot ng pangmalawakang epekto, mga epektong lubos na mapanira, ang Darwinismo sa iba’t-ibang kalinangan o kultura ng maraming lipunan at maging sa mga indibidwal na nilalang. Lubhang pumalaot sa mundo at naging katanggap-tanggap naman sa marami ang isang “corrupt” o maling ideya na ang buhay ay sadyang isang "larangan ng pakikibaka" lamang at ang mga tao ay kailangang mabuhay upang manalo sa pakikibakang ito o matirang-buhay man lang sa gitna ng isang mapanganib na kapaligiran, isa itong masamang ideyang labis na lumalabag sa mga batayang moral at pangrelihiyon, at ang matindi pa nito, siyang nagbungsod ng mga “lifestyles” o bago’t kakaibang pamamaraan ng pamumuhay na walang naidulot kundi lalong masidhing kapahamakan para sa mga tao sa bawa’t panig ng mundo. Ayon sa baluktot na paniniwala ito, maituturing na normal na gawain ang paghuli sa mga taong maykapansanan at ang hayaang mabulok at mamatay ang mga taong nabanggit sa mga “concentration camps”. Bukod dito, ang tao ay nararapat uriin daw ng ayon sa bungo nito at sa lapad ng ilong nito. Kaya doon sa mapapabilang sa “lower classes” o mababang-uri, sila ay nagiging bukas sa mga walang habas na pang-aapi o pagpapahirap, exploytasyon o pagsasamantala at maging tuluyang pagkitil sa buhay. Malaking tagumpay na maituturing para sa mga taong nabulag na sa paniniwalang ang pag-unlad ng tao at lipunan ay maaari lamang isulong at isakatuparan sa kaparaang barbaro o mabangis, kaya sa kanila normal or lehitimo ang mga karumal-dumal na mga gawaing gaya ng pagpatay sa “mahihina” o maykapansanan, paglipol sa ilang lahing tinaguriang mabababang uri, at ang iba’t-ibang klase ng pagpapahirap, ng pang-aapi at ng kalupitan.
Isa sa mga lugar kung saan itong malupit at mapaniil na kaisipan ay nagdulot ng sadyang malubhang pagdurusa, pagkalugi sa kabuhayan at mga trahedya ay ang Africa. Ayon kay Darwin, ang lahing Europeo ay ang pinakamataas na antas o uri ng pagkalahi. At ayon sa bugtot na lohika ni Darwin, ang lahat ng mga mula sa lahing Asyano at Africano ay pawang napag-iwanan ng tinatawag na proseso ng ebolusyon. Ayon pa rin kay Darwin, hindi taong maituturing ang mga nabanggit na mga lahing ito. Sa kanyang aklat na pinamagatang “Descent of Man” (Ang Pinagmulan ng Tao), tinangka pa niyang makagawa ng mga kakaibang hula or propesiya patungkol sa mga lahi. Sa aklat na ito, ang mga tinaguriang “black people” (maiitim ang balat) at ang mga katutubo ng Australia ay nasa sa parehong katayuan at antas ng mga gorilya (malalaking klase ng unggol):
"Sa darating na panahon, hindi gaanong kalayuan sa isang siglo, ang mga “civilized” o sibilisadong lahi ng tao ay halos tiyak na lilipol at papalit sa mga mabababang uri ng tao (savage races) sa buong mundo. Kasabay nito ang walang dudang pagtapos sa lahi ng mga “anthropomorphous apes” o yaong mga unggoy na halos kawangis o malapit na halintulad sa tao. Ang pagitan ng tao at ng kanyang pinakamalapit na kawangis ay mas higit na magiging malawak, dahilang magdadala sa tao sa estado ng pagiging higit o mas ganap na sibilisado, gaya ng inaasam, hihigit pa sa mga Caucasian, at ilang mga lahing unggoy gaya ng baboon, sa halip na gaya ng sa ngayon sa pagitan ng negro o ng primitibo ng Australia at ng gorilya.” (Charles Darwin, “The Descent of Man” (Ang Pinagmulan ng Tao), Pangalawang edisyon, New York, A L. Burt Co., 1874, p. 178).
Ang ideya ni Darwin na ang lahing Africano ay lahing paurong daw (kung ang pagbabatayan ang proseso nga evolusyon) na dapat sanang nawala na ng tuluyan, ang nagbungsod sa kaisipang lehitimo ang (napakamalupit na) kolonisasyon o pagsakop na ginawa sa Africa at ang walang-awang pang-aalipin sa mga walang-malay at inosenteng Africano. Ang mga trahedyang dulot ng Darwinismo sa Africa, ay hindi naging limitado sa kolonyalismo at pang-aalipin lamang. Naging mitsa rin ito ng maraming kaguluhan at hindi pagkakasundo sa pagitan ng iba’t-ibang mga tribo at komunidad na naninirahan sa Africa, lalo’t higit ay ang siyang naging sanhi ng mga walang habas na patayan o ubusan ng lahi.
Kaguluhang Dala ng Darwinismo sa Buong Africa, Bagay na Hindi Kailanman Naganap Bago ang Kolonisasyon
Sa loob ng ilang libong taon, ang mga mamamayan ng Africa ay nanirahan ng mapayapa, kahit na ito’y nahahati pa sa iba’t-ibang mga lipi o tribo. At sa panahon din bago ang pananakop ng mga Europeo sa mga bansa ng Africa, halos walang “tribal wars” o digmaan sa pagitan ng mga tribo, at ito’y sa loob ng halos 300 na taon.
Ang ginawang kolonisasyon sa mga mamamayan sa kontinente ng Africa ay batay sa baluktot na ideya na ang “black race” o lahing itim ay hindi ganap ang “development” o pag-usbong kung ikukumpara sa lahing Europeo Anglo-Saxon. Kung pagbabasehan ang maling pananaw na Darwinista, ang mga mamamayan ng Africa, pagkatapos masakop ng mga Europeo, ay tinuringan ng mga Europeo na hindi pa modernong mga tao, na nahahati pa sa iba’t ibang klase o uri batay sa “evolutionary hierarchy” (antas ng ebolusyon), kasama na dito ang pagbase sa laki at timbang ng bungo, kulay ng balat, tangkad at istruktura ng buto upang uriin ang tao. Ang mga liping may masasabing mas mapuputi o mapupusyaw na kulay ng balat, mas mabibigat na timbang ng utak at mas matatangkad ay maituturing na mas “advance” o nakakahigit ang antas ng pagkalahi.
Ang mga liping sinasabing higit n nakakalamang sa mga katangiang pisikal o tinaguriang “superior Africans” ay pinaniwalaang mas makakasabay sa progreso gaya ng mga Europeo, kaya sila ang mga napatalaga sa pamumuno sa lahat lalo na sa mga tinuturing na “mahihina” o “inferior Africans”, sapat na itong pangangatuwiran upang ganap na pahintulutan ng mga mananakop ang mga “nakalalamang” na Africano upang magbigay ng malabis na pagpapahirap sa mga “mahihina.” Halimbawa, ang mga grupong napabilang sa matataas na pamunuan ay nanirahan ng komportable at marangya, samantalang ang mga “mahihina” ay isinuga sa pagtatrabaho ng mabibigat sa mga sakahan at mga minahan, mga ginutom at pinapatawan ng mga di-makataong pagpaparusa o sa ibang salita, nililikida ng tuluyan. At nang kalaunang lisanin ng mga mananakop ang mga rehiyon, naiwan din ang isang sistemang walang tunay na hustisya at walang tamang batas na nasusunod, kaya’t ang masamang batayang Darwinista na nauna ng nailatag sa kamulatan ng mga Africano ay nagresulta sa mas maraming kaguluhan na kung saan milyon-milyong buhay ang naibuwis sa lahat ng bansang napapaloob sa Africa.
Ang mga kaguluhang sibil ay patuloy pa ring nangyayari sa Kenya, Somalia, Darfur, Chad at Sierra Leone. Ang isang malaking bahagi ng panloob na tunggalian na nagaganap sa mga bansang Africano ay nagmumula pa rin sa diskriminasyon. Ang kalupitang naidulot ng mga maling turong Darwinista ay nag-iwan ng marahas na pananalasa sa mayamang kontinenteng ito. Gaya halimbawa na lang ng Rwanda, nang ang Rwanda ay naging isang kolonya ng Belgium, ang lahat ng mga “ethnic minorities” o liping etniko ay naninirahan ng mapayapa ng may ilang siglo na. Subali’t sa pagbibigay ng pamunuan ng Belgium ng “identity cards” o tarheta ng pagkakakilanlan sa mga Tutsis at Hutus, mga etnikong grupong dating magkakasundo, nagsimula na dito ang iringan. Ang lahat ng mga mamamayan ay tinipon sa mga grupo, at kinuha ang sukat ng kanilang mga bungo, tangkad, kulay ng balat at lapad ng ilong at ang mga ito ay itinala. Sa ganitong batayan lamang, napagpasyahan ng pamunuang Belgium na ang mga Tutsis ay nakalalamang o “superior” sa mga Hutus, kaya’t ang mga Hutus ay agarang ipinasok sa sapilitang pagtatrabaho (“forced labor”) sa mga sakahan ng kape na ang tanging batas na kilala ay ang hampas ng latigo, bukod pa dito ay ang mapailalim ang mayoryang Hutus sa minoryang Tutsis. Sa loob ng napakaraming taon, ang mga Hutus ay nakaranas ng di-mabilang na pagmamalabis, kalupitan at di-makataong pagtrato. Tandaan nating ang ginawang basehan ng Belgium upang bigyan ng lehitimong katwiran ang paglalagay ng mga Tutsis sa mataas na pamunuan ay sa mababaw na kadahilang ang mga Tutsis ay higit na matatangkad, maliit ang mga ilong at mas mapuputi o mapupusyaw ang kulay ng balat, mga katangiang mas maikukumpara sa mga Europeo ng higit kaysa mga Hutus, ayon na rin sa “evolutionary ladder” (antas ng ebolusyon). Kaya nga ito ang nagsilbing binhi ng mga sumunod na mga alitan at kaguluhan sa pagitan ng dalawang liping dating magkaibigan at hindi kailanman nakaranas ng anumang mga di-pagkakasundo. Sa kalaunan, ang isa sa kahindik-hindik na masaker sa loob ng siglong ito ay naganap sa bansang Rwanda – humigit kumulang na mga isang milyong mga Tutsis at “moderate” (bukas-isipan) na mga Hutus ay naging biktima ng pagpatay sa loob lamang ng 100 na araw.
Ang malaking bilang sa mga tunggaliang panloob sa Africa ngayon ay nagmula sa mga “ethnic divisions” o salungatang-etniko na namana pa sa panahon ng kolonyalismo. Ang mga mamamayang dating namumuhay sa gitna ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay na pagtingin at pagtrato sa bawa’t isa ay sapilitang tinuruan ng maling ideya ng Darwinismo, dito ginawang lehitimo o normal ang pang-aapi ng kapwa sa dahilang ang tao raw ay hindi tunay na pantay-pantay o sadyang may mas nakakalamang talaga kaysa sa iba, hindi na maitatago na ang lahat ng ito ay nilayon upang magtanim lamang ng kaguluhan sa bawa’t mamamayan ng Africa (ang Africano laban sa kapwa-Africano, ang pahinain ang sinasakop upang maging ganap ang layunin ng kolonisasyon). Ang walang-awa at di-makatarungang “class struggle” o labanan bungsod ng pagkakaiba ng mga antas sa lipunan, isa sa mga paniniwalang erehe ng relihiyong Darwinismo, ang siyang mapait na sanhi ng malawakan at patuloy na pagdanak ng dugo sa napakaganda sanang kontinente ng Africa.