ADNAN OKTAR: Ang Vakit, isang pahayagang Turko ay nagbabandera ng isang balita. Sila ay nagsusulat ukol sa ilang tao kada araw sa aking palagay.
Itong kapatid nating ito mula sa Adiyaman, si Fahri Yildiz. Dito, siya ay ipinakikita kasama ang kanyang pamilya.
Iyong nasa sa likod ay ang kanyang batang anak, si Harun Yahya. Sasabihin ko sa inyo ang kanyang kuwento.
Nakikita ninyo ba diyan? Ito ang ating maliit na si HarunYahya. Ito ang ating martir.
Itong kapatid nating naturan ay mahal ako at tayong mga kapatid niya, napakalalim na pagmamahal. Mahal na mahal niya tayo ng lubos-lubos, mahal na mahal niya tayo.
Siya ay isang taong tunay na napakalambing at mapagmahal. Mahal sa kanya ang Science Research Foundation, ang ating sariling foundation.
Ipinamumudmod niya ang aking mga libro sa Adiyaman sa boluntaryong paraan, ng walang anumang bayad. Siya ay nangaral sa lahat at inihayag niya ang patungkol sa Islam.
Pinangalanan niyang Harun Yahya ang kanyang batang anak dahilan na rin sa pagmamahal niya ng labis sa akin.
Etong maliit na ito, masdan, nasusulat din dito sa diyaryo, “Kasama si Harun Yahya sa edad na 8. Walong taon na ang nakalilipas,
.. ibinigay niya sa kanyang anak ang pangalang Harun Yahya dahil sa pagmamahal niya sa akin. Ito ay matapat na tao na may takot kay Allah.
Siya ay nagmula kay Abraham, isang Hudyo, tagasunod ni Noah (pbuh); sa madaling sabi isa siyang tunay na tagasunod ni Moises (pbuh), ni Muhammad (saas),
.. nangangahulugang isang malinis na Muslim. Isa siyang napakabusilak sa linis na nilalang. Ngayon kapag ikaw ay nagdukot ng baril at nagpaputok sa mukha ng kaharap mo, ito ay labag sa batas.
Ang kabayaran para dito ay ang walang katapusang apoy ng Impiyerno. Ito ay hindi pagsunod sa katuruang pangrelihiyon. Ang resulta nito sa kanya ay ang walang katapusang apoy ng Impiyerno.
Ang batas patungkol dito ay dapat na mapatupad, at akin itong ipapatupad. Ito ang sistema na naglalagay sa mga Muslim sa tila ba gilingan.
Unti-unti nila tayong inilalagay doon sa gilingan, nang dahan-dahan. At hindi tayo armado.
Wala tayong eroplano, o tangke, o mga armas, o tropa ng kasundaluhan o anupaman.
Maghihintay sila at sandali lang at magpapaputok ng rocket o bomba patungo sa Israel halimbawa. Isang primitibo, gawang-bahay na bomba.
Maglalagay lang silang ng pulbura sa isang tubo ng tubig. Ngayon ang Israel ay maghahayag na ng; ‘nagpapahagis sila ng mga bomba dito upang patayin tayo.”
Ang mga ito ay bumabagsak sa mga bakanteng lugar. Ang mga ito ay masyadong primitibo, gawa lang sa mga tubo o katulad nito.
Ang mga ito ay gawa-gawaan lang na mga bomba. Subali’t kung may mabagsakan, makapapatay pa rin ang mga ito.
Siyempre ang mga ito ay ipinahahagis na ang intensiyon ay ang makapagdulot ng pinsala o makapatay.
Kung ang isang tao ay nagpahagis ng bomba patungo sa isang siyudad, ano ang maaaring intensiyon nito sa pagpapahagis? Ipinahahagis ito ng para may tamaang nilalang.
Ngayon ang mga taong pinatatamaan ay magsasabi ng ganito; “o sige, hindi ganyan ang tamang pagpapahagis ng bomba, tingnan ninyo kung papaano ito ginagawa,” at sila ay susunugin hanggang maging abo.
Ngayon, iyon ba ay resonable o may tamang pagpapaliwanag, aking kapatid?
Papaano mo naipapahagis ang bomba sa isang isang hindi tukoy na lugar o target?
Papaano kung isang Muslim ang tamaan? Paano kung isang matapat na Kristiyano, o isang matapat na Hudyo?
Ang target mo ay siyempre iyong mamamatay-tao, iyong ateista o walang diyos, mga Zionista. Pero kahit na ang mamatay-tao ay isang walang dinidiyos na Zionista, hindi mo siya maaaring parusahan ng hindi dumadaan sa paglilitis.
Hindi sa ilalim ng batas ng Islam. At ang parusang kamatayan ay isang lubhang mabigat na kaparusahan.
Sinasabi sa atin ni Allah sa Banal na Qur’an na magpatawad maging doon sa nakapatay ng kapwa. “Mas makakabuti sa iyo ang magpatawad,” sinabi Niya.
Kaya, saan manggagaling ang paghuhusga? Batay sa ano, kung ito ay ipapatupad? At kahit na alam pa nila, hindi rin ito makapagdududlot ng mabuti.
Hindi nila alam kung ang tatamaan nito ay Muslim o ateista o sinuman. Basta ang nais nila ay magpaputok.
Ang kabila naman ay basta na rin magpapaputok ng bomba sa kung sino na lang ang makita, mapa-babae man o mapa-bata man ang mga ito.
Pagkatapos, ang marami ay dadagsa sa mga kalye.magsisigawan at maghihiyawan pa.
Hindi ko nais na sabihin ay ganoon, nawa’y patawarin ako ni Allah. Nagsisigawan sila ng hanggang sa abot-kaya nila, iyan ang aking ibig sabihin.
Kaya nga nasa dead-end tayo dito. Ito ay patuloy lang na mangyayari. Sila ay mapapahagis ng bomba at ang kabila ay gaganti ng bomba pabalik sa kanila.
Ito ang lagi na lang na magaganap at napakarami na ang naging martir. At sila ay nagtatanong sa akin
“Bakit hindi mo sinusuportahan ang ganitong sistema? Halika at sumama ka sa amin at makisuporta sa ganitong kalakaran,” ang sabi nila,
Subali’t ang sasabihin ko ay hindi marapat na magpahagis ka ng bomba sa random na target lang . Ang ibig kong sabihin ay ang magpahagis ng bomba sa mga hindi kilalang target.
Kailangang ilagay ninyo ang mga taong ito sa paglilitis, bawa’t isa sa kanila. Mayroon tinatawag na “principle of individuality of crime.”
Kailangang husgahan mo ang tao ng naaayon. Kung magpapahagis ka ng bomba sa kanila, ikaw ay naglalaro lamang sa kanilang mga kamay.
Binibigyan mo pa nga sila ng karapatang kumilos upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Sa ilalim ng kanilang mga batas at maging ayon sa sarili nilang lohika, sila ay babalik at pupulbusin kayo ng mas grabeng pambobomba.
Hindi ko sinasabi na sila ay tama, subali’t ito ang kanilang ginagawa,
Ngayon tingnan mo na ang ganitong sistema ay patuloy na namamayani ng walang naliligtas.
Tatanungin nila ako, “Bakit hindi mo sinusuportahan ang ganitong sistema?” Hindi ko susuportahan ang ganyang klase ng sistema. Ito ay hindi katanggap-tanggap.
Ano ang tamang paraan na magagawa? Aking kapatid, ang sasabihin mo ay pagsama-samahin mo lahat ng mga Muslim at sabihin ang, “ikaw ay dumaranas ng panggigipit sa lahat ng lugar. Ang ating mga kapatid ay patuloy na minamartir sa Silangang Turkestan,
.. at milyon-milyon sa mga kapatid natin sa Afhanistan ay pinagpapatay.
Milyon-milyon na ang namartir sa Iraq. At kahalintulad din ito sa Palestine.
Ito ay lagi-lagi na lang nagaganap. Ang sinasabi ko ay ganito sa kanila, “Halikayo para kay Allah, ito ang ipinag-uutos ni Allah, halikayo at magsama-sama.”
Tingnan, ito ang unang hakbang. Halikayo at ating itatag ang isang Turkish-Islamic Union,
Masdan muli, ang mga Turko ay pumapatay na sa kapwa nila Turko. Alam n’yo ba na may mga balita sa pahayagan tungkol dito.
Subali’t ang parehong kampo ay mga Turko, sila ay magkakapatid. Hindi na ito bago. Hindi rin ito limitado lang sa mga Uzbek at Kyrgyz.
Ito ay nangyayari rin sa mga Kazah. Ang ating mga kapatid na Turko ay pumupunta doon mula sa Turkey. Ang kanilang mga pinagtatrabahuhang lugar ay makailang ulit ng inatake.
Iniwan nila ang mga ito na puno ng dugo, mga pinagbubugbog at pinabalik dito.
Itong malungkot, at hindi magandang kinabukasan sa ating pakikipag-ugnayan ay patuloy na nagaganap dahil walang Turkish-Islamic Union.
Kapag nabuo na ang Turkish-Islamic Union, mapa-Kazakh man, o mapa-Turkmen, o mapa-Uzbek, o mapa-Kyrgyz na mga tao,
..o maging sino pa man ay hindi magagawang atakihin ang isa’t-isa.
Hindi ito mangyayari. Mawawala na ang patuloy na pagbobomba o pananalasa dahil sa kaguluhan sa mundo ng mga Muslim. Wala nang maririnig pa ni isang taghoy ng pasakit.