Hango mula sa isang panayam kay G. Adnan Oktar, ika-6 ng Agosto, 2010
-Ang paglulunsad ng jihad ay isang pagkilos, ang pagsusumikap upang palaganapin ang relihiyon ni Allah.
Halimbawa, sa pagkakataong ito, tayo ay naglulunsad ng jihad, tayo ay nagsusumikap, nagpapakita ng pagpupursigi at nagtutulak.
Hayaan mong bawiin ko ang naunang nasabi ko, hindi nagtutulak, nawa’y patawarin ako ni Allah, ang aking nais sabihin ay lahat tayo ay nagsusumikap sa abot-kaya natin bilang mga tao.
Ang mga tao ay kadalasang nagkakaroon ng pagkalito sa pagkakaiba ng jihad at ng digmaan, ng pakikipaglaban (Qital).
Iniisip nilang magkapareho lang ang mga ito. Mali ito.
Ang pag-uutos na pakipagdigma ay sadyang naiiba, dito kasama ang pakikipagsagupaan.
Halimbawa, inatake ang mga Muslim, ang kanilang mga buhay, mga ari-arian at ang kanilang dangal ay inatake
.. at ang isa sa mga Muslim ay napatay sa malawakang giyera na inulunsad laban sa kanila. Siya ay namatay bilang martir.
Nagiging obligasyon ngayon para sa mga Muslim an ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa pag-uutos na rin ng estado.
Sa punto ito, ang pakikidigma ay kinakailangan na. Ang ibig kong sabihin ay isang pag-atake ang kinakailangan ng may layuning ipagtanggol na ang mga sarili.
Ito ay dahil sa pinapatay na sila ng walang awa. Wala ng ibang natitirang alternatibo o pagpipilian pa.
Wala ka ng paraan pa upang makaiwas dito. Kung ang tanging paraan na lang upang mapigilan ang mga walang awang pumapatay sa inyo ay ang pakikidigma,
.. noon ang ganitong pakikidigma upang ipagtanggol ang mga sarili ay naganap sa panahon ng ating Propeta ( nawa’y pagpalain siya ni Allah at pagkalooban ng kapayapaan).
Ang mga giyerang naganap sa Trench at Badr, sila ay mga depensibang pakikidigma, at Si Allah ang Siyang nag-utos sa kanila ng pakikidigmang ito.
Ang mga kondisyon ng pakikipagdigmaan ay natupad. Ang ibig kong sabihin ay ang mga tao ay pinagpapatay ng walang habas.
Subali’t papaano? Ang mga kalaban ay nasa iyong harapan mismo, ga-dipa sa iyong lalamunan at pinagpapapatay ang mga kababaihan at ang mga bata at ang lahat.
Wala ka nang matatakasan pa palabas. Ang pagpipilian mo lang ay ang lipulin sila o patuloy na makipagtunggalian. Ang sinabi ni Allah “lipulin mo silang lahat.”
Ang mga Muslim ay nagsusumikap para sa kanilang mga buhay bilang pagtatanggol sa kanilang mga sarili, pero ito ay iba pang isyu.
O dili kaya’y, iba pa sa nauna, ang jihad ay nangangahulugan ng pangangaral, ito ay ang pagpapalaganap ng relihiyon at pananampalataya.
- Insha’Allah.