ANG BANSANG TURKEY ANG SIYANG LIKAS NA DAPAT MAMUNO SA UNYONG TURKO-ISLAM
ucgen

ANG BANSANG TURKEY ANG SIYANG LIKAS NA DAPAT MAMUNO SA UNYONG TURKO-ISLAM

1555

Ang binubuong Unyong Turko-Islam na kung saan magsasanib ang dalawang mundo – ng Turko at ng Islam – ay isang tunay na puwersa sa pagsagip sa kapayapaan sa mundo. Marami ang hindi panatag sa ideyang ito dahil na rin sa terminong “Unyong Turko-Islam,” at naniniwalang imposibleng magkaroon ng isang pagsasama sa ilalim ng pamumuno ng mga Turko. Datapuwa’t ang katotohanan, ang ating Propeta (saas) ang nagsabi na ang bansang Turkey ay gaganap ng isang mahalagang papel sa Pagtatapos ng Panahon, na kung saan tayo ay namumuhay na. Bilang karagdagan, ang mga kaganapan sa kasaysayan at politika ay nagtuturo rin sa bansang Turkey bilang siyang tunay na likas na lider para sa pagsasanib na Turko-Islam.

Ang Unyong Turko-Islam ay hindi nababase sa anumang kaantasan ng lahi.  Ang ideyang ito na may mas nakahihigit na lahi kaysa iba ay labag sa basehang moralidad sa Banal na Qur’an, at sadyang imposible para sa sinumang Muslim ang magpahayag ng ganito. Sa Banal na Qur’an, sinabi ni Allah na ang superyoridad o pagiging higit ay naaayon sa isang bagay lamang, ang “taqwa” (takot kay Allah):

O sangkatauhan! Katiyakang nilikha Namin kayo mula sa isang ama lamang na ito ay si Âdam, at sa isang ina lamang na ito ay si Hawwa`, na kung kaya, walang pagtatangi-tangi sa pagitan ninyo sa lahi, at ginawa Namin kayo dahil sa pagpaparami ng lahi na mga sambayanan at iba’t ibang tribo, upang makilala ninyo ang isa’t isa, at dapat ninyong mabatid na ang pinakamataas sa inyo sa paningin ng Allâh(I)ay ang sinumang pinakamatakutin sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga ipinag-uutos at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal. Katiyakan, ang Allâh(I)ay ‘`Aleem’ – Ganap na Nakaaalam sa mga matatakutin sa Kanya, na ‘Khabeer’ – Ganap ang Kanyang kagalingan na Nakababatid nang ganap sa kanila.(Surat al-Hujurat, 13)

Ipinakita rin ng ating Propeta (saas) ang uri ng pag-uugali na siyang dapat ipamalas ng isang Muslim ukol sa paksang nabanggit, sinabi niya: “ang isang Arabo ay hindi higit na mataas kaysa sa isang hindi Arabo.”

Kung sa simula pa lamang ay naroon na ang paggamit ng kahigitan sa lahi, maliwanag na walang tagumpay o pag-asensong igagawad si Allah sa isang sistemang wala sa katinuan at hindi naaayon sa Banal na Qur’an at sa Sunnah. Sa paghingi ng pagtatatag ng Unyong Turko-Islam, dapat isaisip natin ang antas ng moralidad, ang di-makasariling  paglilingkod at ang busilak na kagustuhang maprotektahan ang mahihina, ang mapangalagaan ang kalikasan, ang patuloy na pagtataguyod sa Islam, at ang klase ng hustisya na mayroon ang bansang Turkey, at dapat na ring banggitin, kung makikita natin ang kalagayang pangmoralidad ng nasabing bansa, tama lamang na siya ay mamuno sa pinagpalang unyon na ito. 


Karagdagan pa sa lahat ng ito, ang bansang Turkey ay nanggaling sa Empirong Ottoman na may makasaysayang ugnayan sa rehiyong Turko-Islam. Iyon nga lang mula nang matapos ang Empirong Ottoman, naging mailap na ang kapayapaan at katatagan sa malawak na lupaing ito. Ang katotohanang ito ay madalas banggitin ng mga politiko at mga tagasalaysay, parehong mula sa Silangan at Kanluran bahagi ng mundo, na ang rehiyong ito ay naghahanap ng hustisya at kaayusang gaya ng dating nagawa ng mga Ottoman. Ang bansang Turkey ay may angkop ng karanasan at kakanyahan para sa agarang pagpapatupad ng ganitong klase ng kaayusan. Malaking kagandahan na rin ang pagkakaroon nito ng mga tagapamahala (managers) na may magandang klase ng edukasyon, marurunong kumilos sa tama (moderates) at may balanse o patas na pagtingin. Kung pakatitingnan ang mundo ng Turko-Islam, walang namumukod na bansa na handa sa ganitong mabigat at malaking responsibilidad maliban sa Turkey. At wala rin namang ibang bansa dito na tumututol sa Turkey na umakto bilang nakatatandang kapatid sa kabuuan ng mundo ng Turko-Islam. Sa maikling salita, ang mundo ng Turko-Islam ay iisa sa pagsang-ayon sa pamumuno at pangangalaga ng bansang Turkey, at sa papel nito bilang nakakatandang kapatid (older brother).

Ang panahon na kung saan tayo ay namumuhay ay siyang takdang panahon na sa pangangailangan ng mundo ng Turko-Islam upang mabuo sa ilalim ng iisang lider-ispirituwal at ang kumilos ng buo. Ang mga Muslim sa buong daigdig ay nagugulumihanan na at naghihirap. Ang mga kapatid natin sa Silangang Turkestan ay nakakaranas ng iba’t ibang klase ng pagpapahirap (tortures) at hindi kapani-paniwalang mapanikil na pamumuno o pagsikil sa karapatan (oppression) sa loob ng nakalipas ng animnapung (60) taon na. Ang mga Muslim sa Palestina ay pinagpapapatay (slaughter) sa humigit kumulang na kalahating siglo na, at mga namumuhay bilang “exiles” sa sarili nilang lupang pag-aari. Ang mga balita ukol sa mga nangamamatay sa Iraq ay dumarating halos araw-araw, at ang mga kapatid natin sa Kirkuk ay namumuhay ng may takot at pangamba sa kanilang mga buhay. Ang mga Muslim sa Crimea ay nagsusumikap na mabuhay sa gitna ng napahirap na mga kalalagayan, ang pagdanak ng dugong Muslim ay halos pang-araw-araw na kaganapan sa Afghanistan, at  libo-libong Muslim sa Pakistan ay namumuhay rin bilang “exiles” sa sarili nilang bansa. Kamakailan lamang, ang ating mga kapatid sa Bosnia ay nakaranas ng malawakang pagpatay (genocide) bagay na nasaksihan ng buong mundo at naganap pa sa mismong gitna ng Europa. Naparaming mga kulungan sa iba’t ibang bansa na napupuno ng mga bilanggong Muslim dahil na rin sa kanilang mga pananaw at pananampalatayang Islam. Ang mga ganitong paghihirap, mga masaker, kaguluhan at pasakit ay hindi nabago. Ang mga Muslim ay walang habas na sinisikil ang mga karapatan sa loob ng kalahating siglo na. Posible lamang na ang ganitong mga kuropsyon ay magwakas at matigil ang pagdanak ng dugo sa pamamagitan ng pagtatatag ng Unyong Turko-Islam. Ang tanging solusyon na makapagliligtas sa Palestina, Iraq, Afghanistan, Silangang Turkestan, Crimea, Kirkuk at Moro ay ang Unyong Turko-Islam.

Sa panahong batid ng lahat na may agarang pangangailangan sa pagbuo ng Unyong Turko-Islam, ang mga taong nagsasabing ang pinagpalang kapatirang ito ay imposible, yaong mga taong hindi naghahangad na mabuo ito, at walang anumang pagsuporta sa ganitong gawain, ay dapat na magising na may malaking responsibilidad na nakaatang sa kanila. Hindi nila dapat balewalain na mga pagpapahirap at paninikil ay kasalukuyang nagaganap sa bawa’t sulok ng mundo. Ang sinumang Muslim na hindi sumasang-ayon sa pakakaroon ng Unyong Turko-Islam ay responsable sa bawa’t patak ng dugo na dumadanak sa malawak na lupaing ito, sa bawa’t bahay na ginigiba, sa bawa’t inosenteng buhay na kinikitil at sa bawa’t nilalang na namumuhay sa gitna ng gutom at kawalan, ang mga taong ito ay halos sila na rin ang gumagawa ng mga krimeng ito.

Ang pagtatatag ng Unyong Turko-Islam ay siyang solusyon na ipinahiwatig ni Allah sa Banal na Qur’an at ng ating Propeta (saas) na siyang inilahad sa mga hadith. Ang pagkakaisa ay isang obligasyon batay sa Banal na Qur’an, at ang paghihiwa-hiwalay ay isang kasalanan. Ang aming inaasahan ay ang magsama-sama ang mga tao at agad na magsimula sa pagbuo ng Unyong Turko-Islam, gaya na rin ng ipinag-utos ni Allah, “At hawakan ninyo nang mahigpit ang Aklat na mula sa inyong ‘Rabb’ na Tagapaglikha (Allâh I), at ang patnubay ng inyong Propeta, at huwag kayong gumawa ng anumang bagay na magiging dahilan ng inyong pagkakahiwa-hiwalay…” at ang lahat ng paghihirap at sakit na nagaganap ay tuluyang magwawakas, at ang buong mundo ay makaranas ng kapayapaan at kanapatagan.
 


IBAHAGI
logo
logo
logo
logo
logo