Isang ulat na palagiang binibigyang halaga ng mga maka-Darwinismo sa kanilang mga limbagan ay nakakuha ngayon ng atensyon sa mga malawakang publikasyon. Isang bahagi ng “artificially manufactured DNA molecule” ay nailipat sa nucleus ng isang selula at ang DNA nito ay naobserbahang gumagana sa loob ng naturang selula. Ang paksa na ito, na nakabandera sa mga balita ng mga limbagang Darwinista at sa ilalim ng mga captions gaya ng “synthetic genome brings new life to bacterium” at “creation of a bacterial cell” (si Allah ay tunay na higit pa rito), ay ginagamit na kasangkapang upang makagawa lamang ng atensyon patungo sa Darwinismo. Ang ilang pahayagan gaya ng Financial Times ay nagsabi na ang mga pangarap ng mga ebolusyonista na makabuo ng buhay mula sa wala ay natupad na. Subali’t ang katotohanan, ang naturang pananaliksik ay hindi sumasagot sa kung papaano nagsimula ang buhay, bagay na sadyang hindi masagot ng mga Darwinista. Sa kabilang banda, ang pagsasaliksik ngang ito ay higit pang nagpatunay kung gaano kasalimuot ang DNA sa loob ng mga selula.
Narito ang mga pagpapaliwanag ukol sa paksa:
Mycoplasma mycoides
• Matapos ang artipisyal na synthesis sa isang Mycoplasma genitalium (Mycoplasma mycoides) na ginawa sa laboratoryo, ang siyentipikong Amerikanong si J. Craig Venter ay nag-transplant nito sa cell nucleus ng isa pang mycoplasma, at ang selula ay patuloy na gumana sa pamamagitan ng nasabing DNA.
• Ang proseso na isinagawa ay walang pinagkaiba sa pamamaraang kilala sa tawag na cloning.
• Ang kopya mula sa DNA ng isang Mycoplasma mycoides, binubuo ng 1.08 milyong base sequences, ay isinagawa sa ilalim ng isang kondisyong panlaboratoryo at inilipat sa loob ng isang selula ng isang bagay na may buhay.
• Walang DNA na ginawa, walang impormasyon na wala ito dati at siya nilang nabuo, at walang artipisyal na DNA sequence ang nabuo mula sa wala sa loob ng isang laboratoryo. Ang DNA ay dati nang nasa sa loob ng selula. Walang naiba sa proseso na isinakatuparan - kinuha ang DNA kasama ang mga ekstraordinaryong impormasyon nito, isinaayos at inilipat (transplant) patungo sa isa pang selula.
• Ang “re-engineering” ay isinagawa ng mga mulat na siyentipikong mulat din sa ekstraordinaryo at masalimuot na pagkakabuo ng impormasyon sa loob ng DNA, sa pinakamodernong laboratoryo at sa ilalim ng sapat na kontroladong kondisyon, gamit ang isang dati ng specimen na si Allah mismo ang lumikha mula sa wala, at pag-eeksperimento sa loob ng maraming taon na.
• Ang proseso ng cloning na isinagawa sa isang bacterium ay magagawa lamang bilang resulta ng higit sa sampung taon ng pananaliksik na nagkakahalaga ng $40 milyon dolyares, ng isang grupo na binubuo ng dalawampung siyentipiko, at ilang libo pang katao sa likod nila.
• Ang pagsisigasig ng mga siyentipiko upang ang isang dati ng specimen ay mailipat ng mga mulat na indibiduwal sa isang kapaligirang may kamulatan, ay lalong patunay lamang na walang ni isang kopya ng isa man sa mga masalimuot na istraktura ang maaaring buuin ng wala ang dati ng nabubuhay na specimen, ng walang mulat na pagkilos o pakikialam at ng walang teknikal na aparato.
• Ang tuklas na ito ay isang magandang bagay sa ngalan ng siyensya. Habang ang pagsasaliksik sa genome ay yumayabong, maaari maging possible na nga ang pagkopya sa DNA mula sa isang buhay na selula at i-transplant ito sa ibang mga selula. Kung mamatupatin ni Allah, ang pagsasaliksik na ito ay maaaring magamit sa maraming paraan na magbubunga ng benepisyo, gaya na lang ng pagtuklas ng gamut sa maraming sakit. Sa ulit, lahat ng pagkilos na ito ay ginawa sa mga dati ng istraktura ng may sadyang kamulatan. At ang ilahad ang mga eksperimentong ito, na alam nating may sapat na kamulatan ang nagsagawa sa mga dati ng istraktura at ayon sa kontroladong paligid, na mga ebidensiya ng ebolusyon ay isang malaking kasinungalingan o panloloko, bagkus ang mga ito ay pahiwatig lamang sa pagtalo ng Darwinismo. Ito ay isang mahinang ispekulasyong ginagamit ng mga Darwinista na hindi kayang magpaliwanag ukol sa buhay – sa simula at kabuuan nito.
• Kung ang nais ng mga Darwinista na patunayan ang kanilang mga inihahayag, dapat silang MAKAGAWA ng mga elemento o sangkap na bumubuo sa buhay ng MULA SA WALA. Matapos ito, dapat nilang maipaliwanag kung papaanong ang mga ito ay nabuo bilang resulta ng pagkakataon lamang o “blind chance,” sa isang hindi kontroladong paligid na sadyang may malalaking panganib sa buhay, at ng walang pakikialam sa pagkakaroon o pagkakabuo nila. Ang katotohanan ay ito, ang mga Darwinista ay hindi makayang makabuo ng NI ISANG PROTINA sa isa na ngang kontroladong paligid at nang may pakikialam pa dito. At ito ay sadyang imposible talagang magawa nila.
• Sa pananaliksik na ito, sa muli ang mga Darwinistang siyentipiko ay nagpatunay, mula sa kanilang sariling mga kamay, ukol sa kasalimuotan ng buhay at hindi maaaring mabuo dahil sa pagkakataon lamang ng maging sa pinakamaliit na komposisyon ng buhay.
• Dapat liwanagin na ang resulta ito ay HINDI KATUMBAS NA NG BUHAY. Ang buhay na selula ay isang buo na sa loob nito ay maraming iba pang masasalimuot na mga bahagi, at nabubuo lamang kung ang lahat ng ito ay naroroon sa parehong lugar at oras at nagsasama-sama upang makabuo ng isang tunay na magarbo’t masalimuot na organisasyon. Ang pagta-transplant ng isang ekstraordinaryong at masalimuot na DNA ay isang paggaya lamang sa isang napakaliit na bahagi lamang ng dati ng sistemang namamayani. Ang mga Darwinista na nagmamamalaki na ukol sa pagkakaroon ng DNA sa pamamagitan ng pagkopya dito ay malayo pa para masabi nilang kaya na nilang makabuo ng isang bagay na may buhay sa sarili nito o maikling salita, ng buhay na selula, Sila ay nananaginip lamang, dahil maraming mabibigat na hadlang para magawa nga nila ang bagay na ito.
• Higit pa diyan, at pinakamahalaga sa lahat, ang pagsasaliksik na tinutukoy ay WALANG KINALAMAN SA KUNG PAPAANO NAGSIMULA ANG BUHAY. Ang pananaliksik na ito ay hindi pa rin makapagtapos sa dead-end na kinapalooban ng mga Darwinista ukol sa paksa ng pinagmulan ng buhay. Ang dead-end na ito mismo, na siyang sumisira sa Darwinismo, ay higit pang lumalawak patungo na sa tuluyang pagbagsak ng Darwinismo.
• Si Jim Collins, isang propesor ng biomedical engineering mula sa University of Boston, ay tutol sa ispekulasyong ito sa pananaliksik sa cloning, inihayag niya ito sa magasin, ang Nature:
“Ang resulta na inihayag ni Venter at ng kanyang mga kasama ay isang mahalagang panibagong tuklas sa abilidad nating na mabago o mapakialaman (“re-engineer”) ang mga organismo; subali’t hindi ito maaring maging maitumbas sa pagbuo’t pagkakaroon ng buhay mula sa wala.” [1]
Konklusyon:
Isang katangian ng mga Darwinista ay ang kanilang pagsisigasig na makagawa ng istrakturang kagaya o kahalintulad sa kagandahan ng Paglikha (Creation) at ng ayon sa maka-Darwinistang pananaw, ginagamit nila ang lahat ng publikasyong kontrolado nila at sadyang pinaigting pa ang mga pagpapahayag. Ang panggigigil ng Darwinista ay lalong higit na kapuna-puna mula ng ang mga bagong tuklas ng siyensya ay unti-unti nang nagpapabulaan sa teorya ng ebolusyon. Patunay na tumatagilid na nga ang maka-Darwinistang paniniwala.
Para sa teorya ng ebolusyon, na pilit na nagpapaliwanag ng buhay sa simpleng pamamaraan lamang, ang mga bumubo (building blocks) ng buhay ay dapat mga simple din lamang. Kung kaya dapat daw ang patungkol sa buhay ay umaayon sa mali at salat sa katotohanan ng katuruan ng mga Dawinista, na ang lahat ay nabuo dahil sa tsansa o pagkakataon lamang. Kaya nga, kung ang sinasabi ng mga Darwinista ay totoo, ang likhang-isip na na kauna-unahang selula na nabuo raw sa maputik na tubigan ay wala pinag-iba sa usang lobo na pinuno ng tubig na inihayag ni Darwin mismo. Subali’t ang katotohanan ay iba at malayo dito. Dahil kahit na ang isang sa mga protina na bumubuo sa isang buhay ay may sadyang napakalawak at masalimuot na istraktura. Ang mga maka-Darwinista siyentipiko sa maraming panig ng mundo ay matagal ng nagpipilit na magawa ang isang bagay sa loob na ng 150 taon, at sila ay lubhang nabigo dito: ANG MAKAGAWA NG ISA MAN LANG NA PROTINA.
Sa dahilang ito, kung ang paggaya (cloning) na ginawa sa isang DNA ay gagawin nilang ebidensya na ng ebolusyon at ang patuloy na panggigil ng mga Darwinista, ay hindi makapagpapaiba sa katotohanan, at hindi na nila kayang makapanloko pa. Ang importanteng katotohanan ay ang pagkakaroon ng ekstraordinaryo at kasalimuotan ng buhay. Ang lawak ng pagsusumikap na maunawaan ang isa pa lang na parte ng masalimuot na buhay o makakuha ng kakopya nito ay maliwanag na patunay na. Sa totoo lang, ang mga taong ito na nagbigay ng higit pa sa sampung taon ng pananalisik upang maunawaan ang isa DNA pa lamang sa loob ng laboratoryo, ay nakakita mismo kung gaano ang kagila-gilalas ang mga DNA molecules sa bawa’t isa sa 100 trilyon na selula sa katawan ay patuloy pagsasakatuparan sa mga nakaatang nilang mga gawain sa loob ng ekstraordinaryong sistema at ng may regularidad. Dahil ang gumawa sa kanila ay ang Allah. Nilikha sila ni Allah mula sa wala. Ang Pinakamakapangyarihang Allah ay ang Panginoong ng lahat-lahat ng bagay, ang Maylikha ng langit at lupa, Sa bawa’t araw na darating, ang siyensya ay magpapatuloy na magpakita ng mga bagong katibayan na siyang magbibigay patotoo at pagsamba sa kaluwalhatian ng ating Panginoon. Ang bawa’t bagong matutuklasan sa larangan ng siyensya ay patuloy pa rin na magbibigay katibayan sa kadakilaan ng Paglikha. Narito ang pahayag ni Allah sa isang ayat:
Dapat mong mabatid na ang lahat ng niloloob ng mga kalangitan at kalupaan ay bukod-tanging Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I), at walang anuman ang pagmamay-ari ng sinuman bukod sa Kanya. Dapat mong mabatid na ang pakikipagharap ng Allâh (I) at pagpaparusa sa mga nagtambal o sumamba ng iba ay katiyakang magaganap, subali’t ang karamihan sa kanila ay hindi nila batid ang katotohanan hinggil dito. (Surah Yunus, 55)
[1]“Artificial life? Synthetic genes 'boot up' cell, Reuters,
http://www.reuters.com/article/idUSTRE64J5RY20100520?feedType=nl&feedName=usmorningdigest