Immanuel Kant: Nagmungkahi ng ideyang ang sanlibutan ay walang simula o katapusan man. Siya lubos na nagkamali. |
Ang sanlibutan ay isang bagay na hindi nilikha, kung nilikha man ito, ginawa dapat ito ng Diyos ng isang iglap at nagmula mula sa kawalan. Kung tatanggapin ang konsepto ng paglikha, bago ang lahat, dapat nating tanggaping ang isang sandali ng ang sanlibutan ay wala pa sa wari, at may isang agmula galing sa kawalan. Ito ay isang bagay na hindi kayang tanggapin ng siyensya. 3
John Maddox: Ang kanyang propesiya ukol sa “Big Bang” ay lubos na nabigo. |
Tunay na ang pagkukumpisal ay nakakabuti sa kaluluwa, kung kaya ako’y magsisimula sa pamamagitan ng isang pag-amin na ang mga ateistang Stratonika ay mapapahiya sa mga kasalukuyang konsenso o napagkasunduan sa larangan ng kosmolohiya. Kung saan ang mga kosmolohiko ay nakapagbigay patunay sa pamamagitan ng siyensya sa mga bagay na ayon kay Santo Tomas ay hindi kayang patunayan ng pilosopiya na ang sanlibutan ay walang simula o pinagmulan. Hangga’t ang sanlibutan na komportable nating maituturing na parehong walang simula at walang katapusan, patuloy pa rin na madaling sabihing sapat ng patunay ang kung anumang pangunahing katangiang nakikita’t namamalas na natin. Sa aking sariling pananaw ay ito pa rin ang katotohanan. Subali’t hindi na ito kasing dali o komportableng gawing konklusyon sa gitna ng teorya ng Big Bang. 5
Sa aking palagay….dapat na nating….tanggapin na isa lamang ang eksplanasyon o paliwanag, at ito ay ang konsepto ng paglikha. Alam kong ito ay parang isang sumpa sa mga pisisista, gayundin sa akin, subali’t kung ang mga ebidensya ng mga eksperimento ay patuloy na sumusuporta dito, hindi na natin dapat pang itanggi ito. 7
Ang bilis (“speed”) ng unang paglaki o paglawak ng sanlibutan (puwersa ng pagsabog ng Big Bang) ay nasa eksaktong belosidad (“velocity”) na nararapat. Ayon sa kalkulasyon o pantantiya ng mga siyentipiko, kung ang aktuwal na bilis ng paglawak (“expansion rate”) ay naiba sa aktuwal na bilang ng higit isang parte sa isang bilyong bilyon, ang sanlibutan ay maaring muling sumabog o gumuho bago pa nito naabot ang kasalukuyan nitong laki o maaari sumabog ito sa iba’t-ibang dako’t direksyon upang maging imposible itong magkasama-sama pa muli. Sa maikling salita, sa unang punto pa lang ng pagkakalikha ng sanlibutan, mayroon ng binusisi o maayos na kalkulasyon na tumpak na tumpak sa bilyong bilyon.
Ang apat na puwersang pisikal (“physical forces”) sa sanlibutan (“gravitational force, weak nuclear force, strong nuclear force, electromagnetic force”) ay lahat nasa sa tama at kinakailangang antas upang ang isang maayos at balanseng sanlibutan ay mabuo at upang magkaroon ng buhay dito. Maging ang pinakamaliliit nitong pagkakaiba-iba (halimbawa, isa sa 1,039 o isa sa 1,028; ito’y isang pagtantiya lamang, isa sa bilyong bilyong bilyon), ang sanlibutan ay maaaring napuno lamang ng mga radyasyon (“radiation”) o ng wala ng iba pang elemento maliban sa “hydrogen.”
Napakarami pa na ibang pino pagkakaayos kung kaya’t ang mundo ay naging tamang-tama o “ideal” para mabuhay ang tao dito: ang sukat ng araw (“sun”), ang layo (“distance”) nito mula sa mundo, ang pagkakaroon nito ng kakaibang katangiang pisikal at kemikal sa tubig, ang haba ng daluyong ng mga sinag ng araw (“wavelength of the sun’s rays”), ang kung papano nahawakan ng atmospera ng mundo ang iba’t-iba gas na kinakailangan sa paghinga ng tao, o maging ang “magnetic field” ng mundo na sadyang tama sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay. (Para sa higit pang impormasyon sa nasabing paksa, tingnan ang Harun Yahya, “The Creation of the Universe” (Ang Paglikha ng Sanlibutan), Al-Attique Publishers, 2001)
Papaano naging posibleng nangyari ito [na ang mga batas ng pisika ay umaayon sa pagbuo ng buhay]?....Habang sinisiyasat natin ang mga ebidensiya, hindi maiwasang igiit ng ating isipan na may isang higit sa karaniwang nilalang (“supernatural agency”) – o Nilalang (“Agency”) – na maaaring may kinalaman sa lahat ng ito. Na posibleng sa isang iglap na hindi sinasadya, natisod natin ang siyentipikong patunay ng pagkakaroon ng isang Dakilang Nilalang (“Supreme Being”)? Ito kaya ang Diyos, ang Siyang kinalaman sa lahat ng ito sa sanlibutan, na Siyang maingat na lumikha ng buong kosmos para sa dakilang benepisyo ng mga tao? 10
Ang mga bagong kaganapan sa astronomiya sa ika-20 siglo ay nagbibigay ng isang dramatikong paghamon sa haka-hakang matagal ng pumapalaot sa mundo ng siyensya sa nakalipas na apat na siglo: na ang buhay ay incidental o nagkataon lamang at sadyang nasalalay lamang sa kaganapang kosmiko. 12
Nang subukan ng mga siyentipikong higit pang pakasuriin ang atomo, sa kanilang pangkamangha ay natuklasang nila itong “empty” o walang laman. |
Ang mga atomo ay kakaibang mga bagay, mga kumikilos bilang mga aktibong ahente imbes na basta tahimik o nananatili lang na substansya. Gumagawa sila ng hindi natin mahuhulaang pagpili sa pagitan ng mga alternatibong posibilidad ayon sa batas ng “quantum mechanics.” Lumalabas na tulad ng utak ng tao, animo’y may isip ang mga atomo dahil na rin sa ipakikita nilang pagpili sa kanilang pilingt galaw.14
Kailangan pang umabot ng libo-libong taon bago nadiskubre ng isang Einstein, kakatwa man, na ang basehan ng “matter” ay ang enerhiya, na ang matter ay sadyang “condensed energy” o binubuo ng enerhiya. At kinailangan pa rin natin ng ilang pahon pa bago natin natuklasan at natanggap na may isa pang higit pa sa isang bagay, mas mahalaga pa kaysa sa enerhiya na siyang bumuo ng basehan ng enerhiya mismo. 15
Ang relasyon sa pagitan ng matter at enerhiya, ang “quantum wave functions,” ay may napakalalim na kahulugan. Ang siyensya ay maaaring papalapit na sa realisasyong ang kabuuan ng sanlibutan ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng impormasyon, karunungan at ideya, gaya ng mga atomo na maliwanag ng ekspresyon ng isang kakaiba at mas malaking pinagmulan halos halintulad ng sa enerhiya. 17
Isang kamalayan. isang pangkalahatang katotohanan, ang siyang namamayani sa ating sanlibutan. Ang mga natuklasan ng siyensya, yaong mga nanaliksik sa kalikasang kyantum ng sub-atomo sa “matter”, ay siya mismong nagtulak sa atin sa dulo ng isang kagilagilalas na katotohanan: na lahat ng nakikita at naririto sa ating paligid ay ekspresyon o pagpapahayag ng ganitong karunungan. Sa mga laboratoryo, nararanasan natin ito bilang impormasyon na una ay ating sasabihing pisikal na enerhiya, at siyang nabuo bilang matter. Bawa’t bahagi (“particle”), bawa’t bagay (“being”), mula atomo hanggang tao, ay kumakatawan ng isang antas ng impormasyon, ng karunungan. 18
Ang matandang teyolohikal na pananaw sa sanlibutan ay ang lahat ng naririto ay manipestasyon o pagpapahayag ng isang mataas na karunungan, kung saan ang pangkalahatang kamalayan ang siya niya manipestasyon. Kung ipapalit natin ang salitang “impormasyon” sa karunungan, ang teyolohiya ay magsisimulang magtunog “quantum physics.” Maaaring nasasaksihan na natin ang pag-iisang daloy ng pisikal at ispirituwal. 20
Katiyakan, ang inyong ‘Ilâh’ (Diyos na karapat-dapat sambahin), O kayong mga tao, ay walang iba kundi ang Allâh (I), ‘La ilâha illa Huwa’ – na walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin bukod sa Kanya, na saklaw ng Kanyang Ganap na Kaalaman ang lahat ng bagay. (Qur’an 20:98)
Darwin: Ang kanyang teorya ay lubos nang pinabubulaanan ng maraming ebidensiyang natuklasan sa siyensya. |
Palyantolohiya: Ang teorya ni Darwin ay nasandig sa pagpapalagay na ang lahat ng nilalang (“species”) ay nagmula sa iisang ninuno (“ancestor”) at unti-unting napaiba o nabago ang itsura at kabuuan sa bawa’t isa sa paglipas ng maraming panahon. Ang sinasabing pruweba nito ay ang mga “fossil remains” o mga labi ng iba’t ibang nilalang na natagpuan. Subali’t ang mga labi na natagpuan naman sa panahon ng ika-20 siglo ay nagpakita ng naiibang larawan at konklusyon. Walang ni isang labi ng “intermediate species” (nagdudugsong na nilalang sa susunod na species) ang natagpuan na siya sanang mga dapat magpapatotoo sa “gradual evolution of species” (marahang ebolusyon ng mga species). Higit pa rito, bawa’t “taxon” o kategorya ng species na ipinakita sa “fossil records” ay walang ni isang natagpuan na labi ng pinagmulan nitong ninuno o ancestor. Ang isang kakaibang kaganapang tinaguriang “Cambrian Explosion” ay lubhang napakainteresante. Dito sa naunang panahon ng heolohiya, halos lahat ng “phyla” (mga pangunahing grupo na may natatanging plano ng pangangatawan) ng kaharian ng mga hayop ay biglang umusbong o nagpakita. Ito biglang paglitaw ng magkakaibang kategorya ng hayop na may buhay (“living things”) na may makakaiba ring isturktura ng katawan at higit na masalimuot na organo at sistema, kabilang na ang mga mollusks, arthropods, echinoderms at vertebrates (pinakahuling nadiskubre), ay malaking dagok sa Darwinismo. Dahil sa ang mga tagasunod ng teorya ng ebolusyon ang nagsabi na rin na ang biglang pagsulpot ng mga “taxon” ay nagpapatunay na may isang hindi karaniwang disenyo (“supernatural design”) at ang kahulugan nito, sadyang may naganap na paglikha (“creation”).
Mga Pagsisiyasat st Obserbasyon ng Biyolohiya: Sa pagpapaliwanag ni Darwin ng kanyang teorya, siya ay gumamit ng halimbawa ng kung paanong ang mga nagpapalaki ng hayop (“animal breeders”), na kung saan nagawa ang magkaroon ng ibang klase ng aso at kabayo. Kanyang inihambing ang ilang pagbabago, limitado man, na kanyang naobserbahan sa kabuuan ng likas na mundo at, nagmungkahi na ang bawa’t nilalang ay maaaring nagmula nga sa iisang ninuno. Subali’t ang ganitong pahayag ay nagawa ni Darwin noong ika-19 na siglo na kung saan mababa pa ang antas ng siyentipikong imbestigasyon. Kung sa ika-20 siglo niya ito nagawa, ibang-iba ang magiging resulta nito. Sa dekada-dekadang panahon ng pagsisiyasat at pag-eksperimento sa maraming klase ng species ng mga hayop, makikitang ang mga pagbabago sa isang nilalang ay kahit kailanma’y hindi lumagpas sa “genetic boundary” o hangganan ng kani-kanilang genetika. Ang mga pahayag ni Darwin, gaya ng “Wala akong nakikitang mahirap para sa lahi ng mga oso na malagay, sa pamamagitan ng “natural selection”, na maging “aquatic” o pantubig ang kanilang mga gawi, ang magkaroon ng palaki at palaking bibig, hanggang ang mga ito ay maging kasinlaki ng mga balyena.” 21 ay sa katunayan nagpakita lamang ng kanyang pagiging ignorante. Sa kabilang banda, ang mga pagsisiyasat at pag-eekperimento ay nagresulta ng mutasyon (“mutation”) na tinagurian ng mga makabagong Darwinista bilang mekanismo ng ebolusyon na walang impormasyon genetika sa mga nabubuhay na nilalang.
Ang Pinagmulan ng Buhay (The Origin of Life) Sinasabi ni Darwin na may “common ancestor” subali’t hindi niya sinabi kung saan naman nagmula at paano nagkaroon ng “first common ancestor.” Ang tanging paliwanag lang niya ay maaring ang “first cell” ay nabuo dahil resulta ito ng isang pagkakataong nagkasama-sama ang mga kemikal o “random chemical reactions” sa “isang mainit-init at maliit na lawa.” 22 Subali’t bigo ang mga biyo-kimiko na patunayan ang haka-hakang ito ni Darwin. Lahat pagsisiyasat at eksperimento ay nagpakita na imposible para sa iisang “living cell” (buhay na selula) sa loob ng isang walang buhay na sisidlan ay makagawa ng bagong buhay sa pamamagitan ng “random chemical reactions.” Kahit na ang Alemang ateista at nakatanggap ng Nobel Prize na si Fred Hoyle ay nagwika na ang ganoong pangyayari ay “maikukumpara sa tsansa na ang isang tornado na naghahampas ng malalakas at mabibilis na hangin ay nakapasok sa isang tambakan ng basura at ang makabuo ito ng isang Boeing 747 mula sa materyales sa tambakan.” 23
Ang Mataas o Matalinong Disenyo (Intelligent Design) : Ang mga siyentipiko na nag-aaral ng mga selula o “cells,” ng mga “molecules” na bumubuo sa mga selula, ang kanilang kamangha-manghang organisasyon o pagkakaayos sa loob ng katawan, ang maingat na pagkakabuo at plano sa mga organo sa katawan ng tao ay nahaharap sa isang malaking pruweba ng katotohan na nanaising itanggi ng mga ebolusyonista: Ang mundo ng mga “living things” (mga bagay na may buhay) ay napapasailalim at napapalibutan ng mga disenyong sadyang napagarbo at may lawak na hindi maihahalintulad sa mga kasangkapan pangteknolohiya. Ang mga masalimuot na mga halibawa ng disenyo, kabilang na ang ating mga mata ay mas superyor kumpara sa anumang kamera, ang mga pakpak ng ibon na pumukaw sa isipan upang magawa ang “flight technology” (teknolohiyang panghimpapawid), ang pasikot-sikot na sistema ng integrasyon ng selula sa mga living things, at ang kagila-gilalas ng impormasyon napapaloob sa DNA, lahat ito na nakapagwalang-bisa sa teorya ng ebolusyon, ang teorya na nagturing sa mga living things bilang produkto lamang ng tsansa o pagkakataon.
Sa mga sumunod na pananaliksik at pag-aaral, napatunayang may pagkakamali sa mga ideya ni Freud, lalo na yaong patungkol sa relihiyon. |
Ang huling yugto ng ika-20 siglo ay hindi naging maganda para sa larangan ng psychoanalysis.” Ang pinakaprominente dito ay ang pagkakabunyag na ang paniniwalang isinulong ni Freud ukol sa relihiyon ay lubos na kamalian. Sa kabaligtaran, ang mga pananaliksik sa agham sa loob ng nakalipas na dalawampu’t limang taon ay nagpakita na, imbis na sakit na neurosis o dahilan ng sakit na nabanggit ang relihiyon tulad na nga ng iminungkahi ni Frued at kanyang mga disipulo, ang pananampalatayang pangrelihiyon pa ang isa sa mga “consistent correlate” sa lahat ng kalusugang mental at kaligayahan. Sa mga sunud-sunod na pag-aaral, naipakita ang makapangyarihang relasyon sa pagitan ng paniniwalang pangrelihiyon at pagsasabuhay nito, sa kabilang banda naman ang ukol sa mga isyu sa ugaling pangkalusugan gaya ng problema sa papapatiwakal, pag-abuso sa alak at droga, diborsyo, depresyon, maging ang mga antas ng kasiyahang sekswal sa loob ng pagsasama ng mag-asawa. Sa maikling salita, ang mga “empirical data” ay kumokontra sa mga umano’y “siyentipikong” pagkakasundo mula sa “psychotherapeutic profession.” 25
Na kung kaya, ituon mo, O Muhammad, ang iyong mukha, ikaw at ang sinumang susunod sa iyo at manatili ka sa ‘Deen’ na siyang ipinag-utos na batas ng Allâh (I) sa iyo, na ito ay ang Islâm. Na ito ang ‘Fitrah’ o likas na pagkakalikha ng Allâh (I) sa sangkatauhan, na kung kaya, ang pananatili ninyo at paghawak ninyo rito ay siyang tunay na pananatili sa likas na nilikha ng Allâh (I) na paniniwala na bukod-tanging pagsamba lamang sa Kanya. Walang pagbabago sa nilikha ng Allâh (I) at sa Kanyang ‘Deen’ (Relihiyon), na ito ay Matuwid na Landas na magdadala sa sinuman tungo sa pagmamahal ng Allâh (I) na ‘Rabb’ na Tagapaglikha ng lahat ng mga nilalang at sa Kanyang ‘Al-Jannah’ (Hardin), subali’t ang karamihan sa mga tao ay hindi nila batid na ang ipinag-utos na ito sa iyo, O Muhammad, ang siyang ‘Deen’ ng Katotohanan na wala nang iba pa bukod dito.(Qur’an, 30:30)
Ang sigurado, maaring masulat ng mga sekular na mananalaysay na ang pinakamalaking kamalian ng Komunismo ay ang kanilang mga pagtatangkang iwaksi ang mga batas pang-ekonomiya. Subali’t marami pang ibang batas ang pumasok sa laro ng istorya….Higit pa riyan, habang pinapasok ng mga tagasulat ng kasaysayan ang mga kalagayan sa pagguho ng Komunismo, maliwanag na ang mga eletista Soviet mismo ay nasa sa bingit na ng isang ateistang “krisis sa pananampalataya.” Dahilan na rin sa matagal na pamumuhay sa ilalim ng ideolohiyang ateismo – isang ideolohiyang puno ng kasinungalingan at batay sa “Big Lie” (Malaking Kasinungalingan) – ang sistemang Soviet ay nakaranas ng radikal o biglaang demoralisasyon noon lang nito naranasan, at ito’y lubhang napakalalim na demoralisasyon sa lahat ng hanay ng mga mamamayan. Ang mga tao, kabilang na ang mga namumunong elitista, ay nawalan na ng lahat ng basehan para sa moralidad o ni katiting na pakiramdam para sa pag-asa. 32
Gorbachev: Ang kanyang mga walang saysay na pagtatangka ay hindi nakahilom sa “krisis sa pananampalataya” sa lipunang Soviet. |
Kabaligtaran ng maka-Diyos at mapayapang Rebolusyong Amerikano, ang Rebolusyong Franco ay ateista, makabagong pagano at lubhang madugo. |
John Lennon: Ang mundong kanyang pinangarap – isang mundong walang relihiyon – ay hindi nagdulot ng magandang wakas maging sa kanya man o maging sa kanyang mga tagasunod. |
Ang higit na katotohanan ay ito, ang mundong walang relihiyon na ginusto nila ay sadyang nagdala sa kanila sa malungkot na katapusan. Ang mga namuno o pangunahing mga tauhan sa kilusang “hippie” noong dekada sisenta ay namatay sa sarili nilang mga kamay o namatay dahil sa “coma” bunga ng pag-abuso sa droga. Noong simula ng dekada setenta, maraming iba pang hippie na kahalintulad ang kinahinatnan.
Hinahangad ng mga walang pananampalataya sa kanilang pagtanggi upang patayin ang Liwanag ng Allâh (I) na ‘Deen Al-Islâm’ at pawalan ng saysay ang Kanyang mga katibayan at mga palatandaan sa Kanyang Kaisahan na dala-dala ni Muhammad (r), subali’t hindi ito pahihintulutan ng Allâh (I) hanggang sa mabuo ang Kanyang ‘Deen,’ – na ang ibig sabihin ay hanggang sa hindi pa naipahayag ang buong Rebelasyon ng Banal na Qur’ân – at lilitaw at mangingibabaw ang Kanyang Salita kahit ito ay kamuhian ng mga walang pananampalataya. (Qur’an, 9: 32)