Detalyadong nailarawan ng ating Propeta (saas) ang Katapusan ng Panahon na kung saan tayo ay namumuhay na. Isa sa mga pangyayaring magaganap sa Katapusan ng Panahon ay ang patungkol sa mga Muslim, na sa panahong nabanggit, sila ay mahaharap sa maraming hirap, pasakit at dusa. Ito ay sa dahilang, gaya ng inihayag ng ating Propeta (saas), ang panahong ito ay panahon na kung saan ang pagtuligsa sa relihiyon ay magiging laganap, ang mga materyalistiko at Darwinistang ideyolohiya ay maglulunsad ng masidhing propaganda. Sa panahong ito, maraming tao ang mag-aabandona sa kanilang pananampalataya at batayang moralidad, uunti ang bilang ng mga tunay na mananampalataya, hayagang itatatuwa nila si Allah (bagay na walang-bisa sa kapangyarihan ni Allah), ang mga bansang Islamiko gaya Iraq at Afghanistan ay sasakupin, susukulin ang mga Muslim sa Bayt al-Maqdis, ang publiko o mamamayan sa mga bansang Islamiko ay mapapasailalim sa mga malulupit na lider. Sa panahong ito, ang kaguluhan at takot ang siyang babalot sa mundo, ang korupsyon ay sisibol sa maraming panig ng mundo at sa pagtatapos ng bawa’t isa nito ay katumbas naman ng walang hustisyang pagkitil sa maraming inosenteng buhay, kabilang na ang kababaihan at mga bata sa pagpatay na mga ito, ang mga tao ay mamumuhay sa mundong puno ng takot at paninindak, subali’t sa gitna ng lahat ng ito patuloy pa rin ang pagkakawatak-watak ng mga Muslim. (Para sa iba pang detalye patungkol sa paksang ito, tingnan sa http://www.endoftimes.net/)
Magkagayunpaman, habang ang mga Muslim ay binibigyang babala ukol sa marami at malulubhang suliraning kanilang haharapin, ang ating Propeta (saas) ay nagturo rin naman kung papaano natin maliligtasan ang mga paghihirap na ito. Si Allah, ang Pinakamakapangyarihang sa Lahat, ay ang siyang magpapalaya sa mundong ito ng Islam at ng buong sangkatauhan mula sa mga paghihirap at lahat ng klase ng mga suliranin sa pamamagitan ng pagpapadala sa atin ng Hazrat Mahdi (as) sa panahong ang mga kalamidad sa Katapusan ng Panahon ay nasa kanyang rurok o sukdulan. Ang Hazrat Mahdi (as) ay isang banal na indibiduwal na nagmula sa ating Propeta (saas), na ayon sa mga hadith at mga pahayag ng mga dalubhasang iskolar na Muslim, ay darating sa taong Hijri 1400, sa maikling salita ay sa siglong ito, at siyang mamuno sa mga tao upang maligtas sa kadilimang kanyang nasadlakan patungo sa kaliwanagan. Ang Rasulullah (ang Mensahero ni Allah) (saas) ay naglarawan ng buong detalye ukol sa Hazrat Mahdi (as), ang pisikal na katangian nito, ang klase ng digmaang kanyang ilulunsad, kung saan siya magmumula at kung ano ang kanyang gawaing natatakdang isakatuparan. Naibigay niya ang mga kagila-gilalas na mga detalye patungkol dito. Ayon sa mga impormasyong ito, ang Hazrat Mahdi (as) ay maglilingkod sa Istanbul, maglulunsad ng digmang intelektuwal laban sa Darwinismo at materyalismo, siyang susugpo sa korupsyong pumipigil sa tao patungo sa relihiyon at moralidad, siyang magbubuo sa Unyong Turko-Islamiko sa pamamagitan ng pagbubuo sa mundo ng Islamiko, siyang magbibigay wakas sa lahat ng klase ng kawalang-hustisya at di-pagpapantay-pantay, siyang magiging instrumento para sa pag-unlad at paglago ng mga tao magkaalinsabay sa materyal at pisikal na mga aspeto, at kasama ang Propeta Hesus (pbuh), gagawing batayan ng moralidad ang Islam na siyang mamamayani sa buong sandaigdigan. Siya ay magiging instrumento sa panahong gaya ng Panahon ng Kasiyahan (Age of Felicity) na magaganap sa lahat ng panig ng mundo, kung kailan buong-buong ipakikita na ni Allah ang kanyang titulo bilang al-Hadi (Ang Tunay na Gabay), kung saan ang tao ay handang-handa nang tumalima sa pagsunod sa mag batayang moral na itinakda ni Allah, kung saan mayroong nag-uumapaw na kasaganahan sa bawa’t lugar at kung saan saya at ligaya lamang ang tanging mamamayani. (Para sa iba pang mga detalye, tingnan sa www.awaitedmahdi.com)
Kaya, ang lahat ng mga suliraning nagaganap sa buong mundo ng Islam at ang mga korupsyon at kaguluhan sa buong mundo, ay naghuhudyat lamang sa pagdating ng banal na indibiduwal na ito. Bawa’t isa sa mga daan-daang mga pangyayari na inihayag ng ating Propeta (saas) na nagbibigay signos sa pagdating ng Hazrat Mahdi (as) ay isa-isa nang nagaganap mula sa pagpasok ng taong Hijri 1400. Gaya ng ibinabala ng ating Propeta (saas), napahinto na rin ang pagdaloy ng tubig-Euphrates, naganap na rin ang Digmaang Iran-Iraq, gayundin ang madugong pag-atake sa Kaaba, marami nang dumaang eklipso ng araw at buwan na may 15-araw na pagitan lamang sa buwan ng Ramadan, nalusob na rin ang bansang Afghanistan, nasakop pati na rin ang Iraq, dumaan na rin ang kometang Halley, nasaksihan ng mundo ang apoy mula sa Silangan nang ang mga imbakan ng langis ay sinunog sa panahon ng pananakop ng Iraq sa Kuwait, ang korupsyon ng dilim at usok ay nakita natin nang ang Twin Towers sa Amerika ay inatake noong ika-11 ng Setyembre, ang mga lider ng Sham at Ehipto ay parehong pinatay, ang paglusob sa Azerbaijan, ang kometang Lulin na inilarawang may dalawang buntot at lumipad sa naiibang direksyon sa iba pang mga kometa, mga pawing nasaksihan na natin at gayundin ang iba pang nakamamanghangyang mga pangyayari ay naganap na rin. Ang lahat ng ito ay patunay lamang na tayo ay nasa sa panahon na ng Hazrat Mahdi (as).
Sa banal na panahong ito na inihayag ng ating Propeta (saas), hindi katanggap-tanggap para sa mga tapat na Muslim at sumusunod sa Propeta (saas) ang hindi humanap o umasa sa pagdating ng Hazrat Mahdi (as) at ang ihanda ang daan para sa kaniya sa pamamagitan ng pagsisikhay na makamit ang pagkakaisa, ang pagkakabuklod, at pagliligtas sa mundo ng Islam. Ang buong mundo ng Islam at nararapat na magkaisa sa pag-asam at kaligayahan na makapamuhay sa panahong ito ng Hazrat Mahdi (as), marapat na magbantay siya sa pagdating ng Hazrat Mahdi (as) at ang magsumikap na makamit ang kapayapaan, katahimikan at kasaganahan para sa mundo, siya bilang mahalagang instrumento nito. Hindi dapat malimutan na ang pagdating ng Hazrat Mahdi (as) at ang paglaganap sa mundo ng moralidad batay sa Islam ay destinasyong inilaan sa atin ni Allah. Si Allah mismo ang siyang magpapatagumpay sa Hazrat Mahdi (as) tangkilikin man siya ng tao o hindi. Sa pamamagitan niya, Kanyang tatapusin ang korupsyon ng pagtatanggi at ipapatupad ang kapangyarihan ng moralidad batay sa katuruang Islamiko. Kaya, sa sinumang tagasunod o magnanais na maging isa sa mga tagasunod ng Hazrat Mahdi (as), na umaasam din sa pagbuo sa mundo ng Turko-Islamiko at kapanalig sa digmang-intelekwal para sa pagliligtas sa mga naaaping mga Muslim sa lahat ng panig ng mundo, ay siyang tunay na nagsusumikap para sa kanyang sariling kapakanan din. Gaya nang inihayag ni Allah Surat al’Ankabut, "At ang sinumang magpunyagi para sa daan ng pag-aangat ng Batas ng Allâh (I) at magpunyagi para mapasunod ang kanyang sarili, walang pag-aalinlangan, ang ganitong pagpupunyagi ay para rin lamang sa kanyang sarili; dahil ito ay ginagawa niya para sa paghahangad ng gantimpala sa kanyang gawain. Katiyakan, ang Allâh (I) ay hindi nangangailangan sa anumang gawain ng kahit na sinuman mula sa Kanyang nilikha, Siya ang Nagmamay-ari, Tagapaglikha, Tagapag-atas at Tagapangasiwa ng lahat.” (Surat al-’Ankabut: 6)