PANAYAM (LIVE INTERVIEW) KAY ADNAN OKTAR SA KACKAR TV
(Ika-8 ng Enero, 2009)
ADNAN OKTAR: Sa una, ang Hazrat Mahdi (as) ay makikilala lamang sa liwanag na dala ng kanyang pananampalataya. Sa madaling salita, hindi tayo makatitiyak. Tayo ay mapag-iisip kung ito na nga ba ang nilalang na iyon. Sa simula ay magkakaroon tayo ng napakalaking pagdududa, Subali’t ang tunay na pagkakakilanlan ay magaganap sa pananalangin niyang kasa-kasama ang Propeta Hesus (as). Mula sa likuran, itutulak siya ng Propeta Hesus (as) upang gumanap sa papel ng imam. Matapos na italaga siya ng Dakilang Propeta sa papel na imam, sasabihin na nating ito na nga ang siyang tunay na Hazrat Mahdi (as), insha’Allah.
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 (IZMIR)
(Ika-18 ng Enero, 2009)
ADNAN OKTAR: “Ang matatapat at malalapit na tagasunod, mga pinakamalapit sa kanya, ay makakakilala sa kanya mula sa taglay na liwanag ng kanyang pananampalataya. Sa kabilang banda, walang makakakilala sa kanyang ng agaran at ng may katiyakan.” Winika ito ni Said Nursi sa pahina 60 ng kanyang Mga Sulat. (Said Nursi, Letters, p. 60) Sinabi niya na ang mundo ay lugar para sa karanasan at kung ito man ay bukas sa isipan ay hindi maaaring lumagpas sa kanyang hangganan, ang ibig sabihin ay ang kalayaan ng tao sa isipan at pagkilos (freewill) ay hindi maiaalis sa kanila, at walang maaaring maganap para pilitin ang tao sa pagkakaroon ng pananampalataya. Kung kaya karamihan sa malaking mayorya ng mga tao, at maaaring ang taong iyon mismo, ay hindi nakakabatid sa kanyang tunay na pagkakakilanlan, at ang taong ito ay maaaring makilala lamang sa katingkaran ng liwanag ng kanyang pananampalataya sa Katapusan ng Panahon, ang Hazrat Mahdi (as) ay maaaring makilala sa ganitong kaparaanan.
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KON TV
(Ika-8 ng Pebrero, 2009)
ADNAN OKTAR: Ang espada ng ating Propeta (saas) ay may magsusukbit na sa unang pagkakataon, walang sinuman ang nakapagsuot ng espada ng ating Propeta (saas). Siya mismo ang magsusukbit sa sarili ng espada. Wala pang nakapagsuot ng damit ng ating Propeta (saas), siya ay magsusuot nito. Itataas niya ang bandera ng ating Propeta (saas). Ang mga tao ay matatangay ng pagkakataong iyon na kung saan ang lahat ay magtitibay ng pakikiisa at pagtalima. Ito ay isang pangako na pagpapakita ng pagmamahal sa kanya, at ito ay malapit nang maganap.
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA TEMPO TV
(Ika-13 ng Enero, 2009)
ADNAN OKTAR: Ang pinaka-kakaiba at hindi maikakailang katangian ng Hazrat Mahdi (as) ay ang kanyang panananalangin kasama ang Propeta Hesus (as). Ang Propeta Hesus ang siyang maglalagay sa kanya mula sa likuran at sasabihing siya na ang mamuno sa salat. Subali’t hahawak ito sa magkabilang balikat ng Propeta upang ito ang paganapin. Ang Propeta Hesus (as) ay tatanggi at magsasabing “ikaw na ang imam, dapat mong pamunuan ang pagdarasal.” At siya na nga ang mamumuno sa salat, dito na mabibigyan ng buong diin ang liderato ng Hazrat Mahdi (as).
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 (IZMIR)
(Ika-18 Enero, 2009)
ADNAN OKTAR: Kung saan man naroroon ang mga Sagradong Relikya, naroroon dito mismo ang Hazrat Mahdi (as) insha’Allah. Sa gawa ni Allah, ang mga Sagradong Relikya ay na-preserba at napangalagaan sa Istanbul, kahit pa man ito ay nasakop minsan ng mga kalaban, maaaring hinayaan na lang ni Allah na may mangyari sa mga ito, subali’t hindi ito ang nakatakda (destiny). Halimbawa, walang anumang nangyari sa espada ng ating Propeta (saas), ito ay na-preserba hanggang sa kasalukuyan. At wala ring anumang nangyari sa kanyang bandera, at ito ay na-preserba rin. Mayroon pa ngang pangalawang bandera, at ang Hazrat Mahdi (as) ang magbubukas nito, ayon na rin sa ating Propeta (saas). Ito ay natitiklop sa balat ng antelope at ito ay hindi pa rin nabubuksan, at ito ay nasa sa Topkapi Palace.
ADNAN OKTAR: Ang bandera, insha’Allah. Siya ay magpapakita suot at dala ang mga Sagradong Relikya, at ito ay magdadala na masidhing kagalakan sa mga Muslim, insha’Allah. Insha’Allah, tayo ay mabubuhay upang masaksihan ang mga araw na iyon.
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA KANAL 35 TV (IZMIR)
(Ika-25 ng Enero, 2009)
ADNAN OKTAR: Ayon sa salaysay ni Naim mula sa sinabi ni Salman Ibn Isa: “Aking narinig na ang Ark of the Covenant ay mahuhukay mula sa Lawa ng Tiberias at mapapasakamay ng Hazrat Mahdi (as).” Ang banal na arko mula pa sa panahon ni Moises (as) ay matatagpuan sa Lawa ng Tiberias at ilalagak sa kanyang harapan sa Herusalem. At kapag ito ay nasaksihan ng mga Hudyo, malaking mayorya sa kanila ay magiging mga Muslim, wika niya.
PANAYAM KAY ADNAN OKTAR SA EKINTURK TV
(Ika-27 Abril, 2009)
ADNAN OKTAR: May pinaniniwalaan na kapag nagpakita na ang Hazrat Mahdi (as), sa isang iglap ay ilalagay niya sa estado ng kalituhan ang lahat ng bagay. Ang mga tao rin ay magbibigay ng matinding kalupitan sa Hazrat Mahdi (as). Ilalagak siya ng mga tao sa bilangguan, sisirain ang kanyang pangalan, magpaplano ng kasamaan laban sa kanya. Ito ay mangyayari ng maraming beses, paulit-ulit, ito ay hindi magiging isang kaso lamang. Ang akala ng mga tao ay ang Hazrat Mahdi (as) ay mabibilanggo sa kulungan minsan lang, sisirain ang pangalan minsan lang. Subali’t hindi ito ang magiging kaso. Ito ay magaganap ng paulit-ulit. Ito ay magpapatuloy. Kundi ito ang magiging situwasyon, parang tinanggalan na rin natin siya ng kapangyarihan bilang Mahdi. Upang ang kanyang pagpupunyagi, kapangyarihan at sakop ng pananampalataya ay lubos na maunawaan, ang mga insidenteng ito ay kinakailangan. Kung hindi ito ang mga situwasyon, lahat ay naglalakad patungo na sa tuwid an daan. Kinakailangang magkaroon ng mga butas o hukay sa daan, ng mga balakid, ng mga matitinik na harang upang ang mga balakid na ito ay suungin ng bawa’t isa sa buong abot-kaya niya. Kundi, ang pagtakbo sa isang makinis na na daan ay napakadali; lahat ay makagagawa nito. Tawagin mo at pagsama-samahin ang mga kabataan, at sabihin sa kanilang takbuhin ito, makikita mong tatakbuhin nilang lahat ito. Subali’t kapag nilagyan mo ng bigat na 50 kilo sa kanilang mga paa, at sabihin sa kanilang tumakbo, marami ang hindi makakakaya nito. Kung lalagyan mo ng higit pang timbang o bigat, hindi nila lalong kakayanin pa. Subali’t 100 kilo ang ilalagay nila sa kanya [Hazrat Mahdi (as)], pero makatatakbo pa rin ito na gaya ng mga leon. Maglalagay ng mga balakid ang tao sa daraanan niya, tatakbo’t tatakbo pa rin siya. Kahit, ito ay nababanggit sa mga hadith, na ang mga tao ay maghaharang ng mga ga-bundok na balakid sa daraanan niya, siya [ ang Hazrat Mahdi (as)] ay makakakita pa rin ng lagusan upang makatuloy. Isipin mong maigi, ito ay ga-bundok na balakid na! Ang mga tao ay magbibigay sa kanya ng mabibigat, matitinding pagpapahirap sa kanya, sila ay magbabalak ng matitinding kasamaan. Mga sinungaling na saksi, mga sinungaling na manggagamit o manlalaro, mga impostor…Lahat ng mga bagay at paraan na naaari sa panahong iyon ay gagamitin nila laban sa Hazrat Mahdi (as). Subali’t makikita ninyo, walang makapipigil sa kanya. Siya ay magtutuloy-tuloy lang patungo sa kanyang layunin habang sinusugpo niya silang lahat ng buong puwersa, buong lakas. Sa ganitong kadahilanan, marapat na hanapin mo ang Hazrat Mahdi (as) kung saan ang mga insidenteng ito ay nagaganap. Kung saan maraming atakeng nagaganap laban sa kapwa-tao, matinding paniniil sa tao, sa kanyang pagkatao, na kung saan ang lahat ng tao, may matitinding kalaswaan (perversion), si satanas ay [nagbibigay ng matinding pananakit] sa tao, ang mga maka-ateismo o ang mga walang kinikilalang Diyos, ang mga komunista, ang mga darwinista, mga patapon sa lipunan (outcasts), mga nagbebenta ng laman, mga buktot o masasamang elemento…kung saan mayroon ng mga ito, kung silang lahat ay magsama-sama upang atakihin ang isang nilalang kung saan man, doon dapat hanapin natin ang Hazrat Mahdi (as), kung ang ating mga kapatid ay nais talagang makita siya; batid nating nagtatanong sila kung papapano matatagpuan ang Hazrat Mahdi (as); buweno, ito na nga ang siyang daan upang siya ay matagpuan. Halimbawa, nais nating matagpuan ang Propeta Moises (as) at tayo ay namumuhay sa panahon ng Parao. Tayo ay nasa Ehipto at magtatanong ukol sa Parao. Tayo ay maaaring tumungo sa Parao, o dili kaya’y ipagsabi sa mga tao na hanap natin si Moises (as). Ituturo tayo ng mga tao sa Parao bilang siyang tunay na nakakaalam [ang siayang tiyak na makapagtuturo]. Sasabihin nilang doon tayo sa Parao pumunta. Maituturo niya kung sino nga si Moises (as) sa mga paraan ng pag-atake [ng Parao] na ginagawa laban dito. Halimbawa, kung ikaw ay makapunta kay Namrud, madali nating mauunawaan kung sino si Propeta Abraham (as). Mauunawaan natin ito sa pamamagitan ng mga ginawa niyang pag-atake laban kay Abraham (as). Dahil si Namrud ay ang nagbalak na sumunog sa iisang natatanging tao lamang, si Abraham (as). Hindi ba? Bakit hindi niya tinangkang gawin ito sa iba rin kundi kay Abraham (as) lamang. Dahil nakita niyang siya lamang [Abraham (as)] ang pinakamatinding balakid sa kanya. Bakit? Dahil sa Si Allah mismo ang nagturo sa kanya kung sino ang kanyang matinding balakid. Sa ganitong kadahilanan, ang mga maka-dajjalismo, ang mga maka-paraoismo, ang mga namrud ng panahon, ang mga Ergenekon, ang grupo ng mga mason (freemasonry), mga patapon (outcasts), mga darwinista, mga maka-materialismo ng panahon ay makakatagpo niya. Sasabihin nila, “Hayun siya! Kailangang tapusin na natin siya.” Habang ang mga Muslim ay hindi makapupuna dito. Ang mga nabanggit [iyong mga unang nabanggit natin] ay mabilis na makakikilala sa kanya. Sa ganitong kadahilanan, kung bigo ang mga Muslim na makapuna dito, mabilis naman na makapupuna dito ang mga kampon ng dajjalismo. Halimbawa kung tatanungin mo ang Baron, malalaman niya ito. Kung tatanungin mo siya kung sino ang pinakamatinding balakid, agad niya maituturo ang nilalang na iyon. Pero siyempre,hindi niya masasabi na “Siya ang Mahdi.” Maibibigay lamang niya ang kasagutang ito kung ang taong mo ay kung sino ang pinakamatinding balakid [sa kanyang sistema]. Ito ay sa dahilang hindi niya matatanggap ang Hazrat Mahdi (as), una ay hindi nga siya naniniwala kay Allah, kaya papaano niya makakayang tanggapin ang Hazrat Mahdi (as)? Kung tatanungin mo sino kung sino ang pinakamatinding kalaban niya, sa istruktura na kanyang binuo at mga pinaglalalayon, dito siya ay magasasabi lamang niya ang “Hayun siya!” Kaya doon sa lahat nang nais na makaalam ay dapat magtanong sa kanya. Subali’t ang karamihan sa mga Muslim ay hindi makakilala sa Hazrat Mahdi (as). Maging ang mga disipulo ni Said Nursi ay hindi batid ito, ayon na rin ito kay Said Nursi. Sinabi ni Said Nursi na sa Katapusan ng Panahon, ang Hazrat Mahdi (as) at kanyang mga disipulo, ang mga tunay na nagmamay-ari ng koleksiyon ng Risale-i Nur, ay darating. Ang Hazrat Mahdi (as) ay magdaraan sa matinding pagpapahirap, at ang mga tao naman ay magiging higit na sensitibo upang siya ay maprotektahan at magsasabing “Tama na ito!” At maging ang kanyang mga tagasunod ay magdaraan din sa matinding at kakaibang pagpapahirap. Oo, ang Hazrat Mahdi (as) ay daraanan nga ang mga pagpapahirap na ito, subali’t ito ay kasama sa kanyang katangian, sa pagiging Hazrat Mahdi. Nasusulat na habang siya ay higit pang pinagpapapalo ng mga tao sa kanyang likod, ang bunga nito ay higit pa ngang lumalaki o lumalapad ang kanyang likod. Ito na nga, ang gawa ng dajjal na pagpaparusa sa Hazrat Mahdi (as), sila ay magbabalak ng kasamaan, magbibigay-pahirap sa lahat ng anumang paraang mayroon sa panahon iyon. Lahat ng kaparaanan na naaari sa panahong iyon ay gagamitin nila sa buong lakas nito. Subali’t sa kabila ng mga ito ang Hazrat Mahdi (as) ay magpapatuloy pa na maragdagan ang kanyang lakas, at gaya na nga ng nabanggit ni Said Nursi, ang mga tao ay aabot na sa sukdulang galit at isisigaw ang mga katagang “Tama na ito!” at itataas nila ang Hazrat Mahdi (as) bilang kanilang likas na lider ispirituwal. At bilang tugon dito, ang Hazrat Mahdi (as) ay magbubukas naman sa daan ng katotohanan. Na ang lahat ay walang ibang pagmumulan kundi ang katotohanan.