
Sa katunayan, ang maka-“atheist” na pag-unawa ng siyensya ay wala pang katagalan. Ilang siglo na rin ang nakaraan bago ito, ang siyensya at relihiyon ay hindi kailanman naisip na maglalaban sa isa’t isa, ito’y sa dahilang ang siyensya ay dati ng tanggap na paraan sa pagpapatunay sa pagkakaroon ng Diyos. Ang tinatawag na maka-“atheist” na pag-unawa ng siyensya ay umusbong lamang ng kumalat sa mundo noong ika-18 at ika-19 siglo ang ilang bagong pananaw o pilosopiya gaya ng “Materialism” at “Positivism.”
Lalo pa ito namayagpag pagkatapos na maipahayag ni Charles Darwin ang mga teorya ng ebolusyon noong 1859, at ang mga tagasunod ng pilosopiyang “Materialism” ay yumakap at siyang mga naging masigasig pang tagapagtanggol ng mga bagong teoryang ito, mga teoryang tiningnan pa nila bilang alternatibo sa relihiyon. Ayon sa teorya ng ebolusyon, ang sansinukob daw ay hindi nilikha sa pamamagitan ng isang Tagapaglikha (“creator”) bagkus, ang lahat ay nabuo sa pamamagitan ng mga pawing pagkakataon (“chance”) lamang. Ang resulta ay ang paggigiit na ang relihiyon ay sadyang taliwas sa siyensya. Ang mga mananaliksik na Ingles na sina Michael Baigent, Richard Leigh at Henry Lincoln ay mga nagpahayag sa isyu na ito, ayon sa kanila:
Para kay Isaac Newton, isang daang taon at kalahati bago isinilang si Darwin, ang siyensya ay hindi hiwalay mula sa relihiyon bagkus ito ay isang aspeto ng relihiyon, at sa katunayan ay sunod o laging ayon ito sa relihiyon....Subali’t ang siyensya sa panahon ni Darwin ay naging tiyak ang layunin na ihiwalay and siyensya sa dating konstekto nito na matagal nang napairal, at ang maitaguyod ang siyensya bilang isang lubos na karibal na pananaw, isang alternatibong sisidlan ng mga bagong kahulugan o konsepto. Ang naging resulta, ang relihiyon at ang siyensya na dating laging magkatugma sa pananaw ay sa halip naninindigan na laban sa isa't isa, at ang sangkatauhan ay unti-unting napipilitang pumili sa pagitan ng mga ito. (Michael Baigent, Richard Leigh, Henry Lincoln, “The Messianic Legacy,” Gorgi Books, London: 1,991, p. 177-178.)
Tulad nga ng nabanggit na, ang tinatawag na “split” o paghihiwalay sa pagitan ng siyensiya at ng relihiyon ay pawang ideyolohikal. Ang ilang mga siyentipiko, na seryosong naniniwala sa materialismo, ay ikinundisyon na ang kanilang mga sarili upang patunayan na ang sansinukob ay walang Diyos na lumikha, at sila’y lalong naging abala sa paghahanap ng iba't-ibang mga teorya para lamang mapatunayan ang ganitong konteksto ng pananaw. Ang teorya ng ebolusyon ay ang pinakakilala at pinakamahalaga sa kanila. Maging sa larangan ng astronomiya, ilang teorya rin ang nabuo tulad ng teorya ng “steady-state” (tahimik o walang galaw) o ang teorya ng “chaos” (kaguluhan). Gayunman, ang lahat ng mga teoryang ito na nagtulak sa pagtangging mayroong Paglikha (“creation”) na naganap, ay pawang mga nabuwag din sa pamamagitan ng siyensya gaya ng naipaliwanag na sa mga nakaraang chapters.
Sa ngayon, ang mga siyentipikong patuloy pa ring naniniwala sa mga teoryang ito, at nagtatanggi sa anumang bagay na patungkol sa relihiyon, ay maituturing na bulag at panatikong mga tao na sadyang ikunundisyon na ang mga sarili na walang Diyos na dapat paniwalaan. Si D.M.S. Watson, isang bantog na “zoologist”(dalubhasa sa mga hayop) at maka-ebolusyong mula sa Inglatera ay nagpahayag ng kanyang dogma o turo na kung bakit siya at ilang kasama ay sampalataya sa teorya ng ebolusyon:
Kung gayon, ito ay dapat magpapakita ng isang teorya na maihahambing sa teorya ng ebolusyon mismo, isang teoryang magiging katanggap-tanggap sa marami (“universal”), at ng dahil hindi nito kayang maipaliwanag ang mga bagay-bagay sa isang lohikal na paraan, kundi dahil sa walang ibang alternatibong paliwanag, ang “special creation” o kakaibang paglikha ay malinaw na hindi kapani-paniwala. (DMS Watson, "Adaptation", Nature, no. 124, p. 233)
Ang tinutukoy ni Watson na “special creation” ay ang ginawang Paglikha ng Diyos. Sa nabanggit na siyentipiko, ang konsepto ng Paglikha ng Diyos ay isang bagay na "hindi katanggap-tanggap". Nguni’t bakit? Ito ba ay sa dahilang napatunayan na ito ng siyensya? Bagay na hindi kailanman ay mapatunayan ng siyensya. Sa katunayan, ang siyensya mismo ang nagpatotoo sa konsepto ng Paglikha (“creation”). Ang tanging dahilan kung bakit sa pananaw ni Watson ay hindi katanggap-tanggap ang Paglikha ay sa pagkukundisyon na rin niya sa kanyang sarili na dapat tanggihan ang pagkakaroon ng Diyos. At ito’y siyang kaparehong matigas na paninindigan ng iba pang maka-ebolusyon.
Ang mga “evolutionists” ay hindi talaga kumukuha ng ebidensiya sa siyensya kundi sa pilosopiya ng materyalismo, binabalugtot nila ang mga natuklasan ng siyensya upang mapaayon ito sa pilosopiyang isinusulong nila. Makikita natin ito sa paliwanag na ginawa ni Richard Lewontin, isang “geneticist” at masigasig na maka-ebolusyon mula sa Harvard University:
Ito ay hindi sa ang mga metodolohiya at institusyon ng siyensya ang nagbubungsod sa amin upang basta maluwag na tanggapin ang isang materyal na paliwanag sa pagkakaroon ng kahanga-hangang mundo, bagkus, dahil sa aming naunang paniniwala o pag-ayon na dapat may materyal na kadahilanan ang lahat ng bagay sa mundo, kami ay nararapat lumikha ng kasangkapan o paraan para sa mga imbestigasyon at pati na rin ng mga bagong kaisipan na maglalabas ng mga inaasahang materyal na pagpapaliwanag, kahit gaano kalabag man ito sa “intuition” o pagkakaalam, kahit gaano man ito maging kamisteryoso sa mga walang kaalaman o walang karanasan. Bukod pa dito, ang materyalismo ay dapat tingnan na isang bagay na tiyak (“absolute”), kaya hindi namin mapapayagang makapasok sa pintuan ang isang “Banal na Paa.” (Richard Levontin, “The Demon-Haunted World”, The New York Review of Books, Enero 9, 1997, p. 28)
Sa kabilang dako, sa ngayon tulad ng sa kasaysayan, bukod sa mga siyentipikong nagsusulong ng nasabing doktrinang materyalista, ay may mga siyentipiko namang nagpapatunay na mayroong Diyos, at nagsasabing ang siyensya mismo ang paraan upang makilala at ng pag-alam sa Kanya. Ang ilang mga nauusong konsepto sa Estados Unidos tulad ng "Creationism" (Paglikha) o "Intelligent Design" (Matalinong Disenyo) ay nagsusulong sa paniniwalang may Diyos na lumikha sa lahat ng mga bagay sa mundo at sanlibutan, at ito ay kayang patunayan mismo ng siyensya.
Ito ay nagpapakita na ang siyensya at ang relihiyon ay hindi magkasalungat na mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalaman, bagkus, ang siyensya ay isang paraan na makakakumpirma sa mga tiyak na katotohanan (“absolute truths”) na ibinibigay ng relihiyon. Ang paglalaban sa pagitan ng relihiyon at siyensya ay maaari lamang mangyari sa ilang mga relihiyon na kung saan pinagsasama nila ang mga elemento ng mga pamahiin sa mga banal na paniniwala. Magkagayun man ang ibang relihiyon, malinis ang relihiyong Islam sa puntong ito, ang itinuturo sa Islam ay tanging nakasalalay lamang sa purong pahayag ng Diyos o salita ni Allah. Bukod dito, ang Islam pa mismo ang nagsulong at patuloy na nagsusulong upang ibayong maitaguyod ang mga siyentipikong pananaliksik, at ang Islam din mismo ang naghayag na ang pananaliksik sa sanlibutan ay kaparaanan upang higit pang magalugad at maunawaan ng tao ang kaganapan o kabuuan ng Paglikha ng Diyos. Ang sumusunod na taludtod mula sa Banal na Qur'an ay nagsasaad ng isyu o usaping ito:
Hindi ba sila nakauunawa noong hindi nila pinaniwalaan ang Pagkabuhay na Mag-uli at hindi ba nila napagmasdan ang kalangitan na nasa ibabaw nila, na kung paano Namin itinayo nang pantay-pantay ang mga sulok nito, na matatag ang pagkakatayo, at pinalamutian Namin ito ng mga bituin, na ito ay wala man lamang anumang pagkabiyak at kabakuan, na kung kaya, ito ay wala anumang siwang o puwang sa isa’t isa at walang anumang kapintasan?At ang kalupaan ay Aming pinalawak at inilatag, at naglagay Kami rito ng mga matatag na mga kabundukan; upang hindi yumanig at gumalaw, at nagpasibol Kami rito ng iba’t ibang pananim na magkakaparis na mga magagandang tanawin na kapaki-pakinabang na magagalak ang sinumang nakakikita nito. At ibinababa Namin mula sa kalangitan ang tubig-ulan na masagana ang kapakinabangan na nagmumula rito, at pinasibol Namin sa pamamagitan nito ang maraming puno sa mga hardin at mga butil na mga inaaning pananim. At pinasibol din Namin ang mga matataas na mga puno ng palmeras ng datiles na kumpul-kumpol na mga bunga. (Surah Qaf, 6-7, 9-10)

"Sinumang seryosong gumaganap sa gawaing siyentipiko o anupamang pananalisiksik na pang-agham, ay marapat na batid na niya na mula pa lang sa lagusan papasok sa templo ng siyensya ay nakasulat na ang mga katagang” : “Kayo’y dapat may pananampalataya.” Ito ay isang kalidad ng siyentipiko na hindi maaaring iwaksi, itatwa at ipagwalangbahala lang." (J. De Vries, Essential ng Physical Science, Wm.B.Eerdmans Pub.Co., Grand Rapids, SD 1,958, p. 15.)
Lahat ng mga isyu na atin nang natalakay ay nagpapatotoo lang na ang pagkakabuo ng sansinukob at ang pinagmulan ng buhay ng mga tao, hayop at iba pang nilalang ay hindi maaaring ipinaliwanag lamang sa pamamagitan ng “coincidences” o pagkakataon. Maraming mga siyentipiko na nag-iwan ng kani-kanilang mga marka sa mundo ng siyensya ang nagpatunay dito at patuloy pa ring kumukumpirma sa malaking katotohanang ito. Sa pagdami at paglawak ng kaalaman ng tao sa kanyang ginagalawang mundo at kalawakan, ay lalong higt na pagkamangha ang dulot nito sa kanya sa dahilang higit niyang nakikilala ang kadakilaan ng Tagapaglikha. Ang bawa’t detalye ng mga bagong natutuklasan ay lalong nagbibigay-suporta sa paniniwalang lahat ay nagmula sa Paglikha ng Diyos, at ito’y hindi mapag-aalinlanganan.
Sa pagpasok ng ika-21 siglo, higit ang nakakaraming bilang ng modernong “physicists” na tumatanggap sa katotohan ng “creation” o Paglikha ng Diyos. Ayon kay David Darling, sa simula’t simula ng panahon ay walang umiiral na oras (“time”), o espasyo o puwang (“space”), ni anumang bagay (“matter”), at kahit enerhiya (“energy”), o maliit tuldok (“spot”) o lukab (“cavity”) man lamang. Dahil sa isang bahagya at mabilis na paggalaw, isang katamtamang pagkislot, at isang pagbabago ang naganap. Sa pagwawakas ni Darling, at nang mabuksan ang takip ng kahong kosmiko ito, lahat ng hudyat ng mga milagro ng Paglikha, at siynga nagpausbong sa lahat-lahat.
Bukod pa dito, lahat halos ng mga nagtatag ng iba’t ibang sangay ng siyensya ay may buong paniniwalang may Diyos na Tagapaglikha at maging mga naniniwala sa Kanyang mga Banal na Aklat. Ang mga pinakadakilang “physicists” sa kasaysayan gaya nila Newton, Faraday, Kelvin at Maxwell ay ilan lamang halimbawa ng ganitong uri ng siyentipiko.
Sa panahon ni Isaac Newton, ang dakilang “physicist,” ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang paggalaw ng ng mga planeta at bituin at iba pang “heavenly bodies” ay maaaring ipinaliwanag sa pamamagitan ng iba't-ibang mga batayan ng siyensya. Gayunpaman, si Newton ay naniniwala na ang mga Tagapaglikha ng mga lupa at kalawakan ay iisa, at dahil dito, maipapaliwanag ito ng parehong batayan din. Sinabi niya:
Itong napakaganda at kamangha-manghang sistema ng araw (sun), mga planeta, at mga kometa ay maaari lamang na magmula sa iisang Nilalang na walang hihigit pa sa lakas, talino, at kapangyarihan. Isa itong Nilalang na sumasaklaw sa lahat ng mga bagay-bagay, hindi bilang kaluluwa ng mundo, subali’t bilang Panginoon ng lahat, at dahil ng Kanyang kapangyarihan, marapat lamang na tawagin Siya na Panginoong Diyos, Makapangyarihang Tagapaglikha at May-ari ng Sansinukob.
Tunay na napakaliwanag, sa libu-libong mga siyentipikong nanaliksik sa larangan ng Pisika, Matematika, at Astronomiya maging mula noon sa panahon ng “Middle Ages” hanggang sa kasalukuyang panahon, ang lahat ay sumasang-ayon sa ideya na ang daigdig at sanlibutan ay ginawa sa iisang Taga-Paglikha, at lahat ng kanilang mga panananaliksik ay laging natatapos sa konklusyong ito. Si Johannes Kepler, ang nagpasimula ng “Physical Astronomy,” ay nagpatunay ng kanyang matatag na paniniwala sa Diyos at ito’y nasulat sa isa sa kanyang mga aklat, sinabi niya:
At dahil kaming mga astronomo ay mula sa kaparian ng Kataas-taasang Diyos, ayon na rin sa pagsasaalang-alang namin sa aklat na likas, marapat lamang sa amin na maging maiingat na mapag-isip, hindi nang para sa kaluwalhatian ng aming isipan, ngunit sa halip at higit sa lahat, nang para sa kaluwalhatian at ikaluluwalhati ng Diyos. (Dan Greyb, siyentipiko ng Faith,. 51)
Ang dakilang “physicist” na si William Thompson (Lord Kelvin), na siyang nagtatag ng termodinamika (“Thermodynamics”) sa isang pormal na batayang pang-agham, ay ang isang Kristiyano na naniniwala sa Diyos. Marubdob ang pagtutol niya sa teorya ng ebolusyon ni Darwin at lubos niyang tinanggihan ito. Noong 1903, bago ang kanyang kamatayan, siya ay nakagawa ng isang maliwanag na pahayag na, "Sa patungkol sa pinagmulan ng buhay, ang siyensya....ay positibong nagpapatotoo sa isang “malikhaing kapangyarihan.” (David Darling, Malalim Time, Delacorte Press, 1,989, New York.)
Isa sa mga profesor ng Pisika sa Oxford University, si Robert Mattheus, ay nagpahayag rin ng parehong katotohanan sa kanyang aklat na inilathala noong 1992, kung saan siya ay nagpapaliwanag na ang “DNA molecules” ay walang makalilikha kundi ang Diyos lamang. Ipinahayag ni Mattheus na ang lahat ng mga yugto ng buhay ay nagmula sa isang perpektong kaparaan (“perfect harmony”) - mula sa isang “cell” hanggang sa buhay ng isang sanggol, at ito’y magiging isang bata, at sa wakas ay aabot sa “adolescence” (pagbibinata/pagdadalaga). Lahat ng mga ganitong kaganapan ay maaari lamang maipaliwanag sa pamamagitan ng isang himala, gaya na rin ng sa maraming yugto sa “Biology.”
Itinatanong ni Mattheus kung paanong ang tulad ng isang perpektong at kumplikadong organismo ay maaaring sumulpot mula sa isang simple at maliit na “cell” lamang at kung paano ang TAO, isang kamangha-manghang nilalang, ay nalikha mula sa isang “cell” kahit na mas maliit pa ito kaysa sa ang tuldok sa letrang na “i.” Walang tanging paliwanag dito kundi isang himala ng Diyos. (Robert Matthews, Unravelling ang Mind ng Diyos, London Bridge, Hulyo, 1995, p.8)
Ang iba pang mga siyentipiko (at ang kanilang mga kontribusyon sa siyensya) na tumanggap at umayon na ang sanlibutan ay ginawa ng iisang Taga-Paglikha ay ang mga sumusunod:
Robert Boyle (Ama ng Makabagong Kimika)
Iona William Petty (Kilala sa pag-aaral sa Estadistika at Makabagong Ekonomiya)
Michael Faraday (Isa sa pinakadakilang “physicist”)
Gregory Mendel (Ama ng Genetika; binuwag niya ang Darwinismo sa kanyang mga natuklasan sa agham ng Genetika)
Louis Pasteur (Ang pinakamalaking pangalan sa agham ng “Bacteriology” at mismong nagdeklara ng pakikidigma laban sa Darwinismo)
John Dalton (Ama ng “Teorya ng Atomiko”)
Blaise Pascal (Isa sa mga pinakamahalagang Matematiko)
John Ray (Ang pinakamahalagang pangalang Briton sa “Natural History”)
Nicolaus Steno (Isang sikat na “stratiographer” na nag-imbestiga ng “earth layers”)
Carolus Linnaeus (Ama ng “Biological Classification”)
Georges Cuvier (Ang nagpasimulo ng “Comparative Anatomy”)
Mateo Maury (Ang nagpasimula ng Oseanograpiya)
Thomas Anderson (Nanguna sa larangan ng “Organikong Kimika”)